0

Ikaw lang ang nasa puso ko Chapter 3

Report

Ikaw lang ang nasa puso ko
.
Chapter 3
.
Nang makubli na ang babaeng pinagmamasdan niya habang nag nagjo-jogging, ay may malakas na katok mula sa kanyang pinto, ang kapatid niya ito.
.
Marielle : kuya gising ka na ba?
Ariel : oo, bakit baby sis?
Marielle : mangabayo tayo kuya.
Ariel : sige baby sis, mag-shower lang ako.
.
At nang lumabas si Ariel sa kwarto ay nakita ang kapatid na nakagayak na ito at handa ng mangabayo, nagpunta na sila sa kwadra ng mga kabayo, at namangha si Ariel sa kapatid, di niya akalain na marunong na pala itong mangabayo, at naglibot ang mag-kuya sa bukid..nadatnan nila roon ang mga gumagapas ng palay.
.
Marielle : magandang umaga po sa inyong lahat..(nakangiti niyang bati)
Mga Magsasaka : magandang umaga din po señorita Marielle.(sabayan nilang bati)
.
Nagtaka ang mga iba dahil hindi nila nakilala ang kasama ni Marielle. Naintindihan naman ni Marielle ang reaksiyon ng mga magsasaka.
.
Marielle : siya nga po pala, ipinakikilala ko po sa inyo ang kuya ko, si Kuya Ariel.
Magsasaka 1 : si señorito Ariel na pala yan?
Ariel : opo mang tonyo, kayo naman po, nakalimutan nio na ako.
Mang Tonyo : naku señorito pasensiya na kayo, at medyo may kalabuan na ang mga mata ko. Hindi ko agad kayo nakilala, mabuti po at kilala nio pa ako.
Ariel : opo naman, matandain po ako.
Magsasaka 2 : mabuti at bumalik na po kayo señorito, matagal din po kayong nawala dito ah.
Ariel : opo, sa america po kasi ako nag-aral eh.,kumusta nga po pala kayo dito?
Mang Tonyo : maayos naman po, eto mukhang maganda ang aanihin natin.
.
Masayang nakipag-kwentuhan ang magkapatid sa mga magsasaka, nakisalo pa ang magkapatid sa pagkain ng mga magsasaka na bagay na ikinatuwa ng mga magsasaka, dahil hindi maselan ang ang mga amo.
At samantalang si Mary Ann ay papunta sila ng bayan ng kanyang mga magulang kasama ang pamangking si Annabelle dahil mag-sa-shopping sila, ang kuya naman niya ay pumunta ng sapa para mangisda, ipinamili niya ng damit ang mga magulang, ang kuya niya at ang hipag niyang si Evelyn at pati na ang pamangkin, namili din sila ng mga gamit sa bahay, nag-grocery, at bumili ng mga materyales para sa pagpapa-ayos sa kanilang bahay..halos didilim na ng maka-uwi sila dahil inilibot pa nila ang kanyang pamangkin, kaya ng makauwi sila ay masayang masaya ang pamangkin, habang ipinagmamalaki sa mga magulang nito ang mga damit at mga laruan..sa nakikitang katuwaan ng kanyang pamangkin ay masaya din ang kalooban ni Mary Ann.masaya na din ang kanyang puso, dahil naibibigay niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya..
.
Evelyn : bunso, salamat ha. Napakadami mong binili para kay Annabelle, at pati kami ni kuya mo meron din..
Mary Ann : wala yun ate.
Benjie : bunso, bakit ako hindi mo ako binilan ng laruan??
Annabelle : si tatay aman, tanda tanda na maglalaro pa ako lang lalaro di ikaw!!
Andres : talaga ikaw tatay ah, tanda na ikaw lalaro ka pa.
.
Masaya sa pakiramdam ni Mary Ann na napapasaya niya ang kanyang pamilya, lumipas ang oras nakatulog na ang mga kabahay ni Mary Ann samantalang siya ay gising na gising pa, di na naman siya dalawin ng antok, kaya tulad ng nagdaang gabi, nasa duyan na naman siya nagpapalipas ng oras, pinagmamasdan ang mga bituin at ang maliwanag na buwan, at laman na naman ng isipan niya si Ariel, inaalala na naman ang mukha ng kababata, sa isip niya ano na daw kaya ang itsura ni Ariel ngayon..at sa isip niya kung makikita pa ba kaya niya ang kababata na natutunan ng puso niya na umibig dito, walang araw o gabi na hindi kaulayaw ng isip niya at puso ang kababata.may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata dahil sa isiping hindi na niya nakalimutan ang kababata, sa kakaisip niya dito, nahulog na daw yata ang loob niya sa kababata, lagi nalang laman ng puso niya si Ariel kaya tuloy yong mga nanliligaw sa kanya ay hindi niya pinagtutuunan ng pansin, tulad ni Franco, 2nd yr. college palang siya ay nanliligaw na sa kanya, kahit palagi niyang sinasabi na walang maaasahan sa kanya ay hindi padin ito tumitigil sa panliligaw, dahil walang ibang laman ang puso niya kundi si Ariel lamang, at Hanggang sa lumipas ang gabi, maagang nagising ang mag-asawang Andres at Marissa, at ganun din ang kuya niya, dahil pupunta sila sa bukid para gumapas, maaga din siyang nagising dahil balak niya ulit mag-jogging..si Evelyn ay abala sa paghahanda ng babaunin na pagkain ng mga pupunta sa bukid.
.
Andres : may pupuntahan ka ba ngayon Mary Ann?
Mary Ann : ahm balak ko pong mag-jogging tay.
Andres : hindi ka ba pupunta sa bayan? Akala ko ba, pupunta kayo sa bayan ni Carmela ngayon?
Mary Ann : ay opo nga pala, naku, muntik ko ng nakalimutan ah.
Andres : ikaw evelyn, diba dadalaw ka sa inyo ngayon.
Evelyn : opo saglit lang po ako tay, bibigyan ko lang po ng perang pambili ng gamot si tatang.
Andres : oh ito anak, idagdag mo pa ito.(inabutan ng pera ang manugang)
Evelyn : huwag na po tay, okay na po itong ibinigay ni Benjie.
Marissa : kunin mo na anak.
Evelyn : nakakahiya naman po nay tay.
Andres : wag ka ng mahiya anak, syempre nangangailangan si Balae ngayon, at saka hindi ka dapat mahiya sa amin dahil hindi na kami iba sa iyo, isang pamilya na tayo.kaya kuhanin mo na..
Benjie : sige na mahal kunin mo na yong binibigay ni tatay.
.
Nahihiya man si Evelyn ay kinuha na din niya.
.
Andres : ang inaalal ko yong mga materyales na binili natin kahapon ay ngayon idedeliver hindi pwedeng walang tao dito.anong oras ang punta mo Mary Ann sa bayan?
Mary Ann : makapananghali po ang usapan namin ni Carmela..
Evelyn : ako naman po tay mga bandang 9 pa, pero saglit lang po ako doon.
Andres : ah o sige.,paano pupunta na kami ng bukid.
