0

KILL OR TREAT?


Report

Warning: [disturbing scene. Read at your own risk.]
Mag ha-halloween na, nagkakanda ugaga na ang mga tao sa amin sa pagcost-play ng mga cartoon characters, may ilan na nagmala spiderman, sleeping beauty, mga aswang, bampira at iba pa.
Pati ang bahay namin, napuno na rin ng mga fake spider webs bilang disenyo sa bahay. Pagpatak nang alas siyete ng gabi, may mga musmus na magsisikatukan sa mga kabahayan para mang trick or treat, nakakamangha ang mga costumes nila, nag e-enjoy ako.
Hanggang ang sayang nararamdaman ko, ay siyang tatapos sa buhay ko.
“Kill or treat?” unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko pagbukas ko ng pinto, may limang bata na nakasuot ng costumes, costumes na hindi ko mawari, yung isa sa kanila ay may hawak na itak, may tumutulo pang dugo run, napalunok ako.
Alanganin akong ngumiti sa kanila at binigyan ng sampung chocolates.
“Sampu lang?” walang ka emo-emosyong ani ng isa sa kanila, napalunok ako.
“I saw you gave a full hand of candies to that kid,” tinuro niya yung batang binigyan ko ng maraming chocolates, kinantahan kasi ako at nacute-an ako sa batang ʼyun.
“A-Ah eh, sige ito nalang.” binigay ko sa kanila ang isang pack ng imported na chocolates.
Ngumisi yung bata sa akin, umiling iling ito.
“You didnʼt answer our question.” sambat ng isang bata, nalilito ako sa kanilang lima.
“Ha?” nagtatakang tanong ko.
Ngumisi silang lima, halos kilabutan ako sa ngising ibinigay nila.
“Kill. Or. Treat?” sabay-sabay nilang tanong, may diin ang bawat salita. Nanlaki ang mata ko, isasara ko na sana ang pinto ng hinarang ng bata ang dala nitong itak. Dali dali akong pumasok, naramdaman ko ang pagpasok nila at pagsara ng pinto.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, halos nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa buong katawang nang narinig ko ang boses nung batang babae na tumatawa, ume-echo ang tawa niya sa buong bahay.
Dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kama ko, napapikit ako ng mariin. Mga bata...


lang sila pero bakit natatakot ako?
Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at mariing pumikit at nagdasal.
“Hail, Mary, full of grace, the Lord is with thee.
Blessed art thou amongst women
and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.
Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners,
now and at the hour of our death. Amen.” dahan-dahan kong dinilat ang mata ko, pero halos takasan ako ng dugo nang nakita ko ang batang babae sa tabi ko, nakadapa rin at nakapikit, mapaglarong nagdadasal, ginagaya ang ginawa ko.
“Ahhhhhhh!” takot na sigaw ko, tumawa lamang ito na parang baliw, itinulak ko ang bata palabas sa ilalim ng kama, bago ako makatayo ay hinila na niya ang buhok ko. Nanginginig na inabot ko rin ang buhok niya at hinila, ngunit may matigas na bagay ang naramdaman kong inihampas sa noo ko.
Bumagsak ang katawan ko sa sahig, naramdaman ko ang maliit na paa na pumatong sa may bandang tiyan ko, may matulis rin na bagay sa noo ko na dahan-dahang gumapang pababa sa dibdib ko.
Mabilis ang paghinga ko at halos tawagin ko na ang lahat ng santo, nanlaki ang mata ko nang naramdaman ko ang pagtusok ng matulis na bagay sa dibdib ko.
Napadilat ako, at tumambad sa akin ang limang bata na nag-aabang sa labas ng bahay, nakangiti at nakalahad ang kanilang mga kamay.
“Trick or treat!” masiglang tanong nila, dali-dali kong isinara ang pinto at napahawak sa dibdib ko.
“WHAT THE HELL WAS THAT?” kinakabahang tanong ko sa sarili ko.
Muli kong sinilip ang labas gamit ang maliit na bilog na butas sa pinto, wala na ang limang mga bata kaya naman napahinga ako ng maluwag.
Ngunit nang humarap ako, tumambad sa akin ang ngisi ng mga bata, sumisigaw ng katatakutan ang kanilang mga mata.
“KILL OR TREAT?” sabay-sabay nilang tanong na halos magpawala ng bait ko.
_______________________
plagiarism is a crime
work of fiction | free for criticism
words by: kacialydia ackerman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.