0

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 5


Report

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 5
“Hoy boss, Hoy hintay naman ohh ano ba kasing gagawin natin dito sa mall” sabi ni Keziah habang hinahabol ang boss Drake na ang bilis maglakad. Bakit ba kasi siya sumama pa dito. Imbes na naghahanda na siya dahil may dinner sila kasama ang mommy nito na kadarating lang. Kaya niya ba talaga niya na magpanggap na girlfriend nito?
“Pwede ibahin mo ang boses mo kapag may sap ako? And don’t call me boss just call me Drake. Mahahalata tayo” seryoso noting sabi sa kanya. Teka galit ba ito sa kanya? Pero bakit naman?
“Galit ka?”
“No”
“Ehh bakit ang cold mo?”
“Nothing I just want to” sagot ulit ng boss ni Keziah sa kanya.
“Oyy wag kang cold, alam mo bang nakakairita yun ha?”
“So alam mo ring minsan nakakairita ka?” ganti naman ng boss niya.
“Bakit naman anong ginawa ko?”
“Kapag ako ang kausap at kasama mo you’re always different Lagi mo akong tinatarayan. Kung iba lang ang gumagawa sa akin niyan matagal na itong trabaho. Damn it”di niya alam kung ano ba ang pinagsasabi ng boss niya.
” By the way who’s that man? The one who talk to you?” bigla naman niyang naalala yung pag-uusap nila ni Nathan yung pinsan niya. Wahahhahaha.
“HAHAHHA” napatawa tuloy si Keziah ng malakas.
“Why are laughing?”
“Pinsan ko yun”
“For real?” usisa pa ng boss niya sa kanya.
“Oo nga, ang tsismoso mo no?” bigla namang may sumupil na ngiti sa labi ng boss niya.
“Let’s go there” hinila siya ng boss niya sa isang shop na bilihan ng mga mamamahaling damit.
“Wala akong balak magshopping, wala pa nga akong sweldo kaya ano bang ginagawa natin dito?”pagtatanong niya sa boss niya.
” Para sa isusuot mo mamaya, we will buy the best dress for you that will make you very beautiful”sabi ng boss niya.
“Matagal na akong maganda, di ko na kailangan yan, at saka mahal ang mga damita yan,”
“Pero ako ang magbabayad at isusuot mo lang.”giit ng boss niya.
” Ma’am sir ano pong kailangan niyo? “biglang lumapit ang isang sales lady.
” A dress for my — girlfriend”sabi ng boss niya.
Nakita naman ni Keziah, ang isang dress na sobrang ganda sa paningin niya.
“Do you like that?” taong ng boss niya sa kanya.
“Ma’am bagay na bagay po yan sa inyo, doon po tayo para maisukat niyo” sabi ng saleslady.Kaya bigal niyang binitawan ang damit.
Dahan dahan naman siyang itinulak ng boss niya papunta sa saleslady. Sumunod lang siya sa saleslady at ito na ang nagdala ng damit.
“Try it, if it will fit to you, bibilhin natin” sabi nito sa kanya.
“Wow ma’am ang ganda niyo naman po, para kayong diyos sa suot niya, swerte naman po ng boyfriend niyo” sabi ng saleslady pagkalabas niya ng fitting room.
” Sir ang ganda po ng girlfriend niyo bagay na bagay kayo” napalingon naman ang boss Drake niya sa kanya at mukhang na starstruck ito sa kagandahan niya char!!! ”
” Hoy tuloy laway ka na”pang-aasar ni Keziah.
“Sweet niyo naman po, by the way dahil sobrang ganda niyo po at bagay na bagay sa inyo ang dress ma’am may discount po” sabi ng saleslady.
“Well buy it, 4 dresses like that pero iba iba ang kulay” sabi ng boss niya agad naman tumango ang saleslady.
“Wait lang magpapalit lang ako”paalam ni Keziah sa boss niya.
“Wag mo ng paltan wear that, bagay na bagay sayo” sabi ng boss niya. Sinunod niya naman ang sinabi nito.
“Bawas mo nalang sa sweldo ko” usal ni Keziah sa boss niya.
“No its my gift for you at isa diyan ang isusuot mo mamaya” sabi ng boss niya.


