0

HE IS MY FIRST LOVE CHAPTER TWO


Report

🌺🌺🌺🌺CHAPTER TWO🌺🌺🌺🌺
Hindi malaman ni Cathrina Agatha kung bakit mula nang makita niya si Giuseppe ay laging ito na lang ang laman ng isip niya kahit ng mga panaginip niya. Gusto niyang lagi itong nakikita at nakakasama. Noon lang niya iyon naramdaman sa isang lalaki.
Pinuntahan ni Cathrina Agatha nang araw na iyon ang tahanan nina Giuseppe. Ang mga magulang lang nito ang nadatnan niya. Nagluluto si Aling Cecilia ng pananghalian. Nalaman niyang nagluluto ito ng paboritong ulam ni Giuseppe.
“Sinigang na baboy po ang paborito ni Giuseppe?”
“Naku oo hija, ang batang iyon kuntento na kapag ganoon ang ulam. Isa pa hindi iyon kumakain ng sinigang na baboy kapag hindi ako ang nagluto,” si Aling Cecilia.
“Ganoon po ba, pwedi po bang turuan n’yo ako ng pagluluto, I just want to know how to cook sinigang na baboy.”
Parang batang nagpaturo si Cathrina Agatha sa ina ni Giuseppe ng pagluluto ng paboritong ulam ng binata.
“Ilang taon na po si Giuseppe?” Walang anu-anong tanong niya habang naghihiwa ng labanos na isasahog sa sinigang.
“Bente singko na ang bunso naming iyon,” si Mang Guiller ang sumagot. “Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa farm mula nang magtapos iyon ng Agriculture.”
“Tay binata pa po ba siya?” Lakas loob na tanong niya.
“Oo hija pero dapat ikakasal na iyon kaya lang hindi natuloy. Sumama kasi sa mayamang lalaki iyong nobya niya,” si Mang Guiller ulit.
“Mula noon hindi na nanligaw ang batang iyon, ewan ba parang wala na sa isip ang mag-asawa dahil sa naranasan niya. Isa pa mukhang hindi pa rin niya nalilimutan ng lubusan si Mercy, iyon lang kasi ang tanging babaeng minahal niya,” si Aling Cecilia.
“Nay, Tay gusto ko po si Giuseppe at gusto ko pong maging close sa kanya,” deritsang wika niya.
Nagkatinginan ang mag asawa pagkuwan ay tumingin sa kanya.
“Nakikita ko ho kasing isa siyang perfect ideal man,” nakangiting dugtong pa ni Cathrina Agatha.
Hindi na lang pinansin ng mag asawa ang sinabi ng dalagita, batid nilang lubha pa itong bata sa iniisip nila.
Nineteen years old pa lang si Cathrina Agatha. Third year pa lang siya sa kursong AB Photography. Sa Australia siya nag-aaral ng kolehiyo.
Hindi akalain ni Giuseppe na ang dalagita ang magdadala ng pananghalian niya.
Nang makita ni Cathrina Agatha na pawisan ang lalaki ay agad niya itong nilapitan at dinampian ng panyo ang noo nito para pahirin ang pawis nito. Bagay na ikinabigla ni Giuseppe. Mabuti na lang at walang ibang tao roon para sumaksi sa ginawang kapangahasan ng dalagita.
“Sa uulitin huwag mo ng gagawin iyon!” Disgustong wika ni Giuseppe.
“Sorry, galit ka ba?”
“Ms. Valle hindi ka bagay dito sa farm masisira dito ang kutis mo, dapat sa resthouse ka lang o kaya mag-enjoy ka mamasyal sa bayan,” pag iiba ng tema ni Giuseppe sa kanilang usapan.
“Don’t worry about my skin, nakakainip sa resthouse saka kung mamamasyal ako wala akong kasama, ikaw gusto mo bang samahan ako?” Nakangiting tanong ni Cathrina Agatha sa lalaki.
“Busy ako dito.”
“Bukas, Sunday naman diba? Walang trabaho.”
“Sorry hindi ako mahilig mamasyal,” tugon nito.
“E di puntahan mo na lang ako bukas sa resthouse para naman may kakwentuhan ako,” kumindat pa siya sa lalaki.
Naisip ni Giuseppe may kakulitan ding taglay ang kausap niya. Hindi na niya ito tinugon pa.
Kinabukasan hinintay ni Cathrina Agatha ang binata pero hindi ito dumating sa resthouse. Nalungkot siya dahil halos buong maghapon siyang naghintay dito pero walang Giuseppe na dumating. Parang gusto niyang umiyak. Nais niyang magtampo sa lalaki pero hindi naman niya magawa. Batid niya hindi lang basta crush ang nararamdaman niya rito, na love at first sight siya rito.
TWO WEEKS LATER
Wala namang bagyo pero napakasungit ng panahon nang araw na iyon. Napakadilim ng langit at malakas ang buhos ng ulan. Matatalim ang kidlat na gumuguhit sa kalangitan. Mag-isa lang noon sa resthouse ang dalagita.
