0

IN LOVE WITH YOU

AUTHOR: KCURSED
SYNOPSIS
Calvin Ledesma, a well-known celebrity maker and public influencer. Isa sa mga talent niya si Anna Delgado. She’s on the peak of her career, nang bigla itong maglaho.
Sa kanyang pagkawala, kasabay din ang unti-unting pagkasira ng iniingatang pangalan ni Calvin. He promised to find her and make her pay. Naging mabait yata ang tadhana dahil nagkita silang muli. Ngunit sinasabi nitong hindi raw ito si Anna Delgado.
Paano niya ito gagantihan kung ipinagpipilitan ng dalaga na hindi ito si Anna? Ipagpapatuloy pa ba niya ang kanyang paghihiganti dito gayong hindi na siya maalala ng dalaga?
CHAPTER 1
Calvin
Its been five days mula ng mawala si Anna. Hindi alam ni Calvin kung saan pumunta ang alaga niya. Pagkatapos ng interview nito tungkol sa issue nito at ni Raven, bigla na lang itong nawala.
“Anong sinabi ko!? Gusto ko ng malinaw na balita. Hindi yung puro ka hakahaka” angil ni Calvin sa private investigator na kinuha niya para hanapin si Anna. Ang nawawala niyang alaga. Hindi ito hay*p, tao ito. Pero kung mawala ito, talo pa nito ang isang aso na hindi mahanap-hanap. Ilang linggo na niyang pinapahanap si Anna pero wala, wala siyang nakuhang balita.
Mula nang huli itong humarap sa media, hindi na ito muli pang nakita. Ni sulat wala man lang itong iniwan. Para itong isang bula na bigla na lang nawala sa hangin. Nagawa pa nitong lumayas sa gitna nang gulo na kinakaharap nila. Ang dami pa ngang issue na kumakalat sa love team nito at ni Raven, tapos sumabay pa ito sa paggawa ng problema. Paano niya maaayos ito nang walang maihaharap kahit isa man lang sa magka-love team? Kaya sinong manager ang hindi siya hahanapin?
Sa kanya ang bagsak ng problema ng dalawa. Kung alam niya lang na magiging sakit niya ito ng ulo, sana noon niya pa binitawan ang mga ito.
Napayuko ang P.I na inutusan niyang maghanap kay Anna. “E, sir, wala naman kasi nakakita kay Miss Anna kung saan siya pumunta” katwiran pa nito sa kanya.
Aba’t lint*k din itong p.i na nakuha niya. Kaya nga ito naging p.i para hanapin ang mahirap mahanap. Tapos magdadahilan ito ng ganoon. Sino ba ang nagrekomenda ng walang kwentang tao na ito sa kanya?
Napatampal siya sa noo niya. Si Raven pala ang nagrekomenda ng lalakeng ito. Pagkatapos mawala at lumitaw ulit ni Raven. Bigla na lang itong bumalik na para bang walang problemang iniwan. Parang wala lang din dito ang nalaman na pagkawala ni Anna. Nang mawala si Anna, ito naman ang bumalik. Biglang pa itong magrerekomenda ng p.i. Wala namang kwenta ang nirekomenda. Puro sakit sa ulo ang ibinibigay sa kanya ng dalawang ito.
“Lumayas ka sa harapan ko!” Sigaw niya sa p.i at saka ibinato sa harapan nito ang isang puting sobre na may lamang pera.
Dalidali nitong kinuha ang sobre at lumabas ng opisina niya. Napasandal naman siya sa swivel chair niya at hinilot ang kanyang noo. Lumalala na yata ang migraine niya. Pinalala ito ng Anna na iyon! Kung hindi lang naka isip ng kalokohan ang babaeng iyon, wala sana siyang problema. Hindi niya sana iisipin ang mga sponsors at events na kailangang puntahan ni Anna ngayong buwan. Hectic na nga ang schedule nito sa dami ng projects na tinanggap nila. Tapos, bigla na lang nang iwan sa ere. At heto siya lang ang haharap sa mga natanguan na nilang projects. Paano niya nga ba haharapin ang mga ito? Anong sasabihin niya na hindi sila madedemanda?
Napatingin siya sa pinto ng opisina niya ng marinig niyang bumukas iyon. Ang nakangiting mukha ni Raven ang lumitaw sa pinto at ng makita siya nito, tuluyan na itong pumasok. Ngiting-ngiti ang gago. Nabubwisit na naman siya. Parang biglang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo.
“What do you want?” Walang-gana niyang tanong dito. Pinaramdam niya pa dito na hindi ito welcome sa opisina niya.
Tumawa lang ito. Nang makalapit ito sa kanya, naupo ito sa upuang nasa harap ng lamesa niya. Prenteng ipinatong pa nito ang mga paa sa katapat na upuan. Nakasunod lang ang mga mata niya sa bawat galaw nito.
