0

Kailan ba Tama ang pagibig Chapter 3

Chapter 3 : Concern si Calvin
” Anong ginagawa mo dito ” Ngumiti sa kanya si Calvin.
” Mag isa ka kaya gusto kitang samahan ” Tinarayan niya si Calvin.
” Tigilan mo nga ako sa iba ka nalang mang- asar alam mo kayong mga lalake sa una lang kayo pahumble pero pagnagtagal babaliwalain niyo din kami ” umiling sa kanya si Calvin.
” Hindi lahat nang lalake ganun kaya siguro ganyan ka kasi iniwan ka ” nalungkot si Abby at bahagyang Tumulo ang kanyang mga luha. Ininom niya ang limang beer at nalasing na siya.
” Alam mo yung Ex kung yun wala yung silbi sinaktan niya lang ako after 5 years na pagsasama namin itatapon niya lang nang ganun, payag naman akong pumunta siya sa ibang bansa handa naman akong maghintay kaso ayaw na niya tapos pinagpalit niya pa ako sa State ” tinigil ni Calvin ang kanyang pag iinom at nakaramdam siya nang awa kay Abby . pinunasan niya ang luha nito sa pisngi.
” Tahan na Abby. Ngumiti sa kanya si Abby at humalakhak ito nang tawa.
” Totoo ba yan Concern ka sa akin ” inawat na niya nang pag iinom si Abby.
” Tama na yan ” hindi nagpapigil si Abby sa paginom.
” Ano ba gusto ko pa uminom hayaan mo nalang ako ”
nasa labas na sila nang Bar hingkay na maglakad si Abby habang akay akay siya ni Calvin.
” Wala kayong kwenta mga lalake mga manloloko kayo Whooo, Calvin inom pa tayo ” nakalapit na sila sa Kotse . binuksan niya ang pinto at inakay niya pahiga si Abby ngunit Nahila siya nito at napahiga siya sa Harap nito. Naglapat ang kanilang labi na siyang kinagulat ni Calvin. Marahan niyang Tinaggal ang kanyang labi sa pagkakalapat nito sa labi ni Abby at nagkatinginan silang dalawa.
Nagising nasi Abby nang umagang iyon ay nasa kama na siya. kinapakapa niya ang kama at kumot habang pakurap kurap ang kanyang mga mata nagulat siya nang makapa niya ang tiyan ni Calvin. Hinawakan niya nang hinawakan ito. Paglingon niya ay nagulat siya nang makita niya si Calvin na walang suot na damit .
” Ahhhh ” napasigaw siya at bigla siyang bumangon at Tumayo, takot na takot siya at kinapa kapa niya ang kanyang katawan.
” Anong ginawa mo sa akin” Hindi mapakali si Abby.
Umiling si Calvin
” Wala ” Tumayo siya at kinuha niya ang damit niya mula sa sahig at sinuot niya ito nang makalapit sa pinto si Abby ay pinigilan niya ito.
” Bastos ka, Bastos ka ” nakapikit si Abby.
” Ano ba Abby makinig ka naman sa akin , Alam nang Diyos na wala akong...


ginawa sayo ganyan na ba ang tingin mo sa akin ha ” nalungkot si Calvin. Kumalma si Abby at natahimik siya . nakita niya na nagsasabi sa kanya nang Totoo si Calvin .
” Sige na Umalis kana kung gusto mo ” malungkot siyang lumapit sa kama at umupo siya dito. Malungkot na nakatanaw sa kanya si Abby at marahan siyang lumapit at umupo sa tabi nito. nakatingin siya kay Calvin.
” Sorry, hindi ko sinasadya kaya siguro ganito ako kasi nasaktan ako ” Maamo ang kanyang mukhang lumingon kay Abby.
” Hindi ako ganung lalake bigyan mo ako nang Chance Never kitang lulukuhin ” natahimik siya nang ilang saglit.
” Hindi pa ako, Handa Sorry ” Hinawakan niya ang kamay ni Abby.
” Handa akong maghintay para sayo Abby ” Tumayo si Abby.
” Diba ikakasal kana paano si Diena ” tumayo siya at humarap siya kay Abby.
” Hindi ako pumapayag na ikasal ako sa kanya , Hindi siya ang gusto ko , Ikaw ang gusto ko una palang kitang nakita nagustuhan na kita ” natahimik siya at natulala dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya.
Inihatid niya si Abby. Magkatabi sila sa loob nang kotse at maamo siyang nakatingin kay Abby.
” Ihatid na kita ” ngumiti sa kanya si Abby ngunit may lungkot sa kanyang mata.
” Kaya ko na ‘ Salamat ” kusa siyang lumabas nang Kotse. Nang makalabas siya ay umandar na paalis ang kotse.
Nang makauwi siya sa bahay nila ay sinalubong siya ni Susie sa may sala. magkaharap na sila at nagalala ito sa kanya.
” Anak bakit hindi ka umuwi saan ka galing ”
” Ayos lang ako Nay , Nag overtime kasi ako ” umupo siya sa Coach.
” Ah, Ganun ba sige anak ikukuha lang kita nang Tubig ha ” Tumango sa kanya si Abby at naglakad na paalis si Susie . nagtungo ito sa kusina.
Pag uwi ni Calvin sa Dorm niya ay nagulat siya nang makita ang ina na nakatayo malapit sa kanyang kama.
” Ma, bakit po kayo nandito ” Humarap sa kanya si Susana at marahan itong lumapit sa kanya at nakatingin ito nang Seryoso sa kanya.
” Anak ? Ang laki naman nang bahay natin bakit dito mo gusto tumira ang gabok gabok naman eh ” huminga siya nang malalim.
” Ma, hayaan muna ako ginawa ko naman ang best para sa inyo at pipilit lang ni papa na ipakasal ako sa ibang babae na hindi ko naman Gusto ”
” Anak para naman yun sa kabutihan mo sa Companya natin ” Inis siyang Umupo sa kanyang kama at natahimik lamang siya.
🌟 Kailan ba Tama ang Pagibig
By Jjwrites πŸ‘ˆ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *