0

Lara’s revenge Chapter 7


Report

Tatlong araw na ang lumipas mula ng makabalik siya ng maynila. Nakahiga siya sa kama habang nakikinig ng music ng gumagalaw ang celphone gawa sa vibration nito nasa kanyang harapan. Kinuha niya iyon at tumambad ang pangalan ni Marco sa screen. Mula ng umalis siya ng cebu ay panay text ito at hingi ng sorry sa ginawa ni Monica.
Napangiti siya sa mensahi nito, nasa manila na raw ito at inaya siyang makipag kita.
Napangiti siya dahil naramdaman niyang nahuhumaling ito sa kanya. Gayon paman inisip niya na wag maging kampante dahil mukhang magaling makipag laro ang binata magaling magpanggap na hindi siya nito kilala.
Nagpa hard to get effect siya. Nag dahilan siya rito saka nalang magpakita kapag mawala na ang sama ng loob niya sa ginawa ng nobya nito.
“ Mahuhulog karin sa bitag ko” bulong niya sasarili bumangon siya at humarap sa salamin kung gaano naba talaga kalaki ang pag babago niya upang hindi ma mukhaan ng binata.
Well, napakalaki naman talaga ng pagbabago niya mula ng ampunin siya ng ginang. Ang payat niyang mukha ay nagkalaman ang makapal at wala sa ayos na kilay ngayon ay naporma na ang maikli na pilik mata ngayon ay humaba dahil sa dinagdag ng bakla na pinag dalhan ng ginang sa kilalang parlor. Napatingin siya sa kulay niya maputi siya noon pero lalo siyang pumuti ngayon dati galisin siya ngayon ay kuminis ang balat niya dahil sa mga mamahalin skin care na gamit niya. Nong makita siya ng groupo ng binata ay naka loose t-shirt siya napaka dugyot niya ng araw na iyon. Ngayon nag bago na pati ang pananamit niya at galaw niya lalo na kapag kaharap niya ang binata.
Nahaplos niya ang abuhin buhok” Kung totoo man hindi niya ako kilala, mas mabuti ng ganon ng hindi ako mahihirapan sa pag hihiganti ko” sa isip niya
Sinuri ng mga mata ni Marco ang hawak na gawang desenyo na bahay. Isa sikat na Archetic sa kanilang syudad ang binata, isa sa client niya ang ginang.
Kahit anong pilit niyang pag-susuri rito, hindi mawaksi sa kanyang isipan ang dalagang si Lara dahil sa kakaiba nitong angkin gandang taglay ay lagi na itong laman ng isip niya. Mula ng makabalik siya ng maynila ay inaya niya itong kumain sa labas ngunit tinanggihan siya nito dahil sa masama pa ang loob nito kay Monica kaylangan ipaliwanag niya rito na wala silang relation ni Monica.
Kinuha niya ang celphone para ayain itong muli makipag kita sa kanya.
Nag simula na siyang mag type ng bigla bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok ang secretary.
” Sir, andiyan po si Mrs Montalbon” pukaw nito sa kanya.
Napakunot noo siya pag kuwan ay saka niya na alala ang hawak niyang plano ng bahay na ipapatayo nito” papasukin mo” utos niya rito at nilapag niya ang celphone sa ibabaw ng mesa.
Lumabas ang secretary para tawagin si Mrs Montalbon.
” Kumusta Marco” bungad ng ginang.
napa upo siya ng tuwid ng makita ang dalaga kasunod ng ginang na pumasok sa kanyang office. Ang babaeng kanina pa laman ng isipan niya.
“Lara, how are you?” Abot tainga ang kanyang ngiti.
Lalo siyang nahuhumaling sa angkin nitong ganda naka sout ng dress lagpas tuhod ang haba medyo kita ang clevage sa style nito.
” Magka kilala kayo?” kunot-noo tanong ni Mrs Montalbon.
Nakangiti siyang tumango rito.
” Hija, alam mo ba itong si Marco ay isang sikat na Architect sa lugar na ito sa kanya ako nag papagawa ng desinyo ko sa bago kung pinapatayo na bahay” pag mamalaki ng ginang Sa kanya.
” Mrs, Montalbon ipag paalam ko sana ang dalaga mo kumain sa labas” saad niya sa ginang na tila hindi narinig ang pag mamalaki sa kanya.
” Kung gusto ni Lara lumabas kasama ka, walang problema sa akin”
Tumingin ang ginang sa kanya,” Okay lang ba iyon sa iyo hija?” nakangiti nitong tanong.
“Pag isipan ko muna” maikli niyang tugon rito.
Nag paalam ang ginang kay Marco matapos mapag usapan ang sadya nito sa binata.
Kasunod siyang lumabas.
” Lara?”
natigil siya sa paglalakad at nilingon ito.
Muli siyang lumingon sa ginang.
” Sandali lang tita” paalam niya sa ginang saka sinara niya ang pinto at naglakad pabalik sa binata.
Yumuko siya nilapit ang kanyang mukha rito.
” Yan bang pakay mo sa akin ay totoo? Dahil kung yan ay para lang maka escor ka sa akin ay, wag mo nalang ituloy dahil hindi ako nag aaksaya ng oras” nilapit niya ang bibig sa bibig nito na tila ba nanunukso.
Amoy niya ang mabango nitong hininga sa subra nilang lapit. Hindi niya makuhang ma appreciate ang guwapong hugis ng mukha nito dahil sa kaibuturan ng puso niya andon ang galit sa kahayupan ginawa nito sa kanya. Pero kinakailangan niyang e relax ang sarili.
” A-akyat ako nanligaw sayo Lara, at seryuso ako roon” seriousong saad ng binata sa kanya.
Tumayo siya ng tuwid saka nginitian niya ito ” Mamayang gabi lalabas tayo” agad niya itong tinalikuran at tinungo ang pinto.
Matagal nang nakaalis ang dalaga sa kanyang harapan, pero amoy na amoy niya parin ang...


pabango nito. Ang mapupula nitong heart shapes ng lips. Kaysarap kagat kagatin.
“ Whats up!”
Napaigtad siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto at niluwa mula roon ang magkaibigan sina Mike at Anton.
“ Bakit ka tulala?” tanong ni Anton nag lakad palapit sa kanya.
“ I think I’m inlove”
“ Wow! Ngayon kapa na inlove kay Monica?” sabad ni Mike
“ I’ts not Monica” muli niyang tinuon ang mata sa drawing na kanina pa niya hawak hawak.
“ Lara pare, napa kaganda niya”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
“ Sino naman yang Lara?” curious na tanong ni Mike
“ Nakilala ko siya sa Cebu, she’s so beautiful, katawan palang ulam na” biro niya sa dalawang kaibigan.
“ Sus, baka katawan lang ang maganda” kuntra ni Anton.
“ Not only her body. Pag makita mo siya, para kang nakikipag usap kay Sue Ramirez sa liit ng kanyang mukha” pag de-describe niya rito.
“ Wow, excitied tuloy akong makilala siya.” anang Anton kinuha ang hawak niyang drawing at sinuri ito.
Nakaharap siya sa malaking salamin tinignan ang kanyang sarili. Nag lagay siya ng lipstick at nag lagay ng perfume sa likod ng kanyang tainga ng marinig niya ang humintong sasakyan sa harap ng gate. Sumilip siya sa bintana na tanaw niya ang itim na sasakyan at bumaba roon si Marco.
Muli siyang humarap sa salamin, saka nginitian ang sarili mula sa reflection.” Galingan mo”
Saka siya bumaba ng hagdanan.
Nasa ikalawang palapag pa siya ng matanaw si Marco kapapasok lang nito at huminto sa may pintuan ng makita siya.
Nag salubong ang kanilang tingin. Sinuri ng mata niya ang kabuohan ng binata habang nakipag titigan siya rito. Matangkad at matipuno at guwapo. Napa ngiwi siya” guwapo nga but deadly” sa isip niya.
Binigay niya rito ang kanyang killer smile. At dahan dahan bumaba.