Marissa : oh anak mamayang gabi na nga pala ang sayawan sa may plaza ha, wag mong kalimutan, hindi pwedeng wala ka doon, nakakahiya kay kapitan kung hindi ka dadalo doon.
Mary Ann : titingnan ko po kung makakadalo ako.
Andres : dumalo ka anak, masaya yun..para masubukan mo naman na makipagsayawan..(sumasayaw sayaw pa ang tatay niya)
Mary Ann : sus si tatay, ikaw na lang po kaya ang dumalo doon kapalit ko.
Andres : eh kung binata lang ako, bakit hindi, gustong gusto ko ah.
Benjie : dumalo ka na bunso para makasalamuha mo ulit ang mga naging mga kaklase mo noong elementary ka at high school, matutuwa yun kapag nakita ka nila uli.
Mary Ann : sige dadalo po ako.
Benjie : mahal okay naba ang baon namin?(tanong sa asawa)
Evelyn : oo mahal, eto na..(iniabot ang inihandang baon)
Marissa : tayo na at para hindi tayo initin mamaya.
Mary Ann : sasabay na din po akong lumabas sa inyo, mag-jojogging na din ako.
.
Nagpunta na ang mga magulang niya sa bukid at samantalang siya Mary Ann ay tinuntun na naman niya ang kalsada, upang magjogging, sa tuwing umuuwi sa barrio ay wala siyang palya sa umaga sa pag-jojogging, dahil kapag nasa trabaho ay hindi niya nagagawa iyon, at lumipas ang mga minuto at may sikat na ang araw, nakalayo na si Mary Ann sa pag-jojogging, at hanggang sa namalayan na lang niya na tinutuntun na niya ang papuntang ilog, at nang marating ang ilog, huminto siya sa bungad at pinagmasdan muna ang kapaligiran, at mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang kubo na dating pinagtatambayan nila ng kababata niyang si Ariel. May kurot sa kanyang puso dahil naalala na naman niya si Ariel, at nang marating na ang kubo ay nakita niyang maayos pa naman, napakatagal na panahon na hindi siya napunta doon, ngayon na lang uli siya napunta, at natutuwa siya at naroon pa ang kubo at maayos pa ito, hindi pa masyadong luma, dahil matibay ang pagkakagawa, ang medyo luma ay ang bubong na gawa sa kugon, at natuwa siya dahil naroon pa ang siso na ginawa ni Ariel na sana ay paglalaruan pa nila pero hindi na nila napaglaruan dahil nagkahiwalay na sila noon, medyo may karupukan na nga lang ngayon dahil sa katagalan na, at nakita pa niya doon ang duyan, at napansin niya na parang bago lang ang lubid nito, at saka maayos naman ang kapaligiran hindi masukal, sa isip niya ay mukhang may naglilinis doon..pumasok siya sa loob ng kubo, andoon pa din ang papag buo pa din wala pa itong sira, umupo siya saglit sa may papag, inalala ang mga paglalaro nila roon ni Ariel ng scrabble, at ang paggawa nila ng assignment doon, sumasaya ang kalooban niya kapag naaalala ang mga masasayang araw nila ng kababata, ngunit sa saya ng kalooban niya ay may lungkot ding nadarama dahil namimis na niya ang kababata, kaya bago pa siya malungkot ng tuluyan ay lumabas na ng kubo ang dalaga, at nagpunta na sa labas, naupo siya sa duyan, at nakatanaw sa ilog, muli na naman niyang naalala ang paghahabulan nila ni Ariel at ang mga malalakas na tawanan nilang makaibigan, napailing na lang si Mary Ann ayun nanaman siya nalulungkot, kaya nagpasya na lang siyang umalis doon, nag-madali na ang dalagang umalis, hanggang sa marating na niya ang kalsada, tagaktak na sa pawis si Mary Ann at magpupunas sana siya ng pawis, ngunit noon lang niya napansin na wala na pala ang face towel niya, nailaglag niya ito, huminto siya at nilingon ang towel at baka sakaling matanawan niya ito sa may kalsada ngunit di niya nakita, kaya sa isip niya ay baka sa ilog niya nailalag iyon. Kaya nagpatuloy na lang siya sa pag-uwi hindi na niya binalikan ang towel, at samantalang si Ariel ay kababangon lang niya sa kanyang kama, pupungas pungas siyang lumakad papuntang bintana upang hawiin ang kurtina, at ng mahawi niya ay muli na naman niyang nakita ang babae na nag-jojogging, pero medyo may kalayuan na ito, naitanong niya sa sarili niya kung sino kaya ang babaeng masipag mag-jogging..naisip niya na agahan niyang gumising bukas at ng makapag-jogging din daw siya..at samantala si Mary ann ay nakarating na bahay nila.
.
Evelyn : bunso, siya rin lang nandito ka na pupunta na ako, para makabalik din ako agad, may almusal na diyan sa lamesa, at saka yong pamangkin mo hindi daw sasama sakin, kaya ikaw muna ang bahala sa kanya, hindi pa din kumakain yan, hihintayin ka daw..
Mary Ann : o sige ate, ako na ang bahala.
Evelyn : baby, pupunta na ang nanay ha, pakabait at huwag kukulitin si Tita (papalam sa anak)
Annabelle : opo nanay, ingat po.
Evelyn :salamat anak. Anong gusto mong pasalubong?
Annabelle : apple po at saka grapes..
Evelyn : o sige anak, pasasalubungan kita.
.
Umalis na si Evelyn at naiwan ang mag-tita, At samantalang si Ariel naman ay napagpasyahan niyang lumibot sa may ilog, nagpunta siya sa may kwadra ng kabayo, at nadatnan niya roon si mang pedring ang kanilang driver.
.
Mang Pedring : señorito, mangangabayo ba kayo?
Ariel : opo mang pedring balak ko pong magpunta sa ilog, tinatamad akong maglakad kaya, mangangabayo na lang po ako..
Mang Pedring : ganun ba señorito, sige, malinis ang kubo doon, nilinis ko yun nong isang araw at alam kong darating ka.
Ariel : salamat po mang pedring.
.