“Kumusta na ang paghahanap ng p.i?” Nakangising tanong ni Raven.
Kinuha niya ang papel na nasa harapan niya at nilumusok iyon at binato Kay Raven. Bw*sit talaga itong pinsan niya. Pupunta lang dito para makichismis. Sigurado naman siya na alam na nito ang kinalabasan nang paghahanap ng p.i na ibinigay nito. Kung hindi niya lang close ito, sinipa na niya ito papalabas ng opisina niya. Bwisit na bwisit na talaga siya dito.
“Wala ka di bang pakealam kay Anna? Magkaaway kayo tapos magtatanong ka”
“Hindi naman siya ang tinatanong ko. Yung pi ang tinatanong ko”
Kumunot ang noo niya. “Sabihin mo nga, legit bang p.i ang isang iyon?”
Tumawa ulit si Raven. Para bang nakakaloko ang pagtawa nito. Napapaisip tuloy siya na baka hindi legit ang p.i na nirekomenda ni Raven. Ang dami pa naman nitong kalokohan na ginagawa, baka isa na doon ang p.i na ibinigay nito.
“Legit iyon” nakangiti na sagot ni Raven. Sa sobra pa ngang pagkakangiti nito para na itong nakapikit.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Pag ganito kasi ito magsalita, alam niyang puro kalokohan ang sinasabi nito. Bakit ba hindi niya kaagad napansin ang kalokohan na naman nito?
Nagpauto naman siya dito. Bwisit talaga ito. Napagastos pa siya sa wala. Ang mahal pa naman ng binayad niya sa p.i na iyon. Sinayang lang nito ang oras niya. Kung alam niya lang na isa na naman ito sa mga kalokohan ni Raven, hindi na sana niya tinanggap ang alok nitong tulong. Mas mabuti pang siya na lang sana ang naghanap kay Anna.
“Get out!” Singhal niya dito. Kumukulo na talaga ang dugo niya dito.
“Chill!” Tumatawang sabi ni Raven.
“Get out!”
Bumagsak ang mga balikat nito saka ito yumuko. Akala mo ba ay pinagsakluban ito ng langit sa itsura nito. Ibinaba nito ang mga paa nitong nakapatong sa may upuan. Bahagya itong nag-angat ng tingin at nagpapaawang tinitigan siya.
“Tinutulungan ka na nga, iaaway mo pa ako. Hindi naman kita inaano, ah”
Napapikit siya ng mga mata niya. Heto na naman sila sa drama nito. Dadaanin na naman siya sa mga linyahan nitong pangsinauna pa. Magpapaawa sa kanya tapos gusto lambingin pa. Ang tanda na nito para sa ganun!
“Raven, wala akong panahon para sa drama mo. Lumayas ka sa harapan ko hanggat nakakapagtimpi pa ako sayo”
Napalabi ito. “Oo na, aalis na ako. Hindi na kita aabalahin pa” malungkot na sabi nito saka tumayo at naglakad palabas ng opisina niya. Muli itong tumigil sa paglalakad at saka siya nito nilingon. “Tandaan mo, ako lang ang nagmamalasakit sayo”
Napapikit siya saka napahawak sa batok niya.
“Umalis ka na”
Muli siyang napasandal sa upuan niya nang tuluyang umalis ito at mawala sa paningin niya si Raven. Huminga siya ng malalim. Sobrang sakit na ng ulo niya dahil sa mga nangyayari. Una, si Raven ang nawala at kailangan niyang pang pagtakpan. Ngayon naman, si Anna naman ang nawala at hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas nagpunta. Marami na ang nagtatanong. Lalo na ang mga natanguang events na pupuntahan nito dapat. Naninigurado na ang mga ito na pupunta si Anna. Puro na nga lang siya oo at sinisiguradong pupunta sila. Pero sino ang ihaharap niya sa mga ito? Paano niya naman sasabihin sa mga ito na nawawala si Anna at hindi niya alam kung nasaan si Anna?
Urgh! Malalagay pa siya sa alanganin nito. Kailangan niya na talagang mahanap si Anna. Wala siyang balak na gumastos sa mga magrereklamo kapag hindi napuntahan ni Anna. Ang kailangan niya talagang gawin ay mahanap ito at maibalik dito. Sisiguraduhin niyang magbabayad ito sa lahat ng ginawa nitong gulo. Papahirapan niya talaga ito kapag nakuha niya na ito at sa huli, sisiguraduhin niyang babagsak ito.
Hindi siya dapat magaksaya pa ng panahon. Kailangan na niyang kumilos para mahanap kaagad si Anna. Kung hindi mahanap ng lintik na p.i na iyon...


si Anna, pwes, siya ang maghahanap. Kahit saan pang lupalop ito nagtatago, hahanapin niya ito. Sisiguraduhin niyang maibabalik niya ito sa kinalalagyan nito.
