0

Incompatible Part 10


Report

Author : Ren Salazar
Bukod sa awa ni Schieve sa ina ni Bekket,kailangan niya rin ng pera para sa kanyang ina. Kaya naman,sumama siya kay Bekket dahil ipapakilala siya nito sa Lolo.
Hindi na rin siya nagbihis para presentable siya kapag nagkita na sila ng lolo ni Bekket.
” Matagal pa ba?” Hilong hilo na siya sa loob ng elevator. Pinipikit niya ang knayang mga mata habang nakasandal.
” Ngayon ka lang ba nakasakay ng elevator?” Lihim na natatawa si Bekket dahil sa ayos niya ngayon na panay rin ang lunok.
” Malapit na ba tayo?” Tanong niya na nakapikit pa rin. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Ngayon naman ay humahawak na sa gilid.
” Hahahhaa..first time mo nga talaga.”
” Huwag mo kong pagtatawanan. Susukahan kita.” Banta niya.
” Halika nga.” Hinila siya ni Bekket at hinawakan ang kamay nito. ” Ang lamig naman ng kamay mo. Sobra ba talaga ang nerbyos mo ngayon?”
Hindi siya sinagot ni Schiyev. Sa halip,mas lalo itong lumapit sa kanya at napasubsob sa dibdib. Nakakahiya man pero kailangan niya iyon dahil sa takot siya sa loob ng elevator.
(” Ano ba tong babaeng to? Hindi pa man din,nag te take advantage na.” Bulong ni Bekket sa manipis na boses. Lumilitaw kasi ang pagkabakla ng boses niya kapag kinakausap ang sarili at kapag si Dome lang ang kasama. )
” Umm…..” Pigil ni Schiyev sa sarili para hindi magsuka.
” Oy! Yung damit ko. ”
” Shh!!” Pinatahimik siya ni Schiyev. Nanatili pa rin itong nakapikit saka tumingala sa kanya.
Nagbaba ng tingin si Bekket. Saktong pagtaas naman ng mukha ni Schiyev. Namilog ang mga mata ni Bekket nang makita ang maganda nitong maitim na mata. Tili nag init ang kanyang tenga at namula ang pisngi.
(” Shaakkss…” Tanging sambit niya at sabay na iniwas ang tingin sa dalaga.)
Maya maya’y dumadausdos si Schiyev sa kanya at umupo sa sahig ng elevator. Hinayaan siya ni Bekket dahil baka sa ayos niyang iyon ay kahit papano ,mawawala ang takot nito.
Naka Whole dress pa rin si Schiyev. Maiksi lang ito kaya siguradong makikitaan kapag may pumasok na empleyado ng BC Company.
Kahit na hindi niya gawain,hinubad ni Bekket ang kanyang Jacket at itinakip ito sa mga binti ng dalaga. Tahimik pa rin at walang imik na nakaupo.
At ilang sandali pa….
” Tumayo ka na diyan. Nandito na tayo .” Hayag ni Bekket.” Hahha..naka survive ka rin.” Biro pa nito.
Binuksan ni Schiyev ang mga mata. Sinundan ng malalim na hininga. Saka tumayo na at hinawakang muli si Bekket.
” Saan ba yong opisina mo?” Mahina niyang tanong. Hilong hilo pa rin.
” Sumunod ka.”
Naunang maglakad si Bekket pero hawak niya pa rin ang kamay ni Schiyev. Si Dome ang nagbukas ng pinto para sa kanila.
” Zu!”
” Shh!!” Pinatahimik ni Bekket si Dome. Pinigilan ang pagtawag ng kanyang isa pang pangalan. Saka binalingan si Schiyev. ” Welcome to my Office.”
Nilibot ng mga mata ni Schiyev ang buong opisina ni Bekket.
” Saan….saan yung cr?”
” Ha?”
” Dali na. Saan yung banyo mo?”Halatang naduduwal na siya.
” Nasa first floor.” Biniro siya ni Bekket dahil alam nito kung gagawin niya sa banyo.
” Ah…Ano?!” Nadismaya at nagulat namang turan ng dalaga. Hilong hilo na nga siya tapos babalik uli sa umpisa.
” Ahhaha..biro lang. Dome pakihatid siya sa banyo ko.” Utos niya.
Tumatawa at pailing iling pa si Bekket habang hinahatid ng tingin sina Dome at Schiyev papuntag banyo niya na parte pa rin ng kanyang opisina.
At sa loob ng banyo,inilabas lahat ni Schiyev ang kanyang nararamdaman.
” Uwwuu!!! Uwwuuuu!!”
Si Dome naman ay bumalik kay Bekket.
” Kaya ba siya ang kinontak mo dahil buntis at ikaw ang ama? Woow!! Akala ko bakla ka pero may nadali rin pala.” Natatawa pa ito.
