He Ghosted Me



may pinatry na app sa akin yung kaibigan ko kung saan pwede mo maka usap o maka chat ang isang tao na di mo kilala. Filipino American at iba pang lahi ang mga makikilala mo . One time May nakilala ako na pilipino na lalaki at unang pag uusap pa lang namin sobrang nag clicked na agad kami sa isat isat kasi iisa lang yung trip namin. Tapos parehas kaming masiyahin. Sobrang sabay kami sa trip ng isat isat puro katuwaan lang. Tapos hindi nag tagal nag kkwento na kami sa isat isa ng problema namin sa buhay. Ako yung nandyan lagi para sa kanya sa tuwing na dodown sya. Tatawagan nya ako at mag kkwento sya sa akin kung anong problema. At nakikinig lang ako. Pag nag chachat sya nag rereply ako. Nag cacall din kami araw araw walang katapusan na tawanan tapos pag gabi na iintayin nya ako matulog muna bago nya patayin yung call minsan...

iidlip muna sya tapos pag gigising tsaka papatayin yung call. Nasanay na ko sa ganon na set up nag uupdate din kami sa isat isa as in label na lang yung kulang. Tapos one day di ko na alam kung anong nangyari. Pag gising ko ang iba na. Yung mabilis na pag rereply nya umabot ng oras tapos naging araw pero syempre ako iniintindi ko na lang wala naman ako karapatan mag tanong eh. Nag rereply naman sya sa mga chat ko kaya ayos na yun sa akin. Then one day nangamusta ako sa kanya pero seen na lang ang ginawa nya. Di na ko sya kinulit after non dahil ayoko naman na din magmukang tanga pa. Halata naman na di na nya ko gusto kausapin dahil nagagawa nya mga pag share sa fb maka pag myday maka pag post pero di magawang mag reply. Ayun gusto ko lang sabihin sayo na iniintay pa din kita bumalik☺️




One thought on “He Ghosted Me