nakarating na si Ariel sa may ilog, bumaba siya sa kabayo, at itinali muna ang kabayo sa may puno ng Mangga at saka siya pumasok sa may kubo, malinis nga naman dun, buo pa ang papag at matibay pa din ang mga poste ng ginawa nilang kubo, kasama niya si mang pedring sa paggawa noon. Ibinilin niya kay mang pedring na huwag pabayaan ang kubo, at panatilihin na malinis ito, lumabas si Ariel at pumunta sa may mga batuhan, tinatanaw ang mga agos ng ilog, at lumanghap siya ng hangin, napahugot siya ng malalim na hininga, napakasaya ng pakiramdam niya dahil nakabalik na siya sa kanyang bayan, nakabalik na siya sa kanyang paboritong tambayan nang siya ay bata pa ang paborito nilang tambayan ng kababata niyang si Mary Ann, tulad ni Mary Ann ay inalala niya din ang paglalaro nila roon ng kababata, ang paghahabulan nila ni Mary Ann..at lagi pa nga siyang natatalo nito kapag nagkakarera sila sa languyan..naakit siya sa malinaw at malamig na tubig ng ilog kaya tinanggal niya ang sapatos at pati na ang pang-itaas na damit at ganun din ang kanyang pantalon. At parang bata siyang nagtampisaw sa tubig, hindi na niya inalala na baka may makakita sa kanya roon, wala siyang paki-alam basta gusto niyang maramdaman sa katawan niya ang malamig na tubig roon, umabot ng kalahating oras ang pagbababad niya sa tubig, at nagpasya na siyang umahon roon, at ng maisuot na ang mga damit ay bumalik siya sa may kubo, inikot niya ang kubo dahil tiningnan niya ang ibang poste ng kubo, natuwa siya at maayos din daw, matibay pa din daw, at hanggang sa lumapit siya sa may siso, hindi na nila nalaro ni Mary Ann yun dahil nga umalis na siya, at hanggang sa napagtuunan niya ng pansin ang duyan na gulong na madalas nilang sakyan ni Mary Ann, naghahalili sila sa pag-uugoy doon, lumapit siya sa duyan, at akmang uupo sana siya para magduyan ng mapansin niyang may puting facetowel, sa isip niya may naka-iwan ng towel, at naamoy pa niya na mabango ang towel amoy pabango ng babae..at ang facetowel ay may nakaburda pang Letra, M A sa isip niya kung kanino kaya ang towel na iyon, mukhang ngayon lang naiwan iyon, dahil puting puti pa ito, dahil kung matagal na daw na naiwan ang panyo doon ay mangungutim na daw ito, kaya na-isip niya na baka daw kaya kay mang pedring iyon, dahil sabi sa kanya ni mang pedring ay galing ito roon at naglinis kaya ibinulsa niya ang towel at ibibigay niya kay mang pedring..at hanggang sa napagpasyahan na din niyang umuwi dahil lagpas alas dose na, tiyak na hinintay na siya ng mama niya dahil kainan na ng tanghalian, pagdating nga niya sa bahay nila ay nasalubong niya si Mang Pedring at ibinigay niya ang towel.
.
Ariel : mang pedring naiwan nio po yong towel nio.
Mang Pedring : hindi sa akin yan señorito.
Ariel : ganun po ba, akala ko po sa inyo, kanino kaya ito?
.
Ewan ba ni Ariel kung bakit, hindi niya mailapag ang towel, hawak hawak niya pa ito, pwede naman sanang ilagay na niya sa basurahan ang towel o kaya gawing basahan, pero idinala pa niya sa kwarto niya, at muling tinitigan ang letrang nakaburda doon na M. A. at hanggang sa may kumatok sa pinto niya..ang kanilang mayordoma at ang yaya niya noong maliit pa siya.
.
Yaya Eva : hijo, lumabas ka na diyan at kakain na kayo, kanina ka pa hinihintay ng mama at papa mo, at nandiyan na din si Alexander..
.
Nagulat si Ariel ng sabihin ni Yaya Eva na naroon ang pinsan niya.
.
Ariel : opo yaya susunod na po ako.
.
At nagmadaling pumasok si Ariel sa banyo upang maligo.at nang makapaligo ay bumaba na agad siya ng bahay, nagtungo na siya sa komedor, nadatnan niya roon ang pinsan niyang si Alexander, naroon na din ang mama at papa niya pati na ang kapatid.
.
Alexander : pinsan mukhang puyat ka ah.
Ariel : hindi naman, nanggaling ako sa ilog kanina lang..mabuti at naisipan mong dumalaw dito pinsan.
Alexander : oo pinsan, nakakamis din kasi dito.
Elena : kumain na tayo..
Arman : oo at pupunta ako ng bukid, mabisita nga yong mga gumagapas sa palay..dadaan muna ako kay mang andres, bago ako tutuloy sa bukid.
Marielle : papa sama po ako.
Arman : oh sige anak..
Alexander : anihan na po pala tito?
Arman : oo, nong isang araw pa nag-umpisang magpagapas..
Elena : siya nga pala mamayang gabi may pasayaw si Kapitan sa plaza, para sa mga kadalagahan at kabinataan, tamang tama ang dating mo Alexander at makisayaw kayo ng pinsan mo.
Alexander : aba ayos ah.okay po tita maganda nga yun, may pagkakataong makakilala ng bebot!!
Marielle : mama ako po pwede na ba dun?
Arman : hindi pa anak, baby ka pa lang eh.
Marielle : papa naman hindi na po ako baby, 13 na po ako eh..
Arman : para sakin baby padin ang tingin ko sayo!!
Ariel : hayaan mo na baby sis, matulog ka muna at uminom ng milk mo..kasi nga baby ka pa para kay papa!!
.
Sumimangot na lang si Marielle, pero masarap sa pakiramdam niya na baby pa din ang turing sa kanya ng papa niya, kaya spoiled na spoiled siya.
.
Alexander : pinsan baka sakaling may babae nang makakapagpatibok ng puso mo.
Elena : sana nga Alexander, magdilang anghel ka, gusto ko na ngang magkaroon ng manugang.
Alexander : ako nga din, sabi ni mama sakin mag-asawa na ako. Kaso wala naman akong napupusuan.
Elena : eh maghanap na kayo mamayang gabi.
Marielle : mama—
Arman : oh anak baka itanong mo naman kung pwede ka na ding maghanap ng—
Marielle : Papa!!!hindi naman po yun yong itatanong ko.si papa talaga!!!(nagmamaktol na ito)
Elena : Arman, huwag mo ngang binibiro yong anak mo..ano ba yong itatanong mo baby?
Marielle : itatanong ko po kung pwedeng manood tayo sandali ng sayawan.
Elena : oo naman anak!! Pupunta talaga tayo doon dahil guess speaker tayo sa gabing iyon, nagdonate kasi ako kay kapitan para sa okasyon na iyon, at para na din sa pa-welcome party natin sa kuya Ariel mo.
Alexander : wow, pinsan para pala sayo yong party na yun..
Arman : oo, at imbitado lahat ng kadalagahan.
Alexander : wow!! Excited na ako diyan.
Arman : at huwag niong mamaliitin ang mga kadalagahan dito, dahil magaganda ang mga kadalagahan dito sa ating barrio.
Alexander : talaga po tito?
Arman : oo naman..
Ariel : hay naku, tingnan ko nga kung may magugustuhan ako.
.
Pero sa isip ni Ariel ay may gusto siyang makita, walang iba kundi ang kababata niyang si Mary Ann Alcantara, na lagi niyang kasama at kalaro sa may ilog, si Mary Ann na lagi din niyang naiisip nong nasa America siya hindi niya ito nakalimutan, ang kababata niyang laging tumatalo sa kanya sa takbuhan, at sa languyan…dahil nga si Mary Ann ay mas lalake pang kumilos sa kanya nong bata sila, sa isip ni Ariel ano na kaya ang itsura ng kababata niya ngayon, kilos lalake pa daw ba kaya!
.
Alexander : pinsan, gusto ko sanang mangabayo, baka pwedeng samahan mo naman ako..
Ariel : oo ba, sige marunong ka ba?
Alexander : oo,naman marunong ako, gusto mo karera pa tayo..
Ariel : aba, sige ba!!
