0

Labs kita part 1


Report

This is a story of me and my bestfriend. Wayback 2009 i was an engineering student galing sa isang prominenteng eskwelahan. Isang typical na college student lang ako. Sakto lang itsura ko mejo gwapo na din. Masayahin puro gala laging nasa mall para magpalamig kasama mga tropa. Then one time nung nasa mall ako this is the first time na nasecond look ako sa isang babae and i think first year din sya kagaya ko at same kami ng school since pareho kaming naka p.e. Talagang nalove at first sight ako sa kanya at hindi ko maintindihan ang kabig ng dibdib ko at sinabi ko sa sarili ko na gusto kong makilala sya. Then next day kinausap ko yung mga tropa ko para hanapin sya sa campus. Ayun nga nag search for “mj” kami. MJ nga pala nickname nya at mejo hawig nya yung artistang si erika sawajiri. So ayun na nga one week mission din yun....


Lahat ng mga kakilala ko pinagtanungan ko then nalaman ko number nya at tinext ko agad sya. Approchable sya kahit di nya ako kilala eh nagreply sya. Sobrang saya ko that time. And take note magkalaput lang pala bahay namin siguro 3kms away lang. Then eto na napagkasunduan namin na sabay kami pumasok since kapag 1st year ka 7:30am pasok mo. Mejo kinakabahan ako kasi torpe nga ako at mahina ang loob pagdating sa babae. Then ayun na nga nagkita kami sa jeep. Na stan ako sa kanya at hindi ako nakapag salita nag hi sya sakin at ngumiti lang ako kasi di ko alam gagawin ko. Then eto na babaan na sa jeep. At nagmadali ako bumaba kasi nga mejo di ako makahinga then habang naglalakad ako papalayo hinabol nya ako at tinapik sa likod. Pag lingon ko sa kanya ngumiti sya at nakipag shake hands. At dun nafsimula ang istorya naming dalawa.

To be continued…

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.