0

Kailan ba Tama ang Pagibig Chapter 1


Report

Chapter 1 : Sawing puso ni Abby
Nakangiti siyang naglalakad sa highway at excited siyang makita ang kanyang Boyfriend na si Nathan. Nakarating na siya sa Parke sa lilim nang isang puno naka tayo si Nathan. Lumapit siya dito nang may ngiti sa kanyang labi. Nakatingin sa kanya si Nathan na malungkot at maamo ang mukha nito.
” Nathan may problema ba ? Hinawakan niya ang mga kamay ni Abby.
” Mahal kita Abby, pero kailangan kong umalis para sa pangarap ko ” Nagtaka siya.
” Akala ko ba hindi kana, aalis bakit aalis kapa rin ”
” Sorry, hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na ito kaya break na tayo ” natulala at bahagyang tumulo ang mga luha ni Abby.
” Papayag na ako na umalis ka huwag mo lang akong hiwalayan ” umiling sa kanya si Nathan.
” Sorry , bumitaw na ito at naglakad paalis habang naiwan si Abby na lumuluha sa lilim nang isang puno.
Hinang hina siyang naglalakad sa may highway habang siya ay lumuluha at hindi niya matanggap ang break up nila ni Nathan at nakipagkita kita siya sa kanyang kaibigan sa Bar.
Lasing na lasing na siyang nakaupo sa upuan at nakaharap sa kanya si Nina at nag aalala ito sa kanya.
” Abby, Tama na yan, lasing na lasing kana oh ” pangiti ngiti sa kanya si Abby habang siya ay lumuluha.
” Hayaan muna ako , Ang galing niya noh five years na kami tapos ganun niya lang itatapon ang relationship naming dalawa ” naawa siya sa kanyang kaibigan.
” Alam kung masakit pero Hindi ka dapat magpakalugmok , abby makinig ka kailangan ka nang mama mo,...


Gusto mo ba mag alala siya sayo ” Humagulhol na siya nang iyak at Tumayo lumapit sa kanya si Nina at tsaka siya niyakap nito.
Isang Umaga pagising niya ay pakurap kurap ang kanyang mata at nakahiga na siya sa may Coach nang lumapit sa kanya ang kanyang ina . malungkot si Abby at umupo sa tabi niya ang kanyang ina.
” Anak alam ko na ang nangyari kung bakit ka naglasing ” yumuko si Abby.
” Sorry po Nay, Naawa sa kanya ang kanyang ina at siya ay niyakap nito at muli siyang humagulhol nang iyak.
Sa kanyang kwarto. Habang siya ay nakasadal sa gilid nang kanyang kama ay hawak niya ang isang Picture Frame na nakalagay ang litrato nila ni Nathan. lumuluha siyang nakatingin dito hanggang sa makaramdam siya nang Galit kaya Hinagis niya ang picture frame nabasag ito. Habang nagwawalis Susie sa sala ay narinig niya ang kalabog na nagmumula sa kwarto ni Abby. Mabilis siyang umakyat sa Kwarto nang kanyang anak at pagbukas niya nang pinto ay nakita niya ang Picture Frame na basag at nakasandal naman si Abby habang lumuluha.
” Anak , anong ginawa mo ” lumapit at lumuhod sa tapat niya si Susie at nakaramdam siya nang Awa para sa kanyang anak.
” Simula ngayon Nay, kakalimutan ko na siya ”
Isang Araw sa Geo ‘ s SuperMarket nakayuko siya habang naglalakad sa Gilid. Nang makabangga niya ang Isang lalake. Napatigil siya sa Harap nito. Nakatulalang nakatingin sa kanya si Calvin.
” Sorry po ” muling yumuko si Abby at naglakad na ito papasok sa loob nakangiting nakatingin sa kanya si Calvin.
🌟Kailan ba tama ang pagibig
JjWrites πŸ‘ˆ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.