0

Embracing The Darkness KABANATA 4


Report

Embracing The Darkness
📚KABANATA 4📚
Isang masamang panaginip na naman ang tumakot sa akin pagkagising ko. Kumakabog pa ang puso ko na parang tumakbo ako ng ilang kilometro. Minsan naalala ko ang napanaginipan ko ngunit may pagkakataong nakakalimutan ko din ang iba, tulad ngayon. Ang alam ko lang takot na takot ako at parang may tinatakasan na siyang ipinagtataka ko. Saan ba napupulot ng utak ko ang mga ganoong klaseng panaginip na may kakayahang balotin ako sa takot kahit sa pagtulog.
Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mumunting paghikbi, may multo ba dito? Nagpaparamdam ba sila Nanay, naku wag naman. Tatlong taon na din ang lumipas ng sila ay sumakabilang buhay ni Itay. Nabangga ang sinasakyan nilang motor ng isang malaking truck at naging sanhi ng tuloyang pang-iiwan nila sa akin. Mahirap noong una, pero kalaunan ay pilit kong tinanggap ang masakit na katotohanan at pinagpatuloy ang buhay ng mag-isa. Muli ko na namang narinig ang pag-iyak ng kung sino man. Nang maalala ko na baka si Maalindog iyon ay dali dali ko na siyang pinuntahan sa kaniyang silid. Naabotan ko siyang nasa isang sulok, umiiyak, magulo ang buhok, may galos at pasa sa braso at maging sa mukha. Agad ko siyang dinaluhan, yumakap naman ito sa akin ng mahigpit nang makita niya ako.
“Sssshhh..anong nangyari? Sabihin mo sa akin at bakit may mga galos ka? Saan ka ba nagpunta?” nagaalala kong tanong dito habang hinahaplos ang magulong buhok niya.
“A-ate a-ayoko na…A-yoko na A-ate.” Umiiyak nitong sabi sa akin. Biglang sumakit ang ulo ko ng marinig ko ang hirap ni Maalindog, parang may mga malabong imahe gustong kumawala sa isipan ko. Napapikit ako ng mariin at napadiin din ang yakap ko kay Maalindog. Parang minamartilyo ang ulo ko, kaya naman huminga ako ng malalim baka sakaling maibsan ang pananakit nito. Naging epektibo naman ang ginawa ko.
“Bakit? Hihintayin sana kita kaso sabi nila sa akin, inuwi ka daw ng costumer mo. Anong nangyari Marie?” tinawag ko na siya sa pangalan niya at mukhang hindi tamang tawagin ko siyang Maalindog ngayong may pinagdaanan siyang hirap dahil sa trabaho namin.
“A-ate please ayoko na…M-may binigay sa akin si Madam na c-costumer, malaking lalaki. G-gusto daw niya kong itake out a-ayoko n-nagmakaawa a-ako h-habang nasa table k-kami. P-pero wala din akong nagawa noong lumapit siya kay M-madam sa c-counter. N-nagmakaawa a-ako sa kanila kahit k-kay Madam p-pero pinabuhat niya ko sa bouncer A-ate.” putol-putol na pagkukwento niya sa akin habang humagulhol na ng iyak. Kahit ako ay naluluha na habang yakap siya at pinapatahan.
“T-tapos dinala ako noong lalaki sa parang barracks doon niya ko p-pinagsamatalahan. N-nanlaban ako pero s-sinaktan niya ko..b-binugbog niya ko..K-kaya wala akong n-nagawa, akala ko matatapos na ang bangungot ko p-pero h-hindi A-ate. M-may d-dumating p-pang limang lalaking kasamahan niya. P-pinagtulongan n-nila ako, b-binaboy nila ako…” Nagulat at naawa ako sa kaniya sa mga sumunod niyang sinabi.
“P-paanong nangyari iyon? Sinabi mo ba ito kay Madam?”
“Oo. Pero sabi niya wala daw na siyang magagawa, malaki daw ang binayad pero wala sa u-usapan iyon. W-wala daw a-akong h-habol kasi ‘di ko kilala iyong mga iyon. T-tsaka baka daw t-tawanan lang ako nang mga pulis kapag nagsumbong ako kasi nga p-pokpok a-ako…A-ate anong g-gagawin ko?” tumingin ito sa akin na may mga luha pa sa mata, bakas sa mukha niya ang hirap at takot na pinagdaanan. Wala talagang maitutulong ang pulis sa mga ganitong kaso. Aaasa pa ba sila eh, bukod sa uri ng trabaho nila, sila pa mismong alagad ng batas ay gumagamit din ng bayaring babae tulad nila.
Wala akong maisip na paraan para matulungan siya, wala akong ganoong kalaking halaga para mabayaran ang utang niya at makatakas siya sa kamay ni Madam.
“Wala pa akong maisip na solusyon sa ngayon Marie, maging matatag ka. Hahanap tayo ng paraan pero magpalakas ka muna. At kakausapin ko si Madam hinggil dito kung hindi man tayo makakuha ng hustisya at least mabawas man lamang sa utang mo ang paggamit sa iyong ng apat na lalaki pa. Sa ngayon kumain at matulog ka muna para makapagisip tayo ng paraan. Kumain ka na ba?” Umiling ito kaya naman inakay ko siya sa kusina at pinaghanda ng pagkain sa lamesa. Nanonood lang ako sa kaniya habang umiiyak na kumakain. Gusto ko mang sabihing magiging ayos din ang lahat na matatapos din ito ngunit hindi ko iyon masabi. Dahil alam naming hindi pa dito nagtatapos, nagsisimula pa lang ang kalbaryo na susuongin niya. Matapos iyon ay ginamot ko ang mga galos at sugat niya sa katawan.
“Marie…saan mo nilagay iyong gamot na binigay ko sa iyo? Uminom ka ng isa para hindi magbunga ang kahayopang ginawa nila sa iyo. Baka maging problema pa iyan kapag hindi agad natin inagapan.” Nanlalaki ang...


