0

Doctors can’t saved doctor


Report

Doctors can’t saved doctor…
Sabi nila lahat gagawin ng isang doctor mailigtas lang ang buhay ng isang tao. Pero paano kung ang buhay ng minamahal mo ang kailangan mong iligtas… Makakaya mo ba!?
Paano kung hanggang do’n nalang talaga!?

“Matulog na tayo!?”
Humiga ito at sumundal naman agad ako… Bago kami natulog magkwentuhan muna kami saglit ni Sean.
“Sean! Naalala mo pa ba no’ng una nating pagkikita?” Bulong ko.
“Oo naman, hindi ko makakalimotan ang araw na iyon napasabi pa nga ako sa sarili ko no’n na ikaw na talaga to, ikaw na ang mamahalin ng puso ko.” Pabirong sagot nito.
“Hoy! Hala siya totoo? Ang bata-bata pa natin no’n ehh I think nasa seven years old pa tayo that time, HAHAHAHA!”
“Yes totoo yun Alexa… Yung naglalakad ka sa harap ng bakuran namin tas kami no’n pinapaensayo nila ako na mag bike tas nasagasaan kita at—”
“Tas Sean remember umiiyak ka dahil akala mo mapapatay mo ako dahil sa nangyari!?” Hindi ko ito pinatapos sa pagsasalita inunahan ko na ito.
“Hindi pa nga ako tapos ehh, at iyon nga nagmala superhero ako as your doctor that time… Naalala ko pa nga kahit anong mga dahon lang inilagay ko sa nuo mo.”
“Iyak ako ng iyak that time parang tinusok ng maraming tinik dahil akala ko talaga na patay ka na pero I figured out na natutulog ka lang pala, parang nawala lahat ang tinik na nasa katawan ko no’ng nalaman ko na natutulog ka lang pala HAHAHAHA.”
“Napa sign of the cross pa nga ako eh, sila mama at papa kasi tinatakot ako, nakakainis.”
“After no’n napagdesisyonan kong maging doctor dahil gusto na kitang protektahan ang galing nga ehh, gusto mo rin pala maging doctor… At naging doctor na nga tayo ngayon HAHAHAHA!”
“Biruin mo yun ang tagal na nating hiniling yun, tas nangyayari nga…” Sabi ko.
“Kaya nga ehh, ang ganda ng alon nang tubig at ihip nang hangin na nangyari pa talaga in between of us.”
He hugged me tightly.
“Sean pwede mag tanong!?” Anya ko habang patuloy ang pagyakap niya sa’kin.
“Nagtanong ka na ehh!” Pilosopong sagot nito.
“Sa tagal na nating nagsama Sean pilosopo ka talaga kahit kailan, wala ka bang planong magbago!?” Inis na sabi ko.
“Ano ba yung itatanong mo!?”
“Well about of us lang naman pero if ever na ayaw mo, ok lang naman.”
“Exciting to ahh, sigi magtanong ka na… Ready na ako!”
“Sure ka diyan!?” Paniguradong tanong ko.
“Oo nga, Alexa naman ehh nagbibigay ka lang ng pressure…”
“Sigi ito na ang mga tanong, be ready ha!”
“May secret ka ba, bakit parang sobra na ang pagmamahal na naramdaman natin!?”
“There’s no secret, wala namang formula… May pinainom lang ako sa iyo na gamot.”
“Anong gamot ‘yon!?”
“Yun nga yung secret diba, HAHAHAHAH!”
“Next question, Sa tingin mo bakit tayo nagtagal nang ganto ka tagal?”
“Ginusto natin, I mean gusto nating kasama ang dalawa… Pinili nating mag stay kahit anong mangyari.”
“May point ka do’n…” bulong ko.
“Kapag pagod ka na iiwan mo ba ako?”
“Maraming beses na akong napagod, hindi kita iniwan kahit kailan man… Pinili kita at pipiliin kahit kailan.”
“E-note mo nga to para hindi ka na paulit-ulit mag tanong niyan sa susunod na araw, baka ma stress pa ako… ‘Di biro lang ituloy mo.” Biro nito.
“Sean, anong dapat gawin kapag pagod ka na sa isang relasyon!?”
“Ano ba yung rason ng pagkapagod mo? Ayun yung kailangan ayusin… Pagusapan at hanapan ng paraan… Mamahalin at aalagaan kita Alexa, nandiyan ka na ehh bakit ko pa sasayangin.”
“Ang sarcastic namam ng sagot mo Sean! Grabi!”
“Sabi ko sa’yo ehh ready na ready na talaga ako… Ohh next na!”
“Paano ka bumangon sa relasyon nating minsan ay hindi nagkaka-intindihan!?”
“Well simple lang… I always look back, babalikan ko lahat pati kong saan tayo nagsimula hanggang sa makabangon ulit.” He smile.” Alalahanin ko talaga kong gaano ka kahalaga sa’kin, at bakit nga ba humantong tayo sa ganto.”
Huminga ako ng malalamin at nagpatuloy na.
“Paano kapag hindi kana masaya sa bagay na dating pinapangarap mo!?”
“Kailangan diyan? Contentment… Kailangan nating makuntento sa iisang tao, sa taong tanggap at minahal tayo.”
“Nakaka touch naman mga sagot mo…” Biro ko at nagtanong ulit.
“Kapag wala na bang kilig wala nabang love?”
“Kung kilig lang hinahabol mo oo, pero love doesn’t need kilig feelings forever remember that. Ang pagmamahal ay kailangan ng dalawang taong tanggap ang isat-isa.”
I hugged him and start crying.
“Ang swerte ko naman sayo Sean!”
“Ako nga ang mas swerte sa’yo ehh?”
I grab his face towards mine and kissed his warm lips.
“Please stay with me until our last breath Sean!” Bulong ko at hindi sa katagalan ay nakatulog na.

