3

CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 1


Report

CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 1
– LORRAINE –
Hindi kami magkatagpo ng Asawa ko kahit sa iisang bahay Lang kami umuuwi. Hindi ko Alam Kung sinasadya ba nya o nagkakataon Lang. Nilaan ko Ang araw na to para bigyan sya ng oras baka kasi masyado na kaming nagiging busy sa trabaho Kaya Wala na kaming time sa isat-isa. Gusto Ko ulit buhayin Ang marriage namin dahil minsan para nalang akong hangin sa kanya Lalo na nang mamatay Ang anak namen. Pinagluto ko sya ng dinner para sabay kaming kumain. Namimis ko narin Yung mga masasayang moments namin kapag magkasama kami. I want to surprise him. Pinatay ko Ang mga ilaw at tanging Ang apoy sa kandila Lang Ang magbibigay liwanag para saming dalawa. Pinitas ko Rin Ang mga petals nang mga mababangong bulaklak para ikalat sa lamesa at sa madadaanan nya. Tiyak na kapag pumasok sya ay maamoy nya agad Ito. Gusto nya ng amoy ng sariwang bulaklak dahil natural daw Ito. Naligo muna ako at nag ayos ng sarili. Isa daw sa nagustuhan ng Asawa ko sakin noon ay Ang pagiging simple Kaya naman hindi ko na kailangan pang lumagay ng kahit na ano pang make up. Sapat na siguro Ang kahit powder at lipstick Lang. Naka bathrobe lang ako at Wala nang balak bumihis pa ng maayos na damit. Gusto kong maramdaman nya ulit ako ngayong gabi.
Tahimik lang akong naka upo at naghihintay ng pagdating nya. Nang makaramdam ako ng antok ay tumingin ulit ako sa orasan. Gabing-gabi na pero Wala parin sya Kaya naka idlip ako. Nagising nalang ako nang maramdaman Kung may papalapit na sa pwesto ko Kaya napa ayos ako ng upo.
” Hon, bakit ngayon kalang? Kanina pa Kita hinihintay. Kumain kana ba? ”
” Busog ako. Kumain nako sa labas kanina ”
” Ganon ba? Sige liligpitin ko nalang to Wala narin akong gana kumain”
” Hindi mo na dapat ako hinihintay. Kung nagugutom ka kumain ka ng kumain at hindi ka na dapat nag abala pa dito. Bakit merong ganito ngayon? Ano bang meron? ”
” Anniversary naten ngayon nakalimutan mo na ba? ” Tumango-tango Lang sya pero alam ko at ramdam ko na nakalimutan nga nya. Lumapit ako sa kanya para yakapin sya pero tumayo sya ng balak ko syang halikan sa labi.
” May problema ako. Yung boss namin nagagalit na sakin Ang bagal ko daw tumrabaho kapag may palpak sa mga kasama ko ako nalang lagi Yong pinag iinitan nya. ”
Ayaw na ayaw ko nang nagkaka problema Ang asawa ko. Gusto Ko Yong palagi lang syang nakangiti . Ayaw ko syang panghinaan Kaya Hindi ko pinapakita sa kanya na apektado ako sa nararamdaman nya.
” Ayos lang Yan hon, Ang importante , alam mo sa sarili mo na Hindi ka palpak”
” Anong ayos? Kaya ko nga sinasabi sayo kase hindi maayos! Ano bang nangyayare sayo Lorraine?! ”
” Bakit ? May Mali ba sa sinabi ko? ”
Tinabig nya Ang mga gamit sa lamesa Kaya nabasag Ang mga Ito. Nagulat ako sa ginawa nya dahil ngayon nya Lang Ito ginawa.
” Masaya kapa ba? Masaya kaba na ganito Tayo? Kasi ako Hindi na ”
” Anong saya pa ba hinahanap mo? Masaya naman Tayo dati Kaya Hindi mahirap na maging masaya tayo ulit Diba? Inuumpisahan ko na nga ngayon e”
...