Marielle : kuya alex, kuya Ariel sali ako sa karera nio?
Arman : aba, hindi pwede anak!! Sasamahan mo ako sa bukid diba?
Marielle : nagbago na po yong isip ko, kila kuya nalang po ako sasama..
Arman : hindi ka pwedeng makipag-karera sa mga kuya mo, baka mapano ka, kaya sumama ka nalang sakin sa bukid..
Ariel : ah papa pupunta din po kami ni Alexander sa bukid..
Arman : mabuti pa nga, ikaw baby girl sakin ka sasabay ha, mainit na para mangabayo.
.
At ng makatapos silang kumain ay nagpunta nga ang mag-ama kila mang Andres..at samantalang ang magpinsan naman ay naglibot pa muna sila sa kung saan saan, na nakasakay sila sa kabayo. Mahusay din mangabayo si Alexander dahil nong ang papa niya ang namahala dati ng asyenda ay nagpaturo si Alexander kay mang pedring na mangabayo at mabilis naman siyang natuto. At samantala naman, si Mary Ann ay papalabas na ng bahay, papunta na siya ng bayan, at sa paglabas ay nakita niya na nasa tapat ng tarangkahan ang Amo nilang si Arman.
.
Arman : magandang tanghali sa inyo..nariyan ba si Mang Andres?
.
Nagulat si Mary Ann dahil mula ng dumating ang mga amo ng tatay niya ay ngayon na lang niya ito nakita, alam naman niya na naka-uwi na ang mga magulang ni Ariel pero hindi pa niya ito nakikita ngayon pa lang, pero ang mama ni Ariel na si Elena ay hindi pa niya ito nakikita, si Evelyn ang sumagot sa tanong ni Arman.
.
Evelyn : nasa bukid po sila, baka po mamaya pang hapon ang uwi nila dito, dahil nagbaon po sila ng pagkain.
Arman : ganun ba. Sige sa bukid ko na lang sila pupuntahan..
Evelyn : opo.
.
Kinumusta lang sandali ni Arman si Mary Ann At hindi na din nagtagal pa ay umalis na ang mag ama, nagpunta na sila ni Marielle sa bukid..at samantalang si Mary Ann ay nagpaalam na siya sa ate niya. At samantalang ang magpinsan ay naroon sa may ilog, nakatuwaan din ni Alexander na maligo sa ilog, si Ariel ay nananatili lang na nakaupo sa mga batuhan hindi na siya lumusong dahil naligo na siya, habang naliligo ang pinsan ay napagpasyahan niyang pumunta sa bahay ng kababata niyang si Mary Ann, gusto na niyang makita ito..kaya pagkatapos ni Alexander na maligo ay pauunahin na niya ito sa bahay nila, at siya daw ay tutuloy sa bahay nila Mary Ann..at nang magsawa na nga ang pinsan niyang maligo ay nagpasya na silang umuwi, pero si Alexander lang ang pumasok sa bahay, at si Ariel ay pagkatali niya sa kabayo ay sinakyan niya ang motorsiklo ng papa niya dahil siya ay pupunta nga sa bahay nila Mary Ann. Medyo nanibago lang siya at parang naligaw na yata dahil madami na palang mga bahayan roon, dati kasi konti pa lang hindi niya sigurado kung nasaan na kaya ang bahay ng kababata dahil parang nag-iba na daw ang bahay nila Mary Ann, dahil unti unti na kasing pinababago ni Mary Ann ang bahay nila..kaya nagtanong na lang si Ariel sa mga taong nalasalubong niya kung saan ang bahay ni Mang Andres at itinuro nga ng mga ito ang bahay ni mang Andres, pagtapat niya sa tarangkahan ay bumaba siya sa motor, at nagtao-po siya, at lumabas naman si Evelyn na, kilik ang anak na mukhang may tantrums pa ang bata, iyak ng iyak ang anak ni Evelyn dahil iniiyakan ang paru-paru na hindi mahuli, ang gusto ni Annabelle ay manghuli ng paru-paru ngunit hindi naman sila makahuling mag-ina, kaya iyak ng iyak, Hindi kilala ni Evelyn si Ariel, alam niyang may anak na lalake ang mga amo pero hindi niya alam ang itsura nito.
.
Annabelle : nay, huli mo paru-paru..(umiiyak nitong sabi)
Evelyn : anak huwag kang umiyak at may tao,sino po sila?(baling niya kay Ariel)
Ariel : magandang tanghali po, dito po ba ang bahay nila Mang Andres?
Evelyn : dito nga po yun.,ano po ang kailangan nila sa biyanan ko!!
.
At nagkaroon ng idea si Ariel na siguro asawa iyon ng kuya ni Mary Ann.hindi naman tumitigil si Annabelle sa pag-iyak kaya hindi nagtagal na nagtanong si Ariel..
.
Ariel : ah, itatanong ko lang po sana kung nariyan ba si Mary Ann?
Evelyn : wala po eh, may pinuntahan.
Ariel : ganun po ba, sige babalik na lang po ako, mga anong oras po kaya siyang makakabalik?
Evelyn : hindi ko lang po alam..sino po ba sila, at para masabi ko po kay Mary Ann na hinahanap nio po siya.
Ariel : ah, paki-sabi po si Ariel.
Evelyn : sige po at sasabihin ko sa kanya.
.
Agad na ding umalis si Ariel, si Evelyn naman ay inaalo ang anak, sa pag-iyak, napakamot tuloy si Evelyn dahil sa pag-mamaktol ng anak ay hindi niya natandaan ang pangalan ng lalakeng naghahanap kay Mary Ann, madilim na ng dumating si Mary Ann, naroon na din ang mga magulang niya at ang kuya niya, sinabi ni Evelyn kay Mary Ann na may naghahanap sa kanya, kaya lang di masabi ni Evelyn ang pangalan ni Ariel dahil nakalimutan niya ito, dahil nga sa pagmamaktol ng anak..kaya nag-isip tuloy si Mary Ann kung sino kaya ang lalake..tinukso naman siya ng kuya niya na baka daw isa na nanamang manliligaw…at hanggang sa sinabi ng mga magulang niya na mag-gayak gayak na siya dahil ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasiyahan sa may plaza, pinag-usapan nila ni Carmela na dadalo silang dalawa para may kasama siya, tinanong naman nia ang mga magulang niya kung pupunta din ito para manuod, ngunit tumanggi ang mga ito, dahil napapagod daw dahil maghapon silang nasa bukid, at ang kuya niya at ate Evelyn niya ang maghahatid sa kanya sa plaza at kapag uwian naman na daw ay ihahatid siya ni Carmela at ng kapatid ni Carmela na binata.
.
Marissa : Anak bakit hindi ka pa nakagayak malapit ng mag-umpisa ang kasiyahan...


doon sa plaza..
Mary Ann : gagayak na po ako nay.
Andres : oo anak, alalahanin mo kasama ka sa programa, ikaw daw yong mangunguna sa pananalangin, tingnan mo yong inbitasyon, naroon ang pangalan mo.
Marissa : nakapaghanda ka na ba ng panalangin mo?