mata na nagtatakbo si Marie at pumasok sa silid. Lumabas din ito daladala iyon.
“Uminom ka ng isa, tapos mamaya bago tayo pumasok uminom ka ulit. Sa ngayon na wala pa tayong paraan kailangan pa muna natin magtrabaho. Sige na matulog ka na at magpahinga ako na bahala sa hugasin.” nakangiti ko ditong sabi.
“S-salamat talaga Ate..H-hindi ko alam gagawin kung wala ka.” Malungkot na sabi nito bago pumasok sa silid.
×××××××××××
Mabilis na lumipas ang mga araw, namalayan ko na lang na day off na pala namin. Tuwing Lunes ang araw ng pahinga namin, Lunes kasi ang araw kung saan wala masyadong costumer na nagpupunta. Unti-unting nasasanay si Maalindog sa bar pero madalas ko pa din siyang mahuling umiiyak. May plano ako ngayong araw na ipasyal siya para kahit papaano malibang siya at hindi lang iyak ng iyak ang ganap. Tsaka para na din makagala siya dito sa Maynila. Nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko, agad siyang pumayag. At halata sa kaniya ang kasiyahan at kasabikan sa gagawin namin. Matapos naming mag-agahan naligo at nagbihis na kami para umalis.
“Ate tama na, nakakahiya na talaga sa iyo. Nakikitira at kain na nga ako sa iyo tapos binilhan mo pa ko ng mga ito.”
Nandito kasi kami sa Divisoria. Binilhan ko siya ng mga panty at bra, napansin ko kasi noong nagsampay siya sa labas, manipis na ang bra’t panty niya at may malilit na butas. Binilhan ko din siya ng isang pantalon, tatlong shorts at t-shirts na pambahay pati dalawang maayos na blusa. Wala talaga siyang maayos na damit, jusko po e kadalagang tao eh. At ngayon pumipili ako ng sling bag na pang edad niya at sapatos. Iyong mga nauuso ngayon.
“Ano ka ba Marie, bumawi ka na lang kapag nakaluwag ka na. At mukhang matatagalan pa iyon dahil hindi ka binibigyan ng bruha. Ano habang buhay kang mukhang yagit, gusto mo iyon? Kadalaga mong tao eh wala kang maayos na damit. Okay last na ito.” wala siyang nagawa ng makapili at makabayad na ko. Namasyal pa kami sa malapit na mall at obvious naman na masaya siya. Saan ba nagsusuot itong batang ito at pati mall mukhang bago sa kaniya? Imposible namang walang mall sa kanila, siguro naman may malalapit na bayan doon. Nagyaya na akong kumain kami sa Jollibee at gutom na ko.
“Ate ako na magbabayad dito. Kahit dito na lang pagbigyan mo ko please?” malambing nitong saad sa akin. Kaya tumango na lang ako. Habang kumakain kami tinatanong ko siya kung bakit mukha siyang sabik sa mall at kung wala ba nito sa pinanggalingan niya. Hahaha. Makapinanggalingan ano? Parang ibang planeta lang. Ang sabi niya meron pero hindi siya nakakapunta kasi daw lagi siyang abala sa trabahong bukid. Nakakapunta din naman daw siya ngunit bilang lamang sa daliri.
“Noong nagfieldtrip kami ate. Eh sa mall iyon sa amin, ayaw nila Inay na ako’y pasamahin, wala daw kaming pera sa kaluhuan na iyon pero napilit din siya ng aming guro. Sinagot kasi ni Ma’am iyong akin, kailangan ko daw iyon kundi babagsak ako. Buti na nga lang at nakasama ako Ate.” Masayang pagkukwento sa akin ni Marie. Kaya napangiti na din ako kasi kahit papaano nagiging okay-okay na siya kumpara nung mga naunang araw.
Matapos kumain ay nagkayayaan na kaming umuwi at marami pa kong labahin. Pag-uwi ay nadatnan ko sa may tindahan si Jolo na nakatambay at pasilipsilip pa sa bahay ko.
“Walang tao diyan Jologs.” Sabi ko sa lalaki habang nakatalikod ito. Tumango namang ang lalaki at nanlaki ang mata noong makita ako.
“Mashawap!” Sigaw ni Jolo aka Jologs.
“Sige ipagsigawan mo pa ang pangalan ko sa bar!” Naiinis na sabi ko. Si Jologs pala ay isang tricycle driver na ngongo at may cleft palate or in tagalog bingot. Gwapo si Jologs katunayan ay kayumanggi ito at tama lamang ang hulma ng katawan. At matagal na siyang nagpapahaging sa akin. Susmaryusep. Halos araw-araw siyang nakaabang dito para silayan ako. Buti nga at wala siya ng ilang araw. Nagbakasyon daw sa probinsya ang buong pamilya nila.
“Ito namang si Kwenda ‘di na mabiwo. May pasalubong pa naman ako sa—” Naputol ang sinasabi ni Jologs at nanlaki ang mata ng tumabi sa akin si Maalindog. Bigla din akong tinabig ni Jologs at nakangiting lumapit kay Maalindog at pakamot-kamot pa ng ulo.
“Ako nga pala si Nyolo.”
Jusko.
To be continued…
Thank u guys for waiting..pabasa naman po ng opinions and feedbacks nyo😊 Yung Her Greatest Downfall mayamaya lang po at itatype ko pa😆 Iyong Kabanata 5 nito or baka 6 pa malay nyo mamaya kapag magaganda feedbacks nyo at di puro next🤣 charrr


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.