20

Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER ELEVEN.

Report

ALAS SINGKO ng hapon ay nagpasya na silang umuwi.Ngunit habang binabaybay ng sasakyan ang pauwi ay biglang bumuhos ang napakalakas ng ulan kaya naging pahirapan ang pagpapaneho ni pablo at ang matindi ay nasiraan pa sila ng makena.
“Anong nangyari?”Tanong niya kay pablo pagkabalik nito galing sa harapang makina na tiningnan nito.Basang-basa ang binata sa ulan kaya inabutan niya ito ng kanyang dalang towel.
“Salamat.Sira yong makina hindi aandar ito”
“Anong gagawin natin ngayon.Ang lakas ng ulan at mukhang matagal bago tumila.”
“Palagay ko nga rin.”
Natahimik sila ng ilang minuto.
“Tara may pupuntahan tayo”ani pablo.
“Saan naman tayo pupunta?.Hindi ba delikado?ang lakas ng ulan at medyo madilim narin baka may mabangis na hayop diyan”
“Just trust me.Hindi ka maaano”
Wala na siyang nagawa ng bumababa si pablo sa sasakyan at umikot sa kong saan siya banda nakaupo at binuksan ang pinto.Nilagay nito ang towel sa kanyang ulo at inalalayan siyang bumaba.
“Yong mga gamit”aniya
“Pabayaan mo na iyan balikan nalang natin bukas.”
Sabay silang tumakbo kong saan.Sumusunod lang siya kay pablo dahil hindi niya naman alam kong saan sila pupunta.Ilang sandali lang ay naaninag siyang isang bahay na gawa sa kawayan sa di kalayuan at mukhang doon sila tutungo.
“Saglit lang bubuksan ko ang pinto”
“A-anong g-gagawin natin d-dito?”Tanong niya.
Hindi niya maiwasang mautal dahil may biglang pumasok sa kanyang isipan galing sa nabasa niyang isang kwento. kong saan yong lalaki at babaeng bida doon ay nagtungo sa ganitong kubo dahil rin sa malakas na ulan at habang sumisilong ang mga ito ay may nangyaring milagro.
‘L* ka Mixxel,Wag kang green.’Pagalit niya sa sarili.
“Dito na muna tayo sumilong.Delikado kapag doon tayo sa sasakayan dahil baka may biglang bumagsak na bunga ng niyog sa bubungan ng sasakyan o kaya may matumbang puno…Tara pasok na tayo”Anito.
May sinindihan itong lampara.Sumunod siya rito sa loob.Pagkapasok ay Tumambad sa kanya ang maayos at masinop na kabuuan niyon.
“Wow ganda ha.Bahay mo ito?”
“Hindi.pahingahan lang ito ng mga trabador dito”
“Ahh”
Naglakad ito papunta sa isang baul at binuksan ito at may kinuha itong kung ano doon.
“Magpalit ka muna.Basang basa ka.Pagpasensiyahan mo na ang damit kong ito, pero wag kang mag-alala malinis naman iyan”Anito sabay abot ng isang malaking itim na t-shirt.
Walang pagdadalawang -isip na inabot niya iyon.Hindi siya pwedeng mag-inarte dahil kailangan niya talaga ang damit dahil basang-basa nga talaga siya ng ulan.
“Salamat..Paano ka?”
“Wag kang mag-alala sakin may isa pang damit doon.iyon ang susuotin ko”
“Okay.”
“Lalabas ako,magbihis kana”Anito at naglakad palabas at sinarado ang pinto.Agad din naman siyang nagbihis pagkatapos ay tinawag na si pablo para ito naman ang makapagbihis.
“INAANTOK Kana?”Tanong niya sa dalaga.Isang oras na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay malakas parin ang buhos ng ulan sa labas ng kubo.
“Medyo.Ikaw ba?”
“Hindi pa naman.matulog ka lang babantayan kita”Aniya.
Nasa isang maliit na kwarto sila sa loob ng kubo at nakaupo sa papag.Biglang kumulog ng malakas at nagulat siya ng sumigaw ang dalaga at kumapit sa braso niya.
“Okay ka lang ba?”
“Takot ako sa kulog”
Lihim siyang natawa.Akalaan mo iyon ang masungit na babae ay takot pala sa isang simpleng kulog.
“Wag kang matakot di ka naman aanuhin niyan”
“Hindi kaya tayo aabutin ng kidlat dito sa loob?”
“Hindi yan”
“Sigurado ka?”
“Oo.Kaya...


