0

HIS HAUNTED GHOST


Report

By: Kim Elvina
[Read Carefully]
*******************
Alas otso na ng gabi’t narito pa rin ako sa sala at nanonood habang yakap-yakap ang isang malambot na unan. Tumingin ako sa bintana at nakita kong malakas ang ulan at panay ang kulog at kidlat.
Wala ngayon sa bahay ang parents ko. Mag-isa lang ako. Kanina pa ako nanonood habang kumakain ng pop-corn.
Tutok na tutok ako sa palabas ng makaramdam ako ng uhaw. Agad akong tumayo at nagpunta sa kusina upang uminom.
Hindi ko alam pero habang kumukuha ako ng tubig sa ref. feeling ko may nakatingin sa’kin o baka guni-guni ko lamang ‘yon?
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Nilagay ko sa lamesa ang pitsel ng tubig saka kumuha ng baso at uminom. Ngunit habang umiinom ay napatigil ako bigla. Nanayo ang balahibo ko. Nararamdaman ko talagang may nakatingin sa’kin. Iinom na sana ulit ako ngunit halos mahulog ko ang baso ng isang malamig na hangin ang umihip mula sa likod ko.
Feeling ko may dumaan sa likod. Nagpalinga-linga ako pero wala naman akong nakitang tao. Nagkibit balikat nalamang ako at iwinaksi ang nararamdamang takot sa loob ko.
Binalik ko na ang mga ginamit ko at naglakad pabalik sa sala at nang malapit na ako’y bigla nalamang nagpatay sindi ang ilaw.
Umakyat ang kaba sa dibdib ko. Parang maiiyak ako ng wala sa oras kaya kahit nanginginig at takot na takot pinilit ko paring makapunta sa sala at agad na niyakap ulit ang unan at don na tuluyang nawalan ng kuryente.
Ang dilim. . . Wala akong makita. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at kinuha ‘yon saka binuksan ang Flashlight ng biglang kumulog at kumidlat kaya lumiwanag ang buong paligid.
“Aahhhh!!”
Nanginginig ako habang hawak-hawak ang phone ko. Bigla nalamang nahagip ng mga mata ko ang isang anino ng lalaki nang bigla nanamang lumiwanag ang buong paligid dahil sa kulog at kidlat.
“S-Sino ka! Anong ginagawa mo rito!?” Nanginginig at takot kong aniya. Ngunit nawala ang anino bigla sa paningin ko.
Tumunog ang cellphone ko. May tumatawag.
*LOVE CALLING*
“WAAAAAHHHHH!!!” sigaw ko at naitapon bigla ang cellphone ko. Unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata ko.
“P-Please tama na!” Sigaw ko at agad na isinubsob ang sarili sa unang yakap-yakap ko. Nasa ganoon akong posisyon ng bigla nalang ulit nagkaroon ng kuryente.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at nanginginig na kinuha ulit ang naitapon kong cellphone.
*NO MISSED CALL*
Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ‘yon. Bakit wala?
*ONE MESSAGE RECEIVED*
Notif bigla.
Pinindot ko ‘yon at bigla nalamang sumikip ang dibdib ko dahil sa nakikita at nababasa ko.
From: Love
Love? Masakit pa rin hanggang ngayon. Hindi mo na nga ako sinipot ‘di mo manlang rin ako dalawin. Hindi ako matahimik.
Nanuyo ang lalamunan ko at naibato ko nalamang ang cellphone ko ng wala sa oras. 2 years na ang nakalipas non dalawang taon na nung last na makareceived ako ng text at tawag sa kaniya. B-Bakit ngayon nagpaparamdam siya? Palagi kong pinagsisihan ang pangyayaring ‘yon!
Malakas na kalabog ang mas lalong nagpabilis ng tibok puso ko. Nginig takot at kaba ang nararamdaman ko.
May taong pilit kumakatok mula sa labas.
Dahan-dahan akong lumapit roon sa pinto. Kumalabog nanaman iyon dahil sa lakas...