” Aaytss!! Sumakay kami sa Ferris Wheel kaya hilong hilo at sukang suka .Hahahha.” Pagbibiro ni Bekket na taglay ang pagkabakla.
” Ganoon?” Tila naniwala naman si Dome sa paliwanag niya.
” Hindi nwo! Ngayon lang ata naka sakay ng elevator yan. Kaya hayan….”
” Ang plain namang babae ang naka usap mo. Ang layo sa iyo. Hindi kayo bagay. Kita mo naman,kahit na sosyal ang damit pero halata pa ring mahirap lang. Kanina pa ba niya bitbit ang sandals na hawak niya?”
” Uh ha. ” Sinabayan pa ni Bekket ng tango. ” Mas magaling pa ata akong rumampa diyan….hahahah.” mahina niyang sabi. Iniiwasan na marinig ni Schiyev na nasa banyo pa rin.
” At saka ang simpleng simple kahit na may itsura.Magugustuhan ba talaga siya ng Lolo mo?”
” Wala namang sinabi si Lolo kung anong klaseng babae ang i date ko. At saka,siya tong nagmamadaling makasal ako kaya huwag siyang demanding tungkol sa babaeng pipiliin ko.” Wika niya sabay upo. ” Si Lolo?”
” Nasa meeting raw. Kinukumusta kanina ang date mo. Sabi ko pabalik ka na rito at ipapakilala sa kanya yung ka blind date mo.”
” Ok. ”
Si ngayon ay hilong hilo pa kahit na naisuka na niya ang lahat ng kinain niya mula sa bus. Hinang hinang lumabas ng banyo. Nabasa yung damit na suot niya kaya kailangan niyang magbihis. Pero iniwanan niya ang kanyang gamit sa kotse ni Bekket.
” Paano ba ito?” Lito niyang saad.
Naghanap siya sa loob ng banyo. Ngayon lang niya napansin na malaki at malawak ang banyo. Binuksan niya ang isa pang pinto at tumambad sa kanya ang nakahilerang nighties na kulay blue.
” Aba….hindi raw nakikipag blind date pero maraming seksing damit pangtulog. Nangongolekta yata ang lalaking iyon ah. Ay sus! Grabe! Ang dami!”
Bawat isa ay tinitingnan at hinahawakan ni Schiyev. Yari sa mamahaling tela kaya inisip niyang hindi basta basta ang nakasama...


ni Bekket.
Bigla siyang napangiti. Pumasok sa isip niyang magsukat ng isa. Agad nyang hinubad ang pulang dress na suot niya at ipinalit ang isang kulay blue na nighties. Ewan ba niya kung anong pumasok sa kanyang isip at natuksong sukatin ang isa.
Aminado siya sa kanyang sarili na hindi siya nagsusuot ng ganito kahit na kaya niya. Pero sa ngayon,isasantabi muna niya ang kanyang hiya hiya. Tutal naman ay magiging asawa na siya ng Bekket na iyon. Isang lalaki na mayaman at gwapo at perpektong perpektong tingnan. Kaya dapat,masanay na siya. At uumpisahan na niya ngayon.
Sinipat ang sarili sa harap ng salamin matapos niyang maisuot ito. Ginulo pa ang buhok para sabihin na bagong gising. Bagay siyang maging modelo kahit na simpleng kagandahan lang ang taglay. Huwag na nating pansinin ang hieght niya dahil talagang hindi swak ang pagkapandak niya sa larangan ng pagmomodelo.
Samantala…..
” Bekket….”
” Haraboeji?!”
Gulat na gulat si Bekket nang biglang pumasok ang kanyang Lolo. Maging si Dome ay ganoon din. Hindi niya akalaing makakarating ito sa kanyang opisina.
” Oh my. Galing ako sa kabilang pinto. May meeting ako doon . Bigla akong naiiihi. Where is your comfort room?”
” What?!” Naalala niya na hindi pa pala lumalabas si Schiyev sa cr.
” Banyo. ”
Dahil sa ngayon lang nakapasok ang kanyang lolo sa opisina niya,hindi nito kabisado ang bahagi ng loob.
Sa tagal sumagot ni Bekket,ang lolo na niya naghanap. May tungkod naman ito upang suportahan ang kanyang paglalakad.
” O! Nandito pala. ” Wika niya ng mapansin ang isang nakabukas na pintuan.
” Lolo!”
” Director Choi!”
Natataranta naman ang dalawa. Nalilito kung ano ang gagawin kung sakaling makita ng kanyang lolo si Schiyev sa banyo.
Walang alam ang kanyang lolo na naroon si Schiyev sa closet ng banyo. Ganoon din ang dalaga. Hindi niya alam na may pumasok sa banyo.
