0

HE IS MY FIRST LOVE CHAPTER THREE


Report

🌺🌺🌺🌺CHAPTER THREE🌺🌺🌺🌺
Minsan hindi akalain ni Cathrina Agatha na madadatnan niya sa farm si Giuseppe na kausap ang dating nobya nito, si Mercy. Nasaktan siyang bigla. Nang makaalis na ang babae ay agad niyang kinausap ang lalaki.
“Bakit mo pa kinakausap ang ex-girlfriend mo, diba niluko ka na niya?” Seryosong tanong ni Cathrina Agatha sa lalaki.
“Sinong nagsabi sa iyo niyan? Nagi-imbestiga ka ba tungkol sa akin?” Kunot-noong tanong ng lalaki sa kanya.
“Giuseppe…”
“Wala kang pakialam kung kausapin ko siya.”
“Pero nasasaktan ako kasi nagsi-selos ako,” deritsang wika ng dalagita.
“Hindi ka ba talaga titigil sa ginagawa mong iyan? Pinapababa mo ang sarili mo,” hindi malam ni Giuseppe kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang dalagita sa pagiging bulgar ng pananalita nito.
“I don’t care kung cheap ang tingin mo sa akin, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Akala mo kasi nagbibiro ako, akala mo pinaglalaruan kita. I can do everything to prove that I love you!”
“Alam mo ang totoo ayaw ko sa isang babaeng mayaman at hindi sanay sa hirap. Hindi kita pweding mahalin dahil ikaw iyon,” seryosong wika ni Giuseppe.
“Iyon lang ang dahilan? Napaka-unreasonable mo! Wala ba akong karapatang mahalin mo? Ano ba ang meron ang isang mahirap na wala ako? Giuseppe huwag mo akong hatulan, kaya kong magtiis, kaya kong gawin ang lahat!”
“Kaya mong talikuran ang karangyaang meron ka?” May paghamon ang tanong na iyon ni Giuseppe, sigurado kasing hindi kaya baka sakaling dahil doon tigilan na siya nito.
Hindi agad nakaimik si Cathrina Agatha.
“Hindi mo kaya diba?” si Giuseppe.
“Iyon ba ang gusto mo? Kaya ko at gagawin ko!”
Napatingin ng deritso si Giuseppe sa dalagita. Seryoso ba talaga ito sa nararamdaman sa kanya. Nagtaka siya nang makitang hinuhubad ng dalagita ang mga alahas na suot at ipagbabato iyon sa iba’t ibang panig ng farm.
“Ms. Valle, anong ginagawa mo?”
“Those things are sign of wealth!”
“Nababaliw ka na ba, kapag nalaman ng parents mo ang ginagawa mong ito magagalit iyon sa iyo baka pati sa pamilya ko,” wika ni Giusepe na hindi alam kung anong gagawin para matauhan ang dalagita.
“Hindi nila iyon magagawa, ipaglalaban kita sa kanila, saka pwedi ba don’t call me Ms. Valle.”
Naiiling na iniwan ni Giuseppe ang dalagita at minabuting hanapin ang mga alahas na ipinagtatapon nito.
Inaamin niya walang lalaking tatanggi at hindi magmamahal kay Cathrina Agatha. Mabait ito at sweet kaya lang nangangamba siya na hindi tanggapin ng pamilya nito at kapag nagkataon maghihirap lang ito sa piling niya. Maging siya una pa lang na nakita niya ito ay humanga na rin siya dito.
Ipinasya ni Cathrina Agatha na baguhin ang lifestyle niya. Buo ang loob niya na patunayan kay Giuseppe na kaya niyang gawin ang lahat para rito at kaya rin niyang talikuran ang karangyaang tinatamasa niya.
Parati na siyang sumasabay ng pagkain sa mga trabahador. Kinakain niya ang kung anuman ang kinakain ng mga ito. Nagkakamay siya sa pagkain kung kinakailangan at higit sa lahat pinagbawalan niya sina Aling Cecilia at mang Guiller na pagsilbihan siya. Pinagaralan niya...


ang gawaing bahay, paglalaba, paglilinis ng bahay maging ang paghuhugas ng pingggan. Hiniling din niya sa mga magulang ni Giuseppe na hayaan siyang magtrabaho sa farm. Tutol man ang mga ito ay hindi naman siya magawang hindi pagbigyan.
Batid ni Giuseppe na ginagawa lang iyon ng dalagita para patunayan sa kanya na totoo ang sinasabi nito.
Minsan hindi inaasahan ni Giuseppe na dadalhin ng dalagita sa farm ang mga gamit nito at ipamigay ang mga iyon sa mga trabahador at sa pamilya ng mga ito.
“Ano ang ginawa mo?” tanong ni Giuseppe na hindi na nakatiis.
“Ipinamigay ko lahat ng gamit ko, branded at mamahalin ang mga iyon,” tugon ng dalagita.
“Iyon nga eh, hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito!”
“Kasi gusto kong patunayan na kaya kong mawala ang lahat sa akin huwag lang ikaw. Kaya kong mag-suot ng mga damit na mumurahin o galling ukay-ukay, kaya kong gumamit ng mga pabangong local at pweding hindi ako magsuot ng mga alahas. Kaya ko ding mamuhay tulad n’yo!”
Kahit ang trabaho sa farm ay sinubukang gawin ni Cathrina Agatha. Tumulong siya sa pagsisiga ng mga tuyong damo. Hindi na nakatiis si Giuseppe, inakay niya palayo roon ang dalagita.
“Cathrina Agatha hindi ka trabahador sa farm na ito, huwag mong pahirapan ang sarili mo nang dahil sa akin,” wika ni Giuseppe.
“Don’t worry hindi naman ako nahihirapan saka masaya ako sa ginagawa ko,” nakangiting tugon ng dalagita.
“Nahihirapan na rin ako sa kakasabi na huwag mo itong gawin para sa akin, ok gawin mo ang gusto mo hindi na kita pakikialaman siguro naman titigil ka rin kapag nahihirapan ka na.”
“Hindi mangyayari iyon!”
“Bahala ka na!”
Galit na tinalikuran ni Giuseppe ang dalagita. Nagagalit siya dahil ayaw niyang nahihirapan ito dahil sa kanya.
Kahit ang pagtatabas ng matataas na damo ay sinubukan rin ni Cathrina Agatha. Nang hindi sinasadyang masugatan ang daliri niya ay pinigil niyang magreklamo. Napakagat-labi na lang siya nang maramdaman ang hapdi noon. Maliit lang naman ang sugat.
Noon nakita ni Giuseppe ang dalagita hawak ang duguang daliri. Alalang agad siyang lumapit, nalimutan niya ang ginagawang paninikis dito na hindi pansinin. Inakay niya ito patungo sa bahay tuluyan kung saan nagpapahinga ang mga trabahador tuwing tanghali. Kumuha ng medicine kit ang lalaki at nilinis ang sugat ng dalagita.
“Sinabi ko na sa iyo tigilan mo na ang mga ginagawa mo, hindi ka dapat nasusugatan,” nilagyan nito ng betadine ang sugat niya pagkuwa’y nilagyan ng gasa. “Masakit pa ba? Uminom ka ng antibiotic.”
Lihim na napangiti si Cathrina Agatha sa pag-aalalang iyon na nasa mukha ng binata.
“Salamat, ok na ako, maliit lang naman.”
“Kahit na hindi ka dapat magkasugat,” wika ng lalaki.
“Giuseppe talaga bang hindi mo ako pweding mahalin?” malungkot na tanong ng dalagita. “Bakit napakalayo mo sa akin?”
Hindi agad nakaimik ang lalaki.
“Sige na magpahinga ka na lang muna dito.”
Sinundan na lang ng tingin ni Cathrina Agatha ang papalayong lalaki. Pakiramdam niya ang layo layo ni Giuseppe. Kahit ayaw niyang sumuko ay nahihirapan na rin siya sa ginagawa nitong pambabalewala sa kanya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.