0

CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 20


Report

– Lorraine-
Gusto ko sanang ipagluto si Alex kaya lang mas gusto nya na umupo lang ako habang nanunuod sa kanya.
” Alex hindi mo na kailangang gawin yan ngayon. Magaling na ako! Ako na dapat nagsisilbi sayo para naman kahit papano makabawi ako sayo sa lahat ” lumapit sya sakin at hinawakan ako sa pisngi
” Lorraine wag ka mag-isip ng ganyan. Hindi ko kelan man hihilingin sayo na bumawi ka sakin dahil hindi ako ganong tao. Masaya ako sa ginagawa ko at kahit habambuhay pa kitang alagaan wala akong problema don dahil yun ang gusto ko. Nung dumating ka sa buhay ko, bigla ko nalang sinabi sa sarili ko. ” I feel complete now” hindi na importante sakin kung ano ang nakaraan mo at kung sino ang mga minahal mo before dahil lahat yon ay tapos na. Tanggap kita at tanggap ko rin si Reyden dahil mahal ko kayo pareho”. Naluha ako sa sinabi ni Alex sakin. Kapag nagsasalita kasi sya sakin ramdam na ramdan ko yung pagiging sincere nya.
” Hindi ko na alam ang sasabihin ko Alex . Talagang speechless ako sayo hindi ko alam kung bakit. Wala pa akong nakilalang tao na gaya mo. Mahal na mahal din kita ”
” Ehem! Mukhang lalanggamin ata ang bahay natin dahil sa dalwang sobrang tamis magyakapan. Magkakaron na ba ako ng kapatid?” Natawa kami pareho sa sinabi ni Reyden
” Anak, wala pa. Ikaw palang ang baby ko ” si Reyden naman ang niyakap ko
” Ma binata nako, baby ka dyan! Gusto ko na makita ang magiging kapatid ko. Tito Alex ano na? Ang bagal ah! ”
” Soon Reyden, soon! Hahaha”
” Puro kayo kalokohan ah! Kamusta ang school? ”
” Lorraine, hindi mo na kailangan tanungin yang anak mo, nakausap ko prof nya talagang magaling yang anak mo. Yun nga lang, lagi daw may kaaway na babae. Pasensya kana Reyden, hindi ko lang talaga kaya magsinungaling sa mama mo hahaha”
” Ano ? Nang aaway ka ng babae? Masama yun anak! ”
” Ma ganito po kasi yon, ahmm, mahabang kwento e. Basta po ma, sobrang nakakaasar sya. Ang hina kasi ng utak nya ”
” Anak, kahit na. Hindi ka dapat makitungo nang ganyan sa isang tao. Baka tamad lang talaga syang mag-aral”
” Pero masipag mag make up? Lahat ata ng klase ng make up alam pero yung mga magagandang aral sa libro kahit isa ma, kahit isa wala! ”
” Relax Reyden. Atleast walang mas matalino sayo sa klase hahaha”
” Alex ano ba! Reyden sundin moko ha! Wag kang makikipag away sa babae masama yon! ”
” Sorry na Lorraine . Nagbibiro lang naman ako”
” Ayoko pong mangako ma kasi po, pag nakita nyo yung babaeng yon, makakalimutan nyo po talaga na rumespeto. ”
” Promise me Reyden! Ayoko nang ganyang sagot! Hayaan mo nalang! Umiwas ka hanggat kaya mong umiwas .mamaya mapatawag pako dahil sa ginagawa mo gusto mo ba yon? “.
” Sige na po ma. Hindi na po. Sorry na po”
– MARK-
” Good morning sa pinaka pogi kong papa! Kamusta po? Kumain na po kayo? ”
” Naglalambing ang anak ko ah, may gusto ka sigurong ipabili sakin no?”
” Ahmmm, teka sandali lang mag-iisip ako. Wala naman po papa. Gusto ko lang po magpatulong gumawa ng research ”
” Ahh yon lang naman pala e. Sige wala naman akong work ngayon e ”
” Yes! I love you talaga papa! ”
Napatingin kami ni...