“ Oh Lara, andiyan kana pala” puna sa kanya ng ginang kagagaling lang nito sa kusina.
“ Magandang gabi po Mrs Montalbon” ani Marco sa baritunong boses.
“ Hi” aniya ng tuluyan makalapit sa binata at hinawakan niya ang baba nito.
“ Isara mo para kasing malaglag” nakingiti niyang sabi rito
“ I-I am sorry, nakakatulala kasi ang ganda mo”
Nginitian niya lamang ito bilang pag tugon sa sinabi nito.
“ Have fun!” pahabol sa kanila ng ginang ng alalayan siya ng binata palabas ng bahay.
Dinala siya nito sa isang kilalang kainan.
Habang hinantay nila ang kanilang order hindi maiwasan ng binatang purihin siya”Alam mo ba mula ng magkita tayo hindi kana na alis sa isipan ko?” lumamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Napakunot noo siyang nakatingin rito.” nagulo kuna ba ang buhay mo? hindi ba masyadong napaka aga para niyan?” nakangiti niyang biro rito.
“ Oo, ni hindi na ako makapag trabaho ng maayos, kasi gusto kita” walang alinlangan nitong sabi.
“ Gusto? gusto para sa pisikal na pangangailangan” sa isip niya.
muli nanumbalik sa kanyang alaala ang mapait na karanasan na pinaranas nito at ang mga kaibigan.
“ Are you okay?” alalang tanong nito ng mapansin ang pag iba ng kanyang reaction.
“ Y-yes I’m okay” pilit siyang ngumiti rito upang hindi nito mapansin ang galit naramdaman niya.
Matapos nilang kumain ay nag palakadlakad sila sa labas ng kainan i-nenjoy ang ambiance ng kapaligiran.
“ Lara, matagal kana ba kay ginang Rosario?” huminto ito sa pag lalakad at humarap sa kanya.
“ Bago lang kasi ako dumating dati kasi ako nakatira sa isa namin kamag-anak” pangatwiran niya.
“ Nasaan ang mga magulang mo?” napangiwi siya sa tanong nito.
“ W-wala na kasi akong mga magulang” pag sinunggaling niya rito.
Saka humakbang siya, para makaiwas sa mga tanong nito. Nayapos niya ang sarili ng makaramdam ng ginaw mula sa lamig ng simoy ng hangin.
Hinubad ng binata ang sout nitong Jacket at pinatong sa balikat niya” S-salamat”
Matapos nilang mag ikot-ikot ay nagpahatid na siya rito sa bahay.
Inalalayan siya nitong makababa ng kotse ng marating ang bahay ng ginang.
“ Lara salamat ha pumayag kang lumabas ngayon gabi” Saka ngumiti ito na lumitaw ang mapuputi at pantay nitong ipin. Bahagya nitong hinawi ang buhok nasa noo nito.
” Don’t mention it. Paano pasok na ako” paalam niya nginitian niya muna ito bago siya tumalikod.
“ Lara yong sinabi ko sayo, na gusto kita I meant it”
Napatigil siya sa paglakad at nilingon niya itong muli sumandal ito sa kotse.
Humakbang siya palapit rito.
“ Paano si Monica?”
“ Hindi naman kami mag syuta ni Monica, kaibigan lang kami” paliwanag nito
“ Baka papaiyakin mo lang ako” aniya sa mahinang boses na nilapit ang mukha rito.
Parang gusto nang mawala sa katinuan ni Marco sa subrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Ilang gabi na itong laman ng isipan niya. Gustong gustong halikan ang mapupula nitong labi.
“ Hindi naman kita lulukuhin. I-nlove nanga ako sayo” naibigkas nito.
Nginitian niya ito ng ubod tamis. Lalo pa niyang nilapit ang labi sa labi nito na animo’y hahalikan niya.
“ Good night” malambing niyang sabi saka humakbang papasok sa loob ng bahay.
Natigilan si Marco sa ginawa ng dalaga nabitin sa ere ang akala niyang hahalikan na siya nito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.