0

DON’T CRY


Report

“’Ma? Bakit wala pa Sherwin?”
“Parating na iyon, Cassandra. Baka na–traffic lang siya sa daan”
Sagot sa akin ni mama habang nagbabalat siya ng orange.
Two weeks na lang at maooperahan na ako sa puso. Bata pa lamang ako no’ng naghahanap na si mama ng kamatch sa puso ko. Ngunit dumaan pa ng ilang taon bago kami nakahanap.
“Oh bakit ngayon ka lang?”
“Kanina pa kita hinihintay. Sobrang namiss na kita, baby”
Hindi ito tumingin sa akin kung ’di kay mama at tila bang hindi niya ako naririnig.
“Tita? Excuse lang po. Maari ko bang makausap si Cassandra na kami lang?”
Ani niya. Tumango naman si mama’t lumabas ito.
“Baby? Yakap ko?”
Paglalambing ko. Tiningnan niya ako’t umupo ito sa gilid ng aking kama kung saan ako nakahiga.
“Cassandra. Maghiwalay na tayo”
Biglang huminto ang mundo ko’t nabitawan ang hawak–hawak kong orange.
“N–Nagbibiro ka lang diba, Sherwin?”
“Kung prank ito, ’wag naman ngayon. Baby”
Ani ko’t umupo ako upang mahawakan ang kamay niya.
“Hindi ako nagbibiro, Cassandra. Ayaw ko na sa ’yo”
“Hindi na kita mahal! Nagsasawa na ako sa ’yo eh. Gusto ko nang makahanap ng iba iyong babaeng hindi sakitin tulad mo!”
Napaluha lamang ako’t bigla siyang niyakap ng mahigpit.
“Baby, please. ’Wag mo akong iwan. Kailangan kita sa buhay ko, Sherwin”
“A–Ano ba…Bitiwan mo nga ako”
“No! No…Dito ka lang, sa akin ka lang Sherwin”
Bigla niyang inalis ang mga braso kong nakayakap sakaniya’t tumayo ito sa harap ko.
“Hindi mo ba ako makuhang intindihin ha?! Kung mahal mo ako, Cassandra. Palayain mo na ako!”
“Paano kita palayain kong nakakulong na ako sa mga bisig mo? Paano kita intindihin kung makipaghiwalay ka ng walang dahilan?!”
“Hindi pa ba sapat na dahilan na hindi na kita mahal?!”
Madiin niyang sinabi na hindi na niya ako mahal habang pansin kong pinipigilan niyang pumatak ang namumuo niyang mga luha.
“S–Sherwin, I love you”
“Hindi kita mahal”
“May iba na ako Cassandra. Kaya kalimutan mo na ako”
Ani niya’t tumalikod ito sabay hakbang palapit sa pinto.
“Sherwin! Dito ka lang! Please, ’wag mo akong iwan Sherwin!”
“Sherwin!”
Maluha–luhang tawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin at lumapit ulit.
“’Wag mo akong iyakan. Hindi ako karapat–dapat sa mga luha mo. Kamuhian mo ako, Cassandra upang mabilis mo akong makalimutan”
“Paano kita kamuhian kung ikaw ang labis kong kasiyahan, Sherwin”
“Shhhhhh. ’Wag mong sabihin iyan”
Pangiti niyang sambit habang pinunasan ang mga luha ko sa mata.
After 1 year mula nang naghiwalay kami ni Sherwin. Wala na akong balita sakaniya’t palaging sumasakit puso ko tuwing humaharap...


ako sa–salamin.
Bigla–bigla rin akong napapaiyak ng walang dahilan.
Damn! I miss you so much, Sherwin!
Kahit kailan, hindi ko makuhang kamuhian ka’t kalimutan kahit pinagpalit mo pa ako sa iba!
“Cassandra?”
“’Ma..”
Agad kong niyakap si mama’t tuluyan ng humagolgol sa pag–iyak.
“Bakit nagawa iyon ni Sherwin ’ma? Bakit niya ako iniwan at ipagpalit sa iba?”
“Sobrang sakit lang eh. At itong puso naman na nilagay sa akin. Palaging naalala si Sherwin!”
“Dapat kasi. Ibang puso ibang lalaki na naman”
“Bakit siya pa rin ’ma? Kahit niloko na niya ako, siya pa rin ang mahal ko!”
Kumalas si mama sa pagyakap ko sakaniya’t tiningnan ako sa mga mata.
“Hindi totoong pinagpalit ka niya sa iba, Anak”
“What do you mean, ’ma?”
FLASHBACK;
“Tita? May nahanap na po bang donor para sa opirasyon ni Cassandra?”
“Kasamaang palad, Ijo. Ngunit wala pa talaga, hindi ko na alam ang gagawin ko”
“Hindi maari iyan Tita! Ang sabi ng doctor. Kailangan na siyang maoperahan dahil kung hindi, b–baka mawala pa sa akin si Cassandra”
“Tahan na, ’wag kanang umiyak Sherwin. May awa ang diyos”
“Diyos?! Palagi kong hinihiling na may magdonate pero ano?! Wala naman eh!”
“Nahihirapan na akong makita ang mahal ko na. Nahihirapan!”
“Hindi ko na kaya, Tita. Gustong–gusto pa niyang mabuhay. Nakikita kong lumalaban siya kahit malabong may pag–asa”
“Gusto kong mabuhay pa siya’t magawa ang lahat ng gusto niya”
“Kaya’t buo na ang disesyon ko. Ibibigay ko na itong puso ko sakaniya”
“Sobrang mahal na mahal ko po ang anak niyo, maraming salamat at pinanganak niyo siya. Tita”
END OF FLASHBACK;
Nangmarinig ko ang kwento ni mama bigla akong tumayo’t nagpunta kong saan nakatira si Sherwin.
“Anong ginagawa mo rito?!”
“Ayaw kitang makita! Ng dahil sa ’yo! Nawala ang anak ko!”
Bungad sa akin ng mama ni Sherwin.
“T–Tita, hindi ko po alam na wala na si Sherwin”
“Sinungaling ka!”
Muntik na akong sabunutan ng mama niya ng biglang umawat ang kapatid ni Sherwin.
“Ako na ang sasama sa iyo kung saan nakalibing si Kuya, ate”
Saad ng kapatid ni Sherwin at sinamahan niya ako kahit ayaw ng mama nila.
Pagdating namin doon. Bigla akong nanghina’t sobrang sakit ng nararamdaman ko.
S–Sherwin!
Baby!
I’m sorry kong ngayon lang ako!
Hindi mo naman dapat itong gawin eh! Paano na ako ngayon?! Paano ako magsisimula kung wala ka na?!
Tuloy–tuloy ang pag–iyak ko habang nakayuko sa kabaong niya.
“Ate, sabi ni kuya. ’Wag ka raw iiyak at maging malungkot”
No’ng narinig ko ang sabi ng kapatid niya, tumahan ako’t niyakap na lamang ang kaniyang puntod.
End—★


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.