2

Bestfriends


Report

“Kate alam mo ba crush ko si John”

Sabi ni Sabrina sa akin. Sabrina is may Bff ever since we we’re elementary. Parang kapatid ko na rin turing sa kanya kasi wala naman din akong kapatid kaya I’m so thankful na nakilala ko si Sab. Our friendship was strong because may rule kami na dapat lahat nang nararamdaman or problema namin is sinasabi namin sa isat isa. No secrets talaga dapat sinasabi namin sa isat isa.

“Sinong John yung tinutukoy mo ba?”
“Si John Deib Montecarlo”
“Kailan mo pa sya nagustohan Sab?”
“Nung may activity sa P.E natin Kate. Grabe ang galing nya talaga nya maglaro ng basketball tsaka humingi pa sya nga tubig sa akin para bang nagpapansin sa akin”

Si John Deib Montecarlo ay schoolmate namin. He was so charming,handsome and cute but may sabi sabi rin na magaling mag salestalk sa mga babae kumbaga magaling mambola.

“Woow ha nung nakaraang buwan pa yung activity na yan ahh bat hindi mo sinabi sa akin?”
“Ehh nahihiya nga ako magsabi sayu ng mga ganitong bagay pero wag kana mag tampo ahh alam ko talagang mag tatampo ka sa akin at tsaka wala nakong nililihim na sayu kasi nasabi ko na”

I was hurt kasi para lang dun nagbago na sya. Kaya pala minsan di na kami sumasabay kumain at umuuwi kasi iniistalk nya pala si John. Akala ko ba no secrets pero sya yung unang naglihim sa amin. Pero ang masakit pa dun yung John na tinutukoy nya is crush ko rin. Ilang weeks ko rin ‘tong hindi sinasabi sa kanya kaya napakali. Gusto ko sanang sabihin sa kanya but naunahan lang talaga akong mag confess sa kanya.

Papalapit na naman yung intrams week namin. Lahat ng tao sa school ay busy kasi yung iba busy sa pag organize ng ibat ibang events. At heto na naman yung mga subject teachers na kapag wala ka sinalihan wala ka ding extra scores.

“Sab ano bang sasalihan mo dyan?” Nakatingin sa bulletin board
“Ewan ko ba dyan Kate. Wala naman din akong special talent pagdating sa sports,arts at iba ba di tulad sayo na marunong gumawa ng poem at magaling mag drawing”

Taon-taon na lang ganyan si Kate sa akin pag paparating na ang intrams week. Lagi na lang nagdadrama na wala daw syang special talent. We we’re both in the 10th grade pero ganyan pa rin sya di pa din nya alam kung ano talent nya pero I believe on her na meron talaga syang talent pero hindi pa nya nadidiscover sa ngayon.

“Eh ano ka ba alam ko sa sarili ko na may special talent ka at hindi mo lang nakikita or nadidiscover baka ngayon na year madiscover muna yan”
“Eh lagi mo naman ako sinasabihan ng ganyan eh pero wala talaga Kate eh di tulad sayo magaling ka sa pag drawing kaya palagi kang pambato sa ating section pag may poster making sa school natin”
“Haayst ayan na naman tayo ehh. Diba mahahanap ko rin yung gusto ko. Chinicheer nga kita ehh trust me makikita mo na yung special talent mo this year. We will find out”
“Sana nga para naman may extra scores ako sa ibang subjects.”

Days passed by at ayun unti-unti ko nang nakikita ang special talent ni Sab at yun ay ang pagagawa ng poetry. She love to read different kinds of poetry. That’s why sinabihan ko sya na what if magsulat sya ng poem or spoken poetry kasi mahilig naman sya magbasa ng poetry kaya ayon sya yung pambato sa section namin sa paparting Spoken Poetry Contest namin.

“Salamat Kate ah kasi minomotivate mo’ko palagi”
“Sooss oks lang yun. Diba parang kapatid na rin kita diba”
“Salamat talagaa na nakilala kita talaga. Supeeeer supportive mo talaga sa akin kahit na nawawalan nako ng gana sa life”
“Diba sabi ko lang sayo na laban lang tas pray lang tayo kay God diba”
“Kaya nga. Kaya nga diba binigyan din ako ng bestfriend na katulad mo”
“Aysos bolera hahaha oh asan naba spoken mo patingin”
“Ah wait kunin ko muna nasa bag ko eh”

Andito kami ni Sab sa paboritong naming tambayan sa likod T.L.E Lab. Pag may paparating na event school namin, dito kami tumatambay para naman mawala yung stress namin saglit.

“Ito na ohh” sabay abot ng isang papel.

Pagkabasa ko pa lang sa title, alam ko na kung sino yung tinutukoy at laman ng paksa nya.

