2

HIS LOVELY OBSESSION Kabanata 1

Report

“Para kang nakakita ng multo, Aviona. Ano’ng nangyari sa’yo?” nagtatakang sabi ni Sandra nung makita niya akong humahangos palapit sa kanya.
“S-si Mr. Ruiz,” nauutal kong sabi.
Nang banggitin ko ang pangalan na ‘yun umasim agad ang mukha ni Sandra. Tila alam na niya agad kung bakit ako parang takot na takot.
“Sinasabi ko na nga ba, eh. Manyak ang matandang ‘yun! Sa klase palang ng tingin niya sa’yo, hinuhubaran ka na niya! Nakakadiri talaga mga ganoong tao.”
“Ayoko nang bumalik doon, Sandra.”
Baka kung ano pa ang kayang gawin sa akin ni Mr. Ruiz kahit pa nandoon si Mr. Defuente. Natatakot pa rin ako.
“Sa kabilang table ka na lang. Ako na doon.” suhestyon niya.
“Baka mapagalitan tayo kay Madam Kemery.” nag-aalalang sabi ko. Baka nga tuluyan nang mapigtas ang pasensya sa akin ni Madam Kemery at sesantahin ako. Mahirap pa naman humanap ng trabaho ngayon. Lalo na’t hindi pa ako graduate sa kolehiyo.
“Huwag kang mag-alala. Nakita kong lumabas ang bruhang bakla. May lakad ata,”
Ganoon nga ang nangyari, sa kabilang table ako nag-serve, malayo kila Mr. Ruiz.
Hindi ko na lang pinansin ang mga klase ng tingin nila sa akin. Kahit paano nabawasan ang takot na nararamdaman basta huwag nila akong hawakan at kausapin.
Minsan nang dumaan ako sa table nila Mr. Ruiz ay nakita kong wala na ang matanda sa dating puwesto niya kanina. Hindi ko naman maiwasan tignan kung saan nakaupo kanina si Mr. Defuente. Muntik na akong madapa nang magsalubong ang tingin naman.
Napalunok ako. Ako ang unang nag-iwas ng tingin. At ipinagpatuloy ang trabaho ko.
“Hoy, Aviona. Hindi mo manlang nabanggit na may gwapo sa table na ‘yun. Eh di sana kinapalan ko pa ang lipstick ko.” kalabit sa akin ni Sandra. Nagpapalit na kami dahil tapos na ang shift namin.
“Si Mr. Defuente ba?”
Humagikgik siya sabay kurot sa tagiliran ko. “Oo. Apelyido pa lang gwapo na. Saint ang pangalan niya at ang tindig, naku! makalaglag panty.”
Umiling na lang ako. Hindi ko na nabanggit kay Sandra na siya ang nagligtas sa akin at nakita kong may baril siya. Hindi naman kasi ako ‘yung tipo ng tao na isinasawalat lahat ang nakikita ko… at nangyayari sa buhay ko. Wala naman kasing ka-inte-interasado sa buhay ko. Puro malungkot at masasakit.
Tila ako lantay na gulay nung humiga ako sa kama. Tumingin ako sa orasan sa tabi ng kama ko, alas tres na ng umaga. Mamayang alas syete ng gabi may pasok na naman ako.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
“Tawag ka ni Madam Kemery sa opisina niya, Aviona.” sabi ni Danica habang ngumunguya ito ng bubblegum. Maiksi ang damit nito at makapal ang make-up.
Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. “Maganda ka, Aviona. Kung sana magpa-table ka nalang gaya ko, mas marami kang pera. Diyan sa waitress na ‘yan, pagod ka na nga. Maliit pa ang sahod.”
“Okay na ako sa trabaho ko, Danica.” sabi ko.
Nagkibit balikat siya. “Ikaw bahala. Sayang ganda mo kung hindi mo pakikinabangan.”
Naiiling na lang ako. Umalis na rin siya. Ako naman ay tinungo ko ang opisina ni Madam Kemery.
Malakas ang kabog ng puso ko nung nasa tapat na ako ng pintuan. Nalaman niya kaya ang nangyari kagabi? Tatanggalin na kaya niya ako?
Kumatok ako.
“Pasok!” rinig ko sa loob.
Pinihit ko ang seradura at niluwagan ang bukas ng pintuan.
“Pinatawag niyo po ako, Madam Kemery.”
Mula sa isinusulat ay umangat ang tingin niya sa akin. Napalakpak pa siya nang makita ako. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa reaksyon niya.
“My dear Aviona!” masayang...