matulog ka nalang”
“S-sige”Anito sabay higa sa papag.
Ngunit pagkalibas ng sampong minuto ay nagsalita ulit ang dalaga.
“Pablo”
“Hmmm?”
“Ano ang first Expression mo sakin?”
“Ha?bakit mo natanong?”
“Basta sagutin mo nalang”
“Yong totoo?”
“Malamang yong totoo.Bakit may balak ka bang magsinungaling?”
Natawa siya.”Wala naman.Pero yong totoo,Nairita ako sayo noon”
“Bakit naman?”
“Sino ba naman kasi ang hindi mairita sayo.Eh parang machine gun ang bunganga mo kakaputak at kong ano-ano lang sinasabi mong di maganda sakin”
“Sobrang nakakairita ba talaga ako?”
“Oo.medyo.”
“Oo?.Medyo?.ang labo ng sagot mo ha”
“Basta iyon na ang sagot ko.Sige na matulog ka na.Babantayan kita hanggang makatulog ka”
“Sige na nga.Goodnight pablo”
“Goodnight Mixxel”
Gaya ng kanyang sinabi dito ay Binantayan niya nga ang dalaga hanggang makatulog ito.Nang nahihimbing na ito ay malayang niyang napagmasdan ang magandang mukha nito sa tulong ng lampara.
Noong unang kita niya palang talaga dito ay nagandahan na siya sa dalaga iyon nga lang ay ang ugali nito ang problema dahil napakasungit.Napapailing na nga lang siya kapag naaalala ang unang encounter nila.Yoong sinundo nila ni ben ito sa airport.Wala kasi itong tigil sa pagbubunganga at kong ano-ano ang sinasabi na binaliwala niya lang noong araw na iyon dahil ayaw niyang patulan ito.
“Mukha kang angel kapag tulog”Aniya dito na siya lang naman ang nakakarinig.
KINAUMAGAHAN,Pagdilat ng kanyang mga mata ay nanibago siya sa kapaligirang kinaroroonan niya.Ngunit ng maalala ang nangyari noong hapon ay napabunga nalang siya ng hangin.Nandoon pala sila dahil sa malakas na ulan.
Napalingon siya sa maliit na bintana sa kanyang paanan.May araw na at wala ng bakas ng masamang panahon gaya kahapon.Makakauwi na sila si pablo.
‘Saan si pablo?’
Babangon na sana siya at aalis sa papag para hanapin ang binata ay nagulat siya sa taong nakahiga sa ibaba ng papag.Si pablo.Wala itong kahit anong unan o kumot na gamit di kagaya sa kanya.
Nakaramdam siya ng awa dito.
‘Kagabi pa ba siya ganyan?’
Yumuko siya para gisingin ito ngunit bago niya iyon gawin ay tinitigan niya muna ito.Napangiti siya.
‘Ang gwapo talaga ng lalaking ito.Ang swerte ng girlfriend nito panigurado.Akalain mo gwapo at macho pa,isama pa,na mabait.Tsk!tsk!……Sana ako nalang ang babaeng iyon’ Aniya sa sarili habang nakatitig sa natutulog na binata.
Bigla siyang napatakip ng bibig.Ano iyong sinabi niya?bakit sinabi niya na siya nalang sana iyon?Mygod di kaya may gusto na siya dito?.No….di pwede.Na gwawapuhan lang siya Dito at wala siyang gusto dito.Yon lang iyon.WALA SIYANG GUSTO DITO PERIOD.
“No mixxel.Mygosh No.”Aniya sabay baling dito ulit ng tingin.
Bigla itong dumilat kaya nagkatitigan sila.ilang segundo muna ang lumipas bago nagproseso sa utak niya nangyari .at ng marealize niya kong gaano Nakakailang ang posisyon niya ay nagmamadaling siyang umayos mula sa pagkakayuko kaya lang dahil sa pagmamadali ay nawalan siya ng balanse at nalalag sa papag.
Bumagsak siya sa matipunong Dibdib nito.
“Ohh Mix.Okay ka lang ba?”
Dahan-dahan niyang niyang inangat ang ulo niya mula sa dibdib nito.Nagtama ang mata nila At nakita niya doon ang pag-aalala sa mga mata ng binata.
“Mixxel”
“A-ah O-Oo….pasensiya na”Aniya at agad na umalis sa ibabaw nito.
Bumangon narin ito at nag-ayos ng sarili.Pagkatapos ay lumapit sa may bintana.
“Umaga na pala.Umuwi na tayo siguradong nag-aalala na si tita Zan sayo”
Tumango siya.”O-Oo,mabuti pa nga”


20 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.