5

Kasal kasalan lang noon, pakakasalan na ako ngaun!

Hi. Just wanna share my story to you guys!! Ito po ay Real Story..

Kami po ay magkababata. Family Friend, pinsan nya ung pinsan ko pro magkabilaang side. In short di kami magkamag anak. Magkalaro po kami nung bata pa kami . Kami ung pinaglalaruan ng mga ate at kuya namin kasi kami ang pinaka bata. Haha. Nilaruan nila kami kasal kasalan ako ang Bride at sya naman ang Groom. Wala kami kaalam alam nun kasi bata pa kami alam namin naglalaro lang kami. Un pla kami na talaga ung pinag papartner ng mga ate at kuya namin. Haha. 7yrs old. ako dinala kami ni Mama dto sa Manila dahil dto sya nag ttrabaho. Sobrang tagal ng panahon na di kami nagkita pro di pa din namin nakakalimutan ang isa’t isa na magkaibigan kami, magkababata at magkalaro. Lumipas ang maraming taon hanggang sa tumanda na kami..

Year 2012 when I was 2ndyr College. Biglang may nag text saken. Nagpakilalang Jun Pyo. Hahahaha! Kala ko kung sino. Pagttripan pa nya ako. Nung sinungitan ko sya di din nakatiis, nagpakilala din sya. Haha! Gulat ako, di ko alam kung ano mararamdaman ko. That time commited kami pareho. Same with other relationship. Hanggang sa tuloy2 kami nag text ng nag text. Kahit may bf at gf kami mas lagi pa namin katext ang isa’t isa. Hahaha! That time nandto na din sya sa Manila dto sya nag work. Pro ndi pa din kami nagkikita ulet mula nung naghiwalay kami nung mga bata pa kami. Hahaha!

Year 2013 when I was 3rdyr college. Still texting.. Gang sa nagbakasyon kami ng family sa Zambales. Magka chat at text na din kami nun. So inshort nagkita kami doon. Nung nakita ko sya nung time na un prang wla lang . Wala ako naramdaman kasi di ko naman sya gusto nun at nandun pa ako sa point na gusto ko ienjoy college life ko gala, fling2 at datings. Haha.. Napadalas ung pag uwi namin doon . Hanggang sa di nagtagal unti2 ako na fall sakanya. Then sinabi ko sakanya kung ano nararamdaman ko. Wala ng pabebe pabebe basta sabi ko di nya kaylangan tumbasan kung ano nararamdaman ko sakanya basta sinabi ko lang kung ano nararamdaman ko sakanya. Hahaha. Parehas kami broken ng mga time na un. Nakipag break ako sa jowa ko at sya iniwan sya ng jowa nya. Then 1day sinabi nya saken na mahal na din daw nya ako. Syempre si Ate Girl umasa. Lumipas ang mga linggo bigla nlng sya umiwas saken sabi nya gusto nya daw ng space. Hahaha. Ang tindi dba wala pang kami nanghingi agad ng space. So pinagbigyan ko sya sino ba naman ako dba ee wala namang kami. Hahaha. Hanggang sa di na kami nagkaka text at chat. 6months wlang communication . Nag jowa ako ng iba kahit di ko gusto makalimot lang sakanya. Haha.

Year 2014 I was 4thyr College. Gagraduate...


na ako. Malapit na graduation bigla sya nag chat saken. Hahahaha. “congrats!”. Di ko alam kung ano isasagot ko. Ambilis ng tibok ng puso ko. Haha. Sabi ko sa sarili ko “Oooppss… Ndi mo na sya mahal”. Nireplayan ko sya. Sabi ko salamat. Tas hiningi nya Number ko kasi nagpalit ako ng sim nung nanghingi sya space. Hahaha. Ee wala marupok ako so binigay ko Globe ko sabi ko ndi nko TNT nag Globe na ako. Sabi nya okay lang bibili daw sya ng Globe. Gabi na nun pro bumili pa sya sim pra lang magtext. Hahaha. Nagka text nanaman kami tuloy2 nanaman. Pro lagi ko kinakausap sarili ko na “tama na. Moveon kna di mo na sya mahal wag kna umasa”. Hahaha. That time sabi ng parents ko doon kami mag ccelebrate ng Graduation Party ko sa Zambales. So meaning nagkita kami doon. Hahaha. Pagdating namin doon ndi pa kami nagkikita agad kinakausap ko nanaman sarili ko na pag nagkita kami ndi ako dpat kiligin. Hahaha.

So ito naaaaa… Nung nagkita na kamiiii.. sheetttt… Ambilis ng tibok ng puso ko. Napapamura nlng talaga ako na sheeeetttttt… Mahal ko pa talaga sya…. After ng Graduation Party ko, gabi nun kinausap nya ako nanghingi sya ng chance. Nag sorry sya sa ginawa nya. Hinalikan nya ako bigla. Hahaha. Ang rupok ko. Di ko alam bigla ako nanglambot na prang nakoryente . Hahaha. Wala nangyare samin ha! Hahaha. Pro nag iloveyou sya di ko alam bat nag iloveyoutoo din ako. Hahaha. Pro ndi pa kami nun.

Umuwi kami ng Manila. Pag uwi namin magkatext pa din kami . Prang mag jowa na . Iloveyou , bawal un bawal yan. Hahaha. Sabi nya hintayin ko daw sya. Then sabi ko Go. Hanggang sa ilang months na. Prang nawiwirduhan na ako at baka paasahin lang nanaman ako.

June 22,2014 sinabihan ko na sya dahil di na ako nakatiis. Natatakot na kasi ako ayoko na umasa at masaktan nanaman . Sabi ko ayoko na ng ganito na prang tau pro ndi naman . Walang title at baka anytime pde mo nanaman ako iwan sa ere. Sabi ko ayoko na masaktan. Sabi ko gusto ko tayo na ngaung araw na to. Kung ayaw mo , ayoko na din. Tama na kasi wlang patutunguhan to baka umasa lang nanaman ako. Hahaha. Gulat ako bigla nya sinabi na “Mahal kita ayaw na kita mawala saken , Oo sge tayo na”. Hahahahaha. Inshort sya sumagot saken at hanggang ngaun pinagmamalaki nya un. Hahaha.. ako daw nanligaw.. hahaha..

To make the story short at masyado na mahaba. Hahaha. Dumaan ang mga taon 6yrs and 7months na kami. At ikakasal na kami this coming May 1,2021 🥰🥰

Hahaha! Salamat sa nagbasa… Sobrang haba na ee . Pinutol ko na mas mahaba pa sana to. Haha. Comment kau kung gusto nyo pa malaman kung ano nangyare sa loob ng 6yrs. Hahaha. Thankssss.. Lets Spread Love!!!

5 Comments

  1. hahaha na patawa mo ako sa lovelife mo… impermis kinilig din ako sa story mo sana all god bless

  2. congrats,,,wish you the best to your coming wedding, para cgurong telenovela ung love story nyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *