0

I GAVE UP ON US


Report

I GAVE UP ON US”
Written by: Leanore Gregory
(kinda long but worth to read)
“Good morning my Andyyy!”
I run towards my wife, Andrea at binigay ang mga rosas na binili ko para sa kanya.
“Good morning Drew.” seryosong saad niya tsaka dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga.
“Anong bumabagabag sa baby ko??” nanlolokong sambit ko sabay yakap sa kanya.
“Stop pretending Drew, I already know the truth, ” maya-maya pa ay bigla siyang tumingin sa mga mata ko, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
“Kahit hindi nila sabihin, alam kong napagod ka na. Alam kong hindi ka na masaya sa akin pero masakit pa rin pala no? Nangako tayo sa harap ng diyos na sa hirap at ginhawa magkasama tayo pero sinukuan mo agad yung relasyon natin at piniling hanapin sa iba yung mga hindi ko kayang ibigay sayo.” patuloy lang siya sa pagsasalita habang patuloy din ang pag-agos ng mga luha niya na alam kong ako ang dahilan.
“I’m sorry Andy, hindi ko din alam kung bakit bigla akong napagod sa mga bagay, hindi ko na alam kung paano natin tutupadin yung mga pangarap natin dahil sa sakit mo.” nakayuko lamang ako habang sinasambit ang mga katagang iyon.
“I just want you to remember that I will never get tired of you Drew — my drew, please be happy with her.” mapait siyang ngumiti at pumikit.
Nagpanic agad ako ng bigla siyang pumikit, I immediately called the doctor and nurses to check her.
Nanatili lamang akong naghihintay sa labas nang biglang lumabas ang doktor.
“We do our best to revive her but she didn’t make it, I’m sorry for your loss sir, ” aniya niya sabay tapik sa braso ko.
“Hindi! Buhay pa yung asawa ko, buhay pa si Andrea! Nasaan ang asawa ko‽ Buhay pa siya! ”
nanginginig ako habang patuloy ang pagsuntok ko sa pader.
This can’t be, she promise to me na hindi niya ako iiwan, impossible ito.
4 years later |
“Hello sir, good afternoon! ” bati ng Isa sa mga staff ng hospital, kilalang kilala na nila ako dahil sa palagiang pagpunta ko rito.
“Good afternoon din,” ngumiti ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang makita ang pamilyar na pinto ay huminto na ako sa tapat nito.
“Hey Andy, I miss you so much.
Nagsasawa ka na ba sa palagiang pagdalaw dito ng asawa mo?” bahagya akong tumawa habang tinititigan ang kuwartong ito.
“Room 209” banggit ko at tsaka hinawakan ang pintuan.
Pinikit ko ang mga mata habang inaalala kung paano kami nagkakilala ng asawa ko.
Flashback ~
“O, Andrew bakit ayaw mo na namang kumain?” tanong ni Nurse Wila habang kumakamot ulo.
“Nasaan po si nanay Rea?” bahagya akong luminga-linga para hanapin...


si nanay Rea ngunit wala pa rin siya.
Si nanay Rea ay isa sa mga nurse dito, bago pa lamang siya pero sa kanya lang pumalagay ang loob ko, naalala ko kasi sa kanya ang mama ko.
“Ikaw talagang bata ka, si Rea lang pala ang hanap mo.
Paparating na siguro yun, grumaduate kasi ngayon ng highschool ang anak niya, kasing edaran mo yata yun.”
ngumiti siya at lumakad palayo ng may tumawag sa kanya.
Nagising ng may narinig akong boses ng babae.
“Hello!” hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, sadyang napakaganda niya.
“Nako Drew, yan ang anak kong si Andrea, pasensya ka na kung nagising ka niya.” banggit ni nanay Rea sa akin.
Simula noong araw na yun ay naging magkabigan kami at napadalas din ang pagdalaw niya sa akin, inaamin ko nagugustuhan ko na siya dahil bukod sa kanyang kagandahan ay may mabuti din siyang puso.
Mas lumalim pa ang samahan namin hanggang sa naging kami na at nang mag 7th Anniversary kami ay nag-propose na ako sakanya dahil alam kong siya ng ang babaeng gusto kong magkasama habang buhay.
“Drew, biruin mo ngayon kasal na tayo no?” masayang saad niya habang nakayakap sa akin.
“Ngayon puwede na kitang tawaging Andrea ko. Basta pangako ko sayo Andy mamahalin kita at ang mga magiging anak natin, ” aniya ko sabay halik sa kanyang noo.
End of Flashback ~
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko, sobrang saya namin dati, punong-puno kami ng pangarap pero sinira ko lahat ng yun.
Nung mga panahong nagkakilala kami ni Andrea ay sakitin ako, mahina ang katawan ko kaya lagi akong nasa ospital pero ang hindi ko alam ay higit pa roon ang mangyayari sa kanya.
Matapos ang dalawang taon mula ng ikasal kami, she was diagnosed with Coronary artery disease — sinabi niya sa akin na dito sa ‘Room 209’ niya gustong maconfine dahil dito kami nagkakilala.
1 taon ko siyang inalagaan, hanggang sa napagod ako at hindi dumalaw ng ilang araw, hinanap ko ang mga bagay na hindi niya naibigay sa akin, I cheated.
“Patawarin mo ako Andy, nangako akong mamahalin kita at aalagaan pero hindi ko nagawa, niloko kita, sinayang ko yung oras ko imbis na mahalin ka habang nanjan ka pa. ”
Nagawa niyang alagaan ako noon ng walang kapalit pero ako, hindi ko nagawa.
Minahal niya ako sa hirap at ginhawa pero sinukuan ko siya, hindi ako lumaban.
“Sana marinig mo ako asawa ko, patawarin mo ako dahil niloko kita kung kaya ko lang ibalik ang panahon hinding – hindi ko yun gagawin.
Gusto kong malaman mo na mahal kita, mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko.” pinawi ko ang mga luha’t nagpasiya ng umalis.
@shinea✨


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.