1

First love


Report

Magandang araw po sa inyong lahat ako po Pala si Ayumi. Share ko lang po love story ko na.,
KakAuwi ko lang po galing maynila non, pero bago ako umuwi ng probinsya sabi ko sa sarili ko kaylangan magkaboyfriend na ako Kasi 22 na ako eh. Daig pa ako ng mga Teenager hehe pero OK lang Kasi para naman sa kung Bakit mahigpit mga magulang ko sa akin. So Yun nga mga isang bwan din nagulat nalang ako biglang tumunog phone ko may tumatawag number lang, kinabahan ako Syempre naisip ko agad baka ito na Un.Sabi sa kabilang linya “hello” si yumi ba ito? “,, nanlalamig ako Kasi kinakabahan nga ako eh tapos alam nya name ko. Sagot ko naman ah” opo”ako nga po,, sabi nya ako nga Pala si Ryan! Pwedi bang makipagkaibigan? Pwedi ba tayong magkita? Syempre nagulat ako,,, sagot ko ah sorry po hindi po pwedi eh pero kung gusto nyo na magkakilala tayo, kayo po ang pumunta dito sa bahay namin, kasi hindi naman ako sanay na nakikipagkita kung kanino lang at never ko pang Nagawa na makipagkita. Sagot nya naman sige ba, Yun na nga dumating na ang araw na magkikita kami,tumawag sya sa akin sinabi ko kung saan Yong bahay namin. Ang nangyari may kasama sya, so hindi ko pa alam kung sino si Ryan sa kanila, sabi nya alam mu ba kung sino kausap mo sa aming dalawa? Sagot ko tinuro ko ung kasama nya,pinagtawanan nya ako kasama ko pamangkin ko non. Sabi nya hindi ako Yong kausap mo. Tapos non dumating ang araw na sinabi nya na kung pwde daw na ligawan nya ako, Syempre pumayag naman ang Lola nyo hanggang sa sinagot ko sya. Lumipas ang mga araw hanggang sa naging months na,, wait ko na batiin nya ako ng 1st monthsary namin, pero wala eh, Syempre nasaktan ako,, pero tumahimik nalang ako,...


hnggang sa Lumipas ang mga ilang months na parang Wala lang yung relation namin,pero ako na hulog na sa kanya Kasi dumadalaw naman sya sa bahay kahit magulang ko ok na sa relation namin Un nga lang ang hindi nila alam lagi ko tinatago pag iyak ko, ung sakit na nararamdaman ko,, kasi ung relasyon namin, kami kapag naaalala nya ako tawagan oh dalawin sa bahay.Hindi ko sya inaaway never akong nagtanung na Bakit? Kasi naisip baka iwan nya ako, natakot ako.
Hanggang sa dumating ang time na sa ibang lugar na sya aasign, Subrang sakit Kasi ganun na nga relation namin tapos hindi pa kami magkikita.
Syempre Subrang nasaktan ang Lola nyo, cummunication na nga lang ang Meron bihira pa maalala hnggang sa gumawA ako ng paraan na makita sya na may halong takot.Dahil sa Subrang pag mamahal at kainusentihan na ibigay ang hindi dapat. Halos mabaliw ako Kasi Matapos ang lahat lahat hindi Kuna sya makuntak,Wala na akong balita sa kanya, pero umasa pa rin na babalik an, pero hindi nangyari. Lumipas ang mga araw bwan na parang Wala ng kwenta yung buhay mo dahil sa isang pagkakamali ginawa mo sa buhay mo dahil sa pag mamahal na Mali Pala,, pinaniwala Kang totoo sya Hanggang sa tinanggap ko nalang na party lang sya ng buhay ko at para maitama ko ang Nagawa kung pagkakamaling Nagawa ko sa buhay ko na. After 5 years nandon p rin ung sakit pagsisisi. Ngayon isang taon na po ako dito sa abroad, nitong Lumipas lang na taon ko nalaman na kasal na sya ng panahon pa na umaaasa ako na bumalik sya. Ngayon ok na ako pero Syempre may panahon pa rin na nasasaktan,still single p rin ang hirap po Kasi ibalik Yong tiwala na minsan mong ipinagkatiwala. Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Yun lang po ang maraming salamat. Godbless you all


One Comment

  1. tsk tsk paasa yang lalake n yan grabe grabe walang hiya yang lalake n yan ang kapal ng mukha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.