1

friends become lover (LDR)


Report

I’m Marie Sandy but u can call me “Sandy”
I want to share may love story…
I have a friend in Facebook named “Marlon” and we’ved been friends for two years…
Tama dalawang taon na kaming mag kaibigan sa Facebook but we didn’t know each other we didn’t chatting also…but he always likes and comments every time na mag popost ako sa wall ko…pero hindi ko siya pinapansin even if always kong nakikita mga comments niya…tama I always ignore he’s comments just becoz I don’t don’t really know him and the other reason I have a boyfriend that time…
Nag patuloy lang siya sa set up na ganoon..”Likes/Comments ” sa mga pinopost ko…

January 08,2017 first of month na nasa Jordan ako…yes nasa Jordan ako for a job… nang maisipan kong mag log in sa Facebook almost a month din kasi na di ako nakapag facebook mula ng dumating ako dito sa Jordan…
Nakita kong umabot na ng 200Notifications ang timeline ko and I open it one by one hanggang sa natuon ang pansin ko sa isang lalaki na halos name niya ang pinakamarami na lumabas sa notif ko dahil sa sipag niyang mag likes ng lahat ng last post ko before ako mag flight to Jordan…
I feel curious with that guy…he always call me idol every time na mababasa ko yong mga comments niya sa post ko…
At dahil doon I try to send him a message”Hi”pero nag dalawang isip ako,hindi ko yon sinend sa halip ay delete button ang na press ko…3x kung nag attempts na isend ang message na yon hanggang sa accidentally na send yon sa kanea..
Me:owwwwwhhhh myyyyyy goshhhhh…bakit ka nag send…?bakit?????habang gigil na napatalon at naihagis ko ang cell phone ko…
In second nakita kong nag typing siya…then
He:yown oh sa wakas nag chat din..”yan ang reply niya sa simpleng message ko na “Hi”

Nanlaki mga mata ko that time ng mabasa ko reply niya kaya natanong ko sarili ko…
Me:”(huh?bakit ganito reply niya?)”nag tataka syempr..diko kasi inaasahan ang reply niya na ganoon…
At mula ng gabing yon mag ka chat na kami and araw araw na namin ginagawa ang ganoon hanggang pati sa pag tulog mag kausap na kami mag ka video call…palagi na siyang nag paparamdam na gusto niya ako and he always say “I love you miss sandy” na lagi ko namang ikinabibigla…may halong kilig at pag dadalawang isip dahil hindi pa ako handang main love ulit ng mga panahon na un dahil takot na akong masaktan ulit…pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para sa kanya,palagi ko siya naiisip at hinahanap kahit sa pag tulog kasama parin siya sa panaginip ko…hanggang isang gabi na mag ka video call kami…

He: tulog kana miss sandy babantayan kita..
Me:babantayan mo ako?sure ka?
He opo babantayan kita…

Actually that is not the first time na mag kasabay kaming matulog kasi naging gawain na namin yon simula ng maging close friends kami…
Pero yon ang gabi na hinding hindi ko makakalimutan dahil yon ang gabing may natuklasan akong hindi ko inaasahan…
Habang nakapikit ako at akala niyang natutulog na ay bigla siyang nag salita…

He:alam mo miss sandy,gusto kita,at mahal na mahal kita dimo lang alam,at natatakot akong sabihin sayo dahil baka layuan mo ako..lagi kitang pinapangarap kaso mukhang hanggang pangarap kanalang yata talaga,,,

Gulat na gulat ako sa narinig ko,hindi talaga inaasahan na ganun na pala kalalim ang nararamdaman niya para sakin…hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ng mga oras na yon…gusto kong dumilat at tanongin sa kanya kung seryoso siya at para makita ko kung ano magiging reaksyon ng mukha niya...


pag nalaman niyang narinig ko mga sinabi niya kaso nawalan ako ng lakas ng loob na gawin yon…
Nag patuloy parin kami sa set up namin na yon chatting texting and syempre tawagan…
Hanggang isang araw humingi ako ng sign,sign na mag papasigurado sa nararamdaman ko para sa close friends ko…
Isang araw na mag kausap kami…habang kumakain ako ng lunch..mag ka chat kami that time…ng bigla siyang ma name mistaken…
He:(“I love u miss jess “)
Gulat ako sa nabasa ko at kasabay noon ang pag tulo ng mga luha sa mata ko…oo ang sakit..ang sakit na mabasa yon…

Me:hoi wrong send ka…
He:anong wrong send?
Me:sa akin mo na send yong “I love u mo para kay miss jess…”
He:para sayo kaya yon…
Me:luh para sakin tapos miss jess?hahaha…ako ba niloloko mo?naku wag na ako friend iba nalang…
He:para sayo nga po yon,,promise mamatay man..””

Hindi na ako nag reply at nawalan narin ako ng ganang kumain…hanggang sa… (“phone ringing”)tumatawag na siya sakin…

Matagal bago ko sinagot ang tawag niya…
Hanggang sa nakulitan ako at sinagot ko na rin…

Me:hello…”
He:galit kaba?
Me:ako galit?bakit naman ako magagalit?
He:dahil dun sa namali ako ng pangalan…
Me:hindi ah…wala naman akong karapatang magalit ei…
He:para sayo nga naman kasi yon ei…
At mahabang paliwanag pa ang sinabi niya…
Me:bat ka nag papaliwanag?wala nga yon ano kaba…

After what happened dun ko nasigurado sa sarili ko na mahal kona pala talaga siya…hanggang sa trabaho ko tulala ako…nakatingin sa kawalan at nakangiti ng walang dahilan…

Me:ate norilyn pwede mag tanong?
Ang tanong ko sa katrabaho ko…
She:ano yon bhe?
Me:ano ibig sabihin pag palagi mong naiisip yong isang tao,yong palagi mo siyang inaalala at palagi mong hinahanap hanap?
She:pag ganoon isa lang ibig sabihin,In love kana sa kanya…
Tango lang ang naging sagot ko sa sinabi niya…so confirm in love na nga ako sa kanya wala ng duda…

March 03,2017 habang mag kausap kami ng hapon na yon nasa tennis court siya para mag laro ng bigla siya sumigaw…

He:(“I love you sandyyyyyy”)

Nagulat at natamimi ako sa narinig ko…syempre kinilig…

Me:hoi ano kaba wag ka ngang sumigaw jan madaming tao jan nakakahiya ka…
He:ei ano naman kung madaming tao ei sa totoo namang mahal kita…

March 06,2017 ang unang araw na tinawag niya akong “LOVE”yes hindi naman kami pero love na tawag niya sakin…

March 13,2017 midnight…habang mag ka video call kami…

He:hindi ba talaga pwede na maging tayo ngayon? Gusto mo ba talaga na sa personal kita ligawan?
Me:bakit mo naman natanong yan?
He:wala lang,naisip ko lang kasi pwede naman siguro na maging tayo diba kahit na LDR tayo?try lang malay natin mag work diba?
Me:sabagay tama ka rin naman…pero kasi ano ei…
He:anong ano?
Me:oh sige na nga “OO”
He”anong oo na?
Me:OO na sinasagot na kita…😊😊😊
He:YESSSS!!!!
Halos mapatayo siya sa pag kakahiga ng mga oras na yon…
A
At dun nag umpisa ang love story naming dalawa…
Katulad ng ibang mag kakarelasyon sinuong din namin ang maraming pag subok…pero nalampasan namin lahat ng yon kahit na minsan gusto ko ng bumitaw pero patuloy niya akong kinakapitan…

1year and 7 months na kami this coming October 13 narating namin ang 19months na puno ng away at tampohan…and 1month to go mag kikita narin kami in person for the first time…dito ko na po tinatapos ang love story ko…salamat po sa pag babasa asahan neo po na sa pag kikita namin ay isusulat ko rin ulit dito ang mga mangyayari pa sa love story namin…maraming salamat po mga readers dito…hope u like my story and God bless…at sa mga LDR po jan katulad namin…kapit lang kayo sa isat isa at tiwala…again maraming salamat po…

❤ Ms.Sandy😘😘😘


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.