Tumayo na siya at kinuha ang leather jacket niya na nakapatong sa mahabang sofa. Sinuot niya iyon at inayos ang kanyang sarili. Hindi siya katulad ng iba na laging naka formal attire. Pakiramdam niya kasi nagmumukha siyang matanda kapag ganoon ang suot niya. Mas gusto niya yung cool lang siyang tingnan. Cool lang. Pero sa ngayon kahit yata uminom siya ng malamig na tubig, walang makakapawi sa init ng ulo niya.
Papalabas na siya ng opisina niya nang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang secretary niya na nakabusanggot ang mukha.
“Boss, pinapasabi ng girlfriend mo na puntahan mo daw siya sa condo niya”
Napailing-iling siya. Isa pang sakit sa ulo. Masyadong sineseryoso ni Monica ang mga request ng mga magulang nila. Ni hindi niya nga alam na girlfriend niya ito, kung hindi pa nito sinabi. Basta sinabi na lang nito iyon, para lang matahimik ang mga magulang nila sa pangungulit sa kanila. Alam naman nila pareho na hindi sila seryoso sa isat-isa. Pareho lang silang nagpapanggap para sa pamilya nila. Pabor din naman sa kanya dahil natigil na din ang tsismis tungkol sa totoo niyang kasarian. Pero minsan nakakasakal na ito. Lalo na kapag inaapura siya dahil sa mga sinasabi ng mga magulang nila.
“Kapag tumawag ulit sabihin mong busy ako” sabi niya saka tuluyang lumabas ng opisina niya.
“Pero boss nakailang tawag na si Miss Monica” nakasunod pa rin ito sa kanya. “Ang sabi niya, nandoon daw ang mommy mo. Tapos may dala daw na mga event organizer. Napapa-isip nga ako kung bakit may dala ang mommy mo na ganun sa condo ni Miss Monica. Totoo bang ikakasal na kayo, boss?”
Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ito. May pagkachismosa din talaga ito. Ah, hindi…chismosa talaga ito. May pakinabang naman sa kanya ang pagiging chismosa nito, pero sa ngayon wala siyang balak na marinig pa ang mga sasabihin nito.
“Kapag tumawag ulit sabihin mong busy ako”
Napasimangot lalo ito. “Alam mo naman boss na hindi tumatanggap ng ganyang dahilan si Miss Monica. Paano kung…”
“Babaan mo ng telepono” putol niya sa sasabihin pa nito at muling naglakad.
“Eh, boss naman…”
Tumigil siya ulit sa paglalakad at muling humarap kay Alyana. Mabilis naman itong tumigil sa paglalakad. Muntikan pa ngang mahulog ang suot nitong malaking salamin dahil sa biglaang pagtigil nito sa paglalakad.
“Why dont you just go home, Alyana? Mukhang pagod ka na. Umuwi ka nang maaga” pautos niyang sabi dito saka muling tumalikod at naglakad paalis.
Kailangan na niyang mahanap si Anna. Nanggigigil na siyang makita ulit ito at maibalik sa lugar nito. Hindi talaga siya titigil hangga’t hindi niya nahahanap ito.
Pero sa ngayon, kailangan muna niyang pumunta sa binyag ng anak nila Blake at Sofia. Kapag hindi siya pumunta sa binyag ng anak ng mga ito, siguradong may susugod sa condo niya. Ayaw na niyang pumunta si Sofia sa condo niya. Noong huli itong pumunta sa kanya, nasapak siya ng pinsan niya. Wala siyang balak na mapasaan ulit sa mukha.
Pagkapasok niya sa elevator sumandal siya sa gilid. Inilabas niya ang cellphone niya at tiningnan ang mga message sa kanya. Inisa-isa na niya ang mga nagmessage sa kanya pero wala pa rin ang pangalan doon ni Anna.
Huminga siya ng malalim saka muling ibinalik ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya.
Humanda talaga ang babaeng iyon. Pinapahirapan siya nito. Gagawin niya ding miserable ang buhay nito pagnakita niya ito.
Tumingala siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Hinilot-hilot niya ang pagitan ng kanyang mga mata. Bakit ba lahat ng babae sakit ng ulo niya? Kailan ba siya patatahimikin ng mga babaeng ito?
Naramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone kaya muli niya itong kinuha. Tiningnan niya kung sino itong umiisturbo sa kanya. Napasimangot siya ng makitang si Raven ang tumatawag. Isa pa itong sakit sa ulo. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Kakaalis lang nito sa opisina niya, tumatawag na kaagad.
Sinagot niya ang tawag nito. “Anong kailangan mo?”
“Nasaan ka? Nakalabas ka na ba ng opisina mo?” Tanong din sa kanya ni Raven.
“Nasa elevator na ako” nayayamot niyang sagot dito.
