0

Fated Hearts CHAPTER ONE


Report

Fated Hearts ❤️
❣️ CHAPTER ONE ❣️
NAPABUNTONG-HININGA si Mark Rhodel Gelacio habang naglalakad palabas ng Laguindingan International Airport. Halos palubog na ang araw at hindi pa niya alam kung saan talaga pupunta. Bago sa kanya ang lugar dahil ni minsan ay hindi pa siya nakatapak sa Mindanao. He should have gone to Cebu pero maraming business partners ang dad niya roon at tiyak na mahahanap siya. Hindi rin pwede sa Davao dahil may connections din ang kanyang pamilya roon. So, Cagayan de Oro was his first choice.
Sumakay si Mark sa taxi patungo sa siyudad. He wondered what was waiting for him at the new place. Siguradong mahihirapan siya sa simula, alam na niya iyon. But that was better than letting his parents decide his life.
His parents had arranged for him to marry someone and that was the reason he ran away. Lahat na lang ng desisyon niya sa buhay ay nanggagaling sa mga magulang. Mula noong bata pa siya ay ang mga ito na ang nagdedesisyon kung saang eskwelahan siya dapat papasok. Ganoon din noong college. Ang mga magulang pa rin ang pumili kung saang university dapat siya pumasok at anong kurso ang dapat na kunin. He could not even speak for himself dahil hindi naman nakikinig ang mga ito. It was always like that. But this time, they went too far. And he was not going to let them manipulate him this time.
Hindi sukat-akalain ni Mark na ganito agad ang mangyayari sa kanya. He just graduated from college. Wala pa siyang planong itali ang sarili. Heck, ni wala pa nga siyang girlfriend at the moment. Pagkatapos ay hayun, maririnig na lang niyang balak pala siyang ipakasal ng mga magulang sa anak ng business partner ng ama.
He was really mad. Kaya naisipan ni Mark na magrebelde at maglayas. Wala siyang pinalampas na oras at dali-daling nag-empake ng gamit. He withdraw all the money from his bank accounts bago pa man iyon i-freeze ng kanyang dad. Iniwan din niya ang cellphone. He had thought of rebelling a little before. Pero hindi niya kayang gawin dahil mahal niya ang mga magulang even though they practically had him by his neck his entire life.
But everything was different now. He was not going to let them ruin his life.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
MARK walked towards the concierge inside the hotel. Ni-recommend ng taxi driver ang hotel na iyon dahil doon daw halos nagtse-check in ang mga turista o dayo sa siyudad. The hotel was good, pasado sa taste niya. Ang problema lang ay baka sobrang mahal ng hotel. Nagtitipid pa naman siya.
He smiled at the woman behind the counter and waited for a moment because she was talking to someone on the phone. Mayamaya ay may lumapit na isang lalaki sa tabi ni Mark. He was wearing a suit and looked really respectable, at may kausap din sa cellphone. He knew he should not have listened but he just could not help it.
“Yes, I will call right away,” sabi nito bago tapusin ang tawag at bumaling sa likod ng counter. “Call me immediately when Mark Rhodel Gelacio checks in.”
Nanigas si Mark. 😨 (No, this can’t be. Kahit ba naman dito?)
“Yes, Sir,” tugon naman ng babae.
Bago pa man tumingin sa kanya ang babae, dali-dali na siyang lumabas ng hotel. “Damn it!” bulalas niya. He should have known. Alam niyang maraming connections ang dad niya ngunit hindi niya inakalang hanggang doon ay meron. O baka naman humingi ito ng tulong sa lahat ng businessman sa bansa?
Yes, that was definitely it. Ginagawa nito ang lahat para lang mahanap siya. At hindi niya hahayaang mangyari iyon.
With a deep sigh of irritation, Mark walked away. Hindi na rin siya makakapag-check in sa ibang hotel dahil baka na-contact na rin ng ama ang mga may-ari niyon. He felt completely hopeless dahil wala siyang nakikitang pwedeng mapagtanungan. At isa pa, lumalalim na ang gabi at gusto na niyang magpahinga. Ngunit may nahagip ang kanyang mga mata. Isang babae at sa tantya niya ay magkasing-edad lang sila. Kalalabas lang nito ng isang coffee shop at parang may hinahanap sa backpack.
Agad nilapitan ni Mark ang babae, saka tumikhim. “Uhm, excuse me, Miss? Pwede bang magtanong?”
Nag-angat ng tingin ang babae at saglit siyang nanigas sa kinatatayuan habang nakatitig sa mukha nito. Maganda ito. Simple lang ang ganda. She had dark eyes na para bang gumagamit ng contact lens. But the longer he stared at her, the more he realized her eye color was naturally dark. Katamtaman lang ang tangos ng ilong ng babae. Her lips were kind of pinkish and they looked soft and inviting. Nakaawang pa ang mga labi na para bang hinihintay ang kanyang halik.
(What the hell? For Pete’s sake, she’s a stranger. Pull yourself together, Mark!)
