0

Kailan ba Tama ang Pagibig Chapter 2


Report

Chapter 2 : Umiibig si Calvin
BreakTime ni Abby. Pinuntahan niya sa kanyang Opisina si Calvin . nasa loob na siya nito at magkaharap na sila.
” Sir, nakakabastos kana ah , bakit kaba tingin nang Tingin sa akin pangiti ngiti kapa akala mo Close tayo ” napaumis sa kanya si Calvin at inasar niya ito.
” Bakit inlove kana ba sa akin ” Sinampal niya si Calvin at nasaktan ito. Alalang alala siya na Hinawakan ang pisngi ni Calvin.
” Sorry Sorry , Hindi ko sinasadya ” Umupo na siya napaumis si Calvin at tinulak siya ni Abby nang marahan . nainis siya at padabog siyang umalis sa Office ni Calvin habang si Calvin ay nakaupo at nakaumis.
Sa Counter habang nakaupo siya sa upuan sa tapat nang isang lamesa na may nakalagay na Computer ay iyamot siya . marahan sa kanyang lumapit si Nina. Nang makalapit siya ay napatigil siya at napansin niya na iyamot ito.
” Abby, nagmemenopos kaba, bakit parang ang seryoso mo dyan ” lumingon sa kanya si Abby na naiiyamot.
” Yung manager kasi natin kung makatingin para ba naman akong huhubadan sinugod ko tuloy siya sa kanyang opisina hays napakabastos ” nagulat siya.
” Ano sinugod mo ang manager natin , Abby mataas na tao Yun baka matanggal ka niyan ”
” Eh, tanggalin niya , hindi naman ako takot eh napakamanyak naman kasi niya ”
” Abby naman Hinaan mo naman ang boses mo baka marinig ka niya, nag alala si Nina.
Isang Babae ang dumating maganda ito sexy at maputi. Lumapit ito sa pwesto nila Abby.
” Hello , Guys Alam niyo ba kung saan ang Office ni Calvin ” maarte niyang salita. ngumiti sa kanya si Nina at Abby. lumapit sa kanila ang isang babae na isang staff din nang supermarket.
” Ah, alam ko po kung saan Ituro ko po sa inyo ” nakangiting sumunod si Diena sa babae at muling lumingon sa kanya si Nina.
” Nina, sino ba yun , Girlfriend ba yun ni Sir Reyes ” Umiling si Nina.
” Naku, hindi alam mo ba ito yung naririnig ko na yang Diena na nayan pinagpipilitan niya ang sarili niya kay Calvin kahit na ayaw naman ni Sir sa kanya ”
” Alam mo Nina, kung ako kay Mam Diena never kung ipagsisiksikan ang sarili ko sa manyak na yan ” Tumutol sa kanya si Nina.
” Ano kaba bess mabait sadya si Sir lalo na kapag nakilala mo siya ” natapos na ang Breaktime at nagpatuloy na sila sa kanilang pagtatrabaho.
May...


pakembot na marahan na lumapit sa kanya si Diena at umupo ito sa upuan sa tapat niya at may pangaakit itong nakatingin sa kanya.
” Ahm, busy kaba this night Calvin hang out naman tayo oh ” umiling siya kay Diena.
” Naku, hindi pwede i have more important meetings na kailangan i attend mag oovertime ako ” nalungkot si Diena.
” Ah, ganun ba sige ” naawa si Calvin kay Diena.
” Huwag kanang malungkot Diena sa susunod nalang ” napangiti si Diena .
” Talaga , Hindi maalis ni Diena ang ngiti niya habang siya ay nakatingin kay Calvin.
Sa Counter Pauwi na sila habang nagaayos nang kanyang gamit si Abby ay tumunog ang kanyang Cellphone at nang buksan niya ay nag notif sa kanyang Facebook account ang Account ni Nathan labis siyang nasaktan nang may kasama itong babae sa picture at may Caption na masaya akong nakilala kita my love Bigla nalang Tumulo ang kanyang mga luha.
Nang lumapit ang kanyang kaibigan ay napansin niyang naluha ito at nag alala siya para dito.
” Abby ! Naiyak kaba , Bakit ? Pinakita niya ang picture nang dalawa at naawa siya sa kanyang kaibigan kaya niyakap niya ito.
” Ayos lang yan ha, Abby ” Humagulhol na nang iyak si Abby.
Nasa Cool bar na ang magkaibigang si Dexter at Calvin. Nakaupo silang magkaharap malapit sa bartender habang may maingay na tunog. Tinitingnan ni Calvin sa kanyang Cellphone ang Litrato ni Abby sa Facebook at napapangiti siya. Ilang saglit pa ay napansin ito ni Dexter.
” anong meron , sino yang tinitingnan mo patingin nga ako ” binigay niya ang Cellphone niya kay Dex at maging ito ay nagandahan din.
” Calvin, Sino yan ireto mo naman sakin yan oh, kahit isang gabi lang ” napaumis sa kanya si Calvin.
” Baliw ka Talaga Tol yang babae na yan ang nagugustuhan ko ” nagulat at napatawa si Dexter.
” Ikaw may nagugustuhan ka, teka lang men baka may lagnat ka niyan ”
” Seryoso nga ako Gusto ko siya at balak ko siyang ligawan for real ” napahanga niya ang kanyang kaibigan nasi Dexter.
Mag isang pumasok si Abby sa Cool Bar nang makita siya ni Calvin ay natulala na naman ito sa kanyang Ganda.
Mag isa siyang Tumayo sa Tapat nang pahabang lamesa habang may nagsasayaw sa kanyang paligid. Binagay na nang waiter ang kanyang order na alak at inonom niya ito sa bote . nagulat si Abby nang Lumapit sa kanya si Calvin.
🌟 Kailan ba tama ang pagibig
By Jjwrites 👈


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.