0

CUTE STORY


Report

{TAGOS}
BOY: miss may tagos ka.
GIRL: huh? Di nga?
Kinakabahang tumingin si girl sa palda niya at napahiya ng makitang meron nga.
GIRL: hala paano na yan? Wala akong dalang extra.
Nahihiyang tumingin si girl kay boy.
GIRL: uhmmm, kuya pwedeng mahiram yung jacket mo? Itatakip ko lang please.
BOY: ano ka? Kabibili ko lang neto tapos pantatakip mo lang. Paano kung malagyan ng regla mo to?
GIRL: sige na kuya please.
BOY: ayoko.
GIRL: maawa kana kuya. Wala lang talaga akong malalapitan dito.
BOY: o sige sige. Tutulungan kita pero sa isang kundisyon.
GIRL: ano yun?
BOY: magpepretend ka na gf ko para pagselosin yung ex ko.
GIRL: what? Ayoko nga.
BOY: ayaw mo? Di wag. Bahala ka magkalat dyan. Nakakahiya pa naman yun.
GIRL: waaahh. Oo na oo na. Gagawin ko na basta tulungan mo ko.
Binigay ni boy yung jacket niya kay girl. Ibinili niya pa ito ng napkin at inihiram ng extra palda and undies sa kaibigan niya. After makapagpalit ni girl lumapit siya kay boy at sinauli yung jacket.
BOY: Ano ka siniswerte? Labahan mo muna yan bago mo isauli sa akin.
GIRL: Oo na. Arte neto.
BOY: oh.
Inabot ni boy yung cellphone niya kay girl.
GIRL: Anong gagawin ko dyan?
BOY: Kainin mo! Tsk! Isave mo number mo para ma text kita kapag gagawin na natin yung deal.
GIRL: ok.
After isave ni girl yung number niya naghiwalay na sila.
After one week nakareceive si girl ng text galing kay boy.
BOY: hoy! Ngayon na natin sisimulan yung deal. Pumunta ka sa toot restaurant and wear something formal para di nakakahiya sa ex ko. Pag di ka pumunta susunduin kita sa bahay niyo.
Nagdadalawang isip si girl kung pupunta ba siya o hindi.
GIRL: hmmmp. Bahala siya sa buhay niya. Hindi niya naman alam ang bahay namin.
Sabi ni girl sabay higa sa kama at natulog. Nasa kalagitnaan na ng pagtulog si girl ng gisingin siya ng mama niya.
GIRL: bakit po?
MAMA: nasa labas yung boyfriend mo. Sinusundo ka. Di ka daw sumipot sa date niyo.
GIRL: po? Pero wala po akong boyfriend ma.
MAMA: sus, wag kana magdeny anak dahil napagdaanan ko na yan. Di mo pala sinabi na ang gwapo ng boyfriend mo ha. Anyway, bumaba kana at baka naiinip na yun.
Di na nakapagsalita si girl at lumabas na lang siya. Pero agad din siyang napatakbo pabalik sa kwarto niya ng makita kung sino ang sinasabi ng mama niya.
GIRL: holy cow! Paano niya nalaman ang bahay namin?
Part 2)