Agad na naibsan ang takot na nasa dibdib ni Cathrina Agatha nang makitang dumating doon si Giuseppe.
“Thank you Giuseppe nandito ka,” agad niyang niyakap ng mahigpit ang lalaki na tila nakakita ng super hero na magiging tagapag-ligtas niya.
Hindi nakakilos si Giuseppe dahil sa ginawa ng dalagita lalo na nang maramdaman niya ang dibdib ng dalagita dahil sa higpit ng yakap nito.
Nang maramdaman naman ni Cathrina Agatha na basang basa ang lalaki ay agad siyang bumitaw mula sa pagkakayakap dito.
“Naku basang basa ka, magbihis ka muna.”
“Hindi na pinapuntahan ka lang ni Inay para masigurong ok ka, aalis na rin ako.”
“Giuseppe please don’t leave, just stay here,” pakiusap niya sa lalaki habang hawak ang kamay nito. Sinadya niya iyong hawakan dahil tatalikuran na naman siya nito para umalis.
Hindi pinayagan ni Cathrina Agatha na iwan siya ng lalaki.
Napilitan naman ito na huwag umalis.
Ipinaghanda siya ng dalagita ng damit, damit iyon ng ama nito.
“Gamitin mo na itong damit ni Daddy, then mag shower ka na lang sa bathroom may hot water doon, pumunta ka na lang sa dining room ipaghahanda kita ng pagkain,” wika ng dalagita sa kanya.
Asikasong-asikaso siya nito. Naalala tuloy niya si Mercy, ang dating nobya niya. Sobra din itong mag-asikaso sa kanya kaya naman napamahal ito ng sobra sa kanya. Muli na naman niyang naramdaman ang sakit sanhi ng pagtataksil nito.
Matapos mag-shower at makapagbihis ay nadatnan niya sa dining room ang dalagita. Nakahain na ang pagkain.
“Giuseppe pasensiya ka na ha noodles lang iyan, hindi kasi ako marunong magluto ng iba eh,” nahihiyang amin niya.
“Ok na sa iyo ang ganyang dinner?”
“Oo, actually pasta ang madalas kong kainin sa Australia hindi ako maki-kanin.”
Dinaanan lang ni Giuseppe ang noodles na inihanda niya. Tahimik nitong tinungo ang refrigerator kung saan nakaimbak ang mga pinamili ni Aling Celia. Naglabas ito ng pork at gulay.
Magtatampo sana siya sa lalaki dahil hindi man lang nito pinansin ang niluto niyang...


noodles ngunit agad siyang na-touch nang ipagluto siya ng lalaki.
Tahimik lang niyang pinagmasdan ang bawat kilos ng lalaki. Parang kinikiliti ang puso niya sa tuwing susulyap ito sa kanya. Naisip niya thoughtful din ang lalaki. Lalaking marunong magluto, lalaking pinapangarap niyang pakasalan!
Ang gwapo ni Giuseppe sa paningin niya sa bawat pagkilos nito. Ang Moreno nitong kulay, ang malapad na dibdib, ang abs na nagmamalaki sa tiyan nito, ang matangos na ilong, ang labing tila kaysarap humalik at ang mga matang kay sarap tititig.
Ang pagpapantasya niya sa lalaki ay napukaw nang ilapag nito sa mesa ang mainit na nilagang baboy. Tila sinadya pa ng lalaki na ilapit iyon sa kanya para mainitan ang mukha niya at magising siya.
“Paborito mo iyan diba?” Wika ni Giuseppe.
“Paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong niya. Totoo ang sinabi nito, nilaga nga ang paborito niyang kainin sa tuwing umuulan.
“Ibinilin ng Inay na ipagluto kita niyan, paborito mo daw kapag umuulan.”
Pakiramdam ni Cathrina Agatha ay lalong nahulog ang loob niya sa lalaki.
“Thank you,” wika niya matapos ang dinner, nasa sala sila noon.
“Pumasok ka na sa silid mo at magpahinga, dito na lang ako sa sala,” hindi pinansin ng lalaki ang pasasalamat niya.
“No, hindi pa ako inaantok. Giuseppe you’re so nice and ideal, ang sarap mo siguro maging boyfriend,” prangkang wika ni Cathrina Agatha.
“Hindi mo pa ako lubusang kilala.”
“Nararamdaman ko!”
Napatingin ng deritso si Giuseppe sa dalagita. Bigla itong napangiti ngunit hindi kababakasan ng saya. Ngunit balewala iyon kay Cathrina Agatha ang mahalaga ay ang ngiti nito. Lalo tuloy itong naging gwapo nang lumabas ang cute na dimple nito sa kaliwang pisngi nito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niyang ngumiti ito.
“Crush mo ako?” Seryosong tanong ni Giuseppe sa kanya.
“No.”
“Good!”
“I fell in love with you,” mahina niyang wika habang nakatingin sa lalaki.
Kahit mahina ang pagkakasabi niyang iyon at malakas ang buhos ng ulan ay kinig na kinig iyon ng lalaki. Natawa itong bigla. Sanay na si Giuseppe sa mga ganoong reaksyon ng mga teenager na nakakausap niya at nakakasama.
Naupo si Cathrina Agatha sa tabi ni Giuseppe. Hindi niya nagustuhan ang tawang iyon ng lalaki dahil seryoso siya sa sinabi niya.
“Giuseppe seryoso ako, hindi ako nagbibiro, mahal kita!”
Nawala ang ngiti ni Giuseppe mukha ngang serysoso ang dalagita. Nakita niya kasing tila namumula ang mukha nito habang nakatingin sa kanya matapos sabihin ang bagay na iyon.
“From the very beginning naramdaman ko na ito. Love t first sight, naniniwala ka ba doon? Na love at first sight ako sa iyo!”
Biglang hindi naging komportable si Giuseppe sa mga sinasabi ni Cathrina Agatha.
“Bukas na lang tayo mag-usap sige na pumasok ka na sa silid mo,” pagtataboy niya sa dalagita.
Sa halip na sumunod si Cathrina Agatha ay niyakap niya ang lalaki. Lumapat ang labi niya sa mga labi nito. Sa ginawang iyon ng dalagita may damdaming nabuhay sa katauhan ni Giuseppe. Bigla siyang inilayo ni Giuseppe at tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa. Kinig pa niya ang makailang beses na pagbuga nito ng hangin.
“Ms. Valle huwag mo na iyong uulitin!” mariing wika ni Giuseppe.
Napahiya si Cathrina Agatha dahil sa reaksyon na iyon ni Giuseppe. Hindi man nito isinatinig ay ipinaramdam naman nito. Masama ang loob na iniwan na niya ang lalaki sa sala.
Kinabukasang umaga maganda na ulit ang sikat ng araw. Nagising si Cathrina Agatha na wala na roon sa resthouse ang lalaki. Matapos mag-breakfast ay nagtungo agad siya sa farm, batid niyang doon niya matatagpuan si Giuseppe.
“Giuseppe,” pukaw ni Cathrina Agatha sa ginagawa ni Giuseppe. Kasalukuyan itong nagi-inspection ng mga dahon na naani.
“Bakit nandito ka? Bumalik ka na sa resthouse, napakaputik dito.”
“Giuseppe don’t treat me like a child. About doon sa sinabi ko kagabi, hindi ako nagbibiro, seryoso ako!”
“Tigilan mo na iyan Cathrina Agatha. Hindi mo pa ako kilalang lubusan. Hindi ako bagay sa’yo! Magkaiba tayo ng estado, nakakatawa kung ako ang mamahalin mo, sige na iwan mo na ako!” iniwan ni Giuseppe ang dalagita.
“Giuseppe don’t do this to me, kausapin mo naman ako! I don’t care kung magkaiba tayo ng estado. Maniwala ka sa akin mahal kita,” malakas na wika ni Cathrina Agatha sa papalayong lalaki.
Dahil doon nakuha niya ang pansin ng ibang mga trabahador. Napatingin ang mga ito sa kanila. Hindi naman siya nakaramdam ng hiya, nginitian pa nga niya ang mga ito. Nagsasabi lang siya ng totoo kaya bakit siya makakaramdam ng hiya.
Asar na lumapit sa kanya si Giuseppe.
“Ms. Valle pwedi ba huwag kang mag-eskandalo dito,” nahihiyang nilingon ng lalaki ang mga kapwa trabahador na nangingiting nakatingin sa kanila na tila ba nanonood ng pelikula.
“Ayaw mo kasing maniwala sa akin na mahal kita. Giuseppe I’m willing to be your fiancée and of course I’m willing to marry you too,” prangkang wika niya. Wala na rin siyang pakialam kung marinig din ng iba ang sinabi niyang iyon.
“Tigilan mo na iyan! Hindi ka ba nahihiya?” Iritadong tanong ni Giuseppe.
“Siyempre hindi ako nahihiya, I’m just telling the truth about my feelings for you,” tugon ni Cathrina Agatha.
“Enough! Huwag mo akong paglaruan sa harap ng mga tao.” Mariing wika ni Giuseppe.
“I’m sorry but believe me I love you so much!” Minabuti ni Cathrina Agatha na iwan na ang lalaki. Nasasaktan siya kahit paano sa napakalamig na trato ng lalaki sa kanya sa kabila ng pagmamahal niya rito.
Kantiyaw naman ang inabot ni Giuseppe sa mga barkada na trabahador sa farm.
“Lakas talaga ng dating mo sa girls pare, pati ba naman unica hija nina Sir jake at Ma’am Xieley mapapaibig mo rin,” pabirong sigaw ni Zandro sa di kalayuan.
“Huwag n’yong pansinin iyon napagtitripan lang ako noon, saka crush lang iyon!” Tugon naman ni Giuseppe na ayaw seryosohin ang paulit ulit na sinasabi ng dalagita.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.