The last thing he wanted to do right now was to scare her and make her think he was a pervert.
“Miss, pwede bang magtanong?” ulit ni Mark. Noon lang din niya napansin ang medyo iritadong ekspresyon ng babae.
“Eh, nagtatanong ka na,” sarkastikong sabi nito.
“Meron ka bang alam na murang boarding house dito or something like that?”
Tumaas ang kilay ng babae at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Wala ko kabalo,” sabi nito.
“What? I don’t understand. I’m sorry, but I don’t speak your dialect.”
Tumaas uli ang kilay ng babae. “Sabi ko, hindi ko alam. Seriously. Kung kaming taga-Mindanao ang pupunta sa Maynila, magta-Tagalog kami. Kung kayo naman ang pupunta rito, kami pa rin ang nagta-Tagalog. Nakakainis, ha!”
Hindi napigilang matawa ni Mark. Seryoso ba ang babaeng ito?
Nang makita niyang lalong dumilim ang anyo nito, huminto siya sa pagtawa at tumikhim. “Seriously, Miss. Let’s not take this to another level, shall we? Nagtatanong lang naman ako kung———”
“I said, hindi ko alam. Magtanong ka na lang sa iba.” Pagkatapos ay tinalikuran na siya.
Napangisi si Mark. Kung sa ibang pagkakataon ay mapipikon siya sa inasal ng babae. But he was not annoyed by her and it surprised the hell out of him. Instead, he found her very intriguing. Hindi niya alam kung bakit pero naglakad na siya at tahimik na sinundan ang babae.
💘💘💘💘💘💘💘💘💘💘
ALAM ni Cris na naging bastos siya, pero hindi niya mapigilan. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang pagiging iritado niya sa mga taong nagta-Tagalog o sa mga nagpi-feeling na taga-Maynila. Pero mukha ngang taga-Maynila ang lalaki. Walang bahid na accent ang Tagalog nito. She sounded like a total bitch earlier at unti-unti siyang kinakain ng konsiyensiya. Pero hindi na siya pwedeng huminto at lumingon. Sigurado rin namang hindi na niya makikita ang lalaki at nakahanap na marahil ito ng taong maaaring hingan ng tulong.
Pero hindi niya maipagkakaila na medyo may hitsura iyong lalaki. Matangos ang ilong nito at kahit madilim, she...


noticed his eyes were dark as night. His hair was kind of unruly, but in a good and handsome way, na para bang nilalaro ng mga kamay ang buhok para maging ganoon ang hitsura. Sure, nakakita na siya ng mga guwapong lalaki noon but there was something about that guy that attracted her to him.
(No, slightly attracted lang, Merry Cris. Wag kang mag-exaggerate) lihim na sita niya sa sarili.
Oo, guwapo ang lalaki but there was something about that guy that irked her and she could not put a finger on it. Hindi naman siya ganoon sa iba. Ah, ewan ba. At least, hindi na uli niya makikita ang lalaki.
Napabuntong-hininga si Cris para lang biglang matigilan nang makita na naman ang kanyang stalker. Prente itong nakasandal sa fire hydrant.
No, ibang lalaki na ito. Halos araw-araw niyang nakikita ito. Minsan pumapasok sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya ngunit hindi naman umo-order. Noong una, ang akala niya ay coincidence lang na naroon ito kung nasaan siya pero nang magtagal ay parang napansin niyang bigla na lang sumusulpot ang lalaki kahit saanman siya magpunta.
Napalunok si Cris. Medyo hindi matao ang lugar at lalo lang nagpadagdag sa kaba niya ang iniisip. Sinikap niyang kalmahin ang sarili at iwaksi ang mga negatibong isipin. Baka naman friendly ang lalaki at hindi naman talaga masamang tao gaya ng iniisip niya.
Huminga siya nang malalim at ngumiti, saka nagsimulang maglakad muli. She could feel the stranger watching her and it totally scared the hell out of her. Papalapit na siya at nakitang umayos ng tindig ang lalaki.
(May pagkakataon ka pang tumalikod at tumakbo, Merry Cris) sabi ng utak niya.
“Hi, Miss…..” sabi ng lalaki habang lumalapit sa kanya.
Napahinto sa paglakad si Cris at napaatras. Ngumisi ang lalaki at tumayo ang lahat ng balahibo niya sa braso. May sumisigaw ng “takbo” sa utak niya ngunit parang hindi niya maigalaw ang mga paa. Nanlambot din ang kanyang mga tuhod.
Kinakabahang tumikhim siya. “Uhm…” Fear engulfed her whole being when the guy reached out and grabbed her arm. Ibinuka niya ang bibig upang sumigaw nang biglang may kung anong sumuntok sa lalaki at napabitaw ito sa kanyang braso. Lumingon siya at napasinghap. It was the Tagalog guy from earlier.
“You don’t treat women like that. Get out of here or else I’ll call in the police,” banta ng lalaki.
