0

ESCAPE ROOM Chapter 1


Report

Author shela mae
Chapter 1 – Meet The Players
ANNIE’s POV:
Nandito kami ngayon sa batibot, lugar kung saan madalas tumatambay ang mga estudyante t’wing walang classes.
Balak sana namin na kami na ang maghanap sa tatlo pa naming kaibigan kaso bigla din naman tinamaan ng katamaran si Jared kaya hihintayin na lang namin sila.
Maganda yung ideya ni Jared tungkol sa balak naming gawin after ng semester namin, yung pagpunta sa isang ‘Escape Room’ kuno na sa tingin ko ay isa itong game.
Kelangan din ng aming utak na makapagpahinga dahil sa sunod sunod na problema na naranasan namin. Kasama na dito yung biglang pagkawala ng isa naming na si Roland.
Actually pito kaming magkakaibigan. Ako, si Jared, Mikha, Austin, at Russu kasama sila Roland at si Trisha. Trisha is one of my closest friend but one day, bigla na lang siyang lumayo sa grupo namin.
Alam namin na meron kaming nagawang masama sa kaniya pero sa pagkakaalam ko ay hindi naman ito ang rason niya siguro kung bakit nya kelangan lumayo. Naghanap siya ng ibang kaibigan na madali nyang nagawa.
Sa t’wing makakasalubong namin siya ay parang hangin lamang ang tingin niya sa amin. Sa bagay wala na din pakialam sila Jared sa kaniya at kahit sila ay galit din kay Trisha, pero ako, tunay na kaibigan parin ang turing ko sa kanya.
“Te! Nakita ko na sila Mikha. Papunta na sila dito” sabi ni Jared. Lumingon naman ako sa kanya at hinanap sila Mikha. Nadatnan ko silang tatlo na naglalakad palapit sa’min kaya sinalubong namin sila ng ngiti.
“Saan kayo galing at ngayon lang kayo nagpakita ha?!” bungad na tanong ni Jared kaya napatingin sa kanya yung tatlo.
“Inutusan kami ni Ms. Libermos kanina na dalhin yung gamit niya. Alam niya kasi na kaming tatlo yung pinakamasipag sa klase niya diba?” Wika ni Mikha sabay tingin kela Austin at Russu na napailing na lang sa tinuran niya.
“Masipag din ako beh, baka nakakalimutan mo” – Jared
“Alam ko. Masipag maghanap ng lalaki HAHAHAHAHAHA”
Hindi ko maiwasang mapangiti na lang sa biro ni Mikha. Totoo naman talaga na masipag yan maghanap si Jared ng lalaki. Kahit hindi kagwapuhan nagugustuhan niya. Actually, naging type niya sila Russu, Austin at Jonas pero nawala din feelings niya sa tatlo at tinuring na lang niyang kaibigan.
Bilib din ako sa tatlong lalaki na to dahil kahit may kaibigan silang bakla at babae ay hindi sila nahihiyang sumama sa amin, kaya maswerte kami sa kanila dahil feeling namin palagi kaming safe.
Masaya ang barkada namin—- sana.
Kung hindi lang naglaho na parang bula si Jonas at hindi kami itinakwil ni Trisha.
“Tse! By the way. Gaya nga...


ng sabi nyo na masipag ako makahanap ng boys, may nakausap ako kaninang gwapo beh then habang nagkwekwentuhan kami may binigay siya sa akin na 5 ticket” kwento ni Jared sa kanila.
Nakita ko na nagtaka yung tatlo sa tinuran niya kaya hindi nila naiwasang magtanong.
“Ticket? Para saan?” Tanong ni Russu.
“Wait lang mga beh”
Sabay sabay kaming umupo sa isang mahabang upuan na palagi naming pinagtatambayan saka hinintay si Jared na ilabas ang ticket sa bag niya.
“Here!”
And then isa-isa niyang binigay sa amin yung ticket.
“Es-cape Ro-om” basa nilang tatlo.
“Teka, Jared? Para saan ba ‘to? Bagong movie ba sa sinehan?” Nagtatakang tanong ni Mikha.
Napalingon naman sa kanya si Jared. “Beh, wala naman dyan nakasulat na “cinema” diba? Ang nakalagay dyan kung nabasa mo is ‘Escape Room’ so it means parang game siya na sa tingin ko mag-eenjoy tayong lima”
“Game? Hindi na tayo mga bata Jared sa mga ganyan, mabuti sana kung ticket sa isang bar binigay mo edi natuwa kami diba pre?” Nakangising wika ni Russu.
“Tss. Hindi ako mahilig pumunta sa bar ‘pre. Huwag mo ako idamay HHAHA” napailing na wika sa kanya ni Austin.
“Excuse me Russu. Hindi yan basta basta game noh! It’s extra-ordinary. Meron talagang something dyan na sa tingin ko nakakaenjoy” -Jared.
“Saka nakaplano na kami ni Annie na pupunta tayo dyan pagkatapos nang last semester natin para makapagpahinga naman braincells natin” dugtong pa nito.
Hindi ko naman maiwasang magsalita about sa plano namin ni Jared.
“Bonding narin nating lima to tutal malapit narin tayo magkahiwa hiwalay diba?” malungkot kong wika sa kanila.
Nakita ko ang pagka- interes sa mga mata nila kaya napatingin silang tatlo sa’min.
“So ano? G kayo?” Sabay namin na tanong sa kanila.
Tumango lang si Russu saka ngumiti.
“Okay. I’m in!” Masiglang sagot ni Mikha.
“Game ako” diretsong tingin sakin ni Austin kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
“Okay! Tenkyu dahil pumayag kayo. I-set niyo na sa calendar nyo yan ah next week. Promise mga beh, mag-eenjoy tayo dito” masayang tugon ni Jared habang pumapalakpak.
Masaya ako na sa huling pagkakataon ay magkakaroon kami ng huling pagsasama sa isang ‘magandang?’ bonding namin next week na sana nga nakaka-enjoy.
Ngunit may parte sa utak ko na gusto kong tumanggi at tumanggi sa plano ni Jared pero wala na ako magagawa. Masyado siguro akong kj kaya kung ano anong bagay pumapasok sa utak ko.
Habang nagkwekwentuhan kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa isang quite na nakatatak sa t-shirt ng isang student na narito rin sa Batibot.
“What if i tell you that there’s no happy memories makes your friendship last longer?”
–end of chapter 1


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.