0

I’LL NEVER GO CHAPTER 7


Report

🐝Markus POV🐝
Di ako agad nakasagot sa biro ng magkapatid.
Sa totoo lang ay di ko maintindihan kung bakit ako napapayag ng tatlong kaibigan ko na puntahan sila.
Alam ko rin na madalas na magpunta si Xandie dito sa bahay nina Sab.
Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko makita ang babae na to.Kahit pa laging masungit sa akin.
Ngayon naman ay hindi ako pinapansin.
Galit pa rin ba sya sa akin?
Sabagay di pa rin pala ako nakapag sorry sa kanya.Sana naman kausapin nya na ako.
Paano ba? Kapag eto rin ang kaharap ko ay parang hindi ako makapagsalita ng maayos,kaya dinadaan ko na lang sa biro.
“Hey wag kayong ganyan,tingnan nyo oh ayaw nya ako kausapin.”
“Eh bakit nga andito ka? Nakapagatataka talaga.”
“Bawal ba ako dito?”
Tinawagan ako ni Lance,sabi nya me praktis daw.”
“Naniwala ka naman dito sa boyfriend ko.” sagot ni Sab.
“Oo naman,bakit hindi ba kapanipaniwala ang jowa mo?”
“Ewan ko sa yo! Hey Xandie kausapin mo kaya ito si Mark baka me sagot naman na matino.”
“Bakit ako?”
“Syempre,napapansin ko kasi na tahimik ka,kapag kaharap mo sya.hahaha…”
“Tama na nga kayo sa mga biro nyo,mamaya nyan di nya talaga ako kausapin.”
“Excuse me ha,dun muna ako sa loob kuha ako ng drinks.” paalam ni Sab.
“Samahan na kita Beb,Xandie iwan muna kita ha.Tsaka kausapin mo na yang katabi mo mabait naman yan.”
At naiwan na nga kami ni Xandie sa upuan,dahil bumalik na din sina Lance sa court.
Pagkakataon ko na rin siguro na humingi ng sorry sa kanya.
“Ahm Xandie sorry nga pala nung nakaraan.Worried lang kasi ako that time sa Tita ko kaya nabangga kita at...


di kita natulungan kaagad tumayo ng napaupo ka,sorry talaga.”
“Alam mo nagalit talaga ako sayo nun,sabi ko lint*k lang ang walang ganti kapag nakita ulit kita. Pero ngayon dahil nagsorry ka na at friend ka din nila.Pinapatawad na kita.Sorry din.”
“So okay na tayo? Friends?”
“Sure,friends.” sagot naman nya.
Woah! ganun lang pala ang teknik daanin sa biro.hahaha…
Pero yung pagsorry ko hindi biro,dahil galing sa puso yun.
Dahil nga sa friends na kami ay sumasali na sya sa usapan namin,wala ng ilangan.
Hanggang sa nagkayayaan ang grupo na pumunta kami sa bar ni Anton pero di daw sya sasama.Ayaw nya daw abusuhin ang kabaitan sa kanya ng Tita nya.
Nalungkot ako dahil ako na naman ang walang partner kapag lumalabas kami.Sana payagan sya dahil gusto ko sya makilala ng lubosan.
Paano ba gagawin ko?
Para sumama sya,ako kaya magpaalam sa Tita nya.Hindi pwede hindi ako kilala nun.
Alam ko na si Cassy na lang ang sabihan ko tutal makulit ito at baka sakaling madala sa charm nya ang Tita ni Xandie.
Wait lang asan na ba ang makulit na yun.
“Cass pilitin mo naman sumama ang friend mo oh.”
“Wow mukhang interesado ka sa kanya ha?Ligawan mo na kaya.”
“Kaya nga paano ako mag uumpisa kung di sya sasama sa atin?”
“Di ikaw na lang kaya ang magpaalam sa kanya.”
“Baka lalong di pumayag Tita nya kapag ako.”
“Sabagay kahit ako wala akong tiwala dyan sa pagmumukha mo.”
“Seryuso? Itong mukhang to? Grabe ka sa akin ha.Isumbong kita dyan sa kuya mo na….”
“Hey stop! Ok na ako na magpapaalam.”
Buti naman nadaan ko sa blackmail ang makulit na to,sana nga mapapayag nya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.