“Good. Bilisan mo. Nandito na ako sa kotse mo” wika nito saka walang paalam na binaba ang tawag.
F**k, anong ginagawa ni Raven sa kotse niya!? Bakit nandito pa ito?
Napatingala siya. Tiningnan niya kung nasaang floor na siya. Nasa fifth floor na siya. Naiinis na napabuga siya ng marahas na hininga. Ang bagal naman ng elevator na ito makarating sa ground floor. Kung minamalas ka nga naman. Kapag nagmamadali ka, doon naman mabagal kumilos ang elevator na ito.
Nang makarating siya sa ground floor, mabilis siyang naglakad papunta sa nakaparada niyang kotse. Kinakabahan siya. Baka mamaya basag na naman ang salamin ng kotse niya dahil sa tagal niyang makarating. Ilang beses ng ginawa sa kanya ito ni Raven. Binabasag nito ang salamin ng kotse niya sa tuwing naiinip na ito.
Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang nakahiga si Raven sa hood ng kotse niya habang naka dekwatro ang mga paa nito. Mas mabuti ng higaan na lang nito ang kotse niya, huwag lang talagang basagin ang salamin. Mamumulubi na siya sa mga ginagawa nito sa kanya. Kung hindi nga lang sa laki ng utang na loob niya dito, nunkang lagi niya itong pagbigyan.
“Raven, baba!” Utos niya dito habang papalapit siya dito.
Lumingon ito sa kanya. Nakahiga pa rin ito at hinihintay siyang makalapit.
“Ang tagal mo. May humarang bang babae sayo sa daan?”
“Huwag mo akong itulad sayo” nakabusanggot niyang sabi dito nang makalapit siya. “Baba”
Para namang batang bumangon ito at nagdadabog na tumayo.
“Ang sama na ng ugali mo sa akin. Bakit ganyan ka? Nabawasan lang ang pagkadaldal mo, sumungit ka na”
Napailing siya sa mga pinagsasasabi nito. Alam niyang inaasar na naman siya nito. Pero wala siya sa mood na patulan ito. Mas iniisip niya ang binyag na pupuntahan niya at kung saan hahanapin si Anna.
Tinulak niya si Raven na nakaharang sa pinto ng kotse niya. “Tabi”
Papasok na sana siya nang may mapansin siyang kakaiba sa pinto ng kotse niya. Muli niyang isinara ang kotse niya at pinakatitigan ang pinto.
Naningkit ang mga mata niya ng makitang may mahabang gasgas ang pinto ng kotse niya. Napatingin siya sa kabilang pinto. Meron ding gasgas doon. Pakiramdam niya umakyat sa ulo niya ang dugo lahat ng dugo niya.
“Anong ginawa mo sa kotse ko?” Inis na singhal niya kay Raven.
“Ayaw mo kasi akong kausapin”
“Walang-hiya ka! Ano ka bata!? Tigil-tigilan mo ako sa pag-iinarte mo. Ang dami kong problema, tapos dadagdag ka pa. Hindi ka nakakatulong sa….”
“Alam ko kung nasaan si Anna” putol nito sa sasabihin niya.
Natigilan naman siya. Pinakatitigan niya ito. Ang dami nitong ginagawang kalokohan. Baka isa din itong kalokohan nito.
“Seryoso ako” anito.
“Weh?” Hindi makapaniwalang sambit niya.
“Hindi ba halata sa mukha ko na seryoso ako?”
“Iyang mukha mo, hindi kaseryo-seryoso. Sinong maniniwala sayo? Puro ka kalokohan”
Napahawak ito sa dibdib nito. Hindi na niya ito pinansin. Pumasok na siya sa kanyang kotse.
Hindi pa man niya naisusuot ang seatbelt, komportable ng naka upo sa tabi niya si Raven.
Napabuntong-hininga na lang siya sa kakulitan nito.
“Saan tayo pupunta?” Tanong nito habang may kinakalikot ito sa cellphone nito.
“Sa binyagan” walang-gana niyang sagot.
Tumingin ito sa kanya. “Huwag na tayong pumunta doon. Baka gabihin tayo. Hindi pa natin siya maabutan”
“Sinong siya?”
“Si Anna”
Napabuga siya ng marahas. “Ako Raven huwag mong inaasar baka tamaan ka na sa akin”
“What are you talking about?” Naguguluhang tanong ni Raven.
“Tigilan mo ang kalokohan mo!” Singhal niya dito.
Huminga ito ng malalim saka humarap sa kanya.
“Totoo ang sinasabi ko. Nakita ko si Anna sa Quezon province”
Mabilis niya itong tinapunan ng tingin. Para itong bata na gustong paniwalaan. Sumasakit lalo ang ulo niya sa isang ito. Kaysa makipagtalo dito susundin na lang niya ito. Para matapos na ang kalokohan nito.
“Fine”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *