2

Incompatible Part 37

Author: Ren Salazar
Pabalik balik sila sa labas ng Delivery Room. Inaantabayanan ang paglabas ni Schiyev mula sa loob.
” Umupo ka nga. Nahihilo nako sayo,Hanz.” Hinila ni Dome si Hanz dahil sa kanina pa ito lakad ng lakad at pabalik ng pabalik sa harapan niya.
” Ehh….hindi kasi ako mapalagay.”
” Ikaw si Zu?”
Tinitigan ni Hanz si Dome.
” Hindi.”
” Yun naman pala. Pumirmi ka lang diyan. Lalabas din yung Doktor maya maya. ”
Sumang-ayon naman si Hanz at namalagi na lamang sa upuan. Maya maya may lumapit na isang Nars.
” First time?” Ang tanong nito sa dalawa.
” Oo.” Sabay naman sumagot at napatingin sa isat isa saka binalingan ang nars na usisera.
” Wow….sino yung ama?” At nagtanong ulit.
” Ako.” Muli na namang nagkasabay sa pagsagot.
“Ooowhh!!” Laking gulat naman ng nars nang dalawa silang umako.” Grabe naman yan.” Sabi nito at bigla na lang umalis.
Nang maka-alis ang nars…..
” Bakit mo sinabing ikaw?” Tanong ni Dome.
” Eh, iniisip ko lang naman si Schiyev. Baka isipin ng nars na iyon disgrasyada yung kaibigan natin.” Dahilan nito.” Teka..ikaw rin naman ah. Sinabi mo ring ikaw ang ama.”
” Eh…..” Napakamot ng ulo si Dome. ” Gaya rin ng dahilan mo. ”
” Hmm..eh parang mas lalong napasama yata ang tingin ng nars kay Aning. Dalawa tayo ang ama ,eh. Ano sa tingin mo ang iisipin non?”
” Hayaan mo na iyon.”
Limang oras din ang nakalipas bago nakapanganak si Schiyev. Isang malusog na….
” Ang cute cute naman ng baby boy namin.” Sabi ni Dome. ” Kamukhang kamukha niya si Zu. ”
” Sana ganyan din ang magiging baby ko. ” Saad naman ni Hanz.
” Hindi pwede!” Tutol ni Dome sa sinabi niya.
” Teka..bakit hindi pwede?”
” Alangan naman magiging kamukha ng baby mo si Zu eh magka iba ang mukha nyo.”
” Ikaw talaga…hindi ko naman sinabing si Zu pa rin ang magiging ama. Ang ibig ko lang sabihin na sana kapag magka baby na’ko,magiging kamukha ko yung anak ko. Gaya ni baby..kamukha ng papa niya.”
” Tama na nga iyan. Eh,kayo na lang kaya magkatuluyan? ”
” Yaakkss…” Sabay sabi ng dalawa.
” Uy,Aning…kahit nagkagusto ako sa asawa mo noon,hindi naman ibig sabihin na lalaki pa rin hanap ko.”
” Hahah biro lang naman.” Tumawa pa siya ng malakas.” Aw! Ang sakit..” daing niya nang makaramdam ng konting kirot sa may ibabang bahagi.
” O! Ok ka lang?” Pag aalala ni Dome.
” Oo.” Saad niya kahit nakangiwi.
” Yan..tawa pa ng malakas.” Si Hanz.” Siyanga pala. Lalabas ako maya maya,bibili ng makakain mo. Anong gusto mong kainin?”
” At saka, si Nanay mo…sasadya dito mamaya. Magdadala ng mga damit mo at ng bata.” Sabi ni Dome.
” Ahh..”tango tango lang si Schiyev.
” Aning …anong gusto mong kainin?” Si Hanz ulit. Hindi kasi siya sinagot ni Schiyev sa kanyang tanong kanina pa.
” Kahit ano na lang. At saka..pwede bang pakitingnan si Zu sa kwarto niya?”
” Ako na pupunta don.”
” Salamat ,Dome.” Nginitian niya ito.
” Pupunta na muna ako don kay Zu. Titingnan...