Kinaladkad ako ni Mark papasok sa kotse nya . Hindi ko alam Kung ano Ang nangyayare sa kanya ngayon. Aalis kami gayong gabing-gabi na.
” Hon, nasasaktan ako San ba Tayo pupunta ? Pumapatak na Ang ulan ”
” Wala akong pakialam kahit na mabasa pa tayo at magkasakit tayong dalawa ! ”
Nanlaki Ang mga Mata ko ng matanto ko Kung San kami nakarating. Dinala nya ako sa sementeryo kahit gantong oras na. Pero hindi lang yon Ang concern ko, Ang totoo kahit na umaga pa ako dalhin dito Hindi ako pupunta dito.
” Mark ayoko ! Hon please? Umuwi na Tayo! ” Balak ko ulit bumalik sa loob ng kotse pero kinaladkad nya ako ulit. Sa bawat hila nya sakin kahit nasasaktan na ako sa hawak nya pumapalag parin ako sa kanya pero talagang mas malakas sya Kaya nakaya nya parin ako. Napaupo ako sa puntod ng anak ko.
” Kahit ngayon Lang Lorraine , ipakita mo naman sakin na nalulungkot ka! Na Hindi ka masaya sa pagkawala nya! ”
Kahit na parang tinutusok ng paulit-ulit Ang dibdib ko nilabanan ko parin Ang sakit. Walang kasing sakit at kasing lungkot Ang mamatayan ng anak pero kelangan Kong magpakatatag para sa sarili ko dahil sa sandaling tumulo Ang luha ko, mahihirapan nakong bumalik sa tamang pag-iisip.
Napatabon ako sa magkabilang Tenga ko ng bumalik nalang bigla sakin Ang ala-ala Kung pano patayin Ang mga magulang ko sa harap ko. Pati narin Ang ala-ala nang mga panahong nagbubuntis pa ako at Kung Pano tumulo Ang dugo sa mga hita ko Kaya sya nawala.
“Hindi.. Hindi … ” Bulong ko sa sarili ko.
” Mark umuwi na tayo! Hindi matutuwa Ang anak natin Kung nakikita nya na pinahihirapan mo Ang Ina nya”
” AHHHHH!!! ” Pinagtatapon nya Ang mga bulaklak na alam Kong sa kanya lang galing. Never kasi akong dumalaw dito simula ng ilibing sya. Wala akong magawa kundi hayaan lang sya sa ginagawa nya dahil alam Kong Hindi sya papaawat at Lalo Lang syang magagalit sakin.
Iniwan nya akong mag-isa sa puntod ng anak namen dahil umalis na sya. Kahit sira-sira na Yong mga bulaklak inayos ko yon at binalik sa lalagyan.
” Anak… Patawarin moko. Siguro naman Alam mo Kung ano Ang tunay na sa puso ko Kaya kahit hindi ako umiyak sayo ngayon alam mo Kung Gano Kita kamahal. Iniisip ko nalang kasi, masaya kana Kung nasan ka man ngayon at binabantayan mo parin ako. Sa puso ko buhay na buhay ka parin Kaya kinakaya ko anak.. ”
Umuwi kami sa bahay ng Wala manlang kibuan. Gustuhin ko man magsalita galit na galit sya makatingin sakin. Hindi nalang ako magsasalita para matapos na
Dumiretso sya agad sa cabinet namin. Akala ko magpapalit lang sya ng damit pero kinukuha nya na lahat at nilalagay nya sa bag
” Mark San ka pupunta? Anong ginagawa mo?”
Nanghina ako nang basagin nya Ang litrato namin sa kasal
” Hon bakit? Bakit mo sinira to? ”
” Walang saysay Ang pagsasama natin Kung Wala tayong anak! ” Hinabol ko sya at nagmamakaawa na wag nya akong iwan. Mahal na Mahal ko Ang Asawa ko at sya Lang Ang pinakikisamahan ko ng maayos pero ngayon gusto nya akong iwan Kaya Hindi ko ito matatanggap “


3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.