1

I love you since 2014


Report

Magandang araw, ako si Kai, 18, taga-Laguna. Yung kwento ko nagsimula nun 2013. So tawagin nalang natin syang Flynn. He was tall and dark and not so handsome. We were both in grade 8, and kakatransfer ko lang sa school na yon. Marami agad akong nakilala dahil nga sa sobrang ingay ko, but of course, madami din ang nairita sa sobrang ingay ko. HEHEHE. Nasanay ako sa atmosphere ng school. Medyo naging kilala din ako sa school dahil sa friendly ako and madami dami akong liker sa facebook na ka school mate ko lang. Vacation nun, bago ako mag-grade 8, there’s this one boy na sinagot ko at una kong jowa yun. We lasted 8 days. WOW! I’m not really serious about him that’s why. And then back to the recent time, one day, there’s this another boy. Oh! Wait! I met him when we were in grade 5. HAHAHAHA. And his classroom was beside mine. Yes, he’s Flynn. I was taller than him before. And now! Hanggang balikat nalang nya ako. Nagchat sakin si Flynn at pinsan nya pala itong si 8day-boyfriend ko. They were so close. Tinanong nya ako kung gaano kami katagal. So I told him the truth. Sabi nya, kung umiyak daw ba ako nun. HAHAHA well, sorry, I’m not wasting a single tear for that arsehole. Pero ipinipilit pa rin ni Flynn na nasaktan ako. Pero para sakin naman, hinde. From that conversation, kinuha nya ang number ko, then I gave it to him. He’s not bad. A few minutes, nakarecieve agad ako ng text message saying that I was really hurt that my relationship with my first boyfriend only last for 8 days. Pero ewan ko ba, hindi ko din naman alam kung bakit hindi ako nasaktan. Because I was supposed to, because he’s my first. Okay, okay fast forward ,by the ways we became textmates the whole year of the 8th grade. So dahil nga parehas kaming nag-excel sa academics, Naging magkaklase na kami. At first, hindi talaga kami, nagpapansinan, kapag naiingayan ako sa kanya, imemessage ko sya. Ang irereply nya sakin, “Mag-ingay ka din kasi.” Madalas kasi akong wala sa mood nun mag-ingay, gusto ko lagi mahinang kwentuhan lang. Then one day, walang teacher nun, I think vacant yun. Nakaupo ako sa mataas na upuan at nagsusulat sa board. Busy ang mga kaklase ko sa iba’t ibang ginagawa nila. Nagulat nalang ako nang may kumalbit sa tagiliran ko. Hinahanap ko, pero hindi ko nakita. Hindi ko na lang pinansin. Then maya maya, ayon, nakita ko ang dimunyo. He was foolishly smirking at me. Sarap nyang tadyakan nung time na yon. Still we’re still not so close hahah. It just happened that he sit next to my seatmate ayon, si Flynn, nag-start nang mang-asar. Sabi nya idodrawing nya daw ako. Sabi ko idodrawing ko sya. At yung kaklase ko na nasa gitna namin, pinagtatawanan kami. That’s how the closeness starts. I have this one friend/classmate na nagstart ng rumor na, Flynn likes me. Para sakin wala lang yon. I even teased him na gusto nya nga ako. Let’s call this girl, Kayle. Sya yung sobrang mangulit na may gusto daw sakin si Flynn. He even floodtexted Flynn ng pangalan ko. Habang kalapit ko si Kayle, natatawa nalang ako sa kanila. That time kasi I have a boyfriend and again, I’m not serious about him. Kaschoolmate ko sya at ahead sya sakin ng one year. The teacher, assigned the permanent seats for us and it was Flynn who don’t have seatmate. Kayle suggested me, and I agreed too. If you were in my shoe that time, matatawa ka sa mukha ni Flynn. Pinaupo ako ng teacher namin doon sa kalapit ni Flynn, this time,wala na syang masab hahah. AKALA KO BA MADALDAL TO?? Ilang araw lang, aba! Sabi nya magload daw ako, At baket aber?! Basta daw magload ako. Pag-uwi ko sa bahay, nagfacebook agad ako, hindi ako magloload! Bakit...