blessy sa pinto nang may pumasok. Kakauwi lang ni Jane. San naman kaya ito nanggaling? Ang sama ng tingin nya sakin. Hindi parin talaga napapawi ang galit nya sakin . Hindi nya ako pinansin kahit na ang anak nya.
” Pa bakit parang galit nanaman si mama? ”
” Palagi namang galit yang mama mo may bago pa ba don?”
” Jane maupo ka mag-usap tayo! ” Ako nanaman ang magpapakumbaba kahit na wala akong kasalanan.
” Ma, lagi nalang ba ganito? Nakakasawa na ganito kayo lagi! Kakasira ng araw ah! Hindi ka naman niloloko ni papa ! ”
” Blessy enough! Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang mama mo! Mama mo parin sya ”
” Ayan dyan kayo magaling! Magkampihan pa kayo! ” Napakamot nalang ako sa ulo. Naaawa nako sa anak ko. Alam ko sya ang mas naapektohan sa mga away namin ni Jane.
” Blessy, i’m sorry ”
” Pa wala naman kayong kasalanan diba? Si mama lang tong madumi ang isip. Thankful parin ako dahil hindi mo parin sya iniiwan kahit na lagi ka nyang inaaway. ”
” Dahil mahal ko kayo blessy. Ayaw kong masira ang pamilya natin dahil ayaw kong magkaron ka ng broken family. Ayaw kong tuksuhin ka ng ibang tao dahil sakin. ”
” Sana makakita rin ako ng lalaking kagaya mo pa. Meron pa kaya ? ”
” Wag ka munang magboboyfriend. Hindi pako handa. Gets mo?”
” Gusto ko lang maexperience pa”
” Wag na anak. Ayaw kong makita na umiiyak ka baka hindi ako makatimpi. Wag na wag magkakamali ang kahit sino na saktan ka dahil talagang makakapatay ako”
” Takot naman ako don pa! Ipapakilala ko naman po sa inyo yung magiging boyfriend ko tapos sasabihin nyo lang kung okay ba o hindi”
” Gawin mo na yang kailangan mong gawin sumasakit ulo ko sa sinasabi mo”
” Lara De Villa Salmorin isang psychologist. Marami naring napagaling na mga taong may problema sa pag-iisip.
Parang pamilyar sakin ang itsura nya . San ko nga ba sya nakita?
” Pa marami napo pala syang naging pasyente tapos lahat gumaling. Ito yung mga list. Unahin ko na yong mga nabaliw na tao dahil nadepressed . Baka may kilala kayo pa sabihin nyo lang hahaha”
” Wala naman akong kilalang tao na nabaliw ”
” Simon Aragon?”
” No”
” Patricia Vergara?”
” No”
” Alison Magnayon?”
” No anak.. wala nga akong kilala sa mga yan. Sandali ipagtitimpla muna kita ng gatas
“Pa meron ditong gonzales baka kilala mo? ”
” Gonzales? Wala naman kaming kamag-anak na nabaliw ”
” Lorraine Gonzales?”
Napatigil ako sa pangalang narinig ko. Tumingin ako sa laptop ni blessy para makasiguro. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ni Lorraine. Pano naman sya mababaliw? Kalokohan yan!
” Ano pa? Kilala mo na?”
” Patingin nga ako ng picture ni Doc Lara De Villa ba yon? ” Lalo akong nagulat nang makilala ko sya. Sya yung lumapit sakin noon dahil kaibigan daw sya ni lorraine sinampal nya rin ako. Paano? Hindi ko na alam ang iisipin ko
” Pamilyar ba mukha nya pa? ”
” H-Hindi ”
” Parang may nabasa ako na, may tao daw talagang kamukha mo dito sa mundo hindi lang isa kundi pito. Tapos yung isa , posible daw na nakita mo na. Totoo ba yon? Wala pa naman akong nakikita na kamukhang-kamukha ko”
” Sya man o hindi ang babaeng yan kailangan kong malaman “.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.