0

I’LL NEVER GO CHAPTER 29

Ang tagal dalawin ng antok si Xandie.Hindi nya lubos maisip na ayaw syang payagan ng magulang.
Kanina pagkaalis ni Markus ay kinausap sya ng kanyang ina.
Simpleng tao lang ang Nanay nya kaya ayaw nito na masilaw ang anak sa karangyaan.Heto nga lang na meron sila ngayon ay sapat na.
Makuntento na daw sya sa tinatamasa ngayon.
Naisipan nyang tawagan si Cassy.Alam nya na tulad nya ay di rin ito natutulog ng maaga.
“Hello Beb bakit gising ka pa?”
“Di kasi ako makatulog Beb.”
“Dahil ba yan sa pagpunta mo ng Paris?”
“Ayaw nila ko payagan,ano ba gagawin ko?”
“Beb gusto mo ba talaga? Kasi ako kuntento na ako sa botique natin.Kasama pa natin ang mahal natin sa buhay.”
“May point ka naman dyan.Ngayon pa nga lang ay nalulungkot na ako kung mawawala ako ng isang taon.”
“Anong sabi ng nobyo mo?”
“Okay lang daw sa kanya.Kung yun daw ang gusto ko ay di sya hahadlang.”
“Yun naman pala eh.Ano pa ang pinoproblema mo?”
“Kinausap kasi ako ni Nanay,wag na daw ako mangarap ng masyadong mataas dapat daw ay makuntento na ako kung anong meron ako ngayon.”
“Bakit ba kasi sa Paris pa ang gusto mo? Meron din naman na mga sikat na designer dito sa atin.”
“Ewan ko ba,mula ng magkaisip ako ay ito na ang pangarap ko.”
“Sige suportahan kita kung ano man ang desisyon mo.Sana lang ay pag isipan mo ng mabuti.”
Magkasama sila ni Markus ngayon dahil sinundo sya ng binata sa botique.Dinala sya nito sa isang mamahaling restaurant.
“Wow bakit me padinner ka? Kala ko uuwi na tayo.”
“Lagi naman tayong nagdidinner ah.”
“Oo nga pero bakit dito? Sobrang bongga naman dito.”
“Ayaw mo...


nun para pag umalis ka ay may memories tayo na maganda.Kaya pagbigyan mo na lang ako.”
“Ikaw ang bahala.”
Pero imbis na masaya sila ay naas*r sya kay Mark ng magtanong ito.
“Love aalis ka ba talaga.Iiwan mo ako dito,Di mo na ba ako mahal?” sunod sunod na tanong sa nobya na ikinair*ta nito.
“Akala ko ba na okay na tayo,payag ka na.Bakit ngayon ito na naman.Paulit ulit na lang ba tayo?”
“Sorry natanong ko lang.Pasensya ka na.”
“Sorry.Bakit ba kayong mga lalake lagi na lang kayong hadlang sa mga pangarap namin.Dapat kasi di na muna ako nagboyfriend.”
Nagulat din sya dahil sa nasabi nya.
“Galit ka na nyan? Kelan man ay di ako magiging hadlang sa pangarap mo.So,nagsisisi ka na naging tayo?”
“Hindi sa ganun.Mark unawain mo naman ako.”
“Matagal na kitang inuunawa.Pero kung sa tingin mo ay hadlang ako sa pangarap mo ay pakakawalan na kita.Kahit masakit kakayanin ko.”
“Anong ibig mong palabasin.Na maghiwalay na tayo?”
“Ikaw kung iyan ang gusto mo.”
“Sabi mo okay lang na magkalayo wag lang maghiwalay.”
“Madami na kasi akong nasaksihan na nag failed ang relationship dahil inuna ang pangarap.Tingnan mo ang kapatid ko hanggang ngayon ay single pa din.”
“Iba iba naman ang mga tao.Kaya nga di tayo magkakapareho ng pangalan kasi iba din ang kapalaran ng bawat isa sa atin.”
Hindi na lang umimik si Markus.Alam nya na galit na ang nobya.Baka nga mauwi pa sa hiwalayan kapag kinontra nya ito.Sandali lang naman ang isa o dalawang taon.Kakayanin nya ang long distance relationship.Malay ba nila magwork sa kanila.
Hahayaan na lang nya ang kasintahan sa kagustuhan nito.Mahal na mahal nya ito kaya lahat ay gagawin nya mapasaya lang ito.πŸ˜‰

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *