0

BROKEN FAMILY

BROKEN FAMILY
A short story that will make you cry
“Okay class, bukas na ang family day kaya dapat dala niyo ang pamilya niyo.”
;Teacher, pano po si Jane pilay ang papa niya hahaha baka madapa lang yun.
“Klyde ganyan ba yung tinuro sayo ng parents mo? Masamang manghusga ng tao.”
;Sorry po teacher.
“Ikaw Jane? Sasama ka ba sa family day.?”
Wala naman po akong madadalang family eh, si papa po busy sa palengke, si mama sabi niya mahal niya ko pero bakit niya ko iniwan?
“Wag kanang malungkot, gusto mo ako nalang yung magsisilbing mama mo sa family day?”
Talaga po teacher?
“Oo naman, isama mo ang papa mo para may bonding kayo.”
Ah, eh? wala naman yung paki-alam sakin teacher eh.
“Wag kang magsalita ng ganyan sa papa mo. Kung wala siyang pakialam sayo bakit ka niya pinag-aaral sa private school? Umuwi kana sa bahay niyo.”
Opo teacher.
‘Oh, anak andito kana pala pinagluto kita ng paborito mo.’
Wala po akong gana kayo nalang po yung kumain.
‘Anak, masamang magpalipas ng gutom baka magkasakit ka niyan.’
Sana nga po eh, sana nga hindi na sakit sana mamatay nalang ako.
‘Anak naman andito pa si papa oh.’
Andiyan ka nga pero palagi naman akong binubuly sa school dahil sayo.
‘Hayaan mo anak simula bukas hindi kana bubulihin sa school niyo.’
Ang malas ko kasi ikaw yung naging papa ko.
Umalis kana sa harap ko, inaantok ako.
Kinabukasan hinanap niya ang malamig na boses ng kanyang ama.
Maaga siyang umalis sa bahay nila para sa family day. Biglang napatigil ang sasakyan na sinasakyan niya dahil sa mga taong nagkukumpulan sa daan.
Lumabas siya sa sasakyan para tingnan ang nangyayari.
Sumiksik siya sa mga tao hanggang sa makita niya ang nakahandusay sa katawan ng kanyang...


ama. Nilapitan niya ito.
“A-anak, mahal na mahal ka ni papa.”
Mahal na mahal rin kita pa. Sorry sa mga nasabi ko sayo.
“Ano k-kaba anak ayos lang yun. H-hindi kana b-bulihin sa school niya niyo ngayon.” Nahihirapan sabi ng kanyang ama
Dumating na ang ambulansiya para dalhin sa ospital ang kanyang ama. Sumama siya para bantayan ito.
Pagkadating nila sa ospital ay agad na bumungad sa kanya ang dalawang nurse.
:Maam dito nalang po kayo bawal pumasok kasama ang pasyente.
Hindi niya matiis na sumilip sa kwarto kung saan naroon ang ama.
Hindi niya kayang makita na nag aagaw buhay ang ama. Duguan at nakaka-awang tingnan.
Ilang saglit pa ay lumabas ang doctor, agad siyang napatayo at nag tanong tungkol sa kalagayan ng ama.
D-doc ano na pong kalagayan ng papa ko?
;Im sorry maam, wala na ang papa mo sinubukan namin ang lahat ng makakaya namin para maisalba siya pero hindi kinaya ng katawan niya.
Pumunta siya sa loob kung saan naroon ang kanyang ama. Na natatakpan ang buong katawan ng berdeng tela.
Agad niya itong niyakap habang humahagulgol sa iyak.
Pa naman, ang daya daya niyo. akala ko ba mahal moko, iniwan mo din naman ako.
:Maam, kailangan na pong linisan ang katawan ng ama mo, makakalabas na po kayo.
Umuwi siyang maga ang kanyang mata dahil sa walang tigil na pag iyak.
Kinuha niya ang damit nang kanyang ama na hindi pa nalalabhan.
Inamoy niya ito, at itinabi sa pagtulog. Habang yakap ang damit ramdam niya ang mainit na yumakap sa kanya hanggang sa makatulog siya.
Kinabukasan naninibago siya kasi.
Wala ng malamig na boses ang bubungad sa tenga niya.
Wala ng ama ang pipilitin na pakainin siya.
Wala ng ama ang magcocomfort sa kanya.
Wala na, mag-isa nalang siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *