2

KUNG MAHAL MO HINDI MO RAW DAPAT SUKUAN


Report

KUNG MAHAL MO HINDI MO RAW DAPAT SUKUAN
Ang salitang yan ay hindi mo dapat paniwalaan dahil nakakapagod magtiis at mag-isang lumaban. Hindi lahat ng bagay ay tama pang ipanalo kung yung pinaglalaban mo na mismo ang sumuko. Hindi lahat puwedeng idaan sa ganyan salita lalo na kung yung pagmamahal niya dati hindi mo na makita. Mali na kung ipagpapatuloy mo pa, kahit alam mong nararamdaman niya sayo’y wala na.
Hindi mo kasalanan kung bigla kang napabitaw. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo siya ‘tong unang umayaw. Napagod ka lang magmahal dahil wala ka ng natatanggap pabalik. Tandaan hindi puwedeng sa isang relasyon ikaw lang ‘tong nasasabik. Hindi ka duwag gaya...


ng isang sundalo dahil may mga gera talaga na kay hirap ipanalo. Sa pagiibigan ng dalawang mga puso hindi puwedeng paa mo lamang ang nakapako.
Kaya laging mong isaisip na wala kang kasalanan, kung ginawa mo na ang lahat wala kang dapat panghinayangan. Binibini, ginoo hindi kasalanan ang mapasuko at ang minsang sa paghahabol ay mapahinto.
Kung mahal mo hindi mo raw dapat sukuan Hanggang kailan ka kakapit sa salitang ‘yan?
Kung hindi na ikaw ang kailangan dapat pa bang ipaglaban? Tanong na maaring kay hirap sagutin. Ngunit sarili mo rin ay minsan mong isipin. ‘Wag mong ipagpilitan ang sarili mo, masakit pero bumitaw ka na kung hindi talaga para sa’yo.


2 Comments

  1. minsan lang maging Tanga Ang taong nagmamahal. kaya kpag nauntog yan. Wala kana kaya wag masyadong mayabang. napakarami dyn iba. okey

  2. gagi minsan lang maging Tanga Ang tao kapag nagmahal. kaya kapag umayaw na yan Wala na. wag masyadong mayabang sa sarili okey

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.