Matapos maka ihi ng Lolo ni Bekket, inagaw ng isa pang nakabukas na pintuan ang kanyang pansin. Dahil sa gusto niyang malaman kung ano ang nasa loob,pumasok siya ng dahan dahan.
At nakita niya si Schiyev na naka nighties.
” Ahh!!!!!!” Sinakop ng sigaw ng dalaga ang buong banyo.
” Who are you?!” Tinuro siya ng matanda.
Sabay na pumasok sina Dome at Bekket papuntang banyo . Nasa labas lang pala sila at pinapakiramdaman ang loob.
” Lolo!” Maging si Bekket ay nagulat sa kanyang nasaksihan.
Naka nighties si Schiyev. Pilit na tinatakpan ang sarili ng magkabilang braso at kamay.
(” Omg! Ang damit kwo! Pinakialaman ng bruha!” )
Dali dali siyang lumapit kay Schiyev at hinarangan upang hindi makita ng kanyang lolo.
” Director Choi,lumabas po tayo.” Inalalayan ni Dome ang huli palabas ng banyo.
Nang makalabas ay nag usap ang sina Schiyev at Bekket.
” Why are you wearing one of those nighties here?”
” Eh,nabasa ko yung dress kaya nagpalit ako. Wala ka namang t shirt rito kaya ito na lang ang sinuot ko.” Dahilan ni Schiyev.
( ” Shaakkks….” )
Gustong gusto niyang ipahubad sa dalaga ang pagmamay ari niyang damit pero nagbago isip niya.
” Halika sa labas. ”
” Ha?! Nang naka ganito ako?!”
” May choice ka pa ba?”
” Wa…wala…”
” Then,lets go out. Lolo ko ang nakita mo kanina. Mabuti nang nakita ka niyang nakaganyan.”
” Mabuti? Sa paanong paraan?”
” Basta.”
Tumalikod si Bekket sa kanya. Kinuha ang kanyang magkabilang kamay at pinayakap sa kanyang likod.
” Anong ginagawa mo?” Tanong ni Schiyev habang nakayakap sa likod ni Bekket.
” In this way,hindi ka niya ulit makikitaan. Manatili ka lang sa likod ko. ”
Walang nagawa si Schiyev kundi sumunod kay Bekket. Sabay silang lumabas na nakayakap sya sa likod nito. Narating nila ang pangunahing pintuan ng banyo saka tumigil.
” Lo, nae yoebo. ” Pagpapakilala niya pero nasa likod niya si Schiyev.” Siya po ang pakakasalan kong babae.”
” Kaya pala tinatanggihan mo ang iyong nakaka blind date dahil sa nandyan na siya.”
” Lo,she’s my blind date too. I..i like her . So ..i propose to her earlier. And she said yes to me sincerely.”
” Hii po,nae Yoebo.” Bati ng dalaga na nakasilip lang ang ulo mula sa likod ni Bekket.
Akala ni Schiyev ang pangalan ng lolo ni Bekket yon kaya niya nasabi ang “nae yoebo” sa matanda. Kaya nagulat ang tatlo.
” Hahahahha.” Pinagtawanan siya ng lolo ni Bekket.
Bahagyang tiningnan ni Bekket si Schiyev sa likod niya.
” Bakit?” Bulong ng dalaga sa kanya. Nagtaka kasi siya dahil pinagtawanan siya ng matanda.
” Hahhaha” tawa ulit ng lolo. ” Ok. I want to know her more. Dalhin mo siya sa bahay one of this days. ”
” Yes ,Lo.” Tipid na sagot ni Bekket.
” Dome”
” Yes po,Director Choi.”
” Ihatid mo ko sa opisina ko. ” Utos nito.” At para maituloy na rin ang balak ng dalawa.” Ang itinutukoy niyang dalawa ay sina Schiyev at Bekket.
Kumilos si Dome. Inalalayan ang matanda papalabas at papuntang 2nd floor na rin kung saan ang opisina nito.
” Ingat po kayo,Lolo. ”
” Bye po.” Habol ni Schiyev na nakasilip pa rin.
Nang makalabas ang matanda at si Dome,umalis si Bekket sa pagkakayakap ni Schiyev sa likod nya at tinungo ang pintuan saka ni lock.
” Weews…” Sabay pahid sa noo niyang pinagpawisan sa naganap. ” Ikaw. Dito ka lang at huwag kang lalabas. Ipakukuha kita ng damit kay Dome don sa gamit mong iniwan mo sa kotse. ”
” Ok.”
” Ayy hindi pala. Doon ka na muna sa loob ng banyo. Lumabas ka lang kapag nandito na damit mo.”
Pumasok agad si Schiyev sa banyo.
” Haays…pinapa init mo kili kili ,sche!” Turan niya nang mawala na sa kanyang paningin si Schiyev.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.