0

DANGEROUS CASSIUS NOLAN CHAPTER 9


Report

Nagising ako sa ingay nangtawanan sa labas kaya bago ako lumabas ay minaigi ko muna maligo.
Huminga muna ako ng malalim bago ko itinulak ang pinto ng kwarti at bumaba sa hagdaan.
Biglang huminto ang mundo ko ng makita ko kung sino ang katabi ngayon ni Cassius.
Cassius is with his… Lover
” Hi.. Samantha long time no see.” Masiglang bati nito sa akin.
” Nalaman kung bumalik kana kaya’t binisita ko na agad kayo.” Kung pwede lang kumaladkad ng tao na makati ay for sure kanina ko pa ginawa.
” Wow Gumaganda ka lalo.” She giggled like a childish bitch.
” Kaya nga napakaswerte ko sa Asawa ko eh.” Proud naman na sabi ni Cassius pero focus pa din ako sa mukha ng kaharap ko.
” Ehhhh bakit ako Cassius hindi ba ako maganda?” Di ko alam pero hinintay ko ang namarinig ang sasabihin ni Cassius.
” Ofcourse your pretty too but my wife is more than pretty. Serenity ” Halos mapanguso si Serenity my olds friend o tawagin natin dati kung kaibigan na makati.
” Hey! Eyes on me, Lady.” Hindi ko namalayan na andito nasa tabi ko si Cassius.
” Nakuu.. Namiss pa yata ako ng sobra ni Samantha hehe.” Akala nya ba ay nagka amnesia din ako?
Ngumisi ako dito at ikinagulat naman niya iyon.
” What a pathetic ” Napaikot ang eyeballs ko ayoko makipag plastikan tapos na kami dati niyan.
Niyakap naman ako ni Cassius at hinalikan sa sa labi.
” Good Morning Beautiful Lady.” Nakangiti nito sabi.
” Hey! Guys wag naman kayo mang inggit may single dito ohhh.” Serenity rolled her eyes.
” Ohh sorry namiss ko lang ang Misis ko kahit minuto lang ako lumipas na umalis sa tabi niya.” Hinalikan ako nito sa labi sa harapan ni Serenity.
Mabilis naman ako inagaw ni Serenity
” Pahiram muna sa Asawa mo mag talking lang kami namiss ko siya eh.” Wala itong hinintay na sagot kay Cassius at hinila ako nito papuntang garden.
Nang makarating kami sa Garden ay Sasampalin ako nito sana pero agad kung na hawakan ang kamay niya at tinaasan ng kilay.
” Tsk akala mo siguro ako yung dating Samantha na kilala mo? Ano akala mo sa akin ikaw?” Napangisi ako dito.
” How dare you.” See ilalabas na niya ang masangsang niyang kaliskis sa akin.
” Ang lakas din ng loob mo magpakita? Samantalang EX-WIFE kalang naman niya?” Wala kung ganang tumingin sa kanya at ngumiti.
” Owww you for got Serenity Hindi pa pinipirmahan ni Cassius ang aming Divorce paper at hanggat walang pirma KASAL KAMI? ” Nakangisi ko dito.
” And wait … For sure umaasa kang pag pinirmahan na ni Cassius ang divorce paper ay magpapakasal na kayo? haha come on bitch dream on.” Pang aasar ko hanggat di pa naalala ni Cassius ang lahat ipaparanas ko sa isang ito ang sakit ng ginawa niya sa akin.
” Hindi totoo yan alam kung mahal ako ni Cassius.” Masakit man pero nagkunwari akong di apektado.
” Nilandi mo lang siya? Ang dating mahiyain na Serenity ay kaya palang Lumandi sa Asawa ng BEST FRIEND niya? Bravo… ” Palakpak ko pa dito.
” Serenity alam natin dalawa na isa kang malaking pagkakamali.”
” NO! NO! pera lang habol mo sa kanya ako kaya kung ibigay kahit ano sa kanya.” Isa pang basura na...


mapangmaliit sa mas nakakaganda.
” Mayaman ka? Bakit Mayor lang naman ang Ama mo? At isang mabuting ina ang Mama mo? Ano ang pinagmamayabang mo dun pangungurakot? ” Napalunok ito sa sinabi ko.
” Bakit ikaw may ipagmamalaki kana?” abay ako ang hinahamon ng gaga na ito.
” Hmmm ofcourse i have Cassius for the win?” Tumawa ako ng malakas at umalis sa harap ng nakakasukang nilalang.
Pagkapasok ko ay busy mag asikaso ng kakainin si Cassius habang malawak ang ngiti.
Napatingin ito sa akin at ngumiti pero na iba din ng makitang seryoso ako.
” What happen Sweetheart?” Pag aalala nito’ng tanong.
” Wala siguro ay maagap ako nagising kaya di maganda timpla ng mood ko.” sabi ko pa dito.
Yumakap naman ito agad sa akin at ngumiti.
” Lets go upstairs.. Babantayan kita matulog ulit.” sabi nito.
” Pero si Serenity andiyan?” nagtataka kung sabi.
” oh eh.. Ano naman pwede naman sibihin ni Aling rose na bumalik nalang siya next time pag asa mood kana.” Di ko na ito pinatapos at naglakad nalamang ako pataas ng kwarto.
Nauna akong pumasok at umupo at sumunod naman siya sa akin.
” Cassius Lolokohin mo ba ako? At ipagpapalit sa iba?” hindi ko alam pero naitanong ko agad.
” Sweetheart.. Anong klase na tanong iyan shempre hindi alam mo kung gaano kita kamahal.” Tinitigan ko ito sa mga mata.
Iyan ang madalas niyang sabihin nung kami pa wala pa nga siyang matandaan sa panloloko nila sa akin.
” Now what Mrs. Nolan?” napakunot ang noo ko sa tanong niya.
” Anong Now what na naman pinagsasabi mo diyan?” kinakabahan ako manyakis pa naman ito.
Kilala ko siya malamang naging asawa ko siya ng matagal na panahon.
” Paisa naman diyan.” Agad naman ako napatayo.
” Hoy! Diba sabi ko nga sayo na hindi na talaga tayo mag Asawa anong isa ka diyan.” kakairita ang gago na ito.
” Kung ganoon bakit si Jr. Laging nakastanding position sayo? Kung hiwalay na tayo ng madaming taon? ” sabi pa nito sa akin.
“Aba’y ako pa ang tatanungin mo akin ba yan? Malay ko na manyakis kalang talaga.” Sabay kumot ko.
Hinablot niya ang kumot at nag agawan talaga kami.
” Tigilan muna ako Mr. Nolan ayoko ah Ayoko.” Napangisi ito.
Bigla itong lumundag sa kama at dumagan agad sa akin.
” Mas naaakit ako pag ayaw mo o yung nagpapakipot kapa.” Ay gago ano yun bubuka agad ako? Tsaka matagal na hindi kami at ayoko ng madagdagan ang problema ko.
” Ano ba kasi Cassius tumigil kana nga pag ako na bwesit magagalit ako.” Napatingi ito sa akin at umupo ng maayos.
” Tsk galit agad parang isa lang naman vitamins kaya ito.” Hano daw? Vitamins ang alin dun?
Nang magets ko ay halos mamula ako sa kalokohan niya.
” Are you blushing?” Agad kung tinakpan ang mukha ko
” Anong namumula hindi ah… Namamanyakan ako sayo nakakadiri lang bunganga mo kasi.” Tumawa ito ng malakas.
Agad naman itong yumakap sa akin at pinaulo ako sa braso niya.
” Okay hindi na magpahinga kana babantayan kita.” Nakangiti nitong sabi.
Napabuntong hininga naman ako ayoko umasa na naman ayoko ng ganito. baka mahulog ako ng paunti unti at pag naalala na niya si Serenity ay iwanan niya ako natatakot ako namaulit natatakot akong maiwanan ng durog na naman.
To be continue…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.