0

HINDI MAIPAGMALAKI PART 2


Report

HINDI MAIPAGMALAKI PART 2
*BASAHIN ANG PART1 PARA MAUNAWAAN ANG BUONG ISTORYA, BISITAHIN ANG AKING TIMELINE PARA SA PART1*
***************************
Jessa’s p.o.v
Matapos ko tumalon, may kung anong tinig akong narinig.
“Jessa! Tanghali na may klase kapa.” Ani ng isang tinig mula sa likod ng pintuan nang aking silid.
“Pababa na po.” Mahinang turan ko, narinig ko naman ang pagbaba ni Mama patungo sa kusina.
“Hayst! Panaginip lang pala ang lahat, ang buong akala ko ay kami na ni Kalvin.” Ani ko sa aking isapan at ngumiti na lamang
Pinagpapantasyahan ko pa rin si Kalvin, samantalang ang dami naman naghahabol sa akin. Kabaliktaran ng mga nasa panaginip ko sa kung ano ako sa totoong buhay, isa akong honor student, at maganda rin syempre.
Kahit marami ang nagkakandarapa sa kagandahan ko, isa lamang ang lalaki na ninanais ko maging akin, syempre si Kalvin. Kahit anong pagpapapansin ang gawin ko ay balewala lamang ito sakanya.
Bumangon na ako sa aking higaan para mag handa, dahil maaga ang aking pasok.
“Oo, nga pala lunes ngayon.” Tarantang sabi ko sabay dali-dali sa akin mga ginagawa.
Mabuti na lang naka paghanda na si Mama ng makakain kaya naka kain na ang anak nilang palamunin hehehe.
Nag tungo ako sa aking silid upang kunin ang cellphone.
Sa pagbukas nang aking messenger ang pangalan agad ni Kalvin ang una kong hinanap.
*Kalvin is Active 2 hrs ago*
Jessa: Uyy, kalvin. My crush
Jessa: Bakit ba hindi mo ako pinapansin sa school?
Jessa: Maganda naman ako, mabait naman ako, ano pa ba ang kulang?
Jessa: Seen mo naman messages ko
Jessa: Matagal na nga kita gusto
(November 23, 2018 at 4:16pm)
Jessa: ilang taon na rin ang lumipas hindi mo pa rin ako pinapansin
Jessa: Hanggang kailan ako magaantay sa reply mo?
Jessa: oo, isa akong t*nga na patuloy umaasa sa crushback mo
Jessa: Oh, kalvin my love
Jessa: Hayst, ang hirap mag chat, pero gusto pa rin kita hehehe
Jessa: Muntik na sana kita i-uncrush, mabuti na lang marupok ako
Jessa: Crushback mo naman ako HAHAHA
Jessa: Okay lang, pagpapantasyahan na lang kita. Kunwari boyfriend kita
Natawa na lamang ako sa sobrang dami na ng mensahe ko kay Kalvin, ngunit...


hindi niya manlang ito tinignan kahit isang beses lamang. Aminado akong desperada sakanya, pero anong magagawa ko? Eh, dalaga rin naman ako at may pusong mapagmahal.
Matapos mabasa ang mga mensahe ko sakanya akin na lamang iniwan ang mahal kong slepon sa bahay, wala rin naman akong ic’chat.
Kung may mapupulot akong aral sa aking buhay ito ay magiging aral din sa makakabasa nitong sitorya.
“Kahit gaano ka kaganda o perpekto kung hindi naman saiyo interesado ‘yung tao wala parin kwenta ang pagpapapansin mo.” Sambit ko sa aking isip bago tuluyan umalis sa bahay at mag tungo sa paaralan.
-medyo wakas-


Charrot lang.
Nakarating na ako sa aming paaralan, laking gulat ko ng makita ang isang tarpaulin ng aking mukha na naka dikit sa gate.
“A–Anong meron?” Utal-utal kong sabi.
Pinagtitingingan na akong ng mga estudyante, namumula na ang aking pisngi sa sobrang hiya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaki na papunta sa aking kinaroroonan.
“Hala! Ang swerte naman nung girl.” Ani nung babae sa likuran ko
“Sheeeshhh! omg, bagay talaga sila.” Wika nung bakla sabay tili.
“Omayhmgashhh cassyy! Yung ship ko mukhang mag lalayag na.” Sigaw nung besprend kong si Abi.
Na puno ng ingay ang entrance ng aming paaralan.
Isang matipuno at gwapong lalaki ang dahan-dahan na lumalapit sa lokasyon ko.
“Diba gusto mo ako maging borfriend?” Mahinang sabi nito.
“O—Oo, n–na basa mo pala ‘yung—” Putol niya sa sasabihin ko.
“Shhhh! I want to be your boyfriend for real, ayoko ng kunwari.” Sabay yakap nito sa akin.
Nagulat ako sa mga nangyayari, hindi ko naman inaasahan na may ganito pala.
“Eh, diba ayaw mo nga iseen ‘yung messages ko?” Sambit ko at kumalas sa pagkakayakap niya.
“It is part of my plan, actually matagal na rin kitang gusto. Wala lang ako lakas ng loob para umamin, and you gave me a sign para mag tapat ng nararamdaman ko.” Tugon niya sabay abot nang pulang bulaklak na rosas.
“Will you be my girlfriend?” Dugtong pa nito.
Lalong naghiyawan ang mga kapwa kong estudyante nang mag salita na ako ng “YES”
-WAKAS-
“Hindi minamadali ang lahat, matuto tayo mag antay.”
-Jessa
___________________
WORK OF FICTION
Written by;KhaiSilvenia


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.