4

Complicated


Report

Noong grade 6 ako may palagi nang bubully sa akin na kaklase kong lalaki ,palagi akong inis na inis sa kanya kasi naman walang araw na hindi niya nasisira araw ko pero hinahayaan ko lang siya. Hanggang sa nagrecollection kami sabi ng friend ko na si She ” alam mo Kaya siguro parati binubully ni Liam( code name Lang haha) may gusto ata siya sayo, until naisip niya na pagbatiin kaming dalawa ewan ko sa kanya isang araw hindi niya ako pinapansin hindi na rin siya nang-iinis napansin rin ng mga kaklase namin kaya pinagbati kami . Naghand shake kami nang nangyari yun parang may Kung anu sa akin na bigla akong na conscious sa kanya . Bata pa kami noon kaya isinantabi ko yung naramdaman ko , hanggang sa nagjogging school kami paguwian nakakasabay namin siya maglakad pauwi ng mga kaibigan namin noong elementary tinutukso nila ako sa kanya ,ramdam KO na kahit papanu pareho kami nang nararamdaman bihira ko lang siya makausap o makita dahil malaki skwelahan namin at magkaiba Kami ng section kaya kapag nakikita ko siya hindi ko maiwasang mangaba yun bang parang may Paro Paro sa tiyan na hindi makawala at pagkausap niya mga kaibigan namin hindi ko siya magawang kausapin dahil nahihiya ako kaya ang ending hanggang friends lang talaga kami. Lumipas ang mga araw,buwan at taon hindi ko na siya nakikita siguro dahil sa abala na kami sa kanya kanya naming buhay wala ako balita sa kanya . Nakagraduate na ako sa college sa kursong Edukasyon, doon na lamang ako nagkabalita sa kanya ,nang nagreunion kami ng mga kaklase namin noong elementary sabi ng kaklase kong isa nagaral daw siya na 2 years sa kolehiyo pero Hindi niya alam kung graduate siya at nagtatrabaho na ito sa isang paggawaan ng pagkain sa aming lungsod ,sabi sa sarili ko buti pa siya may trabaho na masipag at pursigido ata siya matulungan ang pamilya niya dahil noong collage ako isang beses nakita ko siya na nagpapasada ng tricycle siguro noong time na yun nagaaral ata siya kung huminto man siya sa pag aaral bat kaya? pero kahit ganun hinahangaan ko siya sa sipag niya at hindi na siya umaasa sa magulang niya . Isang araw pyesta sa amin last 2017 nagkayayaan kami ng mga kaibigan namin ng elementary na gumala sa sayawan nang mainip kami umalis kami at pumunta sa bahay ng kaklase namin para maginuman daw eh sa bawal ako kaya sila lang haha, walang yelo mabilhan sa kanila kaya naghanap kami ng tindahan mabibilhan ang bahay ni Liam ay malapit lang sa kanila ,sa ingay namin noon tulog na ata sila napadaan kami kasi medyo madilim na sa may parti ng bahay nila lumabas siya, gosh hindi ko alam na lalabas talaga siya alam niya siguro kami Yun kasi sa group chat yinaya siya ng best friend ko ,yung naramdaman ko sa kanya noon parang na buhay bigla aaminin KO mas lalo siya pomogi at ang tangkad na niya...


. Sabi ng bestfriend ko” Liam si Thala pala na aalala mo pa? sagot niya” oo naman” sabay ngiti sa akin, bigla pa may tinanong yung bestfriend ko ” may gusto Ka ba sa kanya noon”? Tango naman siya, “eh ngayon ?”tanong uli ni bhes “OO ” sabi niya isang salita lang pero ang lakas ng impact sa akin parang bulta bultahing kuryente pumasok sa akin tinakpan ko bibig ko dahil sa bigil na ngiti pero alam niyo kinabahala ko? Nakita ko kasi na parang nakainum siya dahil nga pyesta may inuman rin ata sa kanila bago kami dumating.
Hanggang sa lumipas ang ilang araw may chinika sa akin yung bestfriend ko (bakla po Siya)katext niya daw si Liam kinakamusta raw ako ayun siya na nakipagtext haha. Kinaumagahan may nagadd friend sa akin sa FB , OMG siya pala!ayun inaccept ko syempre haha . Tuwang tuwa ako ikaw ba naman kachat na si crush noon. Ayun nagchat nga kami pero parang nasa friendship lang kami. Hindi ko na ilalagay ang mga convo hahaba eh haha. Pero alam niyo ba noong katext niya bestfriend ko sabi niya Kay Liam bat Hindi mo ligawan sabi niya” Friend lang daw ayaw niya pa daw magkagf” kaya ang convo namin parang magkaibgan lang sabi ko mabuti na lang yung ganito na friends kami kasi hindi naman kami close noon. Hanggang sa lumipas ang mga buwan ulit hindi na Kami nagchat busy na Kasi ako magtatake Kasi ako nang board exam. Nagchat uli siya noong December lang nitong 2017 merry Christmas daw , hay alam ko na to chat Kami hanggang mag11 na gabi kasi may trabaho siya maaga kinabukasan after noon ,new year naman uli siya nagchat kwentuhan kami kung anu ginawa namin noong araw na yun ,hanggang sa matatapos convo namin sa good night haha,Okay lang naiintindihan ko siya haha -feeling gf. At last na naming chat ulit nitong February 14 2018 ,alam niyo natawa ako Kasi yung dalawa ko friend sa GC pinapaiingit ako dahil Meron nagpaparamdam SA kanila noong Valentines ,Sabi ko ” okay kayo na masaya ako na single haha” Mamaya Maya hindi ko expect na magchachat siya nagsent siya picture ng 5 red roses at least may roses kahit picture hahaha sabay sabi happy valentine’s day Thala (kilig si ako) haha .
Alam niyo hindi ko alam kung anu na talaga siya maintindihan ayaw ko umasa na may gusto talaga siya sa akin friends lang daw diba pero ang mga chat niya Kasi parang nagpahiwatig. Minsan iniisip ko parang hindi kami bagay kasi matangkad at may itsura siya ,ako petite although sabi nila cute ako haha. At pagdumating yung araw na magkikita kami at magkakausap gusto ko may trabaho na ako para naman may ipagmalaki ako sa kanya,hindi ko Kasi kaya na makipagusap SA kanya na may pinagdadaaanan ako ngayon gusto ko muna maging maayos ang sarili ko. Sa ngayon magtatake uli ako ng board exam at after magaaply ulit ng work.


4 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.