0

DESTINED TO BE YOURS EIGHTEEN


Report

LEXIE ERA
Wala silang pasok pariho ni axil sa araw na iyon dahil May business trip sa Hong Kong Ang boss nito. Nagkataong dayoff niya. kaya nag aya siyang dalawin sa mansion Ang magulang.
ang tutuo gusto niyang mag pa turo sa ina ng mga lutuing bahay. nahihiya na siya kay axil na siyang lagi nag luluto para sa kanila, gusto rin naman niya kahit papanu maipag luto niya rin ito. at tumayo bilang asawa nito.
masayang sinalubong sila nang mommy niya pag dating nilang mag asawa sa bahay. dumiritso kaagad siya sa kitchen. si axil naman naiwan sa labas kasama ang ama.
tinuruan siya ng ina mag luto nang steak, pochero at sinigang. madali naman niya nakabisa ang mga ingredients at gusto niyang e try kaagad pag dating sa bahay.
dumaan muna sila sa supermarket upang bumili nang mga lulutuin niya.
habang nag luluto pinag mamasdan lamang siya ng asawa. hinayaan niya lang din panuurin siya nito at wag tulungan tulad ng sinabi niya.
habang tinitikman nito ang luto niya nakatingin siya kung anung magiging reaksiyon nito.
napakunot nuo ito kaya dissapointed siyang tiningnan ang nilutong pochero. parang gusto nalang niya itong itapon lahat. first time niyang mag luto kaya alam niyang hindi iyon perfect.
pero sa bandang huli ay ngumuti ito.
“masarap babe.. anito sa kanya.
“talaga? nabuhayan siya ng loob. ang saya saya niya.
“hmm.. parang ninanamnam pa nito ang luto niya.” sige kumain na tayo. sabi muli sa kanya. nakangiti.
nagkaroon siya nang yabang sa mga sandaling iyon para sa nagawa kay axil. marahil tanggap niya na talagang may asawa na siyat kalimutan ang nakasanayan buhay mayron siya na parang isang prinsesa.
pagkatapos nilang kumain naisipan narin niyang mag linis ng bahay. busy na sila pariho sa trabaho ni axil kaya sinamantala niya ang araw na iyon.
hinayaan nalang niyang mag pahinga ang asawa sa kwarto.
“kailangan mo ba nang tulong? nag aalalang tanung ni axil. na ikinagulat niya pa.
ni hindi niya ito naramdamang nakalapit sa kanya.
kasalukuyan niyang tinatanggal ang kurtina sa bintana ng lumapit ito. at dahil mataas yun kailangan niyang pumatong sa upuan.
matibay naman ang upuan na iyon kaya hindi siya nag aalala. subalit na distract siya nang makita ang asawa na nakasuot lang ng bri+f. habang naka ngiti itong naka tingin sa kanya.
at dahil dun nawalan siya nang balanse pag kalingon niya kay axil.. napahawak naman siya sa kurtinang hindi pa lubusang natatanggal sa hook subalit hindi naman iyon matibay. at mukang ipinag kanulo siyat sumabay sa inog ng katawan niya.
napasigaw siya nang maramdamang umikot ang upuang pinapatungan niya. nag pa gewang gewang iyon bago tuluyang natumba.
naging maaagap naman si axil para saluhin siya yun ngalang pariho silang bumagsak sa sahig.
at safe siyang bumagsak dahil naka patong siya sa katawan nang asawa at napa ilalim ito habang mahigpit siyang hawak sa bewang. siniguro nitong hindi siya masasaktan.
namumula ang pisnge niya habang napapatingin sa lalaki dahil ramdam niya ang harapan nito. nakatitig din ito sa kanya habang nag sisimula nanamang ma mungay ang mga mata. at para bang may kababalaghang iniisip. ni hindi manlang ito nasaktan sa pagbagsak nila sa sahig.
mabilis niya itong pinag hahampas sa braso para pakawalan siya nito sa bewang.
“aray…!! bakit ba? reklamo nang kum+g.
“kasalanan mo kung bat ako nahulog.. paninisi niyang mabilis na umalis mula sa ibabaw nito.. naiinis siya sa ayos ni axil. ni hindi niya ito matingnan nang diretso.
“kasalanan ko pa bang sinalo kita? anito sa nag tatampo na boses.
“how many times do i tell you na ayaw Kung nag susuot ka nang ganyan sa loob ng bahay specially infront of me.. nasan naba Yung manners mo? may kasama Kang babae dito.. naiinis niyang sagot.
“anong problema eh mag su sweeming ako.. nadaanan lang kita at inaluk ng tulong ko. isa pa bat ba takot na takot Kang makita to eh para naman talaga sayo to. sigaw nito sa naiinis na tuno.
natahimik siya, hindi naman niya alam na maliligo pala ito. buong akala niya ginawa lang iyon ng asawa para akitin siya.
“ah.. basta.. nasabi nalamang niya.
bumangon ito at walang anumang bunuhat siya na parang sanggol.
bigla siyang na alarma.
“anung gagawin mo axil?? palahaw niya.
“palalamigin ko lang yang ulo mo. natatawang sabi nitong halatang naka bawi nasa galit matapos niya pag hahampasin sa braso.
“ayaw ko bitiwan mo ako..!!! nag pumiglas siya sa pag kakahawak nito.
animong wala itong narinig. para pa ngang nasisiyahan sa reaksyon niya.
napa singhap nalang nang tumalon ito sa...


sweeming pool habang buhat siya.
saka pa lamang siya binitiwan ng lalaki habang tuwang tuwa.
“habulin mo ako…. mapang asar nitong sabi..
humahalakhak itong sinabuyan pa siya nang tubig bago lumangoy palayo.
“grrrrrrrrr!!!! gigil nalang niya.. habang inis na ipinapadyak ang mga paa sa ilalim ng tubig.
GOODMORNING… nakangiting bati ni axil sa umagang iyon ng imulat ang mga mata niya. kaya pala ang sarap nang tulog niya dahil nakayakap siya sa asawa. naka unan pa siya sa mga braso nito.
nakayakap siya kay axil at panung nangyari yun.???biglang nag hysterical ang utak niya.
napakalapad nang kama nila at naglagay siya nang unan sa gitna, ganun ba talaga siya kalikot matulog para mahawi ang unang iyon.
“Oh” “no…..bulong niya. nag kukumahog siyang bumangon na hindi pinansin ang sinabi nito.
“sabi ko goodmorning… ulit ni axil.
“goodmorning..napipilitan niyang tugon habang pinakikiramdaman ang sarili kung may ginawa ito sa kanya.. kanina ka pa ba gising? tanong niya nang makasigurong wala naman itong ginawa sa kanya.
“yes.. at kanina pa kita pinag mamasdan. ang sarap nga ng tulog mo habang nakayakap ka sakin. pang aasar nito.
“malay ko bang yakap kita..defensive niyang tugon. __” tulog nga ako diba? isa pa bakit ba nandito kapa wala kabang pasok.? mukang wala itong ginawa kundi asarin siya. kahapon niya pa itong napapansin.
sa halip na sumagot ikinawit nito ang kamay sa bewang niya at muli siyang inihiga pabalik sa kama.
“tumawag si ma’m mamayang hapon ko nalang daw siya sunduin.. okay lang ba kung dito ka muna sa tabi ko? masuyo nitong tanong.
napa kunot nuo siya habang nakatitig dito
Lalo na nang maramdaman niyang hinaplos nito ang pisnge niya.
“wala akung gagawin babe promise titigan lang talaga kita. anito sa siryosong boses.
hindi siya naka imik habang sinasalubong ang titig nito.. naramdaman niyang nag iinit ang mag kabilang pisnge niya. bakit ba ang gwapo nito sa umagang iyon. anu bang nilagay nito sa mukha.
“mahal mo ba ako jewel? siryosong tanong ni axil habang naka titig sa kanya. para bang matagal na nitong gustong malaman ang tungkol sa bagay na iyon dahil siryoso ito masyado.
hindi siya naka imik iyon ang isang bagay na dipa siya sigurado. anu ngaba ang nararamdaman niya sa asawa? masaya siya na kasama ito kahit walang ginawa kundi asarin siya. pero hindi naman siguro yun pagmamahal.
narinig niya itong bumuntong hininga nang ilang sigundo na ang nakalipas ay dipa rin siya sumasagot.
“hindi mo ako mahal kaya hindi mo pa maibigay ang bagay na iyon. nag tatampo nitong tanong.
namamangha siya sa pagiging siryoso nito dahil nasanay siyang inaasar ng asawa.
“axil tatapatin na kita. hindi ko Alam kung anung nararamdamn ko sayo.. kasalanan mo to dahil pinilit mo akung pakasalan ka. matigas ang boses niyang sabi dito. mas mabuting malaman nito ang tutuo.
“kung ganun.. pwedi ba kitang ligawan? Alam kung nabigla ka sa nangyari sating dalawa pero naka handa naman akong maghintay. sabi pa nito. dama niya ang sinseridad sa boses ni axil.
“bakit ka naman mangliligaw mahal mo ba ako axil? siya naman ang nag tanong dito.
“gagawin ko ba to kung hindi? siguradong tugon nito.
“you mean mahal mo ko? bat dimo sinasabi sakin. napalabi siya. ang sarap sa pakiramdam niya na malaman mismo mula sa bibig nito na mahal siya ng asawa.
“ang mahalaga ipinararamdam ko sayo. kulang paba yun? anitong hunaplos ulit ang pisnge niya saka lalo pang lumapit sa kanya.
napangiti siya..
“salamat axil sa pagmamahal sana kung tutuo man yan hayaan mo parin akung gawin Yung bagay na inaasam ko. pag babakasakali niya.
nabuhayan siya nang loob na maka Balik sa pag momodelo. gagamitin niyang batayan ang nararamdaman nitong iyon sa knya.
nakita niyang nag salubong bigla ang kilay nito.
“sorry pero dina kita papayagan pa jewel.. anitong lumayo sa kanya.. umupo ito sa gilid nang kama halatang nagalit sa sinabi niya.
“akala ko ba mahal mo ako.? naiinis niyang bulyaw dito. umupo narin. ang bilis mag bago nang mood nito kanina lang ang sweet sa kanya tapos ngayon galit na kaagad.
“isang beses lang ako mag disisyon jewel.. kapag sinabi kung bawal…. bawal…!!!! panapos nitong sabi na nag taas din ng boses saka iniwan siya sa kwarto.
galit niyang binato ito nang unan. subalit sa pintuan nalang iyon tumama.
“kung ayaw mo eh di wag…pahabol niyang sigaw habang naiiyak.
akala pa naman niya mapapayagan siya nito. bakit ba hindi siya maintindihan ni axil. lahat naman nang gusto nito ginagawa niya tulad nalang ng pag papakasal dito.
inis na inis na dumapa sa kama at umiyak.
con….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.