“Hoy Kate titigan mo na lang ba yan? Di mo ba gustong basahin para naman ma icorrect ng kaunti?”
“Ha? Ay sorry ha napa ano ako sa title mo eh”
“Anong na pa ano? Di ba maganda yung title?”
“Ah hindi Sab ang ganda nga ehh. “PAGHANGA”
“Ehh kala ko pa naman hindi maganda”

Masakit para sa akin kasi di ko man lang masabi sa kanya na crush ko rin si John. At ang mas masakit pa nun sya pa ang paksang nilalaman ng poetry ni Kate.

I was scrolling on my facebook newsfeed and there is a friend request pop up on my notification. Tignan ko yun at guess what si John sending me a friend request. I was shock at the same time kinilig rin ako ng kaunti. I immediately accept his friend request and bigla na lang nag message sya sa akin.

John: Hi Kate! Thanks for accepting me πŸ™‚

“Gooossssh!!! Totoo ba toh??”

I was suprise kasi di ko inaakala na mag memessage sya sa’kin at nagpapasalamat na inaccept ko sya. Dali-dali ko naman akong na reply sa kanya.

Kate: Ehh wala yun John πŸ™‚
John: See you sa contest ah πŸ™‚
Kate: Kasali ka rin ba sa Poster Making Contest?
John: Oo kasi yung representative namin last year kasali sa Mr. Intrams eh
Kate: Ah kaya pala. May skill din ka palang tinatago John ah.
John: Hehehe hindi ko naman ko naman hilig na mag drawing sadyang nakita lang ng ibang kaklase ko kaya yun ako yung pinasali πŸ™‚

At humaba nang humaba ang convo namin ni John


Intrams Week na.

First day pa lang ng Intrams at heto na naman ako, nagpreprepare for the contest mamayang hapon. Medyu kinakabahan kasi kasali si John sa contest na yun.

“Kateee goodluuuuck mamaya ahhhh!!!” pasigaw.
“Hoooy Sab napaingay mo talagang babae ka” tinampal sa braso.

Kinakabahan nako kahit wala pa ako sa Science Lab Classroom. Ilang oras na lang masisimula na ang contest namin.

“Hoy Kate! Wag kang kakabahan alam kong mananalo ka dito ikaw pa diba last year top 2 ka diba? Kaya alam kong makakaya mo yan”
“Eh last year pa yun noh panibagong year na’to Sab eh baka ano baka di nako manalo”
“Aysos wag kang ma isip ng ganyan alam mong makakaya mo yan Kate ikaw pa!”

But deep inside kinakabahan ako kasi nandun si John at hindi alam ni Sab na kasali si John dun.

“Magsisimula na ang Poster Making Contest” sigaw ng isang kaklase namin

“Ohh mag handa kana Kate. Goodluck ahh”
“Sge Sab punta nako dun”

At di ko namalayan na nakalimotan ko yung cellphone ko na nasa upuan dahil sa pagmamadali kong punta sa Sci. Lab.

“Halaa naiwan ni Kate yung cellphone nya.”
(Biglang bumukasan ang cellpone)
“Haaaa? Ba’t may convo sila ni John? Anong meron sa kanila? Bat sya naglihim sa akin?”

Kukunin ko na sana yung cellphone ko nang napagtanto kong wala sa bulsa ko kaya nagmamadali akong bumalik sa classroom namin.

“Pataay yung cellphone ko naiwan sa ata sa classroom” kinakabahan.

“Sab? Nakita mo ba…”
“Ano ‘to kate? Anong namamagitan sa inyu ni John? Bat nagkakamustahan kayu araw-araw? May crush ka ba sa kanya?”
“Sab… Sorry if nilihim ko sayo toh kasi ano ehh…”
“Ano Kate? Dahil may crush ka rin kay John? Ano Kate? Anoooo!?”
“Oo Sab may crush ako sa kanya matagal na di ko lang sinasabi sayo kasi naunahan mo’ko mag confess sa feelings ko” naluluha.
“Kaya pala nag take advantage ka din pala kaya pala di mo rin sinabi sa akin! Akala ko ba no secrets ha? Ha?! Eh ikaw lang pala yung may tinatago sa akin eh”
“Tama na Sab! May contest pako pwedi bang wag muna ngayon? Akin na yung phone ko!” Kinuha ang phone kay Sabrina.

Tumakbo ako ng mabilis nang diko namalayan na naluluha na pala ako at nalagpasan ko na rin pala yung...


Sci. Lab. At nakita ako ni John kaya nagmamadali syang lumabas ng Lab.

“Kate anong nangyari ba?”
“Ah wala John. Wala lang toh”
“Ah sge Kate. Halika na magstastart na yung contest”
“Sge”

Last day na ng Intrams namin. At apat na araw ko na ding hindi nakikita at nakakausap si Sab sa school. Nagwoworied nako sa kanya. Gusto ko syang puntahan sa bahay nila but baka magalit rin sya sa akin.

1 week ang nakalipas ay di parin nagpaparamdam sa akin si Sab. Hindi rin sya pumapasok. Alam ko rin na nasaktan ko talaga sya. Sa kabila nun, sa loob ng isang linggo nagkamabutihan kami ni John. Nanaig parin ang feelings ko para kay John. Pero ewan ko lang kasi ang sweet nya sa akin pero wala namang label yung relasyon namin. Pero okay lang sa akin baka siguro nasa stage pa kami nga getting to know each other pa.

Isang gabi nag messages sa akin si Sab. At nabuhayan ako nga loob dahil nagparamdam na sakin si Sab.

Sabrina: Kate alam mo ba na may nililigawan si John na ibang babae?

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ako naniniwala kasi alam kong mahal nya si John kaya gumagawa na naman sya ng kwento or scenario para lang mabuwag kami dalawa ni John.

Kate: Ano ba pinagsasabi mo sakin Sab? Alam kong nasaktan kita . Sorry if nasaktan kita. Sorry talaga. Pero sana wag ka namang gumawa ng kwento para mag away kami ni John.
Sabrina: Hindi ako gumagawa ng kwento Kate. Kita sa mga mata ko na mag dinidate syang ibang babae. Oo alam kong nasaktan ako sa nalaman ko pero wala akong magagawa dun. Pero sana makinig ka naman sa akin kasi kahit nasaktan mo’ko, ayaw ko naman na mas lalo kang masaktan Kate.
Kate: Tama na Sab. Wag ka nang gumawa pa nang kwento. Please pabayaan mo na kami
Sabrina: Pero kate naman sana naman hindi ka mabulag sa pagmamahal nya at sa pride mo rin . Diba alam mo na babaero sya diba. Isa ka lang sa mga babae nya Kate.
Kate: Tama na Sab. Matulog kana gabi na.
Sabrina: Pero Kate…
Kate: *seen*

Hindi ko na nireplyan si Sab. Pero may what if’s na naiisip ko. What if kung totoo yun? What if meron talaga? What if marami kami? Pero sa huli I stay calm kasi may trust ako kay John na hindi sya magloloko sa akin kahit na wala pa kaming label.


Ilang araw ang nakalipas medyu okay okay na ang lahat pwera lang sa amin ni Sab. Pumapasok na sya school pero di nya parin ako pinapansin. Masakit pero baka siguro dun na talaga siguro yung friendship namin. Hindi ko din naman kayang mawala si John sa akin. Okay yung takbo ng relasyon namin ni John kahit wala pang label yun.

Pero isang gabi may nag message sa akin na babae na ang pangalan ay Cristine.

Cristine: Hey bitch! Stop communicating with my Bf huh?! Hindi mo ba alam may jowa na yung tao tapos makikisawsaw kapa? Kaya tigil-tigilan mo sya ha! Baka ma ano pa kita!

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. I was shock. Kaya dali dali kong iniscreenshot yung convo namin at sinend ni John

John: By dont mind that girl. Alam mo naman na maraming girls yung nakakandarapa sa akin pero alam ko sa sarili ko na ikaw lang talaga by. Wag kang magselos ahh or magduda kasi ikaw lang talaga eh. Tas wag mo na yang replyan baka kasi maistress ka lalo yan.
Kate: Ahh sge by.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni John kahit sa kabila nito ay may pagduda pa rin pero I just need to trust him kasi yun lang yung way para maging okay kami.

Ilang araw ang nakalipas parang nagbago ang ihip ng hangin sa walang label na relasyon namin John. Minsan na lang sya nag memessage sa akin. Hindi na rin ako nakakatanggap ng goodmorning at goodnight messages sa kanya. Pero sa kabila nun nanatili pa rin yung trust ko sa kanya na hindi sya magloloko sa akin.

“Kate?”
“Oh Sab bakit?”
“Ayaw mo bang maniwala sa akin sa mga pinagsasabi ko sayu nung nakaraang linggo?”
“Ayan na naman tayo Sab. Eh hindi mo nga ako pinapansin eh sa tatlong linggo na ang nakalipas”
“Sorry if hindi kita pinansin kasi nasasaktan ako sa tuwing magkasama kayu ni John eh tas mas lalong ako masasaktan pag nalaman mong may ibang ….
“Tama na Sab. Lagi na lang ganyan bukambibig mo sa akin.”
“Talaga bang nabulag kana ba sa pagmamahal nya sayo Kate? Mas importante pa sayo yung love kaysa sa friendship natin?”
“Kung sasabihin kong Oo mas uunahin ko yung love kaysa sa friendship natin. Kasi mahal ko si John at mahal nya rin ako. Minsan lang ako magmahal ng ganito at minsan lang rin mangyari ma mahal ka rin ng crush mo”
“So Kate hanggang dito na lang talaga tong pagkakaibigan natin?” Naluluha.
“Ewan ko sayo Sab”

Umalis na ako nga classroom namin kasi ayokong makita ang reaction nya. Habang pababa ako ng hagdan may narinig ako isang pamilyar na boses sa loob ng cr.

