0

Dark Section


Report

Dark Section
By: Paochiz
Genre: Romance, Action, Comedy
Status: On-going
#REPLY_BOX_POLICY
Ps: Support my second story. Thank you!
“I belong to worst/hell section and I really hate it at first and even curse everything about it. But….. I hate to admit that I found myself smiling like an idiot now.”
-Luna Amara Velasquez (Badass Queen)
“I’ll protect her even if it cost my life. She’s my life. She’s my queen and only queen. Nothing can change that and if there’s anything, I can condemn and deliver death.”
-Dark Helios Gutierrez (UNDERstanding Deth)
Tragedy
LUNA’S P. O. V
Pakiramdam ko naubos na ang lahat sa akin at tanging ang kapatid kong si Ced na lang ang natira sa akin. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy dahil pinanghihinaan na ako ng loob.
Matibay ang katawan ko sa pagtanggap ng palo ng tubo, kutsilyo, gunting, suntok, sipa, tadyak, at kung ano ano pa.
Pero ang maubos ang mga tao sa paligid ko? Hindi ko na yata kakayanin pa.
Ilang linggo na Ang nakakalipas bago naaksidente ang kotse na sinasakyan namin nina Mama, Papa, Kuya, Ced, at Ate Rhaine dahil sa humahabol sa aming mga lalaki na nakamaskara na sakay ng dalawang motor. Lahat sila namatay at sa kagaguhan, ako lang ang natira at si Baby Ced! Hawak ko kasi si Ced noon at nang matapatan ng mga lalaki ang bintana namin, niyakap kaming dalawa ni Baby Cedric ni Ate at Kuya kaya sila ang nabaril.
Kahit naghihingalo si Papa dahil may tama na rin siya ng bala tulad ni Mama, nagawa niyang maipreno ang kotse. Nang huminto ang kotse, bumaba ako habang dala-dala si Ced na umiiyak, sinubukan ko silang gisingin lahat pero lahat sila ay may tama ng baril at ang tanging humihinga nalang ay si Papa na tanging ngiti nalang ang binigay sa akin bago niya maipikit ang mga mata.
He’s telling me again that…
‘Everything will be alright, my Luna.’
Humagulgol ako ng iyak pero nawalan ng malay si Cedric kaya nagsimula na akong kabahan lalo. Chineck ko ang katawan niya kung may tama ng baril pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.
Not him….I’m begging… Kahit si Ced na lang.
Throwback…
Biglang may ilaw akong natanaw sa hindi kalayuan at mukhang ito ang dalawang motor na nakahinto ang humahabol sa amin.
Agad kong ipinasok sa loob si Cedric at pinahiga kina Ate at Kuya. Tinuyo ko ang luha ko bago ko sinara ang pinto.
I can’t be weak at this point. Ced is counting on me.
“So, you are alive?” natatawang tanong ng lalaki.
“Ay hindi! Baka multo ako tapos kayo kayo ang susunduin ko.” Pamimilosopo ko, “Sino kayo? Kalaban ba kayo nina Alexus?”
Ito lang ang naiisip kong dahilan at wala ng iba pa at kung sila nga ang dahilan, sarili ko lang ang dapat kong sisihin dito.
“Sinong Alexus?” tanong ng isa na tumingin sa tatlo niyang kasama.
Hindi nila kilala si Alexus so hindi ito connected sa Blood Gang at Blackwing Gang.
Matalim ang mga matang tiningnan ko sila, “Who the fuck are you?! Who sent you to kill my family?!”
Tinutukan nila ako ng baril. Apat sila at hindi ko kaya dahil may mga baril silang hawak.
Ngumisi ako para inisin sila.
“Anong nginingiti-ngiti mo, bata?” naguguluhang tanong ng lalaki na lalong humihigpit ang hawak sa baril.
“You are all holding a gun while...


facing me, who is still 15 years old woman. Why? Too scared that I can beat you into pulp?”
Nagkatinginan sila saka hinagis ang mga baril. Tama ‘yang mga gago!
“Simulan na na—” bago niya pa matuloy ang sasabihin niya, mabilis akong tumakbo at sinipa ang tiyan niya kaya napayuko siya saka ko ipinatong ang kamay ko sa likod niya at tumalon kapagkuwan ay knuha ko ang mallit na kutsilyo ko na nasa bulsa ng pants ko at tinanggal ang takip saka pinaikot-ikot sa kamay ko na tamang-tama naman Ang pagharap ng lalaki aya sinaksak ko siya sa tiyan at malakas na sinipa dahilan para ma knock-out.
“You!” Sigaw ng Isa na akmang lalapitan Ang baril na itinapon nila kaya mabilis kong sinipa ang baril papalayo at hinarangan siya.
Itinali ko ang buhok ko saka umiling, “One down!” sigaw ko saka siya sinugod. Suntok, sipa, suntok, sipa ang ginawa ko sa kaniya hanggang sa tumumba na lang.
Sinugod ako ng dalawa at nakakailag ako sa bawat suntok na ginagawa nila. Sinipa ko ang private part ng isa saka sinaksak sa tiyan at ang isa naman ay papasugod din nang sikuhin ko ng malakas ang mukha saka kinuha ang kamay niya na akmang susuntok sa mukha ko saka pinilipit ang kamay niya patalikod saka ko siya sinaksak mula sa likod. Nang mapabagsak ko ang lahat, tinapon ko na ang kutsilyo na ginamit ko.
Smooth pa rin pala talaga ang galaw ko kahit ilang linggo na akong nawala sa battle field. Magaan lang kasi ang katawan ko kaya ang dali lang sa akin para gumalaw ng mabilis at ‘yun ang nakita sa akin ni Alexus noon. Mahihina naman pala ang mga ito at matapang lang dahil sa baril.
Nakaramdam ako ng pagod at akmang lalapit na ako sa kotse para icheck si Ced nang biglang bumaba ang tingin ko sa patak ng dugo sa sahig. Nagtatakang nilingon ko ang apat at imposibleng sakanila galing ang dugo na nasa kinatatayuan ko dahil—
Hindi kaya…..
Bumaba ang tingin ko sa tiyan pero wala ngunit nahagip ng mga mata ko ang tagiliran ko na may umaagos na palang dugo saka ko lang nakita ang pangalawa kong napatumba na may hawak na maliit na kutsilyo.
Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko naramdaman agad? Shit!
GUMISING ako mula sa pagkakaratay sa hospital, na ang balitang nakarating sa akin ay patay na sina Mama, Papa, Kuya, at Ate na nakaburol na. Nagtataka ang mga pulis kung bakit wala akong tama ng baril, hindi gaya ng pamilya ko. Sinabi ko sa kanila na nakaharap ko ang apat na riders na bumaril sa pamilya ko at ang pinagtataka nila lalo, bakit wala silang natagpuan na apat na tao sa crime scene at ang higit na pinagtataka nila ay malinis ang pinangyarihan ng kinukuwento ko kung saan ko sila kinalaban.
I’m sure na may mga dugo na nagkalat sa dahig dahil sa pagsaksak ko sa kanila kaya paanong naging malinis?
Ang sagot? Hindi ko alam.
Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit pa ako binuhay gayong naubos ang pamilya ko. Ano pang silbi ko kung parang patay na ang puso ko?!
Si Lola naman ay inatake nang mabalitaan niya ang nangyari sa amin. Bunsong anak ni Lola si Mama kaya gumuho rin ang mundo niya nang malaman na namatay si Mama kasama na si Papa at ang mga kapatid ko.
End of the throwback…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.