/> “Gift para saan?”
” For being my secretary for the past five years”sabi nito sa kanya na May sincerity.
” May pagkasweet ka rin pala boss, wahaha”tawa niya.
Kinuha naman ng boss niya ang paperbag sa saleslady ibinigay sa kanya. Cheke nalang din ang iniabot nito, saka sila Umalis sa shop.
Habang naglalakad sila may tumawag dito.
” Hello mom? “pagsagot ng boss niya.
Niloudspeaker nito para marinig niya.
” Don’t forget the dinner at our mansion,kasama mo ba ang girlfriend mo? Can I talk to her? “malambing na sabi ng mommy ng boss niya.
” Hello po”panimula niya, di naman agad ito nakaimik. Nakatingin lang sa kanya ang boss Drake niya.
“Omg iha boses mo palang ang ganda na, I am very excited to meet you, I am sure you look very beautiful, no wonder ikaw ang girlfriend ng anak ko” tuwang tuwang sabi ng ginang.
“Mom we have to go, papunta na kami sa mansion, mamaya mo na kausapin ang girlfriend ko” sabi naman ng boss Drake niya sa mommy nito.
“Bye son and to your girlfriend”
“Her name is Allyson mom”
“Bye Allyson what a beautiful name” at pinatay na ng boss niya ang tawag.Allyson ang second name niya at first ang Keziah.
“Boss kinakabahan ako wag na nating ituloy, sabihin mo nalang wala kang girlfriend” pagkukunwari niya. Titignan niya lang naman kung maniniwala ito.
“Wag mo kong lokohin you’re just pretending na hindi mo kaya” sabi nito sa kanya at ngumisi.
“Heh!!! , bwisit ka kasi boss bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito.”sabi NI Keziah na kunyari ay naiinis.
” Let’s go we have a dinner to attend”sabi ng boss niya.
Nakarating na sila sa parking lot ng mall, at mabilis na pinaandar ng boss niya ang kotse paalis dun.
“Be careful with my aunt I’m sure she’ll Messing around” sabi ng boss niya. Ano ba ang dapat niyang ikabahala sa tita nito?
Mabilis nilang Narating ang mansion. Pinagbuksan siya ng boss niya ng pinto kaya bumaba na siya.
Ang ganda,,, yun lang ang masasabi niya.
“Son I miss you” sabi ng ginang at niyakap ang boss Drake niya at saka tumitig sa kanya.
“I miss you too mom” sabi ng boss niya sa mommy nito.
“So you’re Allyson right?” tumango naman siya kaya siya naman ang niyakap ng ginang.
“Ako nga po” mahinang sabi NI Keziah hindi siya sanay na tinatawag siya sa second name niya.
“Your so beautiful, Iha, let’s go inside, by the way naandito ang tita Minerva mo, Drake” sabi ng mommy ng boss niya.
“Ohh shit” narinig niyang biking nito saka hinawakan ang kamay niya.
“So you’re the GIRLFRIEND HUH?” sabi ng isang babae pagkapasok nila sa mansion..
“Don’t talk to her like that Tita Minerva” may diin na sabi ng boss niya sa tita nito.
“I’m just asking maybe if she’s not or you just pay her so she can pretent to he your girlfriend, I know you Drake” di alam ni Keziah, halata ba nito na nagpapanggap sila.
“Mom sa garden lang kami ng girlfriend ko” paalam ng boss niya sa mommy nito.
“Sorry po” sabi niya sa dalawa ng ginang bago sinundan ang boss niya.
“Minerva umayos ka!!! Wag mong bastusin ang girlfriend ng anak ko.!!!”
“Pero ate—”
“Just do what I said, wag mo na namang simulang sirain at siraan ang anak ko sa akin!! Or else wala ka na talagang makukuha sa akin ni isang kusing!!” narinig ni Keziah na sigawan bago siya sumunod kay boss Drake niya sa garden.
Mabait ang mommy ng boss niya pero ang tita nito, mukhang hindi,
Hindi talaga!!!
” Drake!!! “tawag niya sa boss niya habang hinahabol ito.
She must act as his girlfriend.!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.