0

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 10


Report

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 10
“Papasok ba talaga tayo diyan? Wag nalang kaya, Andiyan yung tita mo” natawa naman sa kanya si Drake. Kinakabahan si Keziah dahil baka alam na rin ng mama ni Drake ang tsismis sa opisina at boss niya talaga ito.
“Takot ka ba sa tita ko?” pang-iinis sa kanya ng boss niya. Di pa rin nawala sa isip niya na hinalikan siya nito at may gusto daw ito sa kanya.
“Wait papasok ako diyan pero sagutin mo muna ang tanong ko” pagtataray niya dito.
“Ano na namang tanong yun?” balik naman ni Drake sa kanya.
“Bat mo ba kasi ako hinalikan kanina ha?!” tumawa lamang ito ng mahina.
“Because I want to and just what I said I like you” seryoso nitong sagot sa kanya. Di niya mapigilan na mag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.
“Hindi ako naniniwala. Bakit ka naman magkakagusto sa akin ha?!” gusto niya lang nalaman kung ano ang dahilan bakit nagkagusto ang boss niya sa kanya.
“Dahil ikaw ang nakakagawa niyan, ang sigawan ako, umasta na parang ikaw ang boss ko, at kilalang kilala mo ako and your the best secretary that I ever had, tatanggalin ko na lahat ng empleyado sa kompanya pero ikaw hinde” sagot nito sa kanya kaya di siya agad nakaimik.
“Ehh babaero ka diba? So it’s means marami kang babaeng gusto at isa lang ako dun” Pagkatapos ay inirapan niya ito at umiwas ng tingin.
“The day na nalaman kong gusto na nga kita hindi na ko nambabae, may nakikita ka bang babaeng pumupunta sa kompanya?” agad naman siyang umiling.
“Wala naman napunta kaya wala akong inaaway at mabuti yun iwas hassle” napangiti naman ito sa sinabi niya.
“So naniniwala ka ng gusto kita?”tanong na naman nito.
” Oo”walang alinlangang niyang sagot.
“So the feeling is mutual dahil gusto mo rin ako” sabi nito at nginisian pa siya.
“Parang lumakas ang ihip ng hangin Tara pumasok na tayo, handa na akong harapin ang dragon dahil sa ginawa niyang paninira sakin!” sabi niya kay Drake. Kaya sabay silang pumasok ng mansyon.
Naabutan nila ang mommy at ang tita nito. Nasa sala ang mga ito. Napansin ng mga ito ang presensiya nila.
” Keziah Allyson are you okay?”tanong ng mommy ni Drake sa kanya. Kilala na siya nito, siguro ay alam na rin nito ang lahat na nagpapanggap lang sila.
“Okay lang po ako ma’am” sagot niya dito.
“Gusto kong humingi ng tawad sayo dahil sa ginawa ni Minera, you don’t deserve that” sabi ng ginang sa kanya.
“Mom bakit kayo ang humihingi ng tawad di ba dapat ay si Tita Minerva? Siya ang nanira sa girlfriend ko” sabi naman ni Drake.
“Ohh come on Drake, don’t fool us alam ko na hindi mo siya girlfriend, she’s your secretary” singit ng tita ni Drake.
“Wala akong pake sa sinasabi mo Tita if I know gusto mo na naman akong siraan kay mommy! Your ruining Allyson’s image, sinabi ng mga empleyado ko na iKaw ang nagpakalat ng tsismis!” dagdag pa ni Drake. Di niya alam pero parang galit na galit ang boss niya sa tita nito.
” Enough! “sabi naman ng mommy ni Drake at tumingin sa kanya.
” Minerva you must sorry for what you do! Bakit mo siniraan si Allyson? “napakabait talaga ng mommy ng boss niya. Di katulad nung Minerva impakta.
” Pero hindi...


ako dapat humingi ng tawad sa babaeng yan, sekretarya lang siya! “impakta talaga kahit kailan.
” Alam ko na nagpapanggap sila pero di mo kailangan gawin yun!your being selfless again, sarili mo na naman ang Iniisip mo! Gusto mo na na ang sirain ang image ng anak ko, sa pamamagitan ng ginagawa mkng ito ha? “asik ng mommy ni Drake kaya di nakasagot yung Minerva.
“Mom you know?” agad na tumingin ang ginang sa anak nito.
“Alam ko Drake pero alam ko rin na hindi mo dadalhin si Allyson dito kung hindi siya important sayo, the way you look at her I knew gusto mo siya, I knew you because you’re my son” napangiti naman ang boss Drake niya sa narinig at tumingin sa kanya.
“Pero sekretarya lang siya!” sabi na naman ng asungot na si Minerva.
“Mawalanggalang na pero kahit sekretarya lang ako ay hindi ko gagawin yung mga bagay na ipinagkalat niyo para siraan ako. At humihingi rin ako ng tawad dahil nagpanggap kami ginawa ko lang po ang trabaho ko dahil pakiusap po yun ng boss ko! Pero wala po kayong karapatan I tsismis ako sa buong kompanya na halos limang taon ko ng pinagtatrabahuhan. Hindi niyo po ako kilala. “hindi naman agad ito nakaimik sa kanya. Inuubos nito ang pasensya niya.
” Allyson Iha calm down! Minerva say sorry to her! “sabi ng mommy ni Drake.
” Never! Hindi pa tayo tapos! Hindi ako titigil hanggat di kita nasisiraan Drake! “sabi ng Tita Minera ni Drake Pagkatapos ay Umalis na .
“Mom bakit niyo ba kasi siya sinama pa dito sa pilipinas? Alam niyo naman wala yang gagawing mabuti. Wala siyang ginawa ko kundi manira ng buhay ng ibang tao!” sabi ni Drake sa mommy nito at siya ay nakikinig lang sa dalawa.
“Anak kapatid pa rin siya ng daddy mo, tita mo pa rin siya kahit ganun siya she’s still your family” sagot ng mommy nito.
“Pero hindi ako papayag na idamay niya si Allyson sa kalokohan niya, that woman is crazy” di naman agad nakaimik ang mommy nito.
“So Inamin mo na ba sa Secretary mo na gusto siya?” mapang-asar na tanong ng mommy nito.
“Mom ano ba yang tanong mo?” sabi ni Drake sa mommy nito. Na nakangiti sa kanilang dalawa.
“Allyson may gusto ka rin ba sa anak ko?” tanong ng ginang sa kanya.
“Ahh ehh —” di siya makasagot sa tanong dahil sa mapanuksong ngiti ng ginang.
“Yes mom, gusto niya rin ako at gagawin ko siyang totoo ng girlfriend ko” si Drake na ang sumagot para sa kanya.
“Great bagay kayong dalawa” sabi naman ng ginang at ngumiti.
“So anak dito ka na ulit tumira sa Mansyon, wala akong kasama,” sabi ng mommy ni Drake dito.
“Mom I can’t” sagot ng boss Drake niya sa mommy nito.
“Bakit naman? Allyson kumbinsihin mo nga ako ang anak ko, sabihin mo sa kanya na hindi mo siya sasagutin kapag hindi siya tumira dito sa mansyon ulit. Please Iha convince him” sabi ng ginang sa kanya.Tumingin naman siya kay Drake.yung tingin na may meaning.
“Fine, fine, I will dito na ako titira” natawa na lang sila ng mommy nito.
“Blackmailers” sabi ng boss niya at Iniwan siya sa mommy nito dahil may tumawag dito.
“I like you for my son, Allyson” sabi ng ginang sa kanya kaya ngiti na lang ang isinukli niya dito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.