“Ano ba John wag dyan nakikiliti ako”
“Eh dito yung gusto ko ehh”
“Ehh nakikiliti ako ehh”

Hindi ako kapagpigil binuksan ko yung pinto sa cr at eksaktong hindi naka lock ang pinto. Bumugad sa akin sila Cristine at John na may ginagawang milagro. Si Cristine ay nakapatong kay John habang si John naman ang naka upo sa kubeta.

“John?!!!”
“Kate?!!!!” Biglang tumayo.
“Kate sandali lang magpapaliwanag ako sayo”
*sinampal*
“Ano bang ipapaliwanag mo sa akin John? Kitang kita ko sa dalawa kong mata kung anong ginagawa nyo? Para nyokong binaboy John. Para nyokong binaboooooy!!!!”

Tumabok ako nang mabilis. Hindi ko na pinansin si John na pilit sinisigaw yung pangalan ko. Ang sakit lang. Ang bilis ng karma ko. Hindi ko na alam saan ako pupunta dahil wala na akong bestfriend. Napaka bobo ko talaga. Bakit ba ako nabulag sa pagmamahal sa kanya? Bakit hindi agad ako naniwala kay Sab sa mga pinagsasabi nya?

Ilang araw akong hindi pumasok. Nag stop nako maki-pag communication kay John at nag deact ano ng facebook account ko para makalimotan ko si John. Nagmokmok lang ako sa aking kwarto buong araw at nakakahalata na si mommy sa akin kasi di na ako kumain.

“Anak may problema ba?”
“Wala po mommy”
“Ehh bakit hindi ka pumapasok? Dalawang araw na.”
“Wala po kasi akong gana mommy eh gusto ko po sanang magpahinga muna sa school works :)”
“Ahh ganun ba anak. Sige sasabihin ko lang yung teacher mo ah na mawawala ka ng 1 week”
“Sge mommy thank you”

Ilang araw ang nakalipas ay nakakaramdam nako ng sigla sa aking katawan. Kaya naman bumaba agad ako sa’king kwarto para mag almusal.

“Mommy anong ulam na…”
“Hi Kate… Musta kana? Miss na kita sa school” naluluha.
“He-hello din Sab. Okay lang naman ako.”
“Anak punta muna kayo sa veranda doon muna kayo mag-usap”

Pumunta ka agad kami ni Sab sa veranda.

“Ahmmm Sab… So-sorry ahh kasi.. kasi hindi ako nakinig sayo πŸ™ sorry talaga na hindi ako nakinig sayo at sorry kasi napagsalitaan kita ng masasakit na salita. Sorry talaga” umiiyak.
“Okay lang yun Kate. Sorry din kasi hindi rin ako nagparamdam sayo kasi na shock lang kasi ako sa pangyayari eh kaya sorry talaga” umiiyak na din.
“Sorry talaga sa lahaat Sab πŸ™ sana maibalik natin yung friendship natin noon”
“Bakit naman hindi Kate? Sa daming nating away sa problema ba yun tayo susuko?” Ngumiti.
“So bestfriend forever pa rin ba tayo?”
“Bestfriend forever pa rin tayo :)”
“Yiiieeeh iloveyou Saaab! Miss talaga kitaaa” yumakap kay Sab.
“Iloveyousomuch Katee! Sa susunod ahh bawal na yung may nililihim ahh”
“Yess po bawal na yun:)”

At sa wakas nabuo ulit yung pakakaibigan namin ni Sab.

Then I’ve realize something na mas mahalaga talaga yung pagkakaibigan kaysa sa pag-ibig kasi yung kaibigan mo is karamay mo lagi sa ano mang problema. Handang makinig at laging andyan para sayo to support you in all things. Kaya wag nyong igigive up yung friendship nyo nang dahil lang sa pagmamahal sa isang tao kasi ang kaibigan karamay mo sa ano mang problema at andyan palagi sayo ano mang oras na kailangan mo sila.


2 Comments

  1. Nakakatuwa yung story at first story na nakita kong maganda yung pagkakasulat! Loving it and it’s a great story! ❀

  2. Ang sweet nmn ng story mo my heart is crying while I’m reading your story ang sweet nyo din sa dulo ng story mo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.