6

My GF from Planet Cheche


Report

“Seriously?”

Yan ang nasabi ko nang makita
ko ang laman ng ref ni Laine.

Bukod sa tubig, mga hinog na mangga at langka lahat ang laman.

“Wala ka na bang ibang pagkain bukod sa Mangga at Langka? ”

“Yan lang ang pwede kong kainin.”

” Bakit?”

“Basta!”

Nasa condo unit niya kami. Condo unit na ako nagbigay 2 days ago.

Utang ko ang buhay ko sa kanya matapos niya akong iligtas sa tiyak na kapahamakan
2 days ago rin.

I was a victim of hit and run. Kakalabas ko lang ng subdivision namin. Papunta na ako ng trabaho. That day ay di ko dala ang kotse ko dahil ipinahiram ko muna sa sister ko.

Habang nag- aantay ng masasakyan, nakatanggap ako ng text mula sa katrabaho ko.

Abala ako sa text ng di ko namalayan ang humahagibis na parating na kotse.

( So guyz, don’t text while your on the road. Nakakamatay!!!!!)

Tumilapon ako pati ang cellphone ko.

Injured ako masyado halos di nako makagalaw.

Nararamdaman ko ang mainit na daloy ng dugo sa noo ko at halos naninilim na ang paningin ko.

Bago pa ako mag blackout, nakita kong dumating si Laine at tinutungan ako…

Nanlalabo na ang paningin ko pero alam ko, may kakaibang nangyari. Himala baga..

Ipinatong niya ang palad niya sa noo ko at halos masilaw ako nang lumiwanag ng pagkaliwanag.

Hanggang sa nagising ako sa loob ng isang private na kwarto sa ospital.

Siya ang una kong nakita. Natutulog sa isang upuan sa tabi ng higaan ko  habang may konteng laway sa gilid ng bibig niya.

In fairness, kahit iyun ang unang scenario na nakita ko after ko magising, masasabi kong maganda ang “anghel” na tumulong sakin.

Ang pinagtataka ko, wala man lang kahit anong nakakabit sa katawan ko. Ni dextrose ay wala. Sigurado akong seryoso ang naging lagay ko nang mabundol ako. Pero parang natulog lang talaga ako dito sa ospital. I’m totally OK.

Nakapagtataka talaga.

Hanggang sa nagising na siya at nakita niya akong nakadilat.

Umupo ako at wala man lang akong naramdamang kahit anong kirot sa katawan. Ni sugat ay wala.

Pasimple pa siyang nagpunas ng bibig niya.

” Gising ka na pala,” ang sabi niya.

Tinignan ko muna siya ng mabuti at inisip ng mabuti ang nangyari.

” Are you an angel?” Ang tanong ko sa kanya.

Komonot ang noo niya.
” Bakit mo naman nasabi?”

” Sa naalala ko, ipinatong mo ang kamay mo sa noo ko at biglang lumiwanag.”

Natawa siya.

” Sir, mukang nadamage yata ang memory niyo…Buti na lang hindi ka sumunod sa liwanag…”

” Pero sigurado ako sa nakita ko.”

“Look at me sir. Do I look like an angel to you? ” ang nakangiti niyang tanong.

” Yes you are! You’re beautiful.” ang nakangiti ko ring sabi.

“Is this how you thank me? Ang bulahin ako?”

“No, I’m serious. Maganda ka. Saka nga pala ilang araw na ba ako nandito?”

” Actually matagal na…. kalahating araw pa lang naman”.

” Really? At wala man lang ako ni isang injury?”

” Meron sir! Sa utak. .. Nakita lang kitang walang malay sa daan. Mukhang wala ka naman sugat pero dinala nalang kita dito sa ospital para sure. Baka kulang ka lang sa pahinga” ang sabi niya.

“Parang hindi ganon ang naaalala ko.”

“Saka nga pala alis nako, mukang OK ka na rin naman. By the way, lahat ng gamit mo nandiyan sa table.” Ang pag-iba niya ng usapan at akmang pupunta na siya ng pintuan.

Dali-dali akong bumaba ng bed at hinawakan siya sa kamay.

” Wait! Huwag ka munang umalis.” Ang sabi ko.

Nang lumingon siya sa akin, ” Bakit?”
Tanong niya at inilipat niya ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

Binitawan ko tuloy bigla ang kamay niya.

“Hindi pa kita napapasalamatan… Ano ba pangalan mo?”

“Uhm.. Laine. Eh ikaw?”