Wala ng nagawa si girl kundi magbihis at sumama kay boy. Pagkalabas nila ng bahay nakita ni girl ang motorbike ni boy na nakaparada.
GIRL: hoy! Don’t tell me dyan mo ko pasasakayin?
BOY: so?
GIRL: What the fudge! Di mo ba nakikita suot ko? DRESS to! Dress!
BOY: tss. Wala namang magnanasang tumingin dyan dahil wala yang laman.
GIRL: You! Grrrrrr.
Inis na Inis na umangkas si girl sa likod ni boy.
BOY: kumapit ka.
Kumapit si girl sa balikat ni boy.
BOY: hindi ganyan. Dapat ganito.
Kinuha niya ang kamay ni girl at iniyakap sa kanya.
GIRL: ano ka siniswerte? Bat ako yayakap sayo!?
BOY: Aarte ka pa. Swerte mo nga mahahawakan mo abs ko. Tsk! Bahala kang mahulog dyan.
Biglang pinaharurot ni boy ang motorbike niya kaya walang nagawa si girl kundi yumakap sa kanya.
BOY: yayakap din pala ang arte pa.
Hindi na lang siya pinansin ni girl. Pagdating nila sa resto bumaba agad si girl habang nakasmirk namang naglakad si boy papasok. Nasa pintuan pa lang sila nakita na niya ang ex niya.
BOY: hoy, ayun yung ex ko. Dun tayo uupo sa kalapit niya para makita niya kung gaano tayo ka sweet dalawa. Kaya galingan mo pag arte mo.
GIRL: oo na bwiset ka.
BOY: Don’t worry pag naging kami ulet bibigyan kita ng isang dosenang napkin.
GIRL: damn you!
Napatawa na lang si boy sabay offer ng kamay niya.
GIRL: ano nanaman yan?
BOY: holding hands! Wag kang mag’alala mas makalyo kamay mo sa kin.
Inirapan lang siya ni girl sabay hawak sa kamay niya. Pumasok sila at dumiretso sa kalapit na upuan ng ex ni boy.
BOY: babe what do you want to eat?
Malambing na tanong ni boy kaya lihim na napairap si girl.
Sinabi niya ang order niya and after that umorder na si boy. Pag dating ng order nila sweet na sweet silang nagsusubuan.
BOY: babe eto pa oh, say ahh
Isinubo ni girl ang ibinibigay ni boy habang nakatingin sa ex ni boy na nakatingin sa kanila pero agad ding nag’iwas ng tingin.
GIRL: ikaw din babe, say ahh.
Alam ni boy na nakatitig sa kanila ang ex niya kaya isinubo niya ito at pinisil sa cheeks si girl.
GIRL: ano ba yan babe, parang bata ka naman kumain, look at you, may kanin ka pa sa gilid ng labi.
Pupunasan na sana ito ni boy pero pinigilan siya ni girl.
GIRL: ako na babe.
Inilapit ni girl ang mukha niya kay boy sabay lick sa kanin sa gilid ng bibig ni boy. Napatulala si boy sa ginawa ni girl habang inis na inis naman na umalis ang ex...


ni boy. After umalis ng ex ni boy, Napatawa ng malakas si girl.
GIRL: HAHAHAHA! Nakita mo ba yung mukha niya? HAHAHA so priceless. HAHAHA
Sabi ni girl kay boy na lalong natulala sa kanya.
GIRL: hoy?!
NAgulat si boy at biglang napatayo habang si girl naman ay nagtatakang tumingin sa kanya.
BOY: tss. Let’s go.
Tumayo na si girl at sumunod kay boy habang tumatawa.
Lumipas ang mga araw, Laging ganun ang routine nila. Pag nandiyan si ex, sweet sila. Pero pag wala para silang asot pusa. Tumagal sila sa ganung sitwasyon hanggang sa narealize ni girl na mahal na niya si boy. Nasasaktan siya sa ginagawa nila pero wala naman siyang magawa. Di niya alam kung paano kokontrolin ang feelings niya dahil habang tumatagal mas lalo niyang minamahal si boy. Gusto man niyang aminin pero wala siyang lakas ng loob dahil alam niyang lalayuan siya ni boy. Hanggang isang araw, Nakita ni girl si boy at ang ex nito na magkasama. Lalapit sana siya ng marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
EX: So, kamusta naman kayo?
BOY: Ayos naman, pakiramdam ko nga mahal na niya ako.
EX: Really?
BOY: yup.
EX: so what is your next plan? Paano pag nalaman niya na plano mong paibigin siya?
BOY: ano pa ba? Alam mo na yun.
Nagulat si girl sa narinig niya. Di niya inakala na kasinungalingan lang ang ginagawa nila.
(Part 3
After one week. Nakasalubong ni girl si boy. Lalagpasan sana niya si boy pero nahawakan agad nito ang braso niya.
GIRL: Ano ba? Bakit ka ba nanghihila?
BOY: Ano bang problema mo? Bakit di mo sinasagot mga tawag at text ko? Lagi ka ring wala sa bahay niyo.
GIRL: Ano bang pakealam mo?
BOY: Damn it! tell me, iniiwasan mo ba ako?
GIRL: may dahilan ba para iwasan kita?
BOY: Don’t make me fool.
GIRL: and don’t make me fool too.
Galit na sigaw ni girl. Nagulat si boy sa sudden out burst ni girl.
Di niya alam kung bakit galit ito.
GIRL: Ang galing mo! Napaikot mo ako. Napaniwala mo ako. Galing.
BOY: what do you mean?
Naguguluhang tanong ni boy.
GIRL: I know your plan Nick! i know na plano mong paibigin ako sayo! And then ano? Paglalaruan mo yung feelings ko! After i fall ano? iiwan mo ko? Pagtatawanan mo ako! The fuck nick! Bakit ako? Bakit ako pa?!
Nagulat si boy sa sinabi ni girl. Hindi niya alam kung saan niya nalaman ang bagay na yun.
BOY: Kyla let me explain!
GIRL: Explain! Ano nanamang kasinungalingansasab­ihin mo? Ayoko na nick!!
Aalis na sana si girl ng may maalala siyang sabihin.
GIRL: Anyway congrats, Congatulations dahil nagawa mo. Mahal na kita. Minahal kita at minamahal kita. I hope na maging masaya ka.
Sabi nito sabay alis.
BOY: Kyla wait!
Hahabulin niya sana si girl para mag’explain pero naisip niya na hindi ito makikinig sa kanya.
BOY: What have i done? She missunderstood everything.
Sabi ni boy sa sarili bago umalis.
.
(Part 4)
Kinabukasan inabangan ni girl si boy. Nang makita siya ni girl nagmamadali itong umalis pero hinabol siya ni boy at dinala sa rooftop.
GIRL: Ano nanaman bang kailangan mo?
Sigaw ni girl.
BOY: kyla mahal kita!
Natigilan si girl sa sinabi ni boy. Pero naisip niya na isa nanaman ito sa pakulo ni boy.
GIRL: Mahal? Mahal mo ako? O kailangan mo ako? tama na nick! Iba na lang paglaruan mo. Nasasaktan na ako.
(PART 5)
BOY: Pwede ba pakinggan mo muna ako?! Oo plinano ko yun. Plinano ko yun dahil gusto kong mahalin mo din ako gaya ng pagmamahal ko sayo! Ginawa ko yun para mapansin mo ako. Kase alam mo, matagal na kitang mahal, at ayokong patuloy na maging invisible sayo. Kyla please believe me, Kahit last na to, please maniwala ka dahil totoo na to. Di na to pagpapanggap lang! I love you and i cant stand with the thought na yung babaeng mahal ko galit sa akin.
Umiiyak na paliwanag ni boy. wala namang masabi si girl dahil hindi niya alam ang sasabihin. Gusto niyang maniwala pero natatakot naman siyang masaktan ulit. The pain is already killing her inside.
Tumalikod na si girl para umalis pero napatigil ulit siya sa sinabi ni boy.
BOY: i will prove it to you. Just wait and i’ll prove to you na totoo na lahat ng sinasabi ko. Just wait baby dahil di ako papayag na patuloy kang magalit sa akin.
After that umalis na si boy at iniwan ang umiiyak na si girl.
Day passed, week’s, and months, Wala silang connection pero umaasa si girl, Umaasa si girl sa mga binitawang salita ni boy. Until that day came, February 14, JS Prom, Hinintay niya si boy pero di to dumating. Mag isa siyang um-aatend. Nainggit si girl sa mag papartner na nakikita niya kaya naisipan niya na lang maglalakad lakad. Di sinasadya na makarating siya sa lugar kung saan sila unang nagkita, Napaiyak na lang siya ng maalala lahat ng memories nila. Nag stay pa siya dun hanggang sa naisipan niyang bumalik sa hall. Pero nagulat siya sa nadatnan niya. Si boy, may hawak na mike at nakatapat sa spotlight..
-Van Adela


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.