0

FALLING IN LOVE WITH CHEF VANNI chapter 1 continue


Report

FALLING IN LOVE WITH CHEF VANNI”
continue,,,,,,
chapter 1
“pare, alam mo ang gawin mo riyan kay madi, ngitian mo lang, sabay kindat. use your charm,” suhestiyon sa kanya ni victor.
“gusto mo bang ma uppercut na naman ‘yan? kaya nga nasapak ‘yan dahil nginitian niya si… Ano nga uli ang pangalan ng pinsang ‘yon ni olay?” tanong ni justin.
“madi,” sagot ni victor.
“ayos, ahh, alam mo agad ang pangalan,” sabi ni jared.
“siyempre!”
“hoy! teka, may sinasabi pa ‘ko,” saway ni justin at saka siya tiningnan nito. “kaya ka nasapak ay dahil nginitian mo si madi. kaya huwag kang basta basta ngingiti kung kani kanino. mabuti sana kung kagaya ka ni victor na inoos
rasyunan ang sarili bago lumabas ng bahay.”
“kailangan sa buhay yan, pare. how can we attract girls kung walang ganoon?” depensa ni victor.
“fine. wala na akong sinabe,” ani justin.
“ang gulo nyo! lalong rumakit ang ulo ko!” reklamo niya. tinawag niya ang isa sa mga crew niya. nakatambay pa rin...


sila sa rio’s finest kahit gabi na “itimpla mo ako ng kape. pahingi na rin ng advil at isang basonp tubig” tumalima agad ang crew niya. ilang sandali pa ay nasa harap na niya ang mga hiningi niya. “o, bkit ikaw lang ang nagkakape? sampu tayo rito, ah,” reklamo ni justin.
“mga kuripot talaga kau! naturingan kayong mga milyonaryo, wala kayong pambili ng kape?” sabi niya.
“bkit, milyonaryo ka rin naman, ah,” sabi ni humphrey.
“umuwi na nga lang kau,” pagtataboy niya sa mga ito.
naputol ang pag aasaran nilang magkakaibigan nang dumating sina panyang, allie, olay, at madi. nagsalubong agad ang kilay nya pagkakita nya kay madi. kahit ito ay sumimangot din pagkakita sa kanya. kung tama ang hula nya at basa nya sa ekspresyon ng mukha nito ay wla itong planong humingi ng paumanhin sa kanya.
“hi, boys!” bati sa kanila ni panyang. lumapit ito kay roy at hinagkan ang huling pisngi…
dto na muna guys nanakit na ang kamay ko kaka type HEHE


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.