Ang akala ni Cris ay natatakot ang stalker niya at tatakbo na lang ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip ay gumanti ito ng suntok at tumama ang kamao sa panga ng lalaki. Napasigaw siya habang nagsusuntukan ang dalawa. Nang makita niyang mas kawawa ang lalaking tumulong sa kanya, naisipan niyang tulungan ito. With all her strength, she kicked the bad guy’s shin. Napahiyaw ito. Hindi pa rin siya nakontento at pinalipad ang kanyang kamao sa mukha ng stalker. Her knuckle hurt from the impact but she ignored the pain. She kicked his other shin and that was when he ran away limping.
She sighed in relief, at bigla ring nawala ang enerhiya sa kanyang katawan. Pumihit siya at nakita ang lalaking tumulong sa kanya na nakatayo sa likuran niya.
“You okay?” tanong nito.
Napatingin si Cris sa mukha ng lalaki at nakitang may pasa ito sa gilid ng bibig at sa kanang cheekbone. Bigla na naman siyang nakonsiyensiya. She was a bitch to him earlier and yet he still helped her. Tumikhim siya upang maalis ang guilt na nararamdaman. “Salamat sa tulong mo, ha?” sabi niyang hindi makatingin nang deretso sa lalaki.
(Oh, great.)
Ngumiti ang lalaki na para bang alam nito kung ano ang kanyang nararamdaman.
“No, problem,” nakangiting sabi nito. “Isang favor lang, Miss.”
“Ano?”
“Please let me stay in your house just for tonight. I’ll pay you good money for it.”
Nanlaki ang kanyang mga mata. “Anoooo?” 😯
💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝
HINDI alam ni Cris kung tama ba ang desisyon niyang payagan ang lalaki na makitulog ngayong gabi sa bahay niya. Parang gusto tuloy niyang bawiin ang pag-oo. Bukod sa bayad na ibinigay na ng lalaki, kinakain pa rin siya ng konsiyensiya sa pagtataray dito, not to mention she also felt grateful to him for risking his handsome face just to help her from that perverted stalker. Nagmakaawa naman ang lalaki dahil pagod na pagod na raw ito. Kaya hayun, sumang-ayon siya sa gusto nito. He even assured her that he was not a rapist or a killer.
“I hope you don’t mind my asking but where are your parents?” tanong ng lalaki nang makapasok sila sa loob ng bahay. Marahil ay inaasahan nitong makakita ng ibang taong naghihintay sa kanya sa loob ng bahay.
“Mag-isa lang akong nakatira dito,” sagot ni Cris.
“Bakit? Nasaan ba ang parents mo?”
Naiiritang bumaling siya sa lalaki. “Wag nang maraming tanong, pwede?”
Ngumisi ito, tila natutuwa pang makita siyang naiinis. “Nagtatanong lang. Masama ba?”
Pinaikot niya ang mga mata. “Fine. Umalis lang sila nang ilang araw, pero babalik din agad.”
“Saan sila nagpunta?”
“Pwede ba! Wag ka na ngang tanong nang tanong diyan. Sige ka, ibabalik ko sayo yong pera mo at sisipain kita palabas ng bahay ko.”
“Geez, take a chill pill.”
Her nose flared but she chose to turn her back on him. Pagkatapos ay iginaya niya ito sa ookupahang kwarto. Mabuti na lang at malinis iyon. “Dito ka matutulog. Sorry pero walang banyo rito sa loob ng kwarto. Don ang banyo.” Itinuro niya ang pinto ng banyo.
“Don’t worry, this is fine,” sabi nito habang pumapasok sa loob. Napadako ang tingin nito sa kama at nakita niya sa mga mata nito kung gaano na gustong bumagsak sa kama. Nang bumaling ang tingin ng lalaki sa kanya at mahuli siyang pinagmamasdan ito, bigla itong ngumisi.
Pinaningkitan ni Cris ng mga mata ang lalaki. “Hoy, Mister———”
“Rhodel. Just call me Rhodel.”
“Whatever. Wag na wag——-”
“What’s your name?”
Tumaas ang kilay niya. “Importante pa bang malaman mo?”
“Siyempre naman.”
Pinaikot ni Cris ang mga mata. “Aalis ka rin naman bukas na bukas, eh, bakit kailangan pang magpakilala tayo sa isa’t isa?”
He gave out a hearty laugh and she loved the sound of it. (Ugh! Get hold of yourself, Merry Cris!)
“Bakit? Is it a crime to ask for your name?”
Napabuntong-hininga siya. “I’m Cris.”
“Cris….. hmmm, nice name.”
She ignored his compliment and the butterflies in her stomach. “Wag na wag kang magkakamaling gumawa ng masama. I swear, hindi ka makakalabas ng Mindanao nang buhay. Ang mga kapitbahay namin dito, puro mga siga. Isang sigaw ko lang ay tiyak susulpot ang mga iyon. Naiintindihan mo?”
“Of course,” sagot ni Rhodel na nakangisi pa rin.
Muli niyang pinaikot ang mga mata.
(Okay. Guwapo siya despite sa mga pasa sa mukha.), pag-amin niya nang maisara na ang pinto.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.