sabi niya sa akin. Mukhang hindi badtrip.
“Bakit niyo po ako pinatawag?” naguguluhan pa rin ako.
Kung ganoon, hindi niya nalaman ang nangyari kagabi base sa ganda ng mood niya ngayon?
“Mr. Defuente. Does that family name ring a bell to you, my dear Aviona?”
Umiling ako. “Hindi po.”
Nanlaki ang mata ni Madam Kemery. Namali ba ako ng sagot? Dapat ba oo ang sagot ko kahit kagabi ko lang iyon narinig?
“Saan lupalop ka ba nanggaling? Defuente is one of the richest in the whole asia. At alam ata iyon ng buong pilipinas.” eksaherada niyang sabi.
Bakit ito sinasabi sa akin ni Madam Kemery? Maiiahon ba ako no’n sa hirap kung sakaling malaman ko ang impormasyon na ‘yon?
“Ang nag-iisang tagapagmana ng Defuente na si Mr. Saint Defuente ay gusto kang i-table. Sounds great right?”
Mukhang si Madam Kemery lang ang nasisiyahan nang sabihin iyon.
“Pero, Madam, waitress po ako dito. Hindi po ako nagpapatable.” tanggi ko.
“Oh, come on, Aviona. Ngayon ka pa ba mag-iinarte? Bigatin iyon kaysa kay Mr. Ruiz. Malaki ang ibinayad sa akin ni Mr. Defuente para sa’yo. At dahil doon malaki din ang makukuha mong sahod sa akin ngayon buwan kapag pumayag ka.”
“P-pero-”
“Walang pero pero. Pumunta ka na doon dahil baka mainip ‘yun kahihintay sa iyo.”
Wala na akong nagawa nang palayasin ako ni Madam Kemery sa opisina niya. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Bakit ganoon ang tingin ng mga tao sa akin, masyadong mababa? Waitress ako dito at walang halong ibang trabaho.
Nadatnan ko Mr. Defuente na nag-iisa sa pahabang sofa. May alak na sa mesa at kasalukuyan na itong umiinom.
Umangat ang tingin niya papunta sa akin. Nahigit ko ang aking hininga nang malalim ang tingin niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Uupo ba ako? O tatayo nalang?
“Are you just going to stand there?” tanong niya.
Kinagat kong ang pang-ibaba kong labi at umupo sa dulo ng sofa.
Tumaas naman ang kilay niya sa layo namin sa isa’t-isa.
Tinapik niya ang tabi niya. “Seat here.” utos niya.
Tila ako puppet na nagpa-agos sa utos niya.
Nang umupo ako sa tabi niya ay isinandal naman niya ang ulo niya sa sandalan ng sofa, at pumikit. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin dalawa.
“What’s your name?” nagulat ako sa biglaan niyang tanong. Nakapikit pa rin siya at magkasalubong ang makakapal na kilay.
“Aviona, Sir…”
“Drop the sir. Call me Saint.”
Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita. “Sige po, S-saint,” nauutal kong pagbigkas sa pangalan niya, hindi sanay.
“Warm my bed tonight, Aviona.” dumilat siya atsaka tumingin ng diretso sa aking mata.
Suminghap ako sa lumabas sa bibig niya. “Nagkakamali ka ng akala. Hindi ako gano’ng klase ng babae. Waitress ako dito.”
Ngumisi siya. “Really, huh? Sa ganitong klaseng lugar, alam kong higit pa doon ang tina-trabaho mo. Wala kang pinagkaiba sa mga babae dito.”
Isang sampal ang ibinigay ko sa kanya. Nang hindi pa nakuntento ay kinuha ko ang babasagin baso at ibinuhos ang laman sa mukha niya.
Umigting ang panga niya sa ginawa ko.
“Bakit ang dali niyong humusga ng tao? Hindi mo ba alam na nakakasakit ka ng damdamin. At ano naman sa’yo kung ganitong lugar ako nagtratrabaho? Marangal ang trabaho ko rito. Hindi gaya ng iniisip mo.” animo’y sasabog na ako sa galit ko sa kanya.
Akala ko pa naman mabait siya dahil iniligtas niya ako sa kamay ni Mr. Ruiz. ‘Yun pala mas masahol pa siya kay Mr. Ruiz.
Kung ano ang kina-santo ng pangalan niya, taliwas naman sa pag-uugali!


2 Comments

  1. Story ko po ‘to! Akin po! Pinaghirapan ko! Tas kay dali mo lang ninakaw! Galing naman! Kapal ng mukha mo! Magnanakaw ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.