0

INUTUSAN KONG BUMILI NG NAPKIN ANG BOYFRIEND KO


Report

INUTUSAN KONG BUMILI NG NAPKIN ANG BOYFRIEND KO”
By: Kim Elvina
[Basahin mo nalang]
*********************
Kumakain kami ngayon ng boyfriend ko sa bahay. Wala ngayon ang mga magulang ko kaya nagpasama ako sa kaniya.
“So? Kumusta naman dito sina tita?” Tanong niya.
“Okay lang naman kami rito,”
“Ahh, okay then. Oh I’m done eating!” Sabi niya saka uminom at sa pagkuha niya ng tubig nasagi niya yung ketchup at natapon sa shorts ko.
“Ayan kase di nagiingat!” Sigaw ko.
Agad naman siyang lumapit sakin at inalalayan ako.
“Psh! I’m sorry babe.”
“Oh ligpitin mo nalang ‘yan punta lang ako sa CR magpapalit na rin”
“Okay. Just call me when you need something. . . Okay?”
“Yes babe!”
Agad akong nagpunta sa kuwarto ko at kumuha ng bagong short saka dumeretso na sa CR.
Habang nililinisan ko ang natapunan kong short nakaramdam ako bigla ng pagpatak sa maselang bahagi ng katawan ko.
Agad kong hinubad ang suot kong short at don ko nakitang may dugo. . . Ay potek ngayong araw pa talaga eh hindi ako nakabili ng sanitary pad… anong gagawin ko? Ahh alam ko na.
“BAAAAAABBBEEEE!!!” malakas kong sigaw. Narinig ko naman ang yabag niyang palapit sa pinto ng CR.
*Knock*knock*
“What is it babe? What happen? Ayos ka lang ba diyan?”
“Babe may patak na ako ngayon. . . I need a napkin!”
“What? Where is it?”
“Hindi ako nakabili kahapon babe. . . Puwedeng bumili ka para sa’kin? Do’n sa tindahan ng kapit-bahay namin!”
“What is it again? Napkin?”
“Oo babe, pakibilisan please!”
“Okay okay. Just wait for a while.” Narinig...


ko ulit ang yabag niyang palayo.

Sampong minuto na akong naghihintay. . . Grabe naman ba’t ang tagal tagal niya?
Napalingon ako sa may pinto ng makarinig ako ng yabag mula sa labas.
“Babe! I’m here!”
“Hay sa wakas huhuhu!” masaya kong aniya. “Akin na bakit ang tagal mo naman?”
“Babe I search it pa kasi. They don’t have any napkins na daw pero mabuti nalang nakabili ako ng isa!” explain niya.
Binuksan ko naman ang pinto ng CR pero hindi yung bukas talaga siwang lang yung tipong ulo ko lang ang kasya.
“Akin na dali!” Sabi ko habang nakalahad ang kamay sa harap niya pero halos mag-init ang ulo ko ng bigyan niya ako ng parang tissue.
“Ano ‘to?”
“Napkin?”
“GAGO KA BA? AANHIN KO YANG TABLE NAPKIN BABE! ANG KAILANGAN KO SANITARY NAPKIN HINDI TABLE NAPKIN!” Inis kong sigaw. “PAANO NA ‘TO NGAYON!”
“Eh? I’m sorry babe. I didn’t know. sabi kase napkin eh.”
“OO NGA SABI KO NAPKIN PERO LITERAL NA NAPKIN NG LAMESA ANG BINILI MO MUKHA BANG LAMESA TONG P*M-PEM KO!?” galit kong sigaw.
“Chill babe. DIBA SABI MO PATAK LANG? USE THAT TABLE NAPKIN THEN, IPAHID MO NALANG KADA PATAK BABE, HEHE”
“WALA KA TALAGANG KUWENTA!!!” Sigaw ko at agad na isinara ang pinto ng CR saka kinuha ang towel at itinapis sa katawan ko.
Ako nalang ang bibili masisira ulo ko sa Boyfriend ko potek na ‘yan. Ikaw ba naman bilhan ng Table napkin at ipapapahid sayo yung binili niya kada patak daw tang*na lang! Ano ‘yon Joy? Isang patak isang pahid agad? Gago?
-End-


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.