0

BUNTIS AKO AT KUYA MO ANG AMA


Report

Napangisi ako nang makita ko ang isang pamilya na bagong lipat sa aming lugar.
“Tangina may gwapo,” bulong ko sarili ko.
Napangiti ako nang tignan ako ng batang babae, halatang 5 years old palang ‘to. Kapatid n’ya siguro.
Ilang araw ang nakalipas nakita kong paminsan-minsan lang lumabas yung gwapong kuya na bago naming kapit-bahay, kaya ako na ang gumawa ng paraan para makita ko ang gwapo n’yang bay*g este- mukha.
Nasa tapat na ako ng gate nila. Nanginginig kong pinindot ang door bell. Ilang minuto ang lumipas at sa wakas bumukas na din ang pinto nila.
“K-kuya pinapabigay po ng m-mama ko,” utal-utal kong ani.
Sino ba naman kasi ang mauutal kung isang gwapong lalaki ang sumalubong sa’yo?
Sinuklian n’ya ako nang ngiti na s’ya talagang nagpahulog nang dede ko.
Habang nasa kwarto napangisi ako dahil sa kalokohan na naisip ko.
Agad ako nagtungo sa labas at sinalubong ang nakababata n’yang kapatid.
“B-BUNTIS AKO! AT K-KUYA MO ANG AMA!”
Ani ko habang nakaluhod sa harap ng nakakababatang kapatid n’ya.
“A-ate tumayo ka po, sasabihin ko po kina mommy.” Agad s’yang tumakbo at pumasok sa bahay nila para magsumbong.
Napangiti ako, mission accomplished.
Lumipas ang gabi at hindi pa din ako umaalis sa tapat ng bahay...


nila.
“TANGINA MO! PAGKATAPOS MO AKO BUNTISIN HINDI MO AKO PAPANAGUTAN?! WALANG HIYA KA!” Pinagbabasag ko ang mga paso na nasa labas nila.
Biglang bumukas ang gate nila at hinila ako papasok ng isang hindi kilalang babae. May kaidaran na din ito. Siguro nanay niya.
“Mama buntis ako at ang anak mo ang ama.” Niyakap ko s’ya halatang takot na takot ako.
“Wag ka mag aala iha papanagutan namin yan.” Napangisi ako.
Inupo n’ya ako sa sofa at pinainom ng tubig.
Nagulat ako ng tumabi yung gwapong lalaki sa akin.
“Humanda ka. Magbabayad ka ng mahal dahil sa ginawa mo.”
Kinabahan ako nang ibulong n’ya sa akin ‘yon.
“Iha baka nag kakamali ka, baka hindi ang anak ko ang ama ng dinala mo,” mahinahon na aniya ng nanay niya.
“Ma’am maniwala kayo buntis ako at ang anak mo ang ama.”
Kita ko ang pag ngiti ng batang kapatid n’ya.
“Hindi maari dahil….” saad ng tatay n’ya mula sa likod ko.
Hindi maaari? Kase?
“Iha tomboy ang anak ko.”
TANGINA?
Napatayo ako dahil sa gulat nang sinabi n’ya iyon.
Ngunit agad din ako hinila ng anak n’ya.
“Papakabit ako ng tite para mabuntis kita.”
Bulong na halos ikalamig ng katawan ko.
YAWA!
Written by Molly Penrose


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.