0

Incompatible Part 14


Report

Author: Ren Salazar
Bumalik si Bekket sa meeting na may bahid ng dugo at sugat ang kanyang labi. Nagtaka pa nga ang mga board dahil napansin nila ito pero hindi na lamang nila ito tinanong. Hindi para sa lolo ni Bekket, nagtanong ito nang makitang may sugat ang apo sa labi.
” What happen to your lips,Bekket?”
” Nothing ,Lo. Nakagat ko lang po.”
” I knew it!” Biglang turan nito na luminawag rin ang mukha.”
” You knew what?” Tanong ni Bekket.
” She’s here. Ill got to go! ” Wika ng matanda saka biglang tumayo at akmang iiwan ang meeting.
” Haraboeji! She’ s in my office right now. Ang the last time you went to my office,nagkaproblema po kayo sa paa ninyo. Kaya please…stay.” pigil nito dahil alam niya na pupuntahan ito ng matanda si Schiyev.
( ” Ayytss…si lolo talaga. Nahulaan lang na nandito ang babaeng iyon,nagkakadarapa pa. Parang sila ang ikakasal ah…” Bulong ni Bekket sa sarili. Alam niya kasing gusto nito si girl para sa kanya. )
” Ow!” Huminto naman lolo niya at piniling maupo na lang. Talaga naman kasing sumakit yung paa nito. ” Ok.”
Nagpatuloy ang meeting. Kahit medyo nahihirapan si Bekket naagsalita dahil sa hapdi ng kanyang labo,tiniis na lamang niya.
( ” Shaaakkkks…ang shakit.” Daing niya.)
” Ok. Lets end it here. Thank you everyone.” Pagwakasa niya ng meeting.
” Thank you ,Mr. Choi ang congratulations on your wedding .” Bati naman sa kanya.
” Thank you.”
Pagkatapos ng meeting,dumiretso si Bekket sa kanyang opisina na nasa 50th floor.
Samantalang si Schiyev naman ay tila nakonsensya sa kanyang ginawa. Naka upo siya sa sofa at kinakagat kagat ang kanyang kuko.
” Masakit pa kaya yon?” Tanong niya habang nag alala kay Bekket. ” Hays…bakit kasi kinagat mo si Bekket.” Sabi pa niya sa sarili.
Maya maya ay bumukas ang pinto. At bigla siyang tumayo.
” Tapos na ba meeting mo?”
” Oo. ” Tinanguan lang siya nito.
Pumasok ng banyo si Bekket. Nanalamin at tiningnan ang kanyang labi.
(” Shaakks….ang hapdi. Eeeehh!! Nakaka irita ang bruhang iyon. Kung hindi lang kita kailangan eh. Ouchh….” )
Nagpangiwi ngiwi pa siya dahil sa sakit.
” Bekket…”
Nagulat naman ang huli sa paglitaw ni Schiyev sa kanyang tabi. Tinititigan siya ng mabuti lalong lalo na sa kayang labi.
” Masakit pa ba?” Kagat labi niyang tanong at akmang hahawakan ang labi ni Bekket.
” O! Anong gagawin mo?” Pigil niya sa kamay nito.
” Titingnan ko lang naman.”
” Titingnan ? Ganyan ka ba makatingin,pati kamay mo gumagalaw? May mata ba pati kamay mo?”
” Tsk! ” Binawi ni Schiyev ang kamay niya mula sa kamay ni Bekket. ” Baka naman gusto mo lang hawakan ang kamay ko kaya pinigilan mo.” Ganti niya.
” Ewan ko sayo.” Iniwasan nya ang dalaga at lumabas ng banyo.
” Sandali! Kelan ba tayo pupunta ng bahay mo?”
Sinagot siya ni Bekket nang nakatalikod.
” Ngayon na. Naghihintay na si Lolo sayo. Kanina ka pa niya gustong makita.” Inayos muna ang kanyang mesa saka inaya ng umalis ang dalaga. ” Tara na.”
Bago ito lumabas,pinabilinan pa niya si Dome na ito na muna ang bahala.
” Yes,Mr. Choi.” Tugon ni Dome.
Sumakay sila ulit ng elevator.
” Ih…..” Nababakas na naman sa mukha ni Schiyev ang takot.
(” Haayyts..konti na lang masasabunutan ko na itong girl na to.” )
” Pwede bang tibayan mo yang loob mo at tiisin mo na lang ang hilo sa loob.” Paki usap niya sa dalaga.
” Ha?….”
” Ayoko ng halikan ka no! ” Prangka nito.
” Eh,bakit magpapahalik ba ulit ako sayo?”
” Eh,anong gagawin ko? Ayoko ring maghagdan papuntang 2nd floor. ”
Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator.
” Tara na.”
” Ha?!” Nag iinit na si Schiyev. Bakit ba kasi takot na takot siyang sumakay rito.
” Tara na.” Hinila niya bigla si Schyev papasok.
Pagdating sa loob ay niyakap siya ni Bekket. Pinaharap niya ito sa kanya at hinawakan ang likod ng kanyang ulo. Pinasubsob sa dibdib niya. Animoy naging lakas niya laban...


sa malaking problemang hinaharap.
Nalanghap ni Schiyev ang amoy ni Bekket. Masarap amoyin ang mabangong scents nito. Nakakarelaks sa pakiramdam.
” Hmm….”
(” Anong ginagawa ng babaeng to?” Sa isip ni Bekket. Napansin niya kasing dikit na dikit na ang mukha nito sa kanyang dibdib.
” SChe…” Alanganin niyang sambit.” Sche…”
” Hmm….” Nakatuon pa rin ang pansin nito sa dibdib niya.
(” Ang bruhang to..balak atang ubusin ang bango kwo…” )
Sa tinuruang ingon ni Schiyev tila nawala ang kanyang pagkahilo na nadarama simula nang sumakay siya sa elevator. Ngunit hindi yata komportable si Bekket sa pang aamoy ng dalaga sa kanya.
(” Eeeww…ayaw pang tumigil oh.”)
” Ehermm…pwede bang…pwede bang huwag mong simutin amoy ko?”
” Hmmm?” Tumingala si Schiyev sa kanya pero ngayon ,nakamulat na.
Kitang kita ni Bekket ang kasimplehang taglay na ganda ni Schiyev. Malayo man ang kutis nito kay Bekket pero makinis rin ito kagaya niya.
( ” Wow,girl ….ang ganda ng pisngi mo. Kutis artista..ang swerte ng magiging boylet mo.” Sabi pa niya pero bigla ring nag isip.” Teka..ako nga pala ang magiging asawa niya.” )
Patuloy lang na pinagmamasdan ni Bekket ang mukha ni Schiyev. Waring inaaral ang kabuuan nito.
( ” Infairness….ang tangos din pala ng ilong mo ha..” )
Hindi na namamalayan ni Bekket na unti unti niyang hinahawakan ang ilong ni Schiyev. Simula sa parteng sa pagitan ng mga mata nito pababa hanggang dulo.
Si Schiyev naman ay tila naging estatwa lamang. Siya man ay inaaral ang mukha ng kaharap.
(” Parang ikaw siya…..” Sambit nito sa kanyang isipan.”)
” Hahalikan mo na naman ba ako?”
” Ha?” Nabigla si Bekket at dali daling inurong ang kanyang kamay na nawili sa paghaplos sa dulo ng ilong ng dalaga. ” Ah…halika.” isinubsob niyang muling ang mukha ng dalaga sa kanyang dibdib.
” Mmm…” Bahagyang kumawala sa kanyang si Schiyev.
” Bakit? Hindi ka na ba nahihilo?”
” Pwede bang huwag mong idiin ang mukha ko? Hindi ako makahinga.”
” Ah..sorry. Halika. Yakap ka na uli sakin,Yoebo.”
” Yoebo? Hindi ako si Lolo mo no.”
” Hahha..hindi naman pangalan ni Lolo yon. ”
” Eh,anong ibig sabihin ng Yoebo?”
” Honey. Yun yung tawag sa taong mahal mo o mahal ko.”
” Ganoon ba? Kaya pala ganon nalang ako pagtawanan ng lolo mo. Akala ko kasi pangalan niya yon.” Sabi niya.” Pero mali ka parin.”
” Ha? Bakit naman?” Taka ni Bekket sa sinabi ng dalaga.
” Hindi naman Yoebo ang tawag ko sa mahal ko.”
Tila nag isip ang bakla….
” Eh,ano?”
” Bekket!” Sagot ni Schiyev. ” Magiging asawa kita kaya ikaw na dapat mahalin ko. Hindi naman kasi peke ang magiging mag asawa natin kapag nakasal na. Kaya bakit pa ko maghahanap ng iba ,eh nadiyan ka na.”
Natahimik si Bekket at nag isip ulit.
(” Aba…ang bruha. Hindi pa man,nahulog na ata sakin. ” )
” Oy! Paalala ko lang ha..hindi tayo talo. Kaya baka masaktan ka lang.”
” Bakit? Porket mayaman ka at mahirap lang ako? Kaya ba hindi tayo talo?”
” Hindi naman sa ganoon. Kaya lang,ayoko pang mainlab ngayon.” Amin nito.
” Bahala ka. Wala akong pakialam kung ayaw mo pang mainlab. Basta ako, hindi na kita papakawalan. Swerte nako sayo.”
” Hala…seryoso ka ba?”
” Sa tingin mo?”
Mata sa mata ang naging ayos ng pagtatanong nila sa isat isa ngayon. At nanatili pa ring magkayakap.
( ” Hay naku ,girl. Kung alam mo lang na bakla ako tiyak,mandidiri ka.” )
Nagulat si Bekket nang biglang tumawa si Schiyev.
” Hahahah……” malutong na tawa ng dalaga.” Chour lang!! Haha. Biro lang. Dalang dala ka eh no?” Tawa pa rin siya.
” Abah…hindi ka na yata takot dito sa loob ng elevator ah..nagawa mo pang magbiro. Eh,kung huwag na lang kaya tayong lumabas dito at bumalik ulit sa opisina ko sa taas.”
” Joke nga lang yon! Ikaw naman.”Yumakap uli siya kay Bekket saka pumikit.
Sa wakas,naramdaman na niyang bumukas ang elevator. Hudyat na nasa 2nd floor na sila. At sa Lolo ni Bekket ang tungo ng dalawa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.