After few months all went well…
Not until I received a message from him… The trumatic and saddest message I’ve read.
Hey love, wag na wag mo akong kalimotan kahit ano paman ang mangyayari. I will miss you Alexa, don’t find someone else or you’ll regret it just kidding. Malaya kang ipagpalit ako, wala eh parang mauuna na ako sa kabilang buhay.
Baka sasabihin mo na selfish ako, YES aaminin ko naging selfish ako mas lalong naging selfless… Parang dito na kasi magtatapos ang kwento natin ehh.
Habang binabasa ko to parang unti-unting pinupunit ang puso ko. Dinudurog na parang paminta.
Remember? No’ng gabing napag-usapan natin yung about sa atin? Yung about sa relationship natin? Yung gabing tinanong mo ako ng about sa matters natin? Please kalimotan mo lang lahat wag mo lang kalimotan yung mga sagot ko, on the spot Q and A yun, ang mga sagot ko ro’n galing talaga sa puso’t isip ko.
One of your questions really melts my heart specially your reaction in my answer. Yung last question mo, about ro’n sa kilig at love ‘di ko na kasi ma remember ehh sorry basta priceless lahat para sakin yun.
“Hindi ayaw ko sa ganto…” I started to cry. “Pwede naman siguro iisang punit at iisang durog lang… Bakit pa kailangan dahan-dahanin.” Bulong ko.
Good Luck to your journey as the must beautiful doctor living on earth… Iligtas mo lahat-lahat at tulungan mo ang mga nangangaylangan… Love God at first, take care always! I love you Alexa!?
Wait before I forgot, I’m here in our favorite place kung saan...


tayo unang nagkita at nagkakakilala, the most unforgettable place ever… Sa bukaran sa bahay natin… Dalhin mo ang tape recorder na makikita sa ilalim ng kama natin at may nakarecord do’n staka muna i-play pag nag surgery na kayo sakin… Kung aabot man tayo diyan!
Maraming Salamat Alexa!
Hindi ko na alam anong gagawin. “Anong una kong gagawin!?” pagkataranta ko pa.
Kinuha ko na agad ang sinabi nitong tape recorder sa ilalim ng kama namin at pumunta ako sa bakuran, nakita ko si Sean na nakahiga na at nahihirapan ng huminga.
Dali-dali ko itong nilapitan at kumuha ako ng mga dahon na pwedeng ilagay sa katawan nito.
“Parang ganito ang nangyayari sa’min ni Sean noon ahh!” Bulong ko sabay patak ng mga luha.
“Sean hindi ko kayang mawala ka Sean, Sean, Sean… Magiging ok ka rin, tutulungan kita!” Utal ko.
Tumawag ako ng ambulansya at patuloy na binibigyan ng first aid…
Habang tumatagal ang pagiyak ko parang naririnig ko na ang pagiyak ni Sean no’ng bata pa kami. Parang bumalik lang sa dati lahat.
“Sean tinulungan mo ako, hayaan mo ako naman tutulong sayo.”
“Sean, lumaban ka!”
Dumating naman agad yung ambulansya at dinala na namin si Sean sa hospital kong saan rin ako dinila nila no’ng nasagasaan ako ni Sean, at kong saan kami ngayon nagtatrabaho.
Pinasok agad sa surgery room at sinimulan na namin ang paggamot nito.
Muntik ko nang makalimotan ang message na sinabi ni Sean pero parang may bumubulong talaga sa tenga ko na tape recorder daw kaya pumasok agad sa isip ko yung huling message sa’kin ni Sean.
“Sean, Sean, Sean!” Tawag ko sa pangalan nito at nagdadasal.
Binuksan ko ang tape recorder at sinimulan i-play ito.
Napatigil kami sa ginagawa namin no’ng nagsimula tumunog ang tape recorder.
“Wala na kayong maggagawa sa’kin, tigilan niyo na iyan… Tanggap ko na hanggang dito lang ang buhay ko.” Panimula nito.
Tinapik ko ang mga kasama ko sa surgery room at sinabing “Ipagpatuloy natin kaya pa to!” At bumigat ang pakiramdam ko. “Gusto ko ng sumuko, pero bawal… Para kay Sean to!”
“Alam kong hindi kayo titigil, malaya kayong iligtas ako… Gawin niyo lahat, pero kong wala na talagang pag-asa sana tanggapin mo na Alexa tulad ng pagtanggap ko na mawawala na ako.” Dagdag nito.
Nagpatugtug ito ng napaka paboritong kanta namin na halos araw-araw naming kinakanta na pinamagatang “UNCONDITIONALLY” at patuloy na i-play yung tape recorder habang may music…
“May secret ka ba, bakit parang sobra na ang pagmamahal na naramdaman natin!?”
“There’s no secret, wala namang formula… May pinainom lang ako sa iyo na gamot.”
~Then I realized that medicine called love.
“Next question, Sa tingin mo bakit tayo nagtagal nang ganto ka tagal?”
“Ginusto natin, I mean gusto nating kasama ang dalawa… Pinili nating mag stay kahit anong nangyayari.”
~Commitment and Trust to make our relationship stronger and bitter.
“Kapag pagod ka na iiwan mo ba ako?”
“Maraming beses na akong napagod, hindi kita iniwan kahit kailan man… Pinili kita at pipiliin kahit kailan.”
~Love is about staying even at your worst.
“Sean, anong dapat gawin kapag pagod ka na sa isang relasyon!?”
“Ano ba yung rason ng pagkapagod mo? Ayun yung kailangan ayusin… Pagusapan at hanapan ng paraan… Mamahalin at aalagaan kita Alexa, nandiyan ka na ehh bakit ko pa sasayangin.”
~Love can find ways.
“Paano ka bumangon sa relasyon nating minsan ay hindi nagkaka-intindihan!?”
“Well simple lang… I always look back, babalikan ko lahat pati kong saan tayo nagsimula hanggang sa makabangon ulit.” He smile.” Alalahanin ko talaga kong gaano ka kahalaga sa’kin, at bakit nga ba humantong tayo sa ganto.”
~Always look back to where you two started.
“Paano kapag hindi kana masaya sa bagay na dating pinapangarap mo!?”
“Kailangan diyan? Contentment… Kailangan nating makuntento sa iisang tao, sa taong tanggap at minahal tayo.”
~Contentment in one relationship.
“Kapag wala na bang kilig wala nabang love?”
“Kung kilig lang hinahabol mo oo, pero love doesn’t need kilig feelings forever remember that. Ang pagmamahal ay kailangan ng dalawang taong tanggap ang isat-isa.”
~Love doesn’t need kilig feelings forever.
I cried.
Ang akala ko ay tapos na… Hindi pala may nakarecord pa itong sinabi sa’kin.
“Hey Alexa my love, alam kong darating ang araw na ito… Inaasahan ko na to ehh, planado na ito lahat… Lahat-lahat planado na. Lumaban ako para lang makasama ka, may sakit ako sa puso butas ito… Minsan nga nahihimatay lang ako bigla ehh minsan nawawalan ng hininga… Heart Failure ata tawag dito ‘di ako sure sorry pero parang sa tingin ko tama naman ako haha.”
“Yung memories natin hindi ko iyon makakalimotan, balikan mo lang ang masasayang alaala sa’kin sa ibang tao. Wala ehh sumuko agad yung puso ko.”
“Tingin ka nga dito sa tape recorder tas smile ka, pumapangit ka kasi pag umiiyak ehh!”
“Smillleee!”
“Siguro naman may mga lessons kang natutunan kasama ako diba… Sa pagiging doctor about how to handle love at marami pang iba, wag na wag mo yung sayangin at mas lalong wag mo akong biguin.”
“Smile ka ulit!”
“I Love you Alexa, mwah, mwah, mwah…”
I cried again and again.
“Bakit sakin pa nangyayari to?” Bulong ko.
“Pwede naman yung iba ahh, maraming masasamang tao diyan bakit si Sean pa?”
“Pwede naman rin ako ang kunin mo lord bakit yung taong minahal ko pa, bakit!?…”
Hanggang sa natapos na ang pagtutug ng musika at naramdaman kong parang may humawak sa kamay ko.
“S-E-A-N”
“A-alexa! Sean will always be in your heart… I love you!” Mahinang tugon nito.
Mas lalo akong niiyak no’ng nakita kong nahihirapan ito.
“I’m your doctor, your superhero, your medicine, and your everything.” Sambit ko.
“Take care always, good luck to your new journey.”
“If reincarnation really exist, I will find and love you in next life… Please let’s make the unforgettable kiss ever!”
I kiss his lips and yes that was my last kiss at hindi ko iyon makakalimotan kailan pa man.
“I did my best, but I guess my best wasn’t good enough…” Huling nabitawang salita ni Sean!.
Unti-unti itong pumikit at napaluha, habang nakikita ko na ang saya nito, dahil kahit sa huling paghinga nito abot langit parin ang iniwang ngiti nito na hinding-hindi ko makakalimotan.
“Until your last breath, I love you Sean!”

I’M HIS DOCTOR, HIS MEDICINE, AND HIS SUPERHERO.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.