0

Im sorry, good bye


Report

I’m Sorry, Good Bye – Una
Alas tres na ng umaga at naglalaro pa rin kami ni Josh sa computer, nasa discord kami habang nag mumultiplayer. Ginagawa namin yung dream house namin kuno sa mangkrap. Ang tahimik sa discord dahil seryoso kami sa ginagawa namin, nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Nestor, peram pangkamot sa likod” sabi ni kuya sa labas ng pinto

Anong Nestor? Jah pangalan ko

Nararamdaman kong pumapasok nasa loob ng kwarto si Diko kaya nag tulug-tulugan ako.

“Oy, alam kong gising ka pa, asan yung pang-kamot?” Sabi pa nito, kaya bumangon ako tsaka tinuro kung saan yung pang kamot, kinuha nya ito at dire-diretsong lumabas ng pinto.

Naka hinga ako ng maluwag at bumalik na sa pag lalaro.
Maya-maya pa.

“Jah, anak, bat di ka pa daw natutulog?”

Papalapit na si mama saken kaya di ko na nagawa ang ipinag-babawal na teknik.

“H-ha? Tulog kaya ako” pag sisinungaling ko’t pumikit ng marahan.

“Matulog ka na kasi Jah, ako na bahala sa mansyon mo, diko naman papasabugin yan eh hehe” sabi naman ni Josh sa discord

“Anak, matulog kana maaga pa pasok mo bukas” malumanay na ani ni Mama sabay hawak sa balikat ko

“Sige na nga, Josh wag mong papakealaman yung mansyon ko ah? Yare ka saken” pag babanta ko kay Berting

“Oo” tatango tango pang sabi nito

“Sige, bye Good Night. Tengkyu por yor taym” pasasalamat ko sa kanya, tango lang muli ang natanggap ko mula sa kanya kaya inis kong pinatay ang computer ko at dahan dahang lumingon kay mama.

“Sige ma, tutulog na po ako, good night” paalam ko at ngumiti, ngumiti rin sya at dahan dahang lumapit sa pintuan

“Good Night anak”

Lumingon, ngumiti at lumabas na ng pintuan.

Pumunta nako sa kama kong di naliligpit, hay jusko. Unti-unti nakong inantok at natulog na di katagalan.

ATHENA P.O.V.

Good morneng good morneng good morneng yunibers!!

“Magandang Umaga.. Magandang Umaga” bati ko sa mga tao sa bahay habang hinahain ang agahan sa mesa.

“Ano ‘tong niluto mo anak?” Tanong ni Papa

“Bacon tas hotdog” masayang sagot ko naman

“Ang hotdog kulay pula, bat kulay itim...


‘to?!” Tanong naman ng kuya kong bano

“‘Di ba obvious?! Sunog, sunog yung hotdog!” Sigaw ko naman

“Hahahahahahahahahaha! Ano bayan Tina! Hotdog na nga lang lulutuin mo, sunog pa!!” sigaw nito at malakas na tumawa,

tik tik yarn? Charot.

“Hah!, ikaw nga sinigang mo mukang sopas!” Asar ko dito

“Aba, siraulo to ah-

“Hoy! Kakain kayo o hinde?! Nasa harap kayo ng pag kain nag aaway kayo!! Pasalamat nga kayo’t may ulam pa!” Sigaw na may konting suway naman samin ni mama

“Yang leeg kase” sabat ko

“Anong leeg nanaman?!” Asar namang sigaw nanaman nya

“Nek!, anong tagalog ng Nek(Neck)?! Edi leeg! Bano!” Sagot ko

“Yak! Korni mo naman!” Singhal naman nya

“Anong korni?! Joke ba yon?!”

“Di kayo titigil?!” Sigaw naman ni mama kaya nilingon namin ito

Aba papalapit na samin at may dala nang walis tambo

“Ayan, lagot” singit pa ni Papa

Pinag papalo kami ni Mama ng walis tambo sa pwet, walang edad edad. Pinapalo padin kami kahit malalaki na kami, ewan ko ba kasi si Kuya tsk. Ending, naka simangot kaming lahat nag agahan. Si papa kasi nag tanong pa, hay nako talaga.

Nang matapos kumain, tinanong ni maka kung sino mag huhugas ng pinggan, alangan namang ako? Eh ako na nga nag luto. Edi si Ken panot.

Habang nag huhugas sya, manggugulo ako

“Ano? Masaya ba mag hugas?” Pang aasar ko

“Muka ba ‘kong masaya?” Naka simangot na sagot nya

Balak ko pa sanang manggulo ngunit nag ring na yung alarm ko, ibig sabihin papasok nako sa trabaho. Nga pala, working student ako dahil nga hindi namin kaya yung bayarin sa skwelahan, ndi naman ako nakapasa sa para makakuha ng scholarship, nag trabaho nalang ako bilang kasambahay dun malapit sa school ko.

Ang bait ng mga amo ko, lagi nila ako binibilhan ng mga regalo kapag may mga award ako, minsan sinasama nila ako pag may outing sila.

Tapos naman na ako maligo kaya nag bihis nalang ako ng matinong damit, nag baon na din ako ng uniform at bag pang school, dahil dederetso nako pag pasok, dun ko na din gagawin yung mga diko pa tapos na assignments pag may time.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.