0

Even In your Dreams


Report

Even In your Dreams
AUTHOR:Ms.Yva
GENRE:RANDOM
PROLOGO
“WELL,We have to celebrate Our Victory now!” Itinaas ni Marcus ang kopita.
“At long at last,Nagkaroon narin Ng Katarungan Ang sinapit ni papa sa kamay Ng Hayup na Sacarias na iyon!”
“Yes,we have to celebrate!Let’s have a toast!”Nasisiyahan ding wika ni Dalton Ng ipingki Ang kopita Nina Marcus at Cyson.
Pagkuwa’y sabay-sabay nilang tinungga Ang alak na yon.
Nasiyahan namang Minamasdan ni Dolores ang mga anak na sa wakas,pagkaraan Ng maraming Taon nang paghihiwa-hiwalay,Ngayon ay magkakasama na muli.
At may dahilang magselebra Ang magkakapatid.Kaninang Tanghali ay ibinaba na Ang hatol Kay Sacarias Gonzaga pagkaraan Ng may pitong taong pagtakbo Ng Kaso sa busgado.
Apat na habang Buhay na pagkakabilanggo Ang hatol sa mga krimeng ginawa Nito.
Naghihinayang man Ang magkakapatid na Hindi pa nasakop Ng parusang lethal Injection Ang mga kasalanan Nito dahil matagal nang ginawa,ayos na sa kanila yon.At least,Mananatili na sa kulungan Ang makamandag na ahas Sa...


kanilang Pamilya.
Isa pa iyon sa pinahihinayangan Ng magkapatid na Gonzaga,Mananatiling taglay ni Sacarias at Ng mga naging anak Nito Ang pangalang Gonzaga dahil legal parin nitong taglay Ang apelyedong iyon.
Mayamaya ay lumapit si Yaya Flora,karga Ang dalawang taong gulang na si Angelo.
“O bakit umiiyak Ang baby ko?”Kinuha ni Marcus sa Yaya Ang bunsong anak ah,Hindi na Nga Pala matatawag na bunso dahil eight months on the family way na uli si Zyra.
“Ewan ko ba sa batang Yan bigla nalang pumapalahaw Ng iyak”Katwiran Ng Yaya.
“Sige na Ako nang bahala sa kanya,ha?
Ihanda mo muna Ang paligo nya.”
“Oho”
Nang tumalikod Ang Yaya ni Angelo ay muling hinarap ni Marcus ang mga kapatid habang pangko Ang anak.
“So,now Ang haharapin na natin ay Ang pagpapatuloy Ng Development Dito sa San Roque.”Wika ni Dalton.
“Yes,Balak ko ngang bilhin Ang bakanteng lote sa—-
Tunog Ng Telepono Ang pumukaw sa kanilang kasiyahan.Si Dolores ang malapit Doon.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.