ng katok. Sinilip ko sa maliit na butas kung may tao ba ngunit wala akong nakita.
Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan iyong binuksan. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Lumiwanag ang buong paligid dahil sa kidlat na sinabayan ng kulog.
Basang-basa siya. Naliligo sa sarili niyang dugo. Nakangiti sa’kin. Nagmamakaawa ang tingin. Marami siyang sugat.
“Love?” Ani niya na parang hinukay pa sa kailaliman ng lupa ang boses. Nanayo ang balahibo ko at unti-unting lumandas ang luha sa mga mata ko.
Napailing-iling ako.
“HINDI! HINDI KA TOTOO! LUBAYAN MO AKO!” sigaw ko at agad na isinara ang pinto. Ngunit nang maisara ko na at napasandal sa pinto’y halos mawalan ako ng hininga ng makita ko siyang nasa harap ko na.
“Love? Masakit pa rin. Hindi mo na nga ako sinipot at hanggang ngayon di mo manlang ako dalawin. Hindi ako matahimik.”
“HINDI! UMALIS KA! UMALIS KANA! DALAWANG TAON NA PLEASE PATAHIMIKIN MO AKO LUBAYAN MO NA AKO!” sigaw ko habang umiiyak at nakapikit.
“Love? Dalawin mo lang ako at kausapin oh? matatahimik na ako. Salamat.”
Nanlamig ang buong katawan ko ng biglang may dumamping malamig na hangin sa pisnge ko.
“Mahal na mahal kita. ‘Yon lang ang hiling ko.” Huling bulong niya.
Napadaus-dos nalang ako sa may pinto habang nanginginig at umiiyak.
HIS HAUNTED GHOST IS HUNTING ME! I WANT TO FORGET HIM!
————–
Nasa isang sementeryo ako. Hinanap ko ang puntod ng Ex boyfriend ko.
Nang makita ko ‘yon ay agad akong naupo sa gilid nito. Inilagay ko sa gilid ng lapida ang bulaklak kong dala. Nagtirik din ako ng kandila.
Hinaplos ko ang malamig niyang lapida. Dalawang taon na ang nakalilipas. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapatahimik.
Bigla nalang tumulo ang masagang luha sa mga mata ko.
“P-PASENSYA NA HA? KUNG NGAYON LANG KITA NADALAW. HINDI KO GUSTONG DUMALAW RITO DAHIL KAPAG NAKIKITA KO ANG PANGALAN MONG NAKA-UKIT SA LAPIDANG ‘TO. . . ALAM KONG HINDING-HINDI KANA BABALIK. PASENSYA NA KUNG NAKIPAGBREAK AKO SA’YO NUNG GABING ‘YON! PASENSYA KANA KUNG HINDI KITA SINIPOT AT TINAWAGAN LANG KITA PARA SAKTAN! HINDI KANA SANA NAGLASING DAHIL SAKIN! NAKAKAINIS KA NAMAN TYRON! NAAKSIDENTE KA TULOY DAHIL SA’KIN! HANGGANG NGAYON SINISISI KO ANG SARILI KO KUNG BAKIT NANGYARI ‘TO SA’YO! PATAWARIN MO SANA AKO, LOVE. HINDI KO GINUSTO ANG NANGYARING ‘TO PERO SANA PATAHIMIKN MO NA AKO. TUWING DEATH ANNIVERSARY MO PALAGI KANGNNAGPAPARAMDAM SA’KIN GUSTO NA KITANG HINDI MAHIRAPAN. LUMAGAY KANA SA TAHIMIK OH? PLEASE? I’M SO SORRY! SORRY TALAGA TYRON!” Humahagulhol kong aniya habang hinahaplos-haplos ang malamig niyang lapida.
“I’M SO SORRY!” Iyak parin ako ng iyak. Wala akong pakealam gusto kong umiyak ngayon at ibuhos ang lahat ng luhang inipon ko sa loob ng dalawang taon na ‘yon! Bawat araw sa’kin ay Kalbaryo.
“NAGSISISI AKO PATAWAD, LOVE. I’M SORRY. . . ” humihikbi kong sabi.
Bigla nalang akong nakaramdam ng malamig na hangin sa likod na nakapagpatigil sa pag-iyak ko.
“Salamat at tinupad mo ang hiling ko. Ngayon matatahim na ako. Wala kang kasalanan. Kaya hindi ka dapat humingi ng tawad. Mahal kita Aria mahal na mahal kita!” Malalim na bulong nito.
Nagpalinga-linga ako at nakita ko siya. Nakangiti habang unti-unting naglalaho kasabay ng malakas na hangin.
I SAW HIS HAUNTED GHOST FOR THE LAST TIME.
-End-


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.