Ghosting

3

Hi, I’m 29 yrs old but turning 30 this year.I can’t broadcast my real name to be safe. Anyway nagkakilala kami sa facebook kc naman uso naman talaga un noon hanggang ngaun. It was year 2018 if I’m not mistaken. Nag start un nong inadd nya ako sa fb, nagulat ako kasi naman naka private ang account ko, kasi ayoko talagang madaming nag aadd saken, hindi naman ako kagandahan pero madami talagang nag aadd saken. Un, bago kasi ako nag coconfirm ng tao iniistalk ko muna, then nagulat ako kasi from UST pa siya, sosyal ang beauty ko diba?😂 Hindi naman kagwapuhan ang Lolo mo, pero di aarte paba ako? Xempre hindi na, then kinononfirm ko na. After ko siyang kinonfirm biglang mag chat, salamat daw at paki confirm pa daw nong isang account niya. Gulat ako ulit😱 nasabi ko nalang ang demanding mo naman po🤪 pero kinulit niya ako kaya kinonfirm ko din ung isa. Noong una hindi naman ako excited na maka chat siya kasi sa isip ko, parang imposible naman na magkagusto to saken😁But then don na nag start ung chat dito chat doon. Nalaman ko na nasa US pala siya. Pero despite of LDR ok naman kami. Don pa nga kami lubos na nagkakilala eh kc don nag start ung open dito open doon, natuwa pa ako kasi pati mga kapatid ko talagang naging close nya, may mga secret pa nga sila eh, pati ung friend ko naging close sila. Ang sarap sa pakiramdam na kahit magkalayo kayo pinaparamdam niya sayo kung gano ka kaimportante sa kanya. May mga oras na magdamag pa kaming magka chat. To be honest na fall talaga ako sa kanya ng sobra, ung hindi mo ineexpect na mafefeel mo ung ganon, kasi naman hindi naman talaga siya mahirap mahalin. Siya kasi ung taong open sa lahat, un naman ang nagustuhan ko sa...

kanya, lumilipas ang araw, linggo, at buwan na parang wala ng bukas ang kasiyahang aking nadarama. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, Ang kanyang pag uwi, excited na excited talaga ang Lola mo ung feeling na hindi ka makatulog😂 so ayon, dahil excited ang lahat namalengke pa ang aking mama para pang handa. Tapos kmi ng pinsan ko ay sumakay na ng Jeep papuntang mrt, late aqng nag online kaya late kong nareceive ung chat niya na wag na siyang sunduin kasi mag uusap pa daw sila ng ex niya, para na akong iiyak😭 sa Jeep pero pinigilan ko sarili ko, sabi ko sa pinsan ko uwi na kami, pero natatakot akong umuwi kasi hindi ko alam sasabihin kina mama. Pero nilakasan ko loob kong magpaliwanag kasi wala naman akong choice eh, so umuwi kami sabi ko late kong nabasa na hindi na siya magpapasundo. Don din nag isip ng masama sina mama ,sa halip na magmukmok at umiyak ako sa bahay, pumunta nalang kami sa kapatid ni mama, hanggang sa bihira na siyang mag reply hanggang sa mag sabi siya ng sorry saken. Pag uwi namin ng bahay kumain at nag inuman nalang kami ng mga pinsan ko.Gusto Kong humagulgol ng iyak pero hindi ko magawa, aukong makita ako nila mama kasi alam kong mas masasaktan sila pag nakita nila akong ganon. Dumaan ang mga araw na hindi na siya nagparamdam at hindi na din aq nagparamdam.Tinanggap ko lahat, at sinabi ko kay Lord na makakaya ko ang lahat kasi nandyan ang family at friends ko na tunay na nagmamahal saken. I moved on already and I’m looking forward to meet new guy sa buhay ko, kc I believe na habang may buhay may pag- asa, at alam ko na sa bilyon-bilyong lalaki may isang nakalaan para saken at ibibigay un saken in God’s perfect time coz True love waits.❤️❤️❤️❤️




3 thoughts on “Ghosting