Mary Ann : hindi pa po, madali na lang yun nay, kapag nandun na saka ako mag-iisip ng panalangin, hindi naman po kailangang kabisaduhin ang panalangin, basta galing sa iyong puso ang mga sasalitain mas maganda.
.
Hindi nga nagtagal ay nakatapos ng gumayak si Mary Ann, kahit simple lang ang ayos niya ay lutang pa din ang kagandahan niya sa dress niyang suot, nakalugay ang mahaba at unat niyang buhok..at nag apply din naman siya ng konting make-up, na lalong nagpa angat sa maganda niyang mukha.
.
Benjie : bunso hindi ka pa ba nakagayak?(tanong mula sa labas ng kwarto ni Mary Ann)
Mary Ann : nakagayak na ako kuya, isusuot ko na lang ang sandals ko..tulog na ba si Annabelle?
Benjie : oo,, nanay pakitingnan po muna si Belle, (sabi sa ina) isasama ko po si Evelyn na maghahatid kay bunso para may kasama akong uuwi..
Marissa : o sige anak, ako na ang bahala kay belle.
.
Hindi nga nagtagal ay nagpahatid na si Mary Ann sa kuya at ate niya..pagdating niya roon ay madami ng tao, at sinalubong siya ni Carmela.
.
Carmela : akala ko hindi ka na dadating, ang tagal mo kanina pa ako dito.
Benjie : naku Mela, pasensiya ka na sa kapatid ko at, nagpaganda pa ng husto yan.
Carmela : halata nga kuya Benjie, ang ganda eh.
Mary Ann : hindi naman..kayo talaga, akala ko kasi maaga pa, kaya hindi pa ako agad naggayak.
Carmela : sus ako nga pagdating ko sa bahay kanina, gumayak na ako agad eh.
Mary Ann : ako kasi hindi pa, nakipag-kulitan pa ako kay belle kanina.
Benjie : oh pano carmela, paki-hatid nio nalang si Bunso sa bahay ha.
Carmela : oo kuya, naman kami na ang bahala kay Mary Ann.
Evelyn : sige bunso uwi na kami ni kuya mo, at si Belle baka magising, iiyak kapag wala ako sa tabi niya.
Mary Ann : oo ate. Salamat ha. Kuya ingat sa pagmamaneho.
.
Hindi nga nagtagal ay nakaalis na ang kuya at ate niya.
.
Mary Ann : ang daming tao..
Carmela : oo nga, eh andito yong mga ibang ka-batch natin nong high-school.
Mary Ann : ganun ba.
.
At nang tuluyan na silang nakapasok sa may bulwagan, ay binati agad sila ng mga dati nilang kaklase noong sila ay Elementary at meron din naging kaklase nila sa highschool, na mga kabaranggay lang din nila, ang iba ay mga dalagat binata pa lang din ang iba ang iba din naman ay mga may asawa na, nagkumustahan silang lahat, at hindi nga nagtagal ay nagsalita na kapitan ng barrio nila, na malapit na nga daw magsimula ang programa nila hinihintay na lang daw ang Pamilya Torres, nagulat si Mary Ann at pati din pala ang mga Pamilya Torres ay imbitado sa kasiyahang iyon.
.
Carmela : siya nga pala, panigurado kong matutuwa ka sa ibabalita ko, makikita mo na ang lalaking nilalaman ng puso mo!
.
Natigilan si Mary Ann sa sinabi ni Carmela, pumasok agad sa isip niya si Ariel, at may kaba siyang naramdaman, kabang may halong saya!
.
Mary Ann : nilalaman ng puso ko? Eh sino naman yun?
Carmela : sus, nagmamaang maangan ka pa eh di si–
.
Nahinto sa pagsasalita si Carmela dahil lumapit sa kanila si Franco..
.
Franco : hi girls!!
Mary Ann : Franco?
Carmela : nakow!! May mag-gugwardiya na naman po pala sayo!!(bulong sa kaibigan)
Mary Ann : umuwi ka din pala!!
Franco : oo. Balita ko kasi umuwi na kayo ni Carmela.
.
Ang akala ni Carmela ay tinawag siya ni Franco. Dahil narinig niya na binanggit ang pangalan niya..
.
Carmela : ha, bakit franco?
Franco : wala, si Mary Ann yong kinakausap ko..
Carmela : ay sorry naman, akala ko kasi ako!!(inis na sabi)
.
Ang totoo crush ni Carmela si Franco, noon pa mang high school sila, medyo malapit lang kasi ang bahay ni franco sa bahy nila Carmela, ngunit hindi naman sila magkapareha ng eskwelahan na pinapasukan dahil sa private school nag-aaral si Franco, samantalang silang magkaibigan ay sa public school..kaya sa inis ni Carmela ay hinatak niya si Mary Ann para malayo kay Franco, alam naman niyang nakaramdam ng irita ang kaibigan kaya siya na ang gumawa ng paraan para makalayo si Mary Ann.
.
Carmela : ay Mary Ann ayun sila Melanie oh, kinakawayan tayo..halika puntahan natin..sige Franco maiwan ka namin ha, at makiki-jamming lang kami sa mga barkada namin noong highschool(baling niya khay Franco).
.
Walang nagawa si Franco kundi sundan ng tingin si Mary Ann, nang hinayang naman si Franco dahil akala niya magkakasarilinan sila ni Mary Ann..
.
Mary Ann : carmela, hindi ba mukhang binastos natin si Franco?
Carmela : hindi ah, bakit kasi, hindi naman siya ang ipinunta natin dito ah..at saka minsan lang nating makakasama uli ang mga dati nating mga kaklase.
.
At lumapit nga silang magkaibigan sa mga barkada nila ng highschool.
.
Melanie : Mary Ann, carmela, akala namin di nio na kami kilala.
Roselyn : oo nga, hindi nio kami pinansin sa may pinto kanina..
Carmela : uy hindi naman, bakit naman hindi namin kayo makikilala, hindi lang namin kayo agad napansin..
Mary Ann : oo nga, dami kasing sumalubong samin kanina doon eh..at saka pwede ba naman na kalimutan namin kayo eh kaibigan namin kayo.
Roselyn : ang ganda ganda mo na Mary Ann.
Mary Ann : salamat, kayo din naman ah, maganda din..
Carmela : ay ngayon ako magtatampo sa inyo., bakit ako hindi ba maganda?
Melanie : syempre maganda!!
Carmela : ayan, ililibre ko kayo!!(tumatawa niyang sabi)
Melanie : kumusta naman na ang buhay! Ngayon na lang tayo uli nagkita kita ah,.
Carmela : oo nga saan ba kayo naglalalagi?
Melanie : sa Manila ako nagtatrabaho eh, Saleslady sa isang department store, buti kayo teacher na!!di kasi ako kayang pag-aralin nila tatay nun..
Mary Ann : eh ikaw, Roselyn ano trabaho mo ngayon?
Roselyn : Mananahi lang ako..
Mary Ann ; ay bakit nilalang mo yun, magandang trabaho naman yun ah..
.
At hindi nagtagal ay nagsalita na ang emcee magsisimula na daw ang programa dahil dumating na daw ang mga pamilya Torres, hindi malaman ni Mary Ann kung ano ang pakiramdam niya ng marinig ang pamilya Torres, parang lumukso pa ang puso niya, at hiniling niya na sana lang daw ay kasama na si Ariel doon..at hanggang sa nalaman na nga niya na ang sponsor pala ng kasiyahang iyon ay ang mag-asawang Arman at Elena, at para na din daw sa pa Welcome party nila sa nag-iisang anak na lalaki na si Ariel.at talagang umaapaw sa galak ang puso ni Mary Ann sa nalaman dahil makikita na niya ang kababata niyang si Ariel, at hanggang sa nakapasok na ang mag-anak na Arman at Elena na may kasamang magandang babae na dalagita pa lang pero mukhang dalaga na, at hanggang sa likuran ng mag-asawang Arman at Elena ay kasunod si Alexander..tinititigan niyang mabuti ang mukha ng lalake, ang akala nilang magkaibigan ay yoon na si Ariel..
.
Carmela : ayon na yong boyfriend mo oh Mary Ann.
Mary Ann : huwag ka ngang maingay diyan baka mamaya may makarinig sa iyo..
.
Sinalubong ni kapitan ang mag-anak na Torres at nagpasalamat ito, kasama niyang sumalubong ang mga konsehal ng kanilang barrio, nagpasalamat sila sa pagtulong ng financial para sa kasiyahang iyon, at sa paghahanda ng mapagsasaluhang pagkain sa gabing iyon. Nagpakatay kasi si Arman ng mga baka at may mga baboy na pinakatay para sa pagsasaluhan nila..
.
Elena : nasaan ba yong pinsan mo Alexander?
Alexander : nasa labas pa po tita.
Elena : ano pa bang ginagawa doon, bakit hindi pa pumasok?
Alexander : may kausap lang po sa celpone.
.
At samantalang si Mary Ann ay kinakabahan ng mga sandaling iyon.
.
Mary Ann : lalabas muna ako sandali ha.
Carmela : ha bakit? Anong gagawin mo?
Mary Ann : magpapahangin lang sandali sa labas..(sabay alis sa kinauupuan niya.)
.
Lumabas si Mary Ann dahil gusto niyang lumanghap ng hangin dahil parang nagsisikip ang dibdib niya sa isiping nariyan na ang kababata niyang si Ariel na buong buhay niya ay hindi niya nakalimutan, kaya nga ng makita niya ito, ay para naman siyang nalungkot dahil naisip niya na baka hindi siya pansinin nito at baka hindi na siya kilala, nagmadali siyang lumabas roon, sa loob ng bulwagan, sa pagmamadali niyang lumabas ay may nabunggo tuloy siyang isang lalake na papasok naman sa Bulwagan at yun na nga si Ariel ang naka-bunggo niya, naghingi siya ng dispensa sa lalake,at ganun din ang lalake sa kanya, hindi niya masyadong nakita ang mukha nito dahil medyo may kadiliman na sa labas, at pagka-hingi niya ng dispensa ay agad na siyang lumabas sa pinakalabas, natigilan naman si Ariel dahil sa pagka bigla na nabunggo siya ng isang babae..at hindi namalayan ni Mary Ann na sinundan pala siya ni Carmela..at hanggang sa marinig na nilang nagsasalita ang Emcee dahil simula na ang kanilang programa para sa gabing iyon..
.
Carmela : okay ka lang ba? Nagsisimula na ang programa, tayo na sa loob at baka tawagin ka ng manalangin..
.
Humugot muna si Mary Ann ng hangin at saka ibinuga, dahil para mabawasan ang kabang nadarama, nakakaramdam tuloy siya ng matinding kaba dahil sa isiping nariyan na sa loob ng bulwagan ang kababata niya na si Ariel na walang araw at gabi na hindi niya iniisip..ramdam naman ni Carmela ang tensiyon ng kaibigan.
.
Carmela : kumalma ka Mary Ann baka hindi ka makapagsalita mamaya sa loob..
Mary Ann : okay naman ako, halika na pasok na tayo..
.
At pumasok na nga silang magkaibigan sa loob ng bulwagan.pinakalma ni Mary Ann ang kanyang sarili..nahiling niya na sana.pansinin naman siya ng kanyang kababata na si Ariel, at naupo na sila uli sa kanilang mga upuan..at samantalang si Ariel naman ay nagpalinga-linga siya na parang may hinahanap ang kanyang mga mata, kinikilala niya ang lahat ng mga mukha ng mga tao doon nagbabakasakali ng mahagip ng mga mata niya si Mary Ann, nagbabakasakali na naroon ang kababata niyang si Mary Ann..napansin ni Alexander ang pagiging malikot ng kanyang mga mata.
.
Alexander : pinsan mukhang may hinahanap ka ah, sino ba yong hinahanap mo?
Ariel : ha, yong kababata ko na lagi kong kalaro noong bata pa ako baka sakali na narito ngayon.
Alexander : ah. Babae ba?
Ariel : oo, pero medyo tomboy siya noon eh..kaya nagtitingin ako ng tomboy eh.
Alexander : ganun ba..e baka naman nag-iba na siya ngayon pinsan baka, babaeng babae na siya.
.
Hanggang sa ayun na nga magsisimula na.
.
Emcee : Bago po tayo magsimula ng ating kasiyahan ngayong gabi, pangungunahan po muna ng isang panalangin na magmumula sa magandang dilag na walang iba kundi ang anak na dalaga ni Mang Andres Alcantara na si Bb. Mary Ann Alcantara, siya po ay isang masipag na guro na maipapagmamalaki ng ating barrio dahil sa kanyang katalinuhan,ay nakapagkamit ng pinakamataas na karangalan noong siya ay nag-tapos ng kolehiyo.
.
Natatawa na lang si Mary Ann ng i-introduce siya ng Emcee palibhasay ninong niya ito sa binyag, kaya pinagmamalaki siya nito..nagpapalakpakan naman ang tao, napapakamot na lang ng ulo si Mary Ann, nahihiya tuloy siya na pumunta sa harapan dahil lahat ng atensiyon ay nasa kanya,..at samantala naman si Ariel ay nagulat siya ng marinig niyang banggitin ng Emcee ang pangalan ng kababata, hinahanap niya kung saan kaya ang kababata niya, at hanggang sa nakita na nga niya na may magandang babae na lumalapit sa Emcee, at laking gulat niya ng makita ang kababata, at sa isip niya hindi daw siya nagkakamali yong bumunggo sa kanyang babae ay yong kababata niyang si Mary Ann, at pagkakita niya kay Mary Ann ay parang huminto ang mundo ni Ariel, lalo na ng magsimula ng manalangin si Mary Ann, narinig niya ang malamyos na tinig ni Mary Ann na para tuloy siyang nanigas sa kinatatayuan niya, hindi siya makapaniwala na ang magandang babae na nasa harap niya ay ang kababata niyang si Mary Ann, napansin ni Elena ang anak na nakatitig kay Mary Ann at natawa na lang si Elena sa anak dahil sa titig na titig ito kay Mary Ann at nakapanganga pa ito..sa isip ni Elena mukhang may nakapagpatibok na sa puso ng anak niya..at humanga din naman si Elena kay Mary Ann dahil napakagandang babae ni Mary Ann.malayong malayo sa dating si Mary Ann nong bata sila ni Ariel., habang nagdadasal si Mary ay inalis muna niya ang kung ano mang hiya niya sa mga pamilya Torres at lalong lalo na sa kababata niyang si Ariel..at hanggang sa natapos na ni Mary Ann ang panalangin..babalik na sana si Mary Ann sa kanyang upuan ng pigilan siya ng Emcee na ninong niya, dahil nagpapasama ito doon na magsalita, pero tumangi siya sa ninong niya, si Kapitan naman ay sinanag-ayunan naman ang ninong niya..kaya wala na siyang nagawa..kumilos na lang siya ng normal habang nagsasalita, mabuti nalang at handa siya sa mga sasabihin, sa mga pasimula,,at hanggang sa ipinasa na niya ang mikropono sa ninong niya para sa pagpapasalamat sa mga pamilya Torres at ang pag we-welcome sa kababata niyang si Ariel, iniiwasan niyang tumitingin sa gawi ng mga pamilya Torres, titingin man siya pero saglit lang, at minsan ngang tumingin siya sa gawi ng mga pamilya Torres ay nakita niya ang naka-bunggo niyang lalake, hindi niya masyadong natitigan ang mukha nong nabunggo niya ito, at ibabaling na niya rin agad ang tingin sa iba, at hanggang sa tinawag na nga ng kapitan ang ama ng tahanan ng pamilya Torres na si Arman upang mag-bigay ng mensahe, at sa kahuli-hulihan ng mensahe ni Arman ay tinawag na niya ang kanyang anak na si Ariel, upang ito naman ang magbigay ng mensahe..at hanggang sa laking gulat ni Mary Ann ng napag-alaman niya na yong nabunggo niya kanina ay yoon pala si Ariel..at habang papalapit si Ariel sa Gawi nila ay natataranta na siya, sinaway niya ang puso niya at animoy parang tumatalon talon ito sa tuwa, parang gustong kumawala.,at hanggang sa nagsasalita na si Ariel, ang lahat ng kadalagahan ay parang kilig na kilig nang makita si Ariel ang mga ito ay humahanga sa binata, lalo na yong mga dating naging kaklase nila noong Elementary, dahil sino nga ba naman ang hindi hahanga eh napaka-gwapo at napaka-kisig ng binata..at nang habang nagsasalita si Ariel, ay nakikinig lang ng mabuti si Mary Ann sa mga sinasabi ni Ariel at hanggang banggitin ni Ariel ang mga naging ka-klase nito, hiyawan naman ang mga kababaehan niyang ka-klase, at hanggang sa banggitin na nga niya ang madalas niyang kalaro nong bata siya, lalong bumilis ang tibok ng puso ni Mary Ann, at hanggang sa binanggit na nga ni Ariel ang pangalan ni Mary Ann, at tumingin si Ariel sa gawi niya, at ng madinig ni Mary Ann na banggitin ang pangalan niya ay tumingin naman siya sa Binata at nginitian niya ito..at ginantihan siya ni Ariel ng ngiti, tumatambol ang puso niya ng mapatingin siya kay Ariel, lalo na at nginitian siya ng binata, masaya siya dahil hindi pa pala siya nakakalimutan ng kababata niyang si Ariel, nagbawi na siya ng tingin, ibinaling na niya ang tingin niya sa kaibigan niyang si Carmela, at nakita niyang inuulan siya ng tukso ni Carmela, hindi man ito nagsasalita pero sa mga mata ni Carmela ay nakikita niyang tinutukso niya.natuwa naman ang mga magulang ni Ariel ng makita nilang mukhang masaya ang anak ng makita ang dating kababata,
Emcee : aba, Mary Ann, espesyal ka pala dito kay Señorito Ariel, halika at samahan mo siya dito, tabihan mo siya!
.
Nataranta si Mary Ann, hindi niya alam kung susundin ba niya ang ninong niya, ngunit nahiya naman siya na hindi sundin ito, kaya napilitan siyang lapitan si Ariel.
inuulan tuloy siya ng tukso ng iba pa nilang kababata, at paglapit niya kay Ariel ay binati siya agad nito.
Ariel : hi!!!
Mary Ann : hi..(Nakangiti niyang bati)
.
Nagdaupang palad silang dalawa, pinilit niyang kumilos ng norma, para maayos niyang maharap ang kababata, mabuti na lang at gabi noon at di halata ang pamumula ng pisngi niya sa sobrang hiya, at nagpasalamat dahil sa natapos na ngang magsalita si ariel at ibinigay na ang mikropono sa Emcee. Nagpaalam na si Ann kay Ariel na babalik na siya sa kanyanh upuan, samantala naman sinabi na ng Emcee na magkakainan na muna sila, pagsasalu-saluhan na nila ang inihandang pagkain para sa lahat..bago umpisahan ang sayawan..at nagmadali si Mary Ann na pumunta sa pinag-uupuan niya..ayon na nga inuulan na siya ng tukso ng mga kaibigan, lalo na si Carmela..at hindi naman maitago ang katuwaan niya..at samantalang ang mag-anak na Arman at Elena ay nakapwesto na din sa isang mahabang lamesa at para kumain na din kasama nila sa table ang mga opisyal ng baranggay, at naroon din ang magpinsang Alexamder.
.
Alexander : pinsan ang ganda pala ng kababata mo..akala ko ba tomboy yun, tingnan mo naman babaeng babae, ang ganda pinsan!!
Ariel : oo nga gumanda siya.
Alexander : pinsan abay wag mo ng patagalin,,ligawan mo na siya.
Ariel : pinsan naman, baka mamaya may boyfriend na yun, baka mamaya yong boyfriend naman niya ang pumatay sakin.
Alexander : eh paano kung wala, di mo malalaman kung di mo aalamin kaya mamaya lapitan mo.
Ariel : ill do that, pinsan!
.
Habang kumakain si Ariel ay tingin siya ng tingin sa Gawi ni Mary Ann, at si Mary Ann naman ay pasulyap sulyap din naman kay Ariel..at hanggang sa nagtama ang kanilang mga mata..pero nagbawi agad si Mary Ann dahil parang natutunaw siya, lumulundag ang puso niya.
.
Carmela : Mary Ann, yong boyfriend mo nakatingin sayo..
Mary Ann : tumigil ka Mela, baka may makarinig sayo, kung ano ang isipin nila.
.
At hanggang sa nagulat na lang si Mary Ann sa ginawa ng kaibigan, kinawayan niya si Ariel, at pinalalapit sa table nila.at natuwa naman si Ariel dahil kinawayan siya ni Carmela, nagmadali naman si Ariel na pumunta sa table nila, na dala ang plato niya, at kumuha ng bangko si Ariel at tumabi siya kay Mary Ann..at binati niya ang mga kasama sa table nila Mary Ann na sina Melanie at Roselyn.at pati na si. Carmela..
.
Ariel : hi, Mary Ann!!pa join sa table nio ha..(nakangiti niyang sabi)
.
Hindi naman malaman ni Mary Ann ang gagawin niya, natataranta siya sa mga sandaling iyon, natutuwa ang puso niya dahil dreams come true.
.
Ariel : musta Carmela?
Carmela : mabuti naman señorito, mabuti at kilala nio pa po ako..
Ariel : syempre naman kilala ko kayo ikaw Mary Ann. Kumusta kana?
.
Inaawat ni Mary Ann ang puso niya dahil nagwawala na nanaman ito sa tuwa, lalo na ngayon na malapit sa kanya si Ariel at medyo nagkakabunguan pa ang mga braso nila, para tuloy siyang kinukuryente, at isa pang nagpapakabog ng puso niya ay nakatitig sa kanya si Ariel..
.
Mary Ann :,okay lang din po señorito..
Ariel : naku ha, sini-señorito mo na ako ngayon ha, dapat ikaw yong galangin ko at guro ka eh.
.
Ngiti lang ang sagot ni Mary Ann kay ariel, at hanggang sa naalala ni Ariel ang pinsan..iniwanan niya sa table ang pinsan kaya kinawayan niya din ito upang palipatin sa table nila, at lumapit naman si Alexander, kaya naubliga silang magsiksikan sa table na iyon, dahil isiningit ni Alexander ang upuan niya sa tabi ni Ariel at hanggang sa halos magkadikit na silang dalawa ni Mary Ann, lalong nataranta si Mary Ann dahil magkadikit na talaga ang braso nila ni Ariel, wala ng pagitan, nanlalamig na ang mga kamay ni Mary Ann sa naghalong emosyon. Kaba, at kilig, at saya..sinaway niya ang puso niya dahil baka mahalata siya ni Ariel na nagkaka-ganun siya..at samantala naman sa isang banda ay may nagpupuyos ang kalooban, yun ay si Franco, nagseselos siya kay Ariel, dahil nakita niya ay halos magkadikit si Ariel kay Mary Ann..at si Ariel naman ay ipinakilala niya si Alexander kila Mary Ann at Carmela, nakipagkamay naman si Alexander kay Mary Ann at ganun din kay Carmela, samantalang si Carmela naman ay parang huminto din ang mundo ng kamayan siya ni Alexander..at tulad ng nararamdaman ni Mary Ann para kay Ariel ay ganun din ang nararamdaman ni Carmela kay Alexander, at napatingin naman si Elena sa anak, natuwa siya ng makitang nakikipag-usap ang anak sa kababata,..hindi tutol si Elena kung sakaling ligawan ng anak niya ang anak ng katiwala nila sa kanilang bukid..dahil si Elena at arman ay mababait na tao at hindi matapobre..at nang matapos na ang lahat na kumain ay nagpahinga lang nga konti, si Carmela na madaming kwento ay natahimik, ng tumabi sa kanila si Alexander, at hanggang sa nag-umpisa na nga ang sayawan, marami na ang mga sumasayaw na kadalagahan at kabinataan, at hanggang sa nagpasya ng umuwi ang mga magulang ni Ariel, at nilapitan sila sa table nila upang magpaalam kay Ariel at Alexander..binati naman ni Elena si Mary Ann, at nagbigay galang naman si Mary Ann, natuwa si Mary Ann dahil pinuri siya ng mama ni Ariel..at hanggang sa tuluyan na ngang umuwi ang mga ito,..at ayon na nga at inaya na ni Ariel si Mary Ann na sumayaw, nahihiya namang tumangi si Mary ann dahil ayaw naman niyang mapahiya si Ariel kaya pina-unlakan naman nia ito..at nagpunta na nga sila sa gitna ng dancefloor, nanginginig si Mary Ann ng hawakan na ni Ariel ang bewang niya at samantalang siya ay nahihiya hiya pa siyang humawak kay Ariel, napansin naman ni ariel na nahihiya sa kanya si Mary Ann. Kaya lalo pa niyang inilapit si Mary Ann sa kanya, at napilitan nang humawak si Mary ann kay Ariel sa may balikat ng binata, upang milayo ang mukha nila sa isat isa dahil sa sobrang lapit nila.at samantalang nagbubulungan naman ang mga ibang kadalagahan, at mayroon ding naiinggit kay Mary Ann dahil kasayaw niya si Ariel..naiwan sina Carmela sa table kasama niya si Alexander, dahil yong dalawa nilang barkada na si Melanie at Roselyn ay may kasayaw na din..natiklop ang dila ni Carmela na dating madaldal ngayon ay tiklop ang dila niya dahil sa presensiya ni Alexander, at hanggang sa laking gulat niya ng yayain siya ni Alexander na sumayaw….at samantalang si Franco naman ay umalis na lang ng mga oras na yun dahil ayaw niyang makitang may kasayaw na iba si Mary Ann. Kaya nagmadali nalang siyang umalis sa lugar na iyon, sumakay siya sa kotse nia at pinasibat na iyon, at samantalang si Mary Ann, ay parang walang lakas ang mga tuhod sa mga sandaling iyon dahil ayon na at kasama nga niya ngayon ang lalaking laman ng puso niya, sa matagal na panahon ay hindi nawala sa isip niya si Ariel, eto nga at kasayaw niya, sweet ang tugtug kaya magkadikit sila ni Ariel, amoy niya ang mabangong colonge ng binata, at ganun naman din si Ariel amoy ni Ariel ang mahinhin at mabangong pabango ni Mary Ann, hindi niya akalain na ganun kaganda ang kababata niya, na halos hindi niya makilala dahil malaki na ang pinag-iba ng itsura nito.naiinis naman si Mary Ann sa puso niya at hindi na kumalma, lalo na ngayon at nakatingin sa mga mukha niya ang binata, parang gusto niyang magtago sa mga sandaling iyon dahil parang natutunaw siya sa pagtitig ni Ariel sa kanya..
.
Ariel : pasensiya ka na ha, hindi ako nakapag-paalam sayo noon, biglaan kasi ang alis namin eh..
.
Napatingin na din si Mary Ann sa mukha ni Ariel, di niya akalain na hihingi ng dispensa si Ariel dahil nagkahiwalay sila ng di nagkapaalaman..
.
Mary Ann : okay lang..
Ariel : hindi mo ba ako na miss?
Mary Ann : H-ha?? hindi naman..ah ang ibig kong sabihin, syempre namis kita, kasi wala na akong kalaro noon eh.
Ariel : eh ngayon, nagbalik na ako, laro uli tayo.
Mary Ann : ano tayo bata…matanda na tayo uyy!!(natapik niya sa braso si ariel)
Ariel : aray!!
Mary Ann : ayy sorry!!
.
At nagtawanan silang dalawa..napakasaya ni Mary Ann sa mga sandaling iyon, talagang natupad ang hiling niya na magkita daw sana uli sila ni Ariel, ayon na nga at nagkita na silang muli, at ayon nga siya nakakulong sa mga bisig ni Ariel dahil kasayaw niya ito,.kaya nga madaming kababaihan na nagkokomento ng hindi maganda kay Mary Ann at meron din namang maganda ang komento, pero mas lamang ang hindi magandang komento dahil naiinggit ang mga ito kay Mary Ann..
.
Itutuloy…


Leave a Reply

Your email address will not be published.