ba!??!?! Aba ang mokong biglang nagchat. “Sabi ko diba magload ka? Naghanap pa ako kung saan pwede mag-online, alam ko kasing lagi ka sa facebook eh.” WOW. So ayun nagload ako, may sasabihin daw kasi sya sakin eh. I’m not curious anymore, alam ko kasing gusto na nya ako. Sa totoo lang. Yung lagi kong kasama si Kat, noticed na pasulyap sulyap daw si Flynn sa akin tuwing wala ako sa proper seat ko which is beside him. And I noticed it too. Nagpepretend pa sya madalas na magmamagic sya at hihiramin nya daw ang kamay ko. I noticed it all. And then, there, he said that, “Ano ba kasi to, ang love wrong timing talaga.” natawa nalang ako. That was in my mind. Hindi nalang ako nagreply, kaya ayun, nangulit na naman. Pero alam nyang may boyfriend ako kaya tumigil sya. The closeness is still there. Hindi naman nawala. Kaya lang, parang ang sheket sheket. HAHAHAH, para kasing hindi ako sanay na hindi na sya nangungulit. “Kai, tingnan mo boyfriend mo oh.” bulong sakin ni Kat. Itinuro nya ang direksyon nung boyfriend ko that time na may kasamang babae, sweet sila. Finally, I have my reason to leave him. At ayon, ang chismosong si Flynn, napatigil sa pagsusulat at nagtanong kung yun daw ba yung boyfriend ko. Napapangiti na sya sakin at hindi ko din mapigilang mapatawa sa reaksyon nya. Kasi sinilip din nya. Uwian na nun, kasama ko si Kayle, sabi ko kasi samahan ako may sasabihin lang ako sa barkada nung soon to be ex ko. So ayun sinabi ko na nga na ayaw ko na. Break na kami. And he can’t do any thing about it. Pagkauwi ko, nakita ko kaagad na may text na si Flynn, and it was a bunch!!!! He’s indeed so annoying. “Wala na kayo?” “Asan ka na? Nakauwi ka na?”. And that’s how he began to make ligaw. He even set a date for us kung kailan malalaman na nya ang sagot ko.

September 3, 2014.
“Goodmorning.” Masaya nyang bati sa akin, ang laki laki ng ngiti. Yun couple dun sa likod namin, inaantay kung anong magiging sagot ko . Ayon, ang galing kasi nyang magtanong eh. He let me sit beside him and wait for my answer. But I really have a lot of errands . So nagpakipot muna ako. Si Flynn naman, dumadamoves na. He held my waist and ask me. “Tayo na ba?” hindi ko alam pero kusang tumango nalang ako. Shit! Wala nang bawian yun. Oo kami na nga. Totoo to.

September 3,2015
Hindi ko akalain na aabot tayo ng isang taon, kasi ang sabi nila, ang strong daw natin nung 9 months palang tayo. Feeling ko nga ang hirap nang bumitaw sa relasyon natin.

September 3,2016
Maigsi pala yung isang taon na pagsasama.

September 3,2017
Sobrang healthy ng relationship natin, kahit gaano kalaki yung pinag-aawayan natin, pag nagkita tayo sa personal, hindi natin mapigilan na ngumiti. And it was nakakakilig. Yung feeling na napapangiti kita kapag nakikita mo palang ako. Feeling ko ako na ang pinakamagandang babae sa mundo eh. Cause you’re making me one, kahit na lumobo yung katawan ko.

2018
On and off, super toxic, madaming tao ang nakapasok sa buhay natin. But still, I have you. Nagkahiwalay man tayo ng school. Madami man ang bago nating nakilala. Andito ka pa rin talaga sa puso ko. Hindi ka kayang palitan ng kung sino man.

For those who are saying, na ang fool naming mga 14 years old nung nagkaroon ng jowa, I’m so sorry but you’re fooler than me this time. You say that we loss the chance to meet our true love. Pero ngayon, nakaabot na ako sa edad kung saan pwede ko nang makita yung true love ko. Pero matatapos na ang taon at madadagdagan na yung edad ko na sya pa rin ang nagsisilbing inspirasyon ko at nagpapasaya ng buhay ko.

No hate, just love. Thank you :*


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.