“Im Bobby. Alam mo Laine, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko mapapasalamatan ang anghel ko.”

“Itigil mo nga ang kakatawag sakin ng angel.”

“San ka nga pala nakatira?”

” Ha?.. Teka… San nga ba?”

“Binibiro mo ba ako? San nga?”

Hindi siya nakasagot. Mukhang nag-iisip..

“Hindi ko talaga maalala pati nga ang tunay na pangalan ko.”

“Are you serious? Sino na ngayon satin ang nadamage ang memorya? … Baka naman myembro ka ng sindikato?”

” Nako!… Baka nga. Pero seryoso, Hindi ko maalala. ” pagkasabi niya ay dumeretso na siya ng pintuan. Tumingin siya sakin sandali.

” Sige, alis nako.”

” Teka lang” sabi ko at sinundan ko siya sa pintuan.

“Kung wala kang uuwian, dito ka muna. Hintayin mo ko sandali. At aayusin ko lang ang bill ko dito sa ospital.”

Nang makalabas kami  ay sumakay kami ng taxi at pumunta kami sa condo unit ko.

” Sigurado ka? Dito mo ko patitirahin?” Ang tanong niya pagkapasok namin.

“Wala na ako sana ngayon kung hindi dahil sayo. Kahit di kita kilala, mukhang mapagkakatiwalaan ka naman”

” True friend lang ang gusto ko. As in true friend. Yung hindi ako iiwan kahit kailan. Ok na saking kabayaran yun. Actually hindi naman ako naghihintay ng kapalit.
Baka naman maging pabigat pa ako sayo.”

” Pabigat ba ang tawag sa isang taong naging savior mo?.. Don’t worry, gusto ko talaga tumanaw ng utang na loob. By the way, kailangan ko ng pumasok sa trabaho, saka na kita iinterviewhin.  I”ll be back two days from now, OK?” Ang sabi ko sa kanya.

Binigyan ko rin siya ng pera para makapamili ng mga kailangan niya, pagkain at damit.. Wala kasi siya kahit ano maliban sa suot niya. Na akala mo ay aatend siya sa isang costume party, naka overall na shiny.

And one thing most important, I pledged before ako umalis,  that I will be her true friend as long as I live at handa rin akong itaya ang buhay ko para sa kanya. Kahit di ko alam kung sino ba talaga siya.
“Mabuti na lang nagtake out ako ng food, kung hindi eh mapupurga ako sa mangga at langka..”. Ang sabi ko habang kinukuha sa plastic ang mga binili ko sa lamesa.

“Ang dami naman ng binili mo?”

” Shempre dalawa tayo.”

” Sabi ko nga sayo hindi ako pwede kaumain ng iba kundi Langka lang at mangga.”

” Bakit nga? Ang weird mo naman. Hindi ba sasama ang pakiramdam mo? Puro langka at mangga lang ang kakainin mo sa araw- araw? Sa buong araw?”

“Hindi. Alam mo kasi… Basta, hindi mo rin ako maiintindaihan.”

” Sabihin mo kaya nang maintidihan ko.”

” Baka kasi… hindi ka maniwala o pagtawanan mo lang ako at sabihin mong nababaliw nako.”

“OK, try me”

“Isa akong alien”

“Nababaliw ka na nga”

” See I told you, hindi ka maniniwala”

“Eh kasi naman, parang puro kalokohan lang naman pinagsasabi mo. Ang ganda mo pa naman, may saltik nga lang.”

“Alam ko, parang kalokohan nga pero totoo.”

“Nagshashabo ka yata eh, baka matukhang ka..”

” Hahaha… Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Teka, ano ba yung nagshashabo?”

” Nako!… Kung wala lang akong utang na loob sayo ewan ko kung kinakausap pa kita. Ang ganda mo pa naman sana”

“Tanong ko lang, tunay ka bang mapagkakatiwalaan?”

“Well dapat ako ang nagtatanong niyan sayo. Kakakilala lang natin.”

“Mangako ka muna, magiging true friend ka sakin, hindi ka matatakot sakin”

“Oo na… Ano ba talaga kasi? Magbabagong anyo ka ba o ano? Teka teka lang….parang kinabahan naman ako kung ganun nga.”

” Hindi!.. Ano ka ba? Hindi ka rin naman matatakutin no?”

“Sensya… Hindi lang talaga ako makapaniwala na nag-uusap tayo ng mga out of this world na mga topic..”

” pero sandali lang, para masarap ang kuwentuhan, kuha muna ako ng food ko.”

Pagkatapos ay tinungo niya ang ref at kumuha ng tatlong malalaking buong hinog na mangga at hiniwa bawat sides ng mga iyon at inilagay niya sa pinggan.

“Sige na kain ka na at kain na rin ako.”

Inumpisahan na namin ang kain na sinabayan ng kuwentuhan.

“Alam mo, kung gusto mong makita ang totoo kong anyo eh kailangan ko gamitin ang bemra ko.”

“Ano? bemra? Ano yun?”

” Yun ang term namin sa powers namin.”

“Really? May powers kayo?”

“Oo nga. Sige na, aamin na ako. Pinagaling nga kita. Kaso hindi ko na puwede gamitin ang bemra ko ng basta basta kasi may bad effect sakin”

“See? Maliwanag ang memory ko..Thank you talaga ng marami, utang ko talaga sayo ang buhay ko … pero teka lang, ibig sabihin sa pagtulong mo sakin eh may nangyaring masama sayo?”

“Oo. Kaya nga kapalit ng pagtulong ko sayo, gusto kong maging totoong loyal friend ka sakin. Nakasalalay sayo ang buhay at kaligtasan ko.”

“Ikaw tong may powers… Anyway, sa anong paraan naman?”

” Every time ginagamit ko ang bemra ko, nawawalan ako ng memory unti-unti. Nangyayari iyon dahil hindi ako taga Earth. You will be my reminder. Baka dumating yung time na di na ako makaalala.”

“Edi irecord na lang natin ang lahat ng tungkol sayo tapos kapag nakalimot ka na yun ang magpapaalala sayo”

” Pero mayroong tsansa na mapunta yun sa masamang kamay. So ang kailangan ko ay isang kaibigan na magiging loyal sakin. Alam mo kasi, sa planet Cheche meron…”

“Ano? Planet Cheche? Parang joke naman ang pangalan ng planet niyo.”

” Hahaha..Hindi ka rin istorbo sa story telling ko no?”

“Sensya na…Sige continue na”

“So as what i am saying…sa planet Cheche meron kami doon isang napakalaking bato na kulay pula na tinatawag naming Rebem. Humahawak kami doon para bumalik ang anumang nawala sa amin.”

” Recharge kumbaga?”

” Mismo! Nasa gitna iyon ng Warga, iyon ang bahay sambahan namin. Pwede namin gamitin ang powers namin as much as we want at mag recharge sa Rebem.”

” So sad to say hindi ka makakarecharge kung sakaling gagamit ka ng bemra kasi nandito ka sa Earth?”

“Exactly!”

“Matanong ko lang, bakit ka nga pala nandito?”

” Tumakas ako.”

” Bakit naman?”

” Ikaw kaya ang ipakasal sa ayaw mo, what will be your answer.”

” Shempre hindi. No way!”

” See? And I know iba naman talaga ang dahilan ni Gendro bakit gusto niya na maging asawa ako.”

” Ano?”

” Yung bemra ko.”

“Bakit kailangan niya pa ng bemra mo eh meron rin naman siya?”

” Kakaiba kasi ang bemra na mayroon ako. At nag iisa lang akong ganoon ang bemra sa lahat ng lahi ng Chean. Kaya ko magpagaling. Dahil doon maituturing ko ring immortal ako…kung nasa planet Cheche nga lang. Bukod dun, marami pang ibang skills ang bemra ko kaya nagkainteres si Gendro sakin. Si Gendro ay anak ng pinuno ng mga Levens, sila ang mga may bemra na kayang magpagalaw ng bagay at lumipad. Pito ang lahi ng mga Chean. Bukod sa mga Levens, ang mga Harlens ay ang mga kakayahang kumuha ng impormasyon sa pamamagitan ng paghawak sa bagay o nilalang. Kabilang ako sa lahi ng mga Harlens. Ang mga Onens ay kayang  makapagpalit anyo at kilala din sila bilang magaling na mga mandirigma. Zadens, sila ang may kakayahang tumagos sa kahit anong bagay. Ang mga Royans naman ay kilalang maglaho at pumunta kahit saan. Teleport kung baga. Ang mga Mirian naman ay lahi ng mga tahimik at mga mahinahon. Kilala sila na lahing hindi nakikiisa sa digmaan. Wala pang nasusulat sa kasaysayan ng digmaan sa planet Cheche na...


nakilahok ang mga Mirian. Kaya nilang pabilisin ang proseso ng isang bagay pati ang oras. Halimbawa ang isang halaman. Kaya nilang gawing puno ang isang halaman sa konteng panahon lang..”

” Sabi mo pito, parang anim lang ang namentioned mo?”

” Pangpito ang mga Holans. Walang nakakaalam kung ano kakayahan nila at ang nakakalungkot, wala ng natira sa lahi nila..So kung mapapansin mo, ang mga Chean ay may iba-ibang specific bemra. Hindi katulad ng sa akin marami ang kaya kong gawin. Hindi ko nga lang puwede gamitin ng basta basta dito ”

“Ganun ba.. Pero teka lang, paano mo nga pala nalaman ang lenguwahe namin?”

” Noong hinawakan ko ang noo mo nang pinagaling kita. Gaya nga ng sabi ko, isa akong Harlen. Kaya namin makopya ang mga impormasyon na mayroon ang unang nilalang na hinawakan namin sa isang lugar . Ang salita at pananamit.  Ganoon din sa pagkain. Kung ano lang ang unang kainin namin sa unang araw na dumating kami sa isang planet, yun lang ang tatanggapin ng katawan namin.”

” Ibig sabihin langka at mangga ang una mong nakain nang dumating ka dito?”

Tumango lang siya at sumubo ng kinutsarang mangga.

” Paano ka nakapunta dito sa Earth?”

” Iyon ang hindi ko maalala. Maging ang tunay na pangalan ko. Nakuha ko lang ang pangalan na Laine sa label ng isang brand ng mint candy. Hindi ko maalala ang lugar kung saan ako unang natulog at kung nasaan ang ronfre.”

“Ronfre?”

“Ang kwentas ko. Ang pendant nun ay isang maliit na tipak ng Rebem. Kahit maliit lamang iyon na bahagi, singbisa rin iyon ng buong Rebem. Kumuha ako ng bahagi nun bago ako tumakas.”

” Hindi ka ba nila masusundan dito?”

“Hindi. Basta huwag lang ako masusugutan.”

“Bakit naman?

“Kaming mga Chean, kaya namin maamoy kahit gaano man kalayo ang kapwa namin Chean  sa pamamagitan ng dugo namin.”

“Para naman kayong mga aswang..kung hindi naman eh pating..” Ang sabi ko sabay tawa.

” Seryoso ako. Hindi ako dapat masugatan.”

” Ganun ba..So ano plano mo ngayon?”

“Umm..hindi ko alam… Any suggestion?”

“Well.. Since nandito ka sa Earth, you can live like one of us..”

“Umm..not bad idea.”

” Kung gusto mo pwede ka magtrabaho at kumita of course. May sarili ka nang pambili ng mangga at langka just in case na kulangin ka at hindi pa ako makavisit sayo.”

” Oy, gusto ko niyan!.. ”

” Saka nga pala, nagdownload ako ng mga video na makakatulong sayo. Panoorin mo nalang natin mamaya”

” Ok. Saka nga pala, anong sasabihin ko kapag tinanong ako kung kaano-ano mo ako? Alam ko na!Pwedeng asawa mo ko kunwari para hindi magtataka ang mga tao bakit tayo magkasama.”

” Wow! Asawa agad? Hindi ba dapat girlfriend muna?”

” Girlfriend? Ano yun? Sa planet Cheche kasi, kapag ang dalawang nilalang ay nagsama o maging malapit sa isa’t-isa eh mag-asawa na. Haharap sila sa marami ididikit ang kanilang mga noo at kasabay nun ay magkalapat ang kanilang mga palad. Yun ang tanda na mag asawa na sila.”

“Ah..ganun ba.. Dito kasi sa Earth meron kaming girlfriend and boyfriend relationship. Nag iibigan at gusto nila ang isa’t isa pero still they are getting to know each other…more. Kung baga extension yun ng ligawan. Kapag ready na sila magsama saka sila nagpapakasal at magiging mag-asawa na sila.”

” Ah.. Sige payag nako. Girlfriend mo ko kunwari!… Ano ginagawa ng girlfriend sa boyfriend para malaman na may relasyon sila?”

Hindi ko malaman kung ano ang dapat ko isagot sa kanya. Nangangapkap ako ng sagot.

” Basta malalaman mo na lang.”

“Paano ba ginagamit yung maitim na manipis na kahon?” Sabi ni Laine at itinuro ang flat screen TV.

“Yun ba? Para manood. Kung gusto mo manood ng programa lalo na kapag nababagot ka na .”

Tumayo ako at kinuha ang remote. Binuksan ko ang TV.

“Anong programa ba ang gusto mo?”

” Meron ba yung tungkol sa pag-aasawa?”

Bigla akong nasamid at inubo.

” Napaano ka Bobby?”

“Wala. ”

Binigay ko ang remote sa kanya. Itinuro ko sa kanya kung paano ilipat ang Channel, i-adjust ang volume pati ang on and off.

” Manood ka na nga lang.”

Inumpisahan na niyang kalikutin ang remote. Lipat dito,lipat doon. Hanggang sa huminto siya sa channel kung saan magkikiss na ang isang couple. Sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa pelikulang Let the love begin.

Titig na titig si Laine sa pinapanood niya. Nang walang ano-ano’y

” Pwede ba natin gawin yan? Anong tawag diyan sa ginagawa nila?”

“Ha?.. Kiss ang tawag dyan. ”

” So pwede natin gawin?”

” Of course yes..I mean no!.. Kunwari lang naman na girlfriend kita.”

” Bakit masama ba yun?”

” Hindi.”

” Hindi naman pala, e di try natin” pagkasabi niya, mabilis pa sa alas kwatrong nangyari ang lahat. Ramdam ko talaga ang pagdampi ng labi niya sa labi ng dalawang segundo.. Hindi man lang ako nakagalaw. Ilang sandali rin akong hindi nakapagsalita. Hindi ko malaman ang sasabihin ko.

” See, madali lang pala eh”.. Ang inosenteng sabi niya. “Pero ano ba ang kakaiba doon?” Ang dagdag niya pa.

Nang hindi siya makarinig ng sagot ay bumalik siya sa panonood. At one to sawa na naman kakalipat ng channel.

Kung binibiro ka nga naman ng tadhana eh bigla siyang tumigil sa HBO, at ang palabas… Love scene ni Samantha at ng isang lalaki sa pelikulang Sex and the city.

” Eh eto? Pwede ba nating gawain?”

Parang tatalbog ang puso ko sa sitwasyon.

Bigla akong tumalikod sabay sabing,

” Pupunta muna ako ng banyo.”

Pagdating ng banyo,

” Shocks Laine!…. Wala bang sex sa planet Cheche?.. Paano ba kayo dumadami, pino-photocopy?… God!” Ang nasabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin, nakatukod ang dalawang palad sa wall.

Nang lumabas ako busy pa rin siya sa kakanood ng TV. This time, AFC channel siya. Nanonood ng Baked with Anna Olson.

“Tignan mo Bobby, mukhang masarap.”
Ang sabi niya na akala mo parang bata na excited sa candy.

“E di ba hindi ka naman pwede ng ibang pagkain kundi langka at mangga? Black forest kaya yan..”

“E di ikaw… Gusto ko gumawa niyan para sayo. Gusto mo?..” Masayang tanong niya..

Sa totoo lang hindi ako mahilig sa cake lalo na kung may chocolate. Kaya lang ayaw ko naman siya magtampo sakin kapag humindi ako. Kaya,

” Shempre naman, ikaw yata ang gagawa eh” ang sagot ko.

Daig ko pa ang isang best buddy na super excited at over ang moral support. But deep inside parang kinakabahan ako.

Ano kaya ang lasa ng cake na ginawa ng isang alien?

“Talaga?.

Halatang sumaya siya.

” Pero sa ngayon, masmabuting pag aralan mo muna lahat kung paano mamuhay kaming mga tao, OK?” Ang sabi ko sa kanya.

Tumango siya at ipinagpatuloy ang panonod. Nakaupo lang ako sa bandang kanan niya. Pinagmamasdan ang mukha niya. Mukhang aliw na aliw siya sa kapapanood ng TV.

Naisip ko lang, meron silang mga powers pero wala silang T.V……how funny..

Tinignan ko ang ang relo ko, it’s getting late.9:30 na ng gabi. Nagdadalawang isip ako na iwan siya ngayong gabi.

It is so amazing… Hindi ako makapaniwala na nakatagpo ako ng isang kaibigan na kahit sa hinagap ko ay di ko naisip na mangyayari. Magkaroon ng isang alien na kaibigan. Hindi lang basta alien, kundi isang ubod gandang alien. I’m so curious kung malayo ba ang itsura niya ngayon sa totoong anyo niya.

Naisipan kong magtanong sa kanya,

” Laine..”

“Ano yun Bobby?” Ang tanong niya ng hindi man lang tumitingin sakin. Talagang hooked na hooked sya sa TV.

“Sabihin mo lang kung kalabisan ang hihilingin ko sayo ha… Gusto ko sana makita ang totoo mong anyo kung OK lang?”

Dahil doon ay tumingin na siya sa akin.

“Umm…gusto mo talagang makita? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo ang anyo ko. Maaaring matakot ka sa akin. At isang bagay pa, hindi ko alam kung ano ang maaari kong makalimutan kapag ginamit ko ang bemra ko para makapagpalit anyo…”

Tumingin ako sa kanya ng mabuti. Maya-maya,

” Huwag kang mag-alala, sakaling may malimutan ka, ipinapangako ko na sisikapin ko ang buo kong makakaya para ipaalala sayo.” Ang sabi ko. Mula iyon sa puso.

“Kung ganun wala pala akong dapat ipag alala.” Ang sabi niya. Ngumiti siya sakin at tumayo sa harap ng TV, nakaharap siya sakin.

“Handa ka na Bobby?”

“Hindi lang handa, excited pa.”

“OK, masdan mo akong mabuti.” Ang sabi niya at pumikit.

Maya-maya ay biglang namatay ang mga ilaw at ang TV. Sandaling kadiliman at katahimikan ang pumagitna samin. Hanggang unti-unting namamalas ng mga mata ko na unti-unting lumiwanag ang buong katawan ni Laine. Para siyang fluorescent na hugis tao. Paliwanag ng paliwanag hanggang sa masilaw nako at tuluyang mapapikit.

Nang dumilat ako, tumambad sakin ang tunay na anyo ni Laine.

Hindi siya kulay green na malaki ang ulo at wala rin siyang maitim na mata na kadalasang nakikita sa mga pelikula.

” Wow….” Ang tanging nasabi ko.

Nagniningning ang subrang puti nyang katawan na akala mo ay anak-araw na pinaibabawan ng mga kulay gintong imprenta. Mga pattern na ang ganda at ang astig tignan. Ginto ang kulay at makislap ang mahaba niyang buhok. Higit sa lahat, namangha ako sa mga mata niya, ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko. Sila ay mga dyamanteng kulay bughaw. As in! Literal na dyamente. Nakalutang si Laine habang nakangiti sakin.

“Para sa akin, hindi ka isang alien. Isa kang dyosa Laine.”

Maya-maya ay unti-unting siyang bumalik sa anyong tao. Itim ang buhok at ang balat ay katulad ng sa karaniwang tao.

” Nasaan ako, Bobby?” Ang una niyang nasabi. “Paano tayo nagkakilala?”

May nakalimutan man siya, masaya pa rin ako dahil naaalala niya ang itsura ko at pangalan ko.

Ngumiti ako at ikinuwento ang mga bagay na ikinuwento niya sakin. Mula sa pagtulong niya sakin, sa pagkatuto niya ng lengwahe ng tao, ang mga lahi ng Chean, ang dahilan bakit siya tumakas sa planeta nila, ilang bagay na tungkol sa kanila sa planet Cheche, ang pangako kong magiging loyal ako sa kanya na kaibigan at marami pang iba.

Ngumiti rin siya sakin nang walang sinasabi.

” Bakit?” Tanong ko sa kanya.

“Sinusubukan ko lang ang katapatan mo. Ang mga nakalimutan ko lang ay kung ano ang tawag dito at yung nakita ko dito?”
Ang sabi niya at itinuro ang nasa likod niya.

Bigla akong napaisip, sa dami nang napanood niya, alin sa mga iyon? Huwag na huwag lang ang tungkol sa kiss at… Hay nako parang hindi ko mabigkas kahit sa utak ko lang ang isa.Napaka awkward kasi.

“Ah ito ba? TV ‘to…at alin dun sa mga nakita mo?”

” Yung ginagawa ng dalawang tao doon sa ibabaw ng sasakyan”.

Edi wow… Iyon ang lovescene sa Sex and the city. 

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o gagawa na lang ako ng palusot.

” Bakit di ka makasagot Bobby?”

“Ha? E kasi…yung bagay na iyon kasi…pribadong bagay na ginagawa rin sa pribadong lugar. Yung hindi nakikita ng iba kundi kayong dalawa lang. Sex ang tawag dun.” Hay salamat nasagot ko naman ng maayos.

” Eh kung para sa pribado iyon, bakit pinapalabas sa TV?” Ang inosenteng tanong niya uli.

” Ha?..Eh…Ewan ko!”.. Ang nasabi ko nalang.


6 Comments

  1. sir, part 2 naman. nakakabitinmaganda pa naman sana.sana ma eshare mo sa email kom thanks sir.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.