kung nagising na. Hay naku…sana man lang magising na yon para maramdaman niya yung tuwa at saya na nararamdaman natin ngayon.”
” Triple pa nga siguro bilang siya yung papa ni Baby.” Sabat ni Hanz.
Tumahik lang si Schiyev.Kahit siya ay umaasa na balang araw ay magising na si Zu. Makita na nito ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Makarga at mayakap ng buong pagmamahal.
” Sige..alis nako. Babalik ako mamaya kapag nakita kong maayos si Zu.” At nagsimula nang maglakad si Dome.
Subalit naka ilang hakbang pa lang siyang napuna ni Schiyev na pa ika ika kung maglakad. Naglalakad kasi siya na bitbit ang isang sapatos kaya hindi naging maayos ang paglakad niya.
” Anong nangyari sa paa mo? Nasaktan ka ba,Dome?”
” Ah! Ito ba? ”
” Nasaktan ka ba?” Ulit ni Schiyev.
” Heto ….nasira yung sapatos ko. Natanggal kanina nang buhat buhat ka namin ni Hanz. Naibalik nga sakin pero may sira na.”
” Ganoon ba?” Maang na tanong ni Schiyev.
” Mm! Ako rin,Aning. Tingnan mo tong t shirt ko.” Lumapit pa talaga kay Schiyev si Hanz.
” Napano naman yan?”
” Huh! May humila lang naman sakin kanina habang nakakaramdam ng sakit. Napalakas yata kaya,heto..napunit.”
” Ha?! Ahh…gawa ko ba iyan?” Alinlangang tanong ni Schiyev.
” Ahm..hindi. hindi talaga.” Kunwaring tanggi naman ni Hanz na umiiling pa. ” At saka parang namaga yata itong isang pisngi ko. ” Hinawakan naman niya ang kanyang pisngi na nasampal ni Schiyev kanina.
” Sorry….sorry…” Na guilty yata si Schiyev kaya humihingi ng paumanhin.
” Hehe..biro lang. Ikaw naman. Nakakatuwa nga yung pinagdaanan namin ni Dome kanina. Hahaha.”
” Ahhaha..oo nga. Pero ayoko nang pag usapan. Lalabas nako. ”
Nakaramdam man ng hiya si Schiyev pero naging masaya naman siya. Hindi siya pinabayaan ng dalawang lalaki. Pero mas masaya sana kung pati si Zu ay kasama sa pangyayaring iyon.
Samantala sa kwarto ni Zu.
” Kawawa naman ang misis niya. Nakapanganak na,hindi pa rin siya nagigising.” Sabi ng isang nars na tumitingin sa kanya.
” Alin doon?” Tanong naman ng isa pa.
“Yung nasa room 143. Yung babaeng pinagtulungang buhatin ng dalawang lalaki kanina. Nakita mo ?”
” Ah .hindi eh. Pero may nakita akong dalawang poging lalaki na naghihintay sa labas ng delivery room. Tinanong ko nga kung sino ang ama. Sila ba namang dalawa ang sumagot ng OO.”
” Naku..sila na nga iyon. Pero bakit sinabi nilang OO? ”
” Ewan. Ang wierd nga eh. Yung isa walang suot na sapatos ang isang paa. At yung isa naman…punit ang damit. ”
” Hay naku. Baka naman love triangle ang ganap. Ang swerte ng babaeng iyon. Tatlong lalaki ang nagkagusto sa kanya. Pero ang alam ko, ito yung asawa eh. Kilala kaya to ni Doktor Lu. Mayaman ang lalaking ito. Tssk! Tssk! Ang laking issue nito sa kanya kung saka sakali..” umiiling iling pa ang isang nars.
” Uy,tara na. Masyado na tayong nagtatagal rito. ”
” Sige,tara.”
Lumabas na ang dalawang nars sa kwarto ni Zu.
” Shaakkss….ang ingay naman ng dalawang iyon.” Saka hinila ang kumot at tinabunan ang mukha.

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *