0

BROKEN DIN SI LORD


Report

Kung sa mundo uso ang mabroken, well uso din yun kay Lord — usong-uso.
Sa totoo lang sa ngayon, basag na basag na ang puso ng Diyos.
Broken na broken na si Lord dahil maraming tumatalikod sa kanya.
Broken na broken si Lord kase ang daming false converts, ang daming depressed, ang daming nagsusuicide, ang daming hindi sumasampalataya.
BROKEN SI LORD PARA SA HENERASYON NATIN!
Broken si Lord dahil puro ka nalang facebook.
Broken si Lord kase di kana nagdedevotion.
Broken si Lord kase wala ka ng takot sa kanya — okay na lang sayo ang magkasala.
Broken si Lord kase di kana nagpipray.
Broken si Lord dahil wala ka ng pakialam sa kanya.
BROKEN SI LORD SAYO.
Alam mo ba ang unang pagkakataon na naranasan ni Lord ang mabroken?
Yun yung unang pagkakataon hinanap niya si Adan at si Eva pero pinagtaguan nila si Lord. Yun yung panahong pinili ng tao ang kasalanan kesa pagsunod.
Yun yung panahong mas pinili ng taong makinig sa ibang tinig kesa tinig ng Diyos.
Oo...


broken si Lord, noon pa!
Masakit sa Diyos na pagmasdan ang mga nilikha niyang walang ibang ginawa kundi ang humakbang papalayo sa kanya.
Kung ikaw nga nasasaktan ka dahil nag-invest ka ng sobrang pag-ibig sa iba pero di naman nasuklian, eh mas lalo pa ang Diyos.
Ibinigay niya lahat — dugo ng sarili niyang anak, ang buhay mismo ng kaisa-isahang anak niya PARA SATIN.
Para sa atin na walang ibang ginawa kundi ang magkasala.
Para sa atin na walang ginawa kundi ang itulak siya palayo.
Para sa atin na walang ibang inisip kundi ang sarili natin.
Broken na broken si Lord ngayon kapatid.
Broken dahil inlove ka sa iba pero hindi sa kanya.
Pero alam mo? Isa sa mga kahanga-hangang attributes ng Diyos?
Mapagpatawad siya.
Mapagmahal siya.
Maunawain siya.
Mahabagin siya.
Mabuti siya.
Alam mo ba? Palagi kang hinahabol ng pag-ibig ng Diyos kahit ibang pag-ibig ang hinahanap mo.
Hinihintay ka parin ng Diyos kahit may iba ng hinihintay ang puso mo.
Ang pag-ibig ng Diyos para sayo? Iba